Ang kabayong pandigma ay tumakbo patungo sa dalawang tao. Ang lalaki sa kabayo ay lumundag pababa at nagmamadaling lumapit sa harapan, habang tumatawag, "Heneral!"
"Ano ang nangyayari? Bakit ngayon ka lamang nakabalik? Nasaan ang iba pa? Nakita niyo ba si Lady Yu?"
"Heneral, nakasagupa namin ang mga bandido habang nasa daan. Ang lahat ng ating mga kapatid ay nanakawan!"
"Ano?" Sabay na bulalas nina Chu Qiao at Xue Zhiyuan. Hindi makapaniwalang sinabi ni Chu Qiao na, "Sino ba ang mayabang na iyon? Mayroon kayong 500 katao. Paanong lahat kayo ay nanakawan?"
"Heneral, kahit na madami kaming tauhan, nalamangan pa din nila kami sa dami. Mayroon silang 7,000 katao."
"Kalokohan!" Hiyaw ni Xue Zhiyuan. "Lahat kayo ay naging pabaya, pero isinisisi ninyo sa mga bandido. Mayroon lamang mga kaalyadong tropa sa Yan Bei. Saan nagmula ang 7,000 bandidong sinasabi ninyo? Naghuhugas-kamay lamang kayo sa responsibilidad!"
Napakunot-noo ang sundalo at masungit na sumagot, "Heneral Xue, kahit na hindi kami talentado, sumunod kami sa Kamahalan sa maraming digmaan. Kahit na mamatay kami, hindi kami sisimangot. Kung ang sinabi ko ngayon ay purong kasinungalingan, makatagpo na sana ako ng karumal-dumal na kamatayan!"
Bumuntung-hininga ng malalim si Chu Qiao at nagtanong sa mababang tinig, "Kumusta na ang mga tauhan natin ngayon? May mga kahilingan ba ang mga bandido? May pinatay ba sila na kahit isa sa atin?"
Biglang nabuhayan ang sundalo at sumagot, "Hindi, wala ni isa sa amin ang namatay. Tinambangan nila kami ng may kakaunting sugatan. Marahas sila sa simula, binabantaan kami na tulungan silang ipahatid ang isang mensahe. Matapos nito, nang marinig nila na pinamumunuan mo kami, nagbago ang kanilang ugali sa amin."
Natigilan si Chu Qiao. "Ano?"
"Heneral, hindi nila alam kung sino kami. Binihag nila kami para lamang ipasa ang mensahe na gusto ka nilang makita."
"Gusto nila akong makita?"
"Opo."
Napakunut-noo si Chu Qiao at nagtanong, "Sino ang kanilang pinuno?"
"Ang lalaki ay nasa 30-taong-gulang. Matapang at matipuno siya. Hindi siya ordinaryong bandido pero mukha siyang sanay na sundalo. Ang kanilang hukbo ay organisado, at mahusay sila sa paisa-isang pakikipaglaban. Sila ay may magagandang armas, pero hindi sila nakasuot ng unipormeng pangmilitar. Ayaw nilang sabihin ang kanilang katauhan, ang tanging sagot nila ay wala silang masamang intensiyon. Basta daw katagpuin mo sila, malalaman mo na kung sino sila."
Napakunut-noo muli si Chu Qiao at matagal na nag-isip, bago sinabi, "Ipaghanda ninyo ako ng kabayo. Pupunta tayo at kakatagpuin sila."
"Nababaliw ka na!" Sabi ni Xue Zhiyuan, hinahatak ang kanyang kamay. Kahit na nagtatalo silang dalawa, magkakampi pa din sila sa iisang partido. Ang sinabi ng lalaki ay, "Ayaw mo na bang mabuhay pa, at aalis ka sa siyudad na ito sa ganitong panahon?"
Tiningnan siya ni Chu Qiao at masungit na sumagot, "Ang mga tauhan ko ay nasa kamay ng mga kaaway."
"Ano naman ngayon? Masasagip mo ba silang lahat ng mag-isa?"
"Huwag mong sabihin sa akin na gusto mo akong bigyan ng ilang tauhan? Hindi ko kailangan ng maraming tao, kailangan ko lamang ng 5,000."
