Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 156 - Chapter 156

Chapter 156 - Chapter 156

"Saang hukbo kayo nagmula? Iulat ninyo ang inyong katauhan at ang pangalan ng inyong heneral!" Isang malakas na tinig ang tumagos sa malakas na hangin, umaalingawngaw sa pandinig ng lahat. Sa patayan na iyon, nilaslas ni Chu Qiao ang isang sundalo ng Xia bago niya itinaas ang kanyang ulo. Ang boses na iyon ay talagang napakapamilyar.

Ang paparating na hukbo ay humigit-kumulang na 5,000 ng matitipuno, at sa pagsusuri ng kanilang hanay, malalaman ng isa na sila ay mahusay ang pagkakasanay. Ang mga sundalo ng Xia ay walang pagpipilian kundi itigil ang kanilang pagpatay sa mga sibilyan at gumanti. Isang opisyal ang gumanti ng sigaw, "Kami ang Garrison ng Xia sa Yan Bei Area 18, 21st Detachment. Sino ka?"

Sila ang Garrison ng Xia na nasa loob ng Yan Bei? Sa sandaling iyon, agad na naintindihan ni Chu Qiao ang lahat. Ang pagiging malaya ng Yan Bei ay isang bagay na naipahayag ng isang magdamag. Sa loob lamang ng kalahating buwan, ang mga orihinal na garrison ay nawasak na mula sa loob ng teritoryo ng Yan Bei. Gayunpaman, dahil sa maikling panahon ng kalayaan, at kung ikokonsidera kung paano nagawa ng imperyo ng Xia na bumuo ng mga hukbo para sakupin ang Yan Bei, wala na silang panahon para hanapin at wasakin ang natitira pang mga sundalo sa mga hangganan. At dahil dito, mayroon pa ding maliliit na grupo ng natitirang hukbo ng Xia sa loob ng mga hangganan na ito.

Ang mga lalaking ito ay marahil ang Hukbo ng Xia na nakaligtas noong rebelyon pero hindi pa natutugis. Nang marinig nila ang pagsakop ng Xia, nagsama-sama sila sa pag-asa na matulungan ang mga mananakop. Pero habang nasa daan ay nakasalubong nila ang mga sibilyan na rumeresponde sa utos magsundalo. Para mapigilan ang mga puwersa ng Yan Bei na malaman ang kanilang pagkabuo, nagsimula silang pumaslang ng walang awa. Dahil ang mga pinagmulan ng mga taong ito ay kilala na, paano naman ang paparating na grupo ng mga tao?

Nang marinig kung paano iniulat ng tropa ng Xia ang kanilang pinagmulan, ang paparating na pwersa ay natahimik. Dahil sa malakas na hangin sa kanilang pagitan, ang niyebe na nasa lupa ay hinangin pataas sa ere, na lumikha ng ilusyon na bumabagsak muli ang nyebe.

"Sugod!" Isang malakas at maliwanag na senyales ay hinipan ng tambuli ng militar. Ito ang tawag ng tambuli na kapareho ng ginagamit sa militar ng Xia. Ito ay eksaktong katulad ng ginagamit ng tropa ng Xia ngayon. Pero, habang inilalabas ang makinang nilang mga espada, ang hindi kilalang pwersa ay walang ipinakita maliban sa galit. Nataranta ang mga sundalo ng imperyo ng Xia. Ang pinuno ay nagmamadaling lumapit at sumigaw, "Kami ang imperyal na pwersa na nakatalaga sa Yan Bei! Sino kayo? Kayo ba ay mga imperyal na pwersa din? Pakiusap itigil ninyo ang inyong pag-atake! Pakiusap tumigil na kayo!"

At sa isang whoosh, isang malakas na palaso ang lumipad, na tumusok sa dibdib ng lalaking iyon. Nahulog siya sa lupa ng may kasamang bakas ng pulang dugo na lumipad tungo sa langit.

"Suporta! Suporta!" Ang tropa ng Xia ay nakabawi at mabilis na binago ang kanilang hanay para palakasin ang kanilang sarili laban sa paparating na pagsugod. Pero huli na ang lahat. Sa maiksing distansiya na ito, sa ilalim ng malakas na pagsugod, at sa malaking kaibahan ng lakas, ang tropa ng Xia ay lubos na nalugmok sa pagkatalo. Ang ganti ay dumating ng mabilis at malakas, at ang patayan kanina ay muling nagbalik, ngunit ang biktima ay nagbago na. Ang tunog ng mga talim na nagbabanggaan ay umaalingawngaw sa buong lugar ng sagupaan. Kahit na ang sumusugod ay nakadamit ng lahat ng uri ng damit, ang kanilang husay sa espada ay kahanga-hanga. Handa, halatang sanay, at mahusay ang pagkakasanay, ang bawat unday ng espada ay nakatuon sa mga importanteng parte ng kanilang kaaway.

