Bihirang makipag-usap si Li Ce ng mga seryosong bagay. Sinusundan ang takbo ng pag-uusap, nagtanong si Chu Qiao, "Anong klase ng mahahalagang bagay?"
Binilang ang mga kamay, naglista si Li Ce, "Halimbawa, magtingin-tingin sa pamilihan, bumili ng mga damit, sumubok maglagay ng kolorete sa mukha, at siguro ay makinig sa musika, magsuot ng magandang damit. Baka makahanap ka ng pang-aliw sa mahabang mga gabing ito, at siguro ay mag-anak para mapayaman ang kasalukuyan mong buhay… teka, anong ginagawa mo? Seryoso ako sa sinasabi ko!"
"Bakit ba inasahan kong may sasabihin kang matino!" Usal ni Chu Qiao.
Napatawa si Li Ce. "Hindi ba't kasalanan mo pa rin ito? Dosenang beses na tayong nagpaalamanan sa isa't-isa, gayumpaman ay pinipilit mong manatili dito at makinig sa akin na dumaldal. Bakit? Hindi mo kayang magpaalam sa akin?"
"Katarantaduhan! Ako… gusto ko lang na tumayo pa dito, para tignan pang mabuti ang kabundukan ng imperyo ng Tang. Anong mali doon?"
"Sige, walang mali doon. Pwede kang manatili dito at mabagal na tumingin hangga't gusto mo. Sige lang." Masayang ngumisi si Li Ce, tila sinusubukan niyang tuyain si Chu Qiao. Doon, tumigil talaga siya sa pagsasalita.
Kinagat ni Chu Qiao ang ibabang labi niya, at ang kanyang pagkunot ay mas lumalim imbis na mawala.
"Ang hangin sa imperyo ng Tang ay napakalinis."
"Talaga? Narinig ko na sa Yan Bei, sa buong taon na manyebe, mas malinis pa ang hangin kaysa dito."
"Napagdesisyunan mo bang pakasalan ang prinsesa ng Xia?"
"Kahit ano ang sa akin. Nag-uusap pa ang dalawang bansa. Hinirang ko ang bagay na ito sa mga alipin ko. Ikokonsiderang maraming paulit-ulit na insidente na nagmula sa kasal na ito, umupa ako ng dalawang sikat na bihasa sa Feng Shui para suriin ang geomancy, at hulaan ang hinaharap ng dalawang bansa. Mula sa ninuno ng prinsesa ng Xia, hanggang sa nabubuhay pang kamag-anak sa pagitan ng dalawang pamilya, tatapusin namin ang desisyon sa pagboto ng mga opisyales ng imperyo ng Tang. Tantya ko ay kailangan ng tatlo hanggang limang taon para makompleto ang lahat. Sa oras na tapos na ang lahat, tapos na ang prinsesa sa hinog na edad ng pagpapakasal."
"Napakasama ng plano mo. Inaantala mo ang pagpapakasal niya."
"Paano mo nasasabi iyan? Ikinokonsidera ko ang prosperidad ng dalawang bansa."
"Saan pumunta si Zhao Chun'er?"
"Hindi ko alam. Sinundo siya ng sugo ng Xia pero hindi siya binalik sa Zhen Huang. Baka pinadala siya para tignan ang kung anong probinsya."
"Paano ang mga sugat mo? Gumaling ka na ba?"
"Wala iyon. Kung hindi mo ako binugbog ngayon, mas mabilis akong gunaling."
"Sige. Maganda ang ayos ng buhok mo ngayon."
"Ganoon ba? Nagulo ito ng hangin. Hindi ko masasabing may natira pang pagkakaayos ng buhok ko."
"Maganda din ang damit mo. Anong klase sila?"
"Shennan Silk. Dapat sinuot mo siya dati."
"Sa totoo lang, maganda din ang sinturon mo. Ang jade ba na yan ay isang Heluo Jade?"
"Hindi, mali ka. Ni hindi nga ito jade, napulot ko lang ito sa tabing-ilog. Natalo ako sa pustahan ko kay Tie You at walang pera pambayad. Kinuha niya ang jade sa akin bilang kapalit."
