Ilang taon pa ba ang hihintayin niya para mangyari iyon? Marahan siyang umiling, ayaw na isipin pa ang bagay na ito. Nilagyan niya ng babasahin pa na tatak ang dokumento at isinantabi sila.
Napasimangot si Aunt Yun. Gusto niyang magsalita pero hindi niya ginawa. Ang prinsesa ay nagbigay ng pansin sa lahat ng pangyayari sa Yan Bei nitong mga taon na ito, lalo na ang mga bagay matapos ang kanilang kalayaan. Binago ng imperyo ng Song ang kanilang tayo, malaki ang ipinagsapalaran na idamay ang sarili sa salungatan. Inisip niya na ang prinsesa, sa kanyang karunungan, ay may sariling intensyon sa likod ng kayang mga galaw. Hindi niya kailanman maiintindihan ang prinsesa. Sa paglalarawan ng hindi mabilang na mamamayan ng Song, ang Prinsesa ay tulad ng bituing kumikinang sa langit, na may hindi kapani-paniwalang taglay na karunungan.
Naglakad si Nalan sa harap ng bintana at tinaas ang kurtina. Ang patak ng ulan ay bumabagsak sa mga saging, na gumagawa ng tumitilamsik na tunog. Ang lawa ng lotus ay tanaw sa malayo. Paminsan-minsan, ang ilang isdang koi ay tumatalon sa taas ng tubig, pinakikita ang kanilang puting mga tiyan. Nakaramdam ng panlalamig sa loob si Nalan. Matagal siyang nakatayo doon. Ang kanyang mga tagasilbi ay nagsialisan na. Inayos ni Aunt Yun ang kama at humakbang palabas ng kuwarto. Sa iglap na iyon, ang buong mundo ay tila tumahimik, ang natitirang tunog lamang ay pagpatak ng mga ulan at mga humuhuning palaka. Bigla siyang nagbalik-tanaw sa mga kaganapan maraming taon ang nakakalipas. Siya ay isang maliit na bata lang na nakatayo sa ilalim ng puno ng saging habang umuulan. Ang binata ay tulad ng sa bituin. Ang kanilang mga palad ay nag-apir...
Ang alyansa sa pagitan ng nagsumpaang magkapatid ay walang hanggan.
Nang taon na iyon, buhay pa ang ama niya. Ang myembro ng royal na pamilya ay mahalaga sa kanya. Pinadala niya ang pinakamamahal niyang anak na babae sa Xia, kasama ang kapatid niya, ang Hari ng Anling. Ikinubli siya ng ama niya bilang si Xuan Mo, ang batang anak na lalaki ng hari ng Anling. Nakasalubong nila ang prinsipe ng Yan Bei, na bilanggong prinsipe sa Zhen Huang noon. Sa loob ng isang buwan na nagkasalamuha sila, nagkasundo sila at naging magkapatid sa pangako. Simula noon, sinusulatan nila ang isa't-isa, ang kanilang mga sulat ay naglalakbay sa pagitan ng hilaga at timog. Nagpatuloy ito ng maraming taon.
Dati, kakaiba ang karakter niya. Masigla at gwapo si Yan Xun. Ang mga anak ng pamilya Muhe ay palalo, mapaglaro at arogante, ngunit walang masamang intensyon. Malaki na si Zhuge Huai, habang si Zhuge Yue ay hindi nakikipagkapwa at mahirap makasalamuha. Kahit na arogante si Zhao Che, madalas itong naloloko niya, ni Yan Xun, Muhe Xifeng, at ng iba. Galit siyang tumutugon, kahit na ang habulin si Muhe Xifeng na may espada sa higit 30 tarangkahan ng palasyo isang bese, sumisigaw na makipaglaban hanggang kamatayan. Para naman sa batang si Zhao Song, isa siyang iyakin, gustong makipaglaro sa kanila buong araw. Gayonpaman, iniisip nila na masyado pa siyang bata. Walang may gusto sa kanila na dalhin siya.
Sa isang kurap ng mata, sampung taon na ang lumipas. Sa kasalukuyan, lahat ay nagbago na. Ang mga tao dati ay nagbago na. Ang ilan sa kanila ay may hawak na tiyak na kapangyarihan. Ang ilan sa kanila ay dumaan sa labis na pagdurusa at paghihirap. Ang ilan sa kanila ay ambisyoso. Ang ilan ay sugatan. Ang ilan sa kanila ay naging abo at alikabok na, kumakalat sa tanawin.