Sa bawat pag-ulan ng mga paghiwa, nahulog na tila mga dahon ang tropa ng Xia sa malakas na pagsalakay. Sa loob lamang ng ilang minuto, nahati sila sa maliliit na grupo ng walang kahit anong kaayusan o hanay na natitira.

Lalong lumalakas ang hangin at humahampas sa balat ng lahat na tila mga talim. Sa ilalim ng takip ng kadiliman, nagsisimula na namang bumagsak ang niyebe, habang ang may kaunting kaguluhang pwersa na umaatake ay pinagpipiraso ang mga natitirang hukbo ng Xia. Ang tunog ng pakikipaglaban ay maririnig kahit saan. Sa kapatagang puno ng niyebe na wala pang 50 milya ang layo mula sa siyudad ng Beishuo, ay nagaganap ang matinding labanang ito.

"Nag-uulat po!" Sabi ng isang sundalo. Sa isang maliit na tolda na mabilisang itinayo, isang heneral ang pabalik-balik na naglalakad, na tila ba may hinihintay siyang tao.

Ang mensahero ay pumasok at malakas na ipinaalam, "Nag-uulat po. May isang kaaway na sumuko at gusto kayong makita."

Ang lalaki ay bata pa at may kakisigan. Mayroon siyang mahahabang mga mata, at manipis ang kanyang mga labi. Sa isang sulyap lamang, masasabi mo na isa siyang matapang na lalaki na hindi mag-aalinlangan, kahit na nasa panganib. Pero, ang lalaking ito ay mukhang naiirita. Sumimangot siya. "Isang bihag na Xia? Ano ba ang bagay na mayroon siya? Bumalik na ba ang sundalo ng Yan Bei?"

"Hindi pa, Master. At sa bihag naman na iyon, ayaw niyang magsalita ng kahit ano maliban sa mariing kahilingan na makita ka, Master."

Kaswal na ikinaway ng pinuno ang kanyang kamay. "Dalhin siya dito."

Habang pumasok si Chu Qiao sa tolda, nakita niya na ang Heneral ay nakikipag-usap sa ilang sundalo ng Yan Bei na nauna nang nabihag nito. "Kumusta ang Binibini? Malusog pa din ba siya?"

"Malusog naman siya, kaso ay hindi naman masasabi sa kanyang swerte. Sa isang aksidente, nabihag siya."

At dahil doon, ang malaking pigura ng lalaki ay nanginig, at mabilis niyang ipinaling ang kanyang ulo ng buong lakas. Ang lalaki na halos 30 na ay hindi makapagsalita habang nagmamadali itong tumakbo, ang bibig niya ay naiwang nakanganga, at hindi makabuo ng kahit anong pangungusap.

"Xiao He, ipinatawag mo ba ako dito para lamang tumayo kasama mo ng ilang sandali?

"Binibini! Paano nangyari na ikaw iyon?" Ang mukha ni Xiao He ay puno ng dumi, pero hindi nito maitago ang kasiyahan.

Habang inaalis ang kanyang pandong, ngumiti si Chu Qiao. "May mga katanungan din ako para sa iyo. Ano ang nangyari sa iyo? Bakit ka tumigil bilang isang sundalo, at dinala ang mga tauhan mo para maging mga bandido? Kung hindi ko ito nakita, hindi ako maniniwala."

"Binibini, kung wala ka, paano kami makakabalik ng may matiwasay na pag-iisip?" Bumuntung-hininga si Xiao He. Alam ni Chu Qiao ang isyu tungkol kay Yan Xun na inabandona ang Southwest Emissary Garrison sa syudad ng Zhen Huang ay patuloy na gumugulo sa lalaking ito. Hindi naman niya ito alintana. Habang tinatapik ang likuran nito, binigyan niya ito ng katiyakan, "Ngayon, nakabalik na ako. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Oo, sigurado. Kung hindi ay hindi namin pipiliin ang paraang ito para mahanap ka. Hindi kami nangahas na lumapit sa Siyudad ng Beishuo dahil natatakot kaming makagawa ng hindi pagkakaunawaan. Ito lamang ang magagawa kong paraan para makita ka, Binibini. Pakiusap patawarin mo kami," magalang na paliwanag ni Xiao He.

Tumawa si Chu Qiao. "Xiao He, kailan ka pa naging pormal sa akin? Dati na tayong magkasama na lumalaban sa mga makikipot na hukay. Ang pagbalik mo ngayon ay isang bagay na ipagpapasalamat ko."

