Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 154 - Chapter 154

Chapter 154 - Chapter 154

Ang ilagay ang halos isang milyon na buhay sa walang kakayahan na mga hangal ay literal na sinisira ang sarili nilang hukbo. Ang katotohanan na ang kalidad ng mga sundalo ng Yan Bei ay lubos na bumaba sa puntong hinayaan ang walang karanasan na mga heneral na pamunuan ang napaka mahalagang laban ay hindi lubos na maisip. Kung nandito si Yan Xun, mapipigilan pa niya ang kahangalan na ito gamit ang impluwensiya niya. Ngunit kung si Chu Qiao lang, paano niya mababago ang lahat? Alam ba ni Yan Xun ang lahat ng mga problemang ito? Kung alam niya, bakit niya pa rin binigay ang pamumuno sa hangal na Cao na iyon? At kung hindi...

Walang magawa na napasimangot si Chu Qiao. Paanong hindi niya alam? Siya si Yan Xun! Ngunit bakit siya pumunta sa Meilin na hindi man lang siya sinabihan sa sitwasyon? Isa pa, inutusan siya nito na hanapin si Lady Yu. Kung iiwanan niya ang Beishuo, higit sa kalahati ng teritoryo ng Yan Bei ang mawawala! Yan Xun, ano ba talaga ang iniisip mo?

Ang mga nakakatanda ng Da Tong Guild ay mas maayos kaysa kanino kapag nakikipagtalo, gumagawa ng gulo, at nakikipag-away, at hindi din sila mapapantayan kapag dumating sa pagpalakpak sa mga tao at gumawa ng binhi ng sigalot sa mga sibilyan laban sa mga kalaban. Ngunit ang pamunuin sila ng hukbo, gumawa ng istratehiya, at malaman ang plano ng kalaban ay hindi bagay na trabaho para sa kanila!

Ang galit sa loob ni Chu Qiao ay hindi mapigilan ang pagtaas, at hindi na niya ito mapigilan. Nagpadala na siya ng pitong grupo ng mga tauhan para sabihan si Lady Yu, ngunit walang bumalik. Kung walang dumating na kayang kontrolin ang sitwasyon, matatalo ang Yan Bei sa laban na ito, walang duda!

Ang sikat ng araw ng takipsilim ay suminag na parang dugo, habang ang tunog ng mga nagagalak na sundalo ay maririnig sa malayo. Sa gitna ng kagalakan, maririnig din ang tawa ng mga bata. Hindi alam ni Chu Qiao kung hanggang kailan magtatagal ang tawang iyon, at hindi din niya kayang hulaan kung hanggang kailan sila mabubuhay. Kung may mga sundalo siya, kahit na may ilang daan lang siya, itatali niya ang mga masamang heneral na iyon. Ngunit wala siya noon. Lahat ng gwardya na binigay sa kanya ni Yan Xun ay ipinadala para hanapin si Lady Yu. Ngayon ay ni wala man lang siyang mensahero. Dapat ba siyang lihim na pumuslit mamaya at alisin ang mga matatandang hangal na iyon? Ang ideyang ito ay mabilis na dumaan sa kanyang isip, ngunit agad niya itong inayawan at sumimangot. Kung mayroon siyang assault rifle baka magagawa pa ang planong iyon.

Dumilim ang kalangitan habang marahang tumayo si Chu Qiao. Ang malinis na puting liwanag ng buwan ay suminag sa lupa. Sa dilim, ang kanyang anino ay mahina at nag-iisa, at naglalabas ng malubhang kawalan ng magawa at kalungkutan.

Nang kakaalis niya lang sa opisina ng alkalde, nakakita siya ng ilang sundalo na padaskol-daskol na tumatakbo tungo sa direksyon niya. Bumangga sa kanya ang nauunang sundalo, at nang makita na nakasuot siya ng uniporme ng mataas na ranggo, bigla niyang napagtanto ang kanyang kahangalan, tapos ay lumuhod siya para humingi ng paumanhin. Lahat sila ay magsasaka, at hindi pa nasasanay sa mga pagbabago sa Yan Bei. Kapag nakakasalubong sila ng mga opisyales, nasanay silang lumuhod para batiin ang mga ito. Napagtanto ni Chu Qiao na mga batang sundalo ang mga ito, at ang pinaka matanda ay nasa 14 na taon gulang, habang ang pinaka bata ay posibleng wala pang 10. Bawat isa ay may hawak na patpat, na may bakal na nakakabit sa dulo na umaakto bilang dulo ng sibat. Ang ganoong sandata ay hindi man lang tatagal ng isang ulit laban sa mga kalaban sa digmaan. Ang mga patalim ng imperyo ng Xia ay pinakamaganda ang kalidad at talim, at madaling makakatagos sa lahat ng baluti, ano pa kaya ang baliin ang mga patpat na iyon na tinatawag ng mga batang ito na "sibat".