"Paano ang pabango mo? Isa ba itong espesyal na mabangong langis?"
"Hindi, sa totoo lang, bago ako pumunta dito, umiinom ako kasama ang iba. Madaming nainom si Sun Di at sumuka sa akin, at wala akong oras para magpalit bago pumunta."
"Ah, nakita ko. Plano mo bang bumalik sa Tang Jing mamaya?"
"Wala akong intensyon na sundan ka pabalik sa Yan Bei."
"Anong nangyari sa kanya?"
"Ayos lang siya. Alam ko bumalik na siya."
Biglang lumakas ang hangin habang ang espresyon ni Chu Qiao ay pumurol. Tahimik na nakaupo sa likod ng kabayo, tumigil siya sa pagsasalita. Tumitig si Li Ce sa kanya, at pinanatili ang malumanay na ngiti, na para bang simula sa umpisa ay pinag-uusapan nila ang damit, aksesorya, at iba pang hindi mahalagang bagay.
"Li Ce, sa tingin mo ba ay wala akong hiya?" Biglang binasag ni Chu Qiao ang katahimikan.
Magaang ngumiti si Li Ce. "Mayroon akong higit sa 3,000 babae sa aking harem, at naikama ang hindi mabilang na babae. Kung wala kang hiya, hindi ba't mas malala ako?"
Umiling si Chu Qiao, "Hindi ito magkapareho."
"Qiaoqiao, huwag kang mag-isip ng kung ano." Inunat ni Li Ce ang kanyang braso at magaang tinapik si Chu Qiao sa balikat, "Hindi mo kailangang isipin na nagkasala ka. Matalino siya, magiging ayos lang siya."
"Umaasa din ako." Mapait na ngumiti si Chu Qiao. "Kailan siya umalis?"
"Kagabi, hindi nagtagal ay umalis siya kasama ang mga tauhan niya matapos mong umalis. Hindi niya man lang ako sinabihan."
"Pamilyar ba kayo sa isa't-isa?"
"Hindi kami eksaktong pamilyar. Matagal na naming kilala ang isa't-isa, ngunit ngayon lang talaga kami nagkasalamuha."
Tumungo si Chu Qiao at tinigil ang pag-uusap doon. Subalit, si Li Ce, ay nagsimulang magtanong, "Qiaoqiao, nadala ka ba sa ginawa niya?"
Nag-angat ng tingin si Chu Qiao, may kaunting ngiti sa kanyang mukha, sinabi niya, "Kung sinabi kong hindi, maniniwala ka ba sa akin?"
"Maniniwala ako." mabilis na tumango si Li Ce.
Humina ang boses ni Chu Qiao habang taimtim siyang naglarawan, "Malaki talaga ang utang ko sa kanya. Siguro hindi ako makakakuha ng oportyunidad na bayaran siya sa buong buhay na ito. Natatakot ako na papahirapin ng pamilya niya ang mga bagay-bagay."
"Kung ayaw mo talagang magkautang sa kanya, hindi mo na dapat siyang isipin kahit na alam mong nasa gulo siya. Sigurado ako na kahit walang tulong mo, makakalagpas siya sa mga problemang ito na walang masyadong gulo. Ilang mga utang ay imposibleng malinis, at hangga't sinusubukan mong ibalik ang pabor, mas gugulo ang sitwasyon."
Bahagyang natigilan sa malalim na pagsusuring ito, nag-angat ng ulo si Chu Qiao, para lang makita ang malumanay na ngiti ni Li Ce na tila isang liwanag na tumatagos sa dagim. Tumango siya at sinabi, "Tama ka."
"Qiaoqiao, ang sitwasyon sa Yan Bei ay mas nagiging mahirap pa. Mag-ingat ka doon."
Marikit na ngumiti si Chu Qiao. "Maraming salamat. Huwag ka mag-alala. Hindi ako mag-isa. Kasama ko din si Yan Xun."