Masayang tumawa si Xiao He. "Kung iyon ang kaso, Binibini, hindi mo na kailangang magpasalamat sa amin."

Iniunat ni Chu Qiao ang kanyang kamay at nakipagtapikan ng kamao kay Xiao He, habang pareho silang nakangiti sa masayang pagkikitang ito.

Pagsapit ng hatinggabi, sa ilalim ng pamumuno ni Chu Qiao, ang hukbo na binubuo ng buong light cavalry ay umalis na mula sa kapatagang puno ng niyebe patungo sa siyudad ng Beishuo, papunta sa lugar na hindi magtatagal ay magiging lugar ng digmaan. Pagsapit ng ika-siyam ng gabi, ang tarangkahan ng siyudad ng Beishuo ay biglang napuno ng tunog ng tambol ng digmaan, habang ang buong silid ng pinagpupulungan ay natahimik. Ang mga opisyal ng lahat ng hukbo ay hindi makapagsalita. Iniulat ng mga tagapagmanman nila na ang hukbo ng Xia ay dumating na at hindi magtatagal ay susugod na sa Beishuo. Isang lalaking nasa katanghalian ang gulang na katataas lamang ng ranggo mula sa pagiging magsasaka ay nagsasabi na nakita ang mga kalaban na may 20 magkakatulong na watawat, kasama ang hindi mabilang na heavy infantry. Ang kanilang mga sulo ay umaabot ng higit sa sampung milya, at ang kanilang mga pangunahing hanay ay kanila nang makikita sa harap ng tarangkahan ng kanilang siyudad, ang mga karagdagang kawal na nakasunod sampung milya sa Kapatagan ng Huolei. Kung nandoon si Chu Qiao, agad niyang makikita ang hindi pagkakatugma sa mga impormasyong ito. Kung nandito si Xue Zhiyuan, matapang niyang ituturo ang mga kasinungalingan sa impormasyong ito. Pero sa kasamaaang-palad, pareho silang wala. Hinimas ni Cao Mengtong ang kaniyang baba habang tinitingnan niya si Xia An gamit ang gilid ng kanyang mga mata, at nagtanong, "Heneral Xia, ano sa tingin mo?"

Kahit na kalahati sa kanyang mga mata ang nakasara, ang hitsura ni Xia An ay tila may pagkabaliw. Bumulong siya, "Heneral, napakatalino mo. Ang kahilingan mo ay ang kahilingan ko. Handa akong sumunod sa likuran mo at sundin ang mga utos mo."

Pumintig ang mga mata ni Cao Mengtong habang bumubulong siya, "Ang tusong matandang ito" bago ngumisi. Sa wakas ay nandito na sila. Mas mainam iyon!

Hindi na bata si Cao Mengtong. Kung pagbabatayan ang kanyang abilidad at katauhan ng kanyang pamilya, ang kanyang posisyon ng pagiging heneral ay hindi lamang dahil sa pagkakataon. Ang mga nakakakilala sa kaniya ay malalaman na sa mga nakaraang sampung taon, siya lamang ang nag-iisang heneral na hindi pa natatalo sa Yan Bei Highlands, at sa kasaysayan ng kanyang serbisyo ng higit sa isang daang digmaan, hindi pa siya nakakalasap ng pagkatalo. Pero ang hindi pagkatalo ay magkaiba mula sa pagiging matagumpay. Sa kabaliktaran, ang kanilang mga tagumpay ay kakaunti at bibihira. Sa mga salita ni Binibining Yu, ang ikalawang hukbo ay ang pinakamahusay sa makatarungang istratehiyang relokasyon. Habang ang kanilang buong buhay ay umiikot sa ganitong konsepto, magiging isang malaking biro na utusan silang makipagsagupaan ng harapan sa mga kalaban. Ang mahusay na Marshal Cao ay gustong panatilihin ang esensya ng hukbo ng Yan Bei.

Kung ito pa din ang nakaraan, at si Cao Mengtong ang naatasang bantayan ang siyudad ng Beishuo mula sa pagsakop ng Xia ng may higit na isang milyong matitipuno, marahil ay matagal nang sinimulang tumakas ni Cao Mengtong. Pero sa ngayon ay hindi na niya ito magagawa. Walang gustong dalhin ang reputasyon ng pagiging pinuno ng pagtakas sa buong buhay niya. Sa nakaraan, ang hukbo ng Yan Bei ay isang grupo ng mga pulubi, dahil wala silang lakas o kayamanan. Pero ngayon, dahil sa ginastusan ni Yan Xun, ang hukbo ay nabigyan ng matataas na kalidad ng armas at malalakas na baluti, kasama na ang mga halos hindi mabilang na kabayo at halos isang milyong sundalo. Idagdag pa dito, ang babae na palaging sumusunod sa likuran ni Yan Xun ay may ginawang mga bagay na maaaring gamitin sa pagdepensa ng kastilyo. Kahit na hindi niya alam kung paano gamitin ang marami doon, iyong mga natutunan na niyang gamitin ay makapangyarihan na. Sa ilalim ng pagtuturo ni Chu Qiao, napalakas ang kastilyo, at ang kapaliguran ay puno ng yelo. Tunay na isa itong hundu maigugupong tanggulan.