Imbis na tawagin silang mga sundalo, mas bagay na tawagin silang pulubi. Gayonpaman, sila ang gulugod ng milyong lakas ng hukbo ng Beishuo. Nilamon ulit si Chu Qiao ng masidhing pakiramdam ng kawalan ng magagawa, na para bang itinapon siya sa dagat, at pumulupot sa paa niya ang damong-dagat. Kahit gaano siya magpumiglas, hindi siya makalangoy pabalik sa lupa.

Napasimangot si Chu Qiao, tila ba mahigpit na hawak ng demonyo ang kanyang puso. Matapos umalis ni Yan Xun, nagpahintulot si Cao Mengtong ng sapilitang pagpalista sa militar ng masa. Sa loob ng isang daang milya, lahat ng biktima ay pinagsama-sama. Ang mga babae ay ipinasok bilang magbibigay ng aliw, at ang mga lalaki ay sapilitang inilista bilang sundalo. Kahit ang mga nakakatanda ay natalaga bilang suporta sa likuran. Sa puntong iyon, ang buong Beishuo ay naging malaimpyerno. Ang mga opisyales ng Da Tong na ito ay kumilos na parang mga pulubi na mula sa wala hanggang sa biglang naging emperor. Ang ganoong kasakiman at pagkabayolente ay lagpas pa kahit sa mga maharlika ng Xia. Nagpadala ng ilang kahilingan ng pagpupulong si Chu Qiao, ngunit tinanggihan siya at hindi pinansin. Matapos patayin ang ilang sundalo na inaapi ang mga sibilyan, iyong mga tumangging magpaalipin ay minsan na tatakas ng syudad o magtatago sa opisina ng mga tauhan ng militar. Ngayon, madaming tao na ang opisinang iyon. Ganoon ang demokrasya ng Yan Bei! Ganoong ang pamumuno na pinagpumiglasan ng Yan Bei! Ganoon ang hinaharap at pag-asa na pinagdasal ng mga sibilyan ng Yan Bei!

Huminga ng malalim si Chu Qiao. Tunay na kapus-palad ng mga taong ito. sinalubong at sinuportahan nila ang mga taong magdadala sa kanila sa kanilang kamatayan! Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao, na para bang may gusto siyang durugin. Kapag bumalik si Yan Xun...kapag bumalik siya, kailangan niyang...

"Master," nahihiyang saad ng pinuno ng grupo ng mga bata, "Ikaw ba si Master Chu mula sa Military Staff Office?"

Nagbaba ng kanyang ulo, nakita ni Chu Qiao na nasa 11-12 taon lang ang bata. Ang mga braso nito ay tila mabali sa kaunting pihit. Sa maputlang kutis, halata na kulang siyang sa nutrisyon. Gayonpaman, ang mga mata niya ay kumikinang pa rin ng kinang na para sa mga bata lang. Nakasuot siya ng basahan na may malaking kapa na nagsimula nang masira.

"Paano mo ako nakilala?"

"Mayroon lamang isang babaeng Master sa hukbo!" masayang tugon ng bata. "Master, narinig namin lahat na isang kang mabait na tao!"

Ang mga bata sa likod ay nagsilapit at nagsimulang magsalita. "Nasa Military Staff Office ang ate ko. Nailigtas mo siya, Master. Kilala mo ba siya?"

"Nandoon din ang ina ko!"

"Master, nakita ka namin na pinugutan ng ulo ang malaking sundalo na iyon noong nakaraan. Napakalakas mo talaga!"

"Tama, Master, pwede mo ba kaming turuan ng ilang galaw? Malapit na kaming tumungo sa labanan!"

"Oo, Master, turuan mo kami kung paano pumatay ng kalaban!"