Bahagyang natigilan si Li Ce, at kasunod noon ay napangiti siya. "Napakatanga ko. Malapit ka nang ikasal, bakit ang dami ko pa ring sinasabi na kung ano-ano sayo?" Iniiling ang ulo, seryoso siyang nagpahayag, "Sige, kapag ikakasal ka na, sabihan mo ako. Sisiguraduhin kong magpadala ng regalo sayo."
"Haha! Inaasahan yan! Dahil napaka yaman mo, inaasahan ko ang sobrang laking pulang sobre sayo! Huwag ka nang magtangkang maghanap ng dahilan na hindi ito ibigay sa akin!"
"Oy! Huwag mo akong bigyan ng ganyan. Isa akong mahirap na tao. Ang salaping ibinibigay sa akin ni ama bawat buwan ay hindi man lang sapat na magpalipas ng gabi sa isang brothel."
Hindi makapagsalita si Chu Qiao.
Sa pag-uumpisa ulit ng hangin, unti-unting sumikat ang araw sa abot-tanaw. Ang abu-abo sa madamong kapatagan ay nagsimulang mawala, habang tumuro si Li Ce sa mga pwersa ng Yan Bei at sinabi, "Dapat ka nang umalis. Kapag nainip si Prince Yan, susugurin ako noon."
Ang sikat ng araw ay suminag kay Chu Qiao, binigyan ang mukha niya ng malambot na liwanag. Bahagyang dinilaan ang kanyang labi, taos-puso siyang ngumiti, "Salamat, Li Ce. Aalis na ako."
Itatalikod na dapat ni Chu Qiao ang kanyang kabayo nang isang kamay ang biglang humarang sa kanya. Ang ekspresyon ng lalaki ay medyo kakaiba kaysa sa karaniwan habang nakatingin ito sa kanya. Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at nagtanong, "May kailangan ka pa ba?"
"Oh, wala naman na." Wala sa isip na umiling si Li Ce habang nakangiti. "Kung darating ang araw na biglang naliwanagan si Yan Xun, at kumuha ng ilang asawa at kerida habang hindi ka pinapansin, pwede kang bumalik dito at hanapin ako para sa lugar na pwedeng tirahan."
Tumawa si Chu Qiao. "Ang ganoong araw ay hindi darating." Nag-angat ng kamay, gumawa siya ng paghiwang mosyon sa kanyang leeg habang nagpatuloy, "Kung mangangahas siyang gawin iyon, tatanggalin ko muna ang mga babaeng iyon bago siya patayin. Tapos ay itatalaga ko ang sarili bilang hari at lilikumin ang pag-aari niya."
Pinalatak ni Li Ce ang kanyang dila at tinapik ang dibdib habang nagkukunwaring takot na takot, "Wow, nakakatakot na babae."
"Aalis na ako!"
"Alis! Alis! Kapag hindi ka pa rin umalis, didilim na ang kalangitan."
Tumawa si Chu Qiao at sa paghila sa kabayo ay tumakbo siya palayo.
"Qiaoqiao! Tandaan mo na laging mag-ingat! Huwag ka masyadong magtiwala!"
Ikinaway ni Chu Qiao ang kamay niya at sinabi, "Oo oo! Ang dami mong sinasabi!"
"Ang batang ito! Kumain ka ng maraming karne! Napaka patag ng pigura mo. Nakakasuka ito!"
Sa Nanqiu Grass Plains, lumakas ang hangin habang lumilipad ang mga ibon sa himpapawid, sinasalubong ang bagong umaga. Kumpleto nang lumabas ang araw sa abot-tanaw. Nakatingin sa itim na mga tao sa kalayuan, isang dalaga ang nagmamadali.
Tahimik na luminya ang hukbo ng Yan Bei sa kanilang hilera sa paghihintay ng susunod na utos ng kanilang amo. Isang lalaki na nakaitim ang diretsong nakaupo sa kanyang kabayo. Kahit na malayo pa siya, mararamdaman ang kanyang malamig na awra, para bang siya ang larawan ng matalas na espada.