Inilabas niya ang sulat na naihatid sa palasyo kaninang umaga. Sa isang araw, medyo gusot na ang sulat at mainit sa pakiramdam. May dala ang papel na halimuyak ng dalaga. Ang mga nakasulat sa papel ay:
Kapatid Xuan Mo, ang digmaan sa Yan Bei ay napipinto. Lalaban ako sa digmaan sa ilang araw lang. Bago ako umalis, mahabang oras akong nag-isip. Kailangan ko pa rin ang tulong mo sa pagsaayos ng isyu tungkol sa rasyon ng hukbo. Kalahating buwan ang nakakaraan, pumunta ako sa Song at kinatagpo ang nakatatandang prinsesa. Mabait si Prinsesa Nalan, nangako na tutustusan ng rasyon ang Yan Bei. Dahil ang digmaan sa silangang parte ng inyong bansa ay magsisimula na din, natatakot ako na tututol ang mga opisyales ng korte niyo. Kapag nagbago ang isip ng prinsesa, pakiusap tulungan mo ako na ayusin ang sitwasyon at payapain ang mga opisyales. Ang bagay na ito ay may pananagutan sa buhay at kamatayan ng Yan Bei, kung kaya't wala akong ibang pagpipilian kung hindi ang hilingin ang pabor na ito. Umaasa ako na sa ilang taon nating pagkakaibigan, ay tutulungan mo ako. Habang-buhay akong magpapasalamat sayo mula sa malayong kabundukan.
Narinig ko na ikinasal ka na isang buwan ang nakakalipas, sinalubong ay magandang asawa. Dahil hindi ako makapunta diyan, maibibigay ko nalang sayo ang ipit na ito. hinihiling ko ang habang-buhay na kasayahan at pagmamahal niyo ng inyong asawa.
Saka, nakita ko na sa wakas ang magandang nakakatandang prinsesa, na inilarawan mo. Subalit, nababalot siya ng belo na kasing kapal ng kalahating daliri. Ang kanyang boses ay tunog matanda at tahimik, habang hindi siya masiyahin. Saka, pakiramdam niya na ang paghusga mo sa mga maganda ay hindi pangkaraniwan. Kapag nakita ulit kita, kailangan mong uminom ng isang basong alak para sa akin bilang parusa mo sa mali ng paghusga.
Napasimangot si Nalan, ilang beses na tumingin sa sulat, lalo na ang linyang, "Subalit, nababalot siya ng belo na kasing kapal ng kalahating daliri. Ang kanyang boses ay tunog matanda at tahimik, habang hindi siya masiyahin." Ang mukha niya ay nagsimulang makitaan ng galit.
Habang hinihipan ng hangin ang ibabang parte ng kanyang kasuotan, ang halimuyak ng bulaklak ay nagtagal sa hangin. Pumulot siya ng piraso ng papel at panulat. Matapos ang matagal na sandali, sinulat niya:
Nang matanggap ko ang sulat mo at alam na makikidigma ka na, nag-aalala ako. Mapanganib ang digmaan. Walang mata ang espada. Ingatan mo ang sarili mo. Hihintayin ko ang pangako natin na magkita sa Pengxian Restaurant matapos ang 15 taon at magpakalasing. Hahangaan natin ang tubig sa lawa, habang tumutugtog at kumakanta. Kailangan mong tuparin ang pangako mo at huwag akong abandunahin.
Ang nakakatandang prinsesa ay matangkad, bihasa at malinis. Siya ang tinitingalang modelo ng mga babae, ang yaman ng Song. Paano siya makikita ng karaniwang tao? Nasa labanan ako buong taon, kung kaya't ang paghusga ko ay labis na naapektuhan. Nang mabasa ko ang mga sinabi mo, lubos akong nalulungkot. Nag-aalala ako kung anong mararanasan mo bukas.
Tungkol sa mga rasyon, hindi mo kailangang mag-alala. Dahil nangako na tutulong ang nakakatandang prinsesa, tutuparin niya ang pangako niya. Kung may pagbabago pa, gagawin ko ang lahat para mapagaan ang sitwasyon para sayo. Napipinto na ang digmaan sa Yan Bei. Uupo ako sa upuan ko bawat gabi at titingin sa hilagang-kanluran, hihintayin ang balita mo.
Matapos niya isulat ang sulat, tumigil na ang ulan sa labas. Hinawakan niya ang ipit sa kanyang mga kamay. Kulay puti ito at mainit hawakan. Isang plum na bulaklak ang nakalagay sa dulo nito, at makikita ang talulot. Puro at simple ito pero marikit. Regalo para sa mag-asawa? Gusto niya ba talagang ibigay ito sa asawa ni Xuan Mo?