Habang nakatingin sa mga batang ito, biglang naramdaman ni Chu Qiao na parang huminto ang puso niya. Nag-umpisa siyang kwestyunin ang sarili niyang paniniwala, ang kahalagahan, ang hustiya sa kung ano man ang nagawa niya. Maisip na kumpletuhin ang nakakatawang planong nabuo niya kanina lang ay umibabaw sa isip niya. Ngunit sa huli, nanalo ang lohika, habang nanatili siyang nakatayo. Walang kahit anong galaw, pinanood niya na ang pulang ilaw mula sa mga sulo na maliwanag na suminag sa inosenteng mukha ng mga bata. Binabaan niya ang boses niya, at may malungkot na tono, sumagot siya na walang tigil, "Kapag sumusugod, huwag manatili sa harapan." Matapos noon, para bang hindi na niya matagalan na makipag-usap sa kanila, tumalikod sya at naglakad palayo, iniwan ang mga batang pinapanood siyang umalis, natigalgal sa kanyang abiso. Nalilitong napakamot sa kanilang ulo ang mga bata. Bakit sinabihan sila ni Master Chu ng mga bagay na iba sa sinabi ng nagtuturo sa kanila?

Matapos lumiko sa dulo, napatigil si Chu Qiao sa paglalakad niya. Wala na siyang lakas ng loob na harapin iyong mga maliwanag at nag-aasam na tingin ng mga inosenteng batang iyon, lalo na ang hikayatin sila na gawin ang lahat ng magagawa nila para mag-ambag sa bansa. Akala niya ay pinatigas na siya ng digmaan, ngunit napagtanto na kulang pa rin ang karanasan niya.

"Sa wakas ay may naipanalo nang labanan si Master Cao, gayonpaman ay sinabi mo na dahil sinadyang matalo ng imperyo ng Xia para magmanhid ang pakiramdam ng lahat. Malamang hindi ka niya papaniwalaan." Isang walang emosyon na boses ang narinig sa tabi niya. Paglingon, nakita ni Chu Qiao si Xue Zhiyuan na nakasandal sa pader na nakatiklop ang kamay habang nakatingin sa kanya mula sa gilid ng mga mata nito. Ang ekspresyon na iyon ay nagsasabi ng bahid ng pagkalibang.

Lubos na tapos na si Chu Qiao sa mga lokal na opisyal ng Da Tong. May malamig na singhal, tumalikod siya at gustong umalis.

"Nagdesisyon ba ang kamahalan na abandunahin tayo?" matapos ang isang hakbang, biglang natanong ito ni Xue Zhiyuan.

Masyadong nakakagulat ang tanong, na agad nakapagpatigil sa paglalakad ni Chu Qiao. May tumatagos na titig, nagalit siya, "Anong sinabi mo?"

"Ang kamahalan at si Ginoong Wu ay parehong pambihirang talento sa militar ng Yan Bei. Gayonpaman ay pareho silang umalis, pinangunahan ang mga piling sundalo ng unang hukbo na atakihin ang Meilin Pass at walang iniwan para bantayan ang Beishuo. Doon, kailangang harapang kalabanin ng pangalawang hukbo ang hukbo ng Xia. Si Lady Yu, kaparehong magaling gumawa ng istratehiya, ay naiwang binabantayan ang syudad ng Lan at hindi nagpadala ng dagdag kawal sa Beishuo. Katulad noon, Master Chu, isa ka ring maaasahan sa paggawa ng istratehiya, ngunit hindi ka niya binigyan ng kahit anong kapangyarihan. Ang buong Beishuo ay nailagay sa grupo ng mga walang kakayahan na hangal na hindi man lang naiintindihan ang sining ng digmaan. Hurhur, kung hindi sa katotohanan na hindi pa nililisan ni Master Chu ang Beishuo, makukumpira ko ang suspisyon na iyon."

Sa iglap na iyon, para bang may tumamang kidlat sa ulo ni Chu Qiao. Hindi naman sa hindi pa niya ito naiisip, pinili lang niya na hindi paniwalaang totoo iyon.