Hindi makapagsalita si Xue Zhiyuan. Isa lamang siyang pambungad na komandante. Intensiyon ni Cao Mengtong na ireserba ang pwersa ng Ikalawang Hukbo. Hindi niya magagawang pakilusin ang kahit na 500 sundalo, lalo na ang 5,000.
Nang-aasar na umismid si Chu Qiao at sumakay sa kanyang kabayo, sumunod sa likuran ng sundalo. "Giddiyup!" Ang pandigmang kabayo ay itinaas na ang mga paa nito at tumakbo palabas ng siyudad.
Itinaas ni Xue Zhiyuan ang kanyang mga kilay. Mabuti na lamang, isa pang sundalo ang papunta sa kanyang daanan habang iginigiya ang isang kabayo. Inagaw niya ang kabayo at nagmamadaling sumunod kay Chu Qiao.
Ang hanging nagmumula sa hilaga ay malakas. Ang niyebe ay mabigat ang pagbagsak, na siyang dahilan para ang lahat ng makikita ay natatabingan ng puting tabing. Imposible na malaman kung saan ang tamang direksiyon. Gayunpaman, sa malamig na gabing ito, isang mahabang pila ng mga tao ang kumikilos sa niyebe. Binubugahan sila ng hangin sa kanilang mga mukha, na nagpapahirap sa kanilang imulat ang kanilang mga mata, pero ang kanilang determinasyon ay hindi natitinag. Ang mga sibilyan ng Yan Bei, matapos matanggap ang hudyat mula sa Ikalawang Hukbo na magsundalo para ipagtanggol ang kanilang lupain, ay inarmasan ang kanilang sarili ng mga kutsilyo, ang kanilang pinakamalalakas na kabayo at nagtungo sa siyudad ng Beishuo. Intensiyon nilang ipaglaban ang Da Tong, kung saan nakikita na nila ang kanilang pangarap.
Matatag ang tribong ito. Ang mga taong nakatira dito ay bihasa sa pangangabayo mula ng pagkabata. Kapag may karagdagang pagsasanay, siguradong magiging isa silang mahusay na hukbo. Gayunpaman, habang tinitingnan ang mga taong ito na puno ng tiwala, handang tagalan ang marahas na panahon, at kumakanta pa, ay napuno siya ng kalungkutan. Gusto niyang pigilan ang mga ito, pero nakatanggap lamang siya ng mga nanghahamak na tingin. Habang nakikita ng ilan sa kanila na silang tatlo ay patungo sa kanluran, dumura ang mga ito sa kanila habang pinagagalitan sila na, "Mga duwag!"
"Heneral, tayo na," ang sundalong iniwan ni Yan Xun ay bumalik at nagmamadaling nagsalita.
Sa sandaling ito, itinaas ni Chu Qiao ang kaniyang mga kilay at pinigilan ang renda ng mga kabayo. Tumigil ang sundalo matapos ang 20 hakbang, bumalik at nagtanong, "Heneral, ano ang problema?"
Kumunot ang noo ni Chu Qiao at nakinig ng maigi. Bumalik siya at sinabi kay Xie Zhiyuan, na nasa kanyang tabi ang, "Naririnig mo ba iyon?"
Boom! Boom! Boom! Isang malakulog na tunog ang paparating mula sa kalayuan, lalong lumalakas habang ito ay lumalapit. Ang tunog ay dumadagundong mula sa lupa, paakyat sa kanilang mga likuran. Itinaas ni Xue Zhiyuan ang kanyang mga kilay at tumalon pababa ng kanyang kabayo. Umakyat sa isang dalisdis ang batang heneral at tumingin sa malayo. Sa sandaling iyon, nanigas siya, habang nakatitig sa kanluran at hindi nangangahas na kumilos. Ang ilang sibilyan na narinig ang tunog ay umakyat din at tumayo sa kapatagang puno ng niyebe.
Katahimikan, isang nakakabinging katahimikan. May isang lumingon at tumingin sa paligid, itinaas ang kanyang kamay, tumuro sa kanluran, at nagtanong, "Isa ba iyong hukbo? Sa atin ba ang hukbong iyon?"