Nagbigay ng bihirang ngiti ang First Princess Nalan. Pinulot niya ang mga dokumentong binabasa niya at sinulat, Basahin.
Ang unang sinag ng araw ay sumikat sa lupa. Malapit na matapos ang gabi. Tumayo si Nalan, naglakad palapit sa bintana at tumingin sa hilagang-kanluran, matagal na nakatayo sa posisyon niya. Lumabas ang mga ulap sa abot-tanaw. Sariwa ang hangin matapos ang bagyo. Ang tunog ng tambol ay malakas at malinaw. Ang tunog ng pagkalantog ng gwardya ay malayong umalingawngaw mula sa likod na palasyo.
Huminga ng malalim si Nalan at pumikit. Nang gumising siya, maliwanag na ang kalangitan. Kailangan niya pa rin na umisip ng paraan para payapain ang mga opisyales na hindi pabor na makialam sa labanan sa pagitan ng Xia at Yan Bei. Marahan niyang kinusot ang mata. Mukhang kailangan niyang gamitin ang kanyang reputasyon bilang matalinong taktiko na may rason sa lahat ng ginawa niya. Bahagya siyang ngumiti, ang kanyang mukha ay mukhang mapaglaro. Ang mga tao, matapos ang lahat, ay may mga pagkakataong nagiging matapat.
Ilang tao at ilang bagay ang imposibleng hulaan. Hindi na siya nag-isip pa. Alam niya na ang pinaka layunin niya ay protektahan ang Song, ang emperor, ang anak ng kapatid niya, at ang buong pamilya ng Nalan.
Maaraw ang panahon. Kalmadong binuksan ng First Princess Nalan ang kurtina at sinabi, "Tulungan niyo akong maligo at maghanda para sa pagpupulong."
"Hindi ang Beishuo iyon! Ang susunod na tatamaan ng hukbo ng Xia ay ang Chiyuan Crossing!" sumimangot ang babae at nagpahayag. "Tatlong araw na. Hindi organisado ang hukbo ng Xia sa kanilang pag-atake. Nagsagawa lang sila ng maliit na panggugulo at labanan. Hindi normal ito, hindi napaka normal. Sa lakas nila, kung pinagsama-sama nila ang mga hukbo nila, makakapagsagawa sila ng buong harapang pagsalakay sa Beishuo. Base sa mga nangyari, ibig sabihin na walang tiyak na pinuno. Ang pwersa nila ay hindi ang pinaka pwersa..."
"Wala pa bang bagong impormasyon?" humikab si Heneral Cao Mengtong at sinabi sa iba niyang tauhan, tila nagkukunwaring hindi niya narinig ang sinabi nito. "Takot na takot na ba si Zhao Qi at ang kapatid niya sa pwersa natin? Nakalimutan ba nila kung bakit sila pinadala ng ama nila dito?"
Lahat ay masayang tumawa. Nitong nakalipas na tatlong araw, nakakuha ng sunod-sunod na panalo ang hukbo ng Yan Bei. Madaling nalipol ang mga sundalo ng Xia. Ang mga hukbo na pinangungunahan ni Zhao Qi at Zhao Yang ay tila hindi iisa. Ang Hilagang-kanlurang hukbo ay nakahilig tungo sa ika-14 na prinsipe, Zhao Yang, habang ang mga sundalo ng pamilya Batuha ay kampi kay Zhao Qi. Bawat laban, ang mga hukbo nila ay sumasagabal sa isa't-isa, ginugulo ang hanay ng kabilang hukbo. Wala silang anyo ng pagkakabuo at tila nandito lang para magpalabas. Walang may gustong umakto bilang papasugod na pwersa at maunang ubusin ang panustos nila.
Bago pa man maitira ng Yan Bei ang unang ikot ng kanilang palaso, sumigaw ang mga sundalo ng Xia, "Hindi maaari! Hindi na tayo makakatuloy pa!" matapos ang sinabi nila, agad silang umatras. Kahit ang sampung-taon-gulang na sundalong hindi pa nasasanay ay mas may kakayahan kaysa sa kanila.
Higit 300,000 sundalo ang nagtipon sa syudad ng Beishuo, kasama ang higit 300,000 piling sundalo. Sapat ito para bumuo ng marangal na hukbo. Sa simula, kapag nakaharap sa pagkakataon na kalabanin ang piling mga sundalo ng Xia, nag-aalala sila at natatakot. Subalit, matapos ang ilang nakalipas na labanan, ang mga piling sundalo ay naging walang-hiya sa puntong harapan silang naglalakad dala ang mga palakol sila.
"Mukhang ang mga aso ng Xia ay aatras pabalik sa Zhen Huang bago makabalik ang kamahalan."