Hindi ba talaga alam ni Yan Xun ang kawalang kakayahan ni Cao Mengtong, ang pangalawang hukbo, at ang Da Tong Guild? Ano ang intensyon niya sa pagpili sa pinaka oras na ito para atakihin ang Meilin Pass? Ito ba talaga ay para atakihin sila kung kailan hindi nila inaasahan para tanggalin ang posibilidad na sabay na lumaban sa dalawang harap, at giliran ang bulto ng pwersa ng Xia? O ang totoo niyang intensyon ay hayaan ang hukbo ng Xia at pangalawang hukbo na pagudin ang kanilang sarili? Bakit nga ba siya nagbigay ng kontrol kay Cao Mengtong? Bakit nga ba hindi niya iniwan si Mister Wu na bantayan ang Beishuo? Bakit nga ba niya ako sinabihan na hanapin si Lady Yu sa syudad ng Lan? Bakit nga ba hindi bumalik ang pitong grupo ng mga sundalong pinapunta niya? Anong mga dahilan ang nasa ilalim noon? O ganoon ba talaga katulad ng sinabi ni Xue Zhiyuan, lahat ay sinadyang ayusin ni Yan Xun ng ganoon upang ang lakas ng Ikalawang Hukbo ay mapahina, at mapapatatag niya ang sarili niyang posisyon sa loob ng Yan Bei sa pamamagitan ng paggamit sa imperyo ng Xia? Ngunit para sa ganoong layunin, itatapon niya ang higit sa isang milyong populasyon ng mga sibilyan, at ilagay ang Yan Bei sa walang katiyakan na lugar, magiging sulit ba iyon? Gagawa ba talaga siiya ng ganoon?

"Ngunit kahit na totoong sinadya ito ng kamahalan, hindi rin isang tanga si Master Cao. Sa isang buwan, kahit na gumamit tayo ng alon ng mga tao bilang taktika, ang sandaan-libo ng mga piling sundalo ay siguradong makakaligtas sa pagsalakay. Sa oras na makabalik na ang kamahalan, tanging mga sibilyan lang ang pagod. Ang bulto ng Ikalawang Hukbo ay hindi man lang mahahawakan. Walang mapapala ang kamahalan sa planong ito."

"Sa bayang kinalakhan ko, ang paghula sa intensyon ng pinuno ay mapaparusahan ng kamatayan!" nagtaas ng kilay ang dalaga habang malamig na nagpagalit sa batang heneral.

Nagulat si Xue Zhiyuan sa mabangis niyang sagot. Bago pa man siya makasagot, nagpatuloy si Chu Qiao, "Hindi mo kailangan maglagay ng pag-aalinlangan sa pagitan namin. Kahit na dumanas ang Yan Bei ng hindi matatag na panloob, at ang agawan sa kapangyarihan sa loob ng Da Tong ay malungkot, hindi pa umaabot sa punto ang Kamahalan na itataya ang buong syudad ng Beishuo! Kahit na ang lahat ay katulad ng iyong sinabi, naniniwala ako na hindi siya iyong tao na gagawin ang lahat ng kailangan para makakuha ng kapangyarihan! Mataktikang nagsasalita, ang pag-atake ng Kamahalan sa Meilin Pass ay siguradong supresang atake. Ang hindi pagsagot ni Lady Yu sa atin ay siguro dahil sa hindi inaasahang pangyayari! Maapektuhan ng labanan na ito ang kaligtasan ng Yan Bei, at tanging mga hunghang na hindi makakita sa malayo ang mag-aagawan sa kapangyarihan sa ganitong sitwasyon. Kung malipol ang Yan Bei, lahat ay mawawala. Kung napakalibre mo, bakit hindi ka magsanay ng ilang bagong mga sundalo upang hindi sila kakila-kilabot na mamatay?"

Kumibot ang kilay ni Xue Zhiyuan tapos ay malamig siyang sinalungat, "Dahil puno ka ng kumpyansa, bakit madami kang pinadalang grupo ng tauhan para hanapin si Lady Yu? Kung tulad talaga ito ng sinabi ni Master Chu, sapat na ang tatlong araw sa pagpunta at pagbalik na paglalakbay sa syudad ng Lan. Bakit hindi pa rin makita si Lady Yu? Kung hindi nakatanggap ng utos si Lady Yu mula sa nakatataas, sa tingin mo ba ay papanoorin niya lang ang kahangalan na ito?"

Nanlumo si Chu Qiao. Nang sasagot na sana siya, isang kabayo ang mabilis na lumapit, dahilan para magsialis ang mga tao sa kalye upang iwasan ang tumatakbong kabayo. Malakas na sumigaw ang nakasakay dito, "Master Chu! Nasaan si Master Chu?"

"Nandito ako!" nang makita ang lalaki, nagliwanag ang mukha ni Chu Qiao, tapos ay naningkayad siya at tumawag.

Related Books

Popular novel hashtag