Ang malalakas na tunog ng mga paa ng kabayo ang pumailanlang mula sa kanluran. Isang itim na anino, na hugis ng isang linya, ang nagpakita sa kagiliran. Libo ng mga sundalo ang lumitaw, patungo sa kanilang direksiyon mula sa kabundukan ng Luori!
"Tumakbo na kayo!" Isang boses ng binibini ang umalingawngaw.
Ang lahat ay nagitla, at lumingon para makita ang isang binibining nakaupo sa kanyang kabayo, na nakasuot ng baluti. Mayroon siyang espada sa kanyang kamay, nakaturo tungo sa kanluran at sumigaw, "Ito ay ang hukbo mula sa Xia! Tumakbo na kayo! Mabilis! Patungo sa Beishuo!" Kaguluhan ang pumailanlang sa mga tao, pero mayroong agad na nagtanong, "Bakit magkakaroon ng mga tropa ng Xia sa pinakamalaking teritoryo ng Yan Bei?"
"Tama iyon," may isang taong sumagot. "Lahat sila ay nasa labas ng Beishuo Pass!"
Gayunpaman, huli na ang lahat. Ang kanilang paraan ng pangangabayo, ang kanilang paraan ng pakikipaglaban gamit ang espada… Ito ay patunay na sila ay ang sinanay na tropa ng hangganan mula sa Xia.
Namutla ang mukha ni Chu Qiao. Ang kanyang palad, na siyang gamit niya sa paghawak ng kanyang espada, ay pinagpawisan. Sino ang mga taong ito? Paano nila nagawa na pasukin ang Beishuo Pass at lumitaw sa pinakasiyudad ng Yan Bei? Walang sapat na hukbo dito. Kapag naglaban sila sa pinakalooban ng Yan Bei, ano ang mga magiging kahihinatnan nito?
Sa sandaling iyon, maraming kaisipan ang lumitaw sa kanyang isipan. Itinaas ni Chu Qiao ang kanyang espada at malakas na bumulalas, "Ako si Chu Qiao, isang nakakatandang heneral mula sa Departamento ng Estratehiyang Militar ng Yan Bei. Makinig ang lahat sa aking mga utos!" Ang malalakas na hangin ay nilunod ang kanyang boses. Libo ng mga sundalo ang mabilis na tumungo sa kanyang direksiyon sa isang nakakatakot na paraan!
"Paano ito naging posible?"
Iyak ng mga paghihirap ang biglang sumabog mula sa mga tao. Ang mga lalaki ng Yan Bei na sumagot sa pagtawag ng kanilang bansa, ay biglang nataranta habang sinusugod sila ng mga kaaway nila.
"Takbo!"
Masyado nang huli para tumakbo pa. Ang mga tumakbo ay mamamatay. Umikot si Chu Qiao at sumigaw, "Huwag na kayong tumakas! Pigilan sila!"
Walang nagbigay ng atensiyon sa kanyang sinabi. Ang sundalo na sumusunod sa kanya ay humahangos na lumapit, kinukuha ang renda ng kanyang kabayo. "Heneral, tumakas ka na!"
"Sabihan ninyo ang pinakakampo ng Beishuo agad-agad!"
"Heneral! Nauubos na ang oras!"
Ang sigaw na patayin ang mga kaaway ay umalingawngaw mula sa kalabang hukbo. Ito ang walang dudang hiyaw ng pinakamalaking tropa ng Xia. Ang magugulong tunog ng mga paa ng mga kabayo ay nakahabol na sa mga sibilyan na tumatakas para mabuhay. Ang mga tropa ay iniwasiwas ang kanilang mga sandata at nilaslas ang mga sibilyan ng Yan Bei, na dahilan para kumalat ang dugo kahit saan. Ang ulo ng mga tao ay napugot mula sa kanilang mga katawan at lumipad sa ere, at namantsahan ang lupa!