Lahat ay nagtawanan nanaman. Nagdagdag si Cao Mengtong, "Sa aking opinyon, dapat natin ipadala ang kalahati ng mga sundalo dito tungo sa Meilin Pass, para masakop ng Kamahalan ang lugar na iyon."
"Hindi na kailangan iyan. Pwede natin sundan ang mga sundalo ng Xia at lumaban hanggang Zhen Huang."
"Tama iyon!" nang masabi ang mga salitang iyon, sumang-ayon ang iba, na para bang nanalo na sila sa labanan.
"Heneral Cao!" tumayo si Chu Qiao, isang kislap ang mabilis na nakita sa mga mata niya. May mababang boses niyang sinabi, "Mga Heneral, kung hindi ko nalinaw ang sinabi ko kanina, ayos lang sa akin na ulitin ito! Sa kasalukuyan, hindi pa natin nalalaman kung nasaan ang malaking pwersa ng kalaban. Ang mga pagsalakay na ginawa nila at isang maliit na antas lang, kulang sa 10,000 tauhan. Kahit na nakikita ang simbolo ng hukbo nila, hindi pa natin nakikita kung nasaan ang pinaka kabalyero nila. Hinarangan ng mabigat na bagyo ng nyebe ang paraan ng pakikipag-usap natin. Hindi natin alam kung saan ang pinaka kampo ng kalaban. Isa lang itong palabas! Hindi madami ang alam ko sa pamilya Batuha at Hilagang-kanlurang hukbo, ngunit kilala ko ang pangatlong prinsipe, si Zhao Qi. Nakaharap ko na din ang ika-14 na prinsipe, si Zhao Yang, sa labanan mismo. Maingat na tao si Zhao Qi. Hindi siya padalos-dalos na susugod na may malaking hukbo. Kahit na sumugod siya, hindi magiging simple ang mga paraan niya. Para naman kay Zhao Yang, sa kabila ng edad niya, isa na siyang nakakatandang pigura sa Shangwu Hall ng Xia. Dalubhasa siya sa digmaan ay kasanayan ng sundalo. Ang paraan niya ay hindi maaasahan. Ang espesyalidad niya ay nasa digmaan ng infantry at pagpapabagsak ng mga syudad. Sanay siya. Matibay ang lalaking ito at hilig manambang. Kilala siya bilang "Ahas" sa loob ng hukbo ng Xia. Hindi siya mapipilitang gumamit ng ganitong nagpapakamatay na paraan!
"Nagsusumamo ako sa inyo na mag-isip mabuti. Napanatili ng imperyo ng Xia ang kanilang matibay na tanggulan sa mundo sa daang mga taon. Paanong ito lang ang kanilang magagawa? Sinusubukan nila tayong lokohin at gawin tayong kampante. Kung hindi ako nagkakamali, si Zhao Qi at si Zhao Yang ay wala sa kabilang kampo. Mayroong higit isang daan patungo sa Yan Bei. Kung isa akong kumamdante ng hukbo ng Xia, maglalakbay ako sa bundok ng Helan at gagamitin ang bundok ng Changying bilang aking bubutasang punto tungo sa Chiyuan Crossing. Hangga't napapanatili ko ang sitwasyon doon at nakapagsagawa ng dalawang pagsalakay, babagsak ang Beishuo kahit walang direktang pagsalakay! Maswerte tayo, kahit na nagsayang tayo ng tatlong araw, pwede pa rin tayong magpadala ng 100,00 sundalo para depensahan ang Chiyuan. Nalalapit na ang digmaan. Pakiusap mag-isip kayong mabuti!"
Katahimikan, nakakabinging katahimikan.
Lahat ay tumingin sa babaeng nakasuot ng baluti. Mag-isa siyang nakatayo sa malaking ilid ng pagpupulong, diretso. Ang kanyang mata ay maliwanag, ang kanyang katawan ay bahagyang nakasulong. Napasimangot siya at masungit na tumingin sa mga tao, ang kanyang mata ay nagdadala ng bahid ng antisipasyon at galit.
Ang kulubot sa mukha ni Cao Mengtong ay bahagyang kumibot. Tumayo siya at nilisan ang silid na walang sinasabi.
Ito ang perpektong paraan para ibuod ang nararamdaman ng kumandante. Sa isang iglap, lahat ay nilisan ang silid, iniwanan mag-isa si Chu Qiao. Bumuntong-hininga siya at nanghihinang umupo pabalik sa kanyang upuan, tinatakpan ang kanyang noo gamit ang kamay. Ang kanyang takipmata ay kumibot sa galit.