"Pangit na talaga ang tipo ng mga babae. Bakit niya hahabulin ang isang tao na napaka hambog at parang habang buhay na seryoso? Sa kabilang banda, ang isang kasing kisig ko ay walang naghahabol. Anong klaseng lohiko iyon?" Bulong ng isang lalaki bago tumalikod. Sa hangin na sinusuklay pabalik ang kanyang buhok, pumagaspas sa hangin ang kanyang roba. "Hiling ko na sana ay makahanap ka ng landas na bagay sayo!" Matapos masabi iyon, pinalo ni Li Ce ang kanyang kabayo, at mabilis na naglaho sa malayo.
Nagulat si Sun Di at ang iba sa biglaang pag-alis ng kanilang Crown Prince. Dali-dali nilang pinulot ang pilak na nasa lupa at hinabol siya.
"Kamahalan! Hintayin niyo kami!"
"Bakit tumakbo mag-isa ang kamahalan? At napakabilis niyang tumakbo!"
Nanaway si Lu Yunxi, "Hangal! Hindi mo ba narinig ang huling sinabi ng kamahalan? Kung hindi tayo tatakbo, pagpipira-pirasuhin tayo ng hukbo ng Yan Bei!"
"Ano? Tama! Kayo, tumakbo kayo para sa buhay niyo!"
"Bilis!"
….
Nagmamadaling makabalik sa tabi ni Yan, pinatigil niya ang kanyang kabayo. Nakasuot ng itim na roba, ang mukha nito ay hindi man lang nagbago, sa kanyang matalas na kilay na laging nakakunot. Ang ekspresyon nito, gayumpaman, ay lubos na magulo, habang nakatingin ito sa papawalang pigura ni Li Ce mula sa gilid ng kanyang mata. Mabalasik siyang nagtanong, "Anong isinigaw niya sa huli?"
Agad na walang masabi si Chu Qiao habang ang kanyang mukha ay namula. Sinubukang magkunwaring walang alam, sinabi niya, "Ano? Hindi ko matandaan. Malinaw ko itong narinig."
Alam na sinusubukan niyang iwasan ang tanong, nagpatuloy si Yan Xun, "Bakit ang tagal niyong nag-usap? Malapit ka ba sa kanya?"
Matapos matagal na makasama ang isang tao, natural na natutunan ni Chu Qiao na makalabas sa usapan, habang sumagot siya, "Hindi kami ganoon kalapit. Pinag-uusapan lang namin ang kooperasyon sa hinaharap sa pagitan ng bansa natin, at iniisip ang mga plano para sa kinabukasan."
Sa kasamaang palad, hindi madaling naloko si Yan Xun, habang suminghal siya at lumayo. Kumaway sa grupo ng mga sundalo, nagsimula nang gumalaw ang hukbo. Tapos, tumalikod siya at sinabi kay Chu Qiao, "Sabihin mo sa akin lahat ng nangyari sa paglalakbay na ito. Lahat. Huwag kang magtago ng kahit ano sa akin."
"Ano?" Gumalaw ang nagkasalang budhi ni Chu Qiao na madali niyang sinalungat, "Pero napakaraming ikukwento!"
"Ayos lang, marami tayong oras dahil mahabang paglalakbay sa Yan Bei mula dito." Tumalikod si Yan Xun na may malumanay na ngiti. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi na iyong inosenteng ngiti na mayroon siya noon sa syudad ng Zhen Huang. Sa totoo lang, mayroong ilang bahid ng pagkatuso at misteryo na nakatago sa loob ng ekspresyon niya.
"Yan Xun," nawala ang kumpyansa ni Chu Qiao na magsinungaling at bagkus ay nagtanong, "Bakit pakiramdam ko ay nagbago ka?"
"Ganoon ba?" Kaswal na sagot ni Yan Xun, "Iyon ay dahil napagtanto ko na may mga taong may sinusubukang hablutin sa akin. At sa totoo lang, ang bagay na iyon ay tila kilala. Kung hindi ko ito babantayan, may magandang tsansa na mawala sa akin ang lahat."