Ang mga kabayo ng kalaban ay mabilis, at nagtataglay sila ng mahusay na kakayahan sa pakikipag-espadahan. Ang mga sibilyan ng Yan Bei ay hindi alam at hindi marunong kung paano gaganti. Ang kanilang hiyaw ng pighati ay nalunod na ng yabag ng mga kabayo. Natumba sila sa kanilang mga kabayo, at nasagasaan ng mga kabayo ng kalabang sundalo.
Nabigla si Chu Qiao sa biglaang pag-atake. Habang kinakaharap ang direktang pag-atake, wala siyang kapangyarihan para kontrolin ang sitwasyon. Isang binata ang nagmamadaling pumunta sa harapan ng nakakabayo. Isang kalaban ang agad na nakahabol dito, ang winakwak ang leeg nito at naging dahilan para matapunan ng dugo ang kapa ni Chu Qiao. Sinaksak niya sa dibdib ang sundalo ng Xia, na naging dahilan para dumanak na muli ang dugo.
"Xue Zhiyuan! Bumalik ka at sabihan ang pinaka kampo agad!"
Ang hukbo ay halos 1,000 malakas. Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng uniporme ng militar na kabilang sa imperyo ng Xia. Hinabol nila ang papatakas na mga sibilyan, pinabayaan ang katotohanan na may ilang mga sundalo ang kayang makipaglaban. Napapalibutan si Xue Zhiyuan ng tatlong sundalo ng Xia. Madaling lumapit si Chu Qiao hawak ang espada niya, tinutulungan siya sa mahigpit na sitwasyon. Sumigaw siya dito, "Takbo!"
"Isang babae na nagtatanggol sa akin? Hindi ko kayang sikmurain ito!" Si Xue Zhiyuan ay isang magaling na beterano. Gamit ang kanyang bilis, nagawa niyang maputol agad ang ulo ng isang sundalo ng Xia.
Napasimangot si Chu Qiao at tinapon sa lupa ang manto niya tapos ay sumigaw, "Nakakasuklam! Pinapatay ang mga sibilyan! Dapat kayong mamatay!" Tinapos ang kanyang salita, mataas niyang itinaas ang kanyang espada at tumakbo tungo sa hukbo ng Xia.
"Heneral!" Ang sundalo, na napanood ang kakatapos na pangyayari, ay nagmamadaling humabol kay Chu Qiao. Silang dalawa ay sumugod patungo sa hukbo ng higit sa 1,000 sundalo. Maaaring nakakatawa ang hitsurang ito, pero walang tumawa. Ang mga sundalo ay agad na napagtanto ang presensiya ni Chu Qiao. Matapos makita ang kanyang suot, may sumigaw, "May opisyal dito!" Sa sandaling iyon, pinalibutan siya ng tropa ng Xia. Kumpara sa mga sibilyan, ang isang opisyal ng hukbo mula sa Yan Bei ay mas mahalaga.
Nagulat si Xue Zhiyuan. Nang makita ang mga sundalo na pumalibot sa kanya ay bumabaling ang atensiyon kay Chu Qiao, nakaramdam siya ng mabilis na pagdaloy ng mainit na dugo sa kanyang dibdib. Alam niyang kumukuha ng oras si Chu Qiao para makatakas siya, hindi para sa pagkakaibigan, kundi para sa kaligtasan ng mga milyong sibilyan sa Siyudad ng Beishuo!
Sa malakas na hangin na mula sa hilaga, ang mga mata niya ay namula. Nagpakawala siya ng malakas na sigaw, bago nagmamadaling tumakas pabalik sa Siyudad ng Beishuo sakay ng kanyang kabayo.
Gayunpaman, masyado siyang tumakbo ng mabilis. Kung naghintay siya ng isa pang segundo, mapapansin niya ang isang kakaibang tanawin. Ang kapalaran ay talagang kakaiba. Isa pang itim na anino, na nakahugis ng isang linya, ang lumitaw sa kaparehong kagiliran. Ang lupa ay yumayanig; ang hangin ay umuungol. Isang masidhing nakakamatay na awra ang nananatili sa hangin, binabalot ang bawat pulgada ng mga kapatagang napupuno ng niyebe. Sa maputlang liwanag ng buwan, ang hukbong nakasuot ng simpleng pananamit ay mahigpit na sumalakay patungo sa lugar ng digmaan!