Ang biglang paglusob na ito ng hukbo ng Xia ay iiwanan silang bukas sa lugar ng digmaan. Dahil nagpunta pa sila ng ilang libong milya papunta rito, ang tanging kailangang gawin ni Heneral Cao ay maghintay at umani ng nakakamanghang tagumpay. Gamit ang isang milyong tropa, pinalakas na depensa, matitibay na armas, at sapat na suplay, ano pa ba ang magiging resulta ng digmaan maliban sa tagumpay? Ang dugo ni Cao Mengtong ay nagsimulang kumulo. Gamit ang tagumpay na ito, ang reputasyon niya sa Yan Bei ay magiging kagila-gilalas. Ang maiingay na matatandang lalaki sa Da Tong ay yuyuko sa kanya, at ang maliit na batang si Yan Xun ay hindi na mangangahas na magkumento ng kahit ano tungkol sa kanya. Habang pinalakas ng labanang ito ang gobyerno ng Yan Bei, mauupos naman ang imperyo ng Xia. Sa katapusan ng labanang ito, kahit na ang sakupin ang Imperyo ng Xia at paglusob sa Siyudad ng Zhen Huang ay hindi na magiging pangarap na lamang. Ang isiping inuulit nila ang mga pangyayari 300 daang taon na ang nakakalipas ng ang Pamilya Peiluo ay nasakop ang Hongchuan at iginuhit ang mga mapa para makagawa ng kanilang sariling imperyo ay lumitaw sa kanyang isipan. Para sa kanya, ang isang karaniwang sibilyan na narating ang pinakarurok ng tagumpay at kapangyarihan, ay isang nakakamanghang kinabukasan. Ang labanan ng Beishuo ang magiging unang hakbang niya para tumaas!

Nasabik si Chao Mengtong sa mga kaisipang iyon, habang ang kanyang mga mata ay namula at ang kanyang mga ugat ay naglakihan sa kanyang mga sentido. Sa wakas, tumayo siya, at habang kaharap ang dosena ng mga heneral ng Yan Bei, ay seryoso niyang ipinahayag na, "Ang Imperyo ng Xia ay naging makasarili at malupit sa kanilang pamumuno. Ang labanan ng Beishuo na ito ay ang magiging banal na pakikidigma bilang pagtatanggol sa Yan Bei. Ang kaligtasan ng Yan Bei ay nakasalalay sa nag-iisang labanan na ito. Ang labanang ito ay hindi na maiiwasan. Sumasamo ako sa lahat nang naririto na ibigay ninyo sa akin ang inyong pagtulong!"

"Lalaban tayo para sa kalayaan!" Ang sigaw na ito ay sabay-sabay na umalingawngaw sa silid ng pagpupulong. Nang bumaling ang mga guwardiya sa pintuan para makita kung ano ang nangyayari, ang tangi nilang nakikita ay mga kamao na sumusuntok sa hangin! Makita ang mga kamao ng Beishuo na sa wakas ay binuksan ang mga kurtina sa panimulang eksena!

Ang hudyat na nagpapahiwatig na ang digmaan ay napapalapit na ay kumalat na sa buong siyudad ng Beishuo. Ang tunog ng mga tambol ng digmaan ay umaalingawngaw sa buong kampo. Sa sandaling ito, ang bise-heneral ng mga pangunahing sundalo ng Ikalawang hukbo, si Xue Zhiyan ay sumugod sa tarangkahan ng siyudad at nag-ulat tungkol sa ilang libong malalakas ng hukbo ng XIa na nagtatago sa labas ng tarangkahan ng siyudad. Dahil doon, ang buong tarangkahan sa kanluran ay isinara na ng tuluyan, para maiwasan ang kung sinuman sa pagpasok. Si Xue Zhiyuan ay may grabeng pinsala at nawalan ng malay matapos maipaliwanag ang sitwasyon. Matapos ang kanyang pagdating, ang maraming bilang ng mga sibilyan na nakatakas sa patayan ay dumating. Kahit na ang kanilang pagtawag na sinasagot nila ang conscription order, ang mabibigat na tarangkahan ay hindi na nagbubukas para sa kanila.

Related Books

Popular novel hashtag