Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 145 - Chapter 145

Chapter 145 - Chapter 145

"Ah? Ganoon ba? Sinong napaka walang hiya na hablutin ang pag-aari mo? Grabe iyon!" Nagkunwaring galit si Chu Qiao.

"Hurhur, ganyan din nararamdaman mo," tumawa si Yan Xun at tumango. "Oo, grabe nga iyon. Higit sampung taon akong nakatayo sa tabi ng puno. Ngayon na namunga na ito, paano ko mahahayaan na may tumapak na iba dito? Kahit na hindi pa maganda o kaaya-aya ang mga bulaklak nito, matagal nila akong sinunod. Kahit ang inidoro na matagal nang nagamit ay may dalang halaga. Pinahahalagahan ko ang katapatan. Hindi na nila naisip na sumobra na sila?"

Namula ang mukha ni Chu Qiao. Sumigaw siya, "Hoy! Yan Xun, grabe ka! Ikumpara ako sa inidoro!"

"Haha!" Inunat ni Yan Xun ang kanyang braso at inangat si Chu Qiao, nilagay ito sa harap niya sa kabayo. Pinulupot niya ang kamay sa bewang nito at ngumiti tapos ay bumulong, "Lalabanan ko ang lahat ng mangangahas na may kuhanin sa akin." Magaan ang boses niya. Ang kanyang hininga ay dumampi sa makinis na leeg ni Chu Qia, dahilan para tumayo ang balahibo niya.

"Huwag kang mag-alala, walang may mangunguha sayo. Alam ng bulaklak mo kung saan mismo mamumulaklak."

Malakas ang hangin. Ang gintong bandila ng hukbo ay lumilipad-lipad sa itaas nila. Sumandal si Chu Qiao sa yakap ni Yan Xun, ang inaalala at iniisip niya ay agad na nawala. Tama si Li Ce nang sinabi nito na may isang pares ng paa lang ang tao. Dahil nagdesisyon siyang tumungo sa kanluran, ang tanawin at panahon sa hilagang ruta ay wala na siyang pakialam.

Nagalak siya. Nang nagkasama ulit sila, nakakita siya ng ibang Yan Xun. Hindi na siya ang malungkot na prinsipe sa syudad ng Zhen Huang, hindi na ang nakakulong na lalaki na puno ng poot, o ang baliw na nagwala palabas niya ng syudad ng Zhen Huang. Puno siya ng init, na mukhang mahinahon. Kahalintulad niya ang mahusay magsalita at masiglang binata na nasa tabi ng lawa maraming taon ang nakalipas. Dahil nakatakas sa kulungan sa Zhen Huang, hindi na sila ang dating sarili.

Nakakasilaw ang sinag ng araw, ginagawa ang tanawin na magmukhang dilaw. Dalawang agila na pag-aari nila ang paikot-ikot na lumilipad sa kanila. Ang kanilang pakpak ay malaki, at sumasayaw sila sa hangin.

"Giddyup!" Pinalo ni Yan Xun ang kabayo. Tinaas ng kabayo ang binti niya at bumilis. Mataas na umangat ang dilaw na alikabok sa likod ng bakas nila.

"AhChu!"

Malakas ang hangin. Kahit na malapit sila sa isa't-isa, kailangan nila sumigaw bago sila marinig.

Nagsikap na lumingon si Chu Qiao at sumigaw, "Anong sinabi mo?"

"Iuuwi na kita!" Hinawakan ng lalaki ang pamalo niya at itinaas ang kamay, nakaturo sa abot-tanaw tungo sa hilagang-kanluran. May matalas na tingin, sinabi niya, "Pabalik sa sarili nating kaharian!"

Asul ang kalangitan. Malayang umiihip ang hangin. Inunat ng mga puting agila ang kanilang pakpak at pumaikot sa himpapawid. Sa malayo, kumumot ang artemisia sa buong kalupaan. Malamig ang hangin at umihip tungo sa kanilang direksyon, nililipad ang manto ng mga sundalo sa hangin. Ang mabigat nilang baluti ay tumama sa lalagyan ng kanilang espada, gumagawa ng malutong na kalantong. Sa malayo, ang Beishuo Pass--ang unang pinakamahalagang linya ng depensa ng Yan Bei--ay makikita. Ito ang daanan mula sa silangang kalupaan papunta sa Yan Bei. Ang mataas na gate ng syudad ay parang isang dragon na natutulog, nakahiga sa dulo ng abot-tanaw.

Sa harap ng Beishuo Pass ay ang kilalang Huolei Plains. Noon, sa mismong piraso ng lupang ito, na ang Lion King ng Yan Bei, si Yan Shicheng, ay nangakong lalaban sa sundalo ng Xia kasama ang mga anak niyang lalaki at nawalan ng buhay sa proseso. Namulaklak ang Red Huoyun sa malawak na piraso ng lupain. Kilala na ang mga bulaklak na ito ay ginagamit ang naaagnas na katawan ng tao bilang pinagkukunan ng nutrisyon nila, at matatagpuan lang malapit sa mga sementeryo at maraming libingan. Mas matingkad ang bulaklak kapag mas maraming kalamnan. Matapos ang malaking labanan ng taon na iyon, ang bulaklak ng Huoyun sa Huolei Plains ay namulaklak ng siyam na taon, laging matingkad ang pagkapula nito kahit anong panahon.

Sa oras na iyon, parang nakita mismo ni Chu Qiao ang kalunos-lunos at masidhing labanan maraming taon na ang nakakalipas.

Tumakbo ang kabayo sa malawak na lupain. Ang ulap ay kulay pula. Ang bandila ay mataas na lumilipad sa hangin. Ang nakabaluting mga sundalo at ang uhaw sa dugo nilang mga sigaw ay kahit saan, mula sa makapal na gubat, sa manyebeng tuktok ng bundok, hanggang sa malawak na desyerto. Ang mga mandirigma, na nakasuot ng baluti, ay lumaban hanggang kamatayan sa bawat gilid ng Yan Bei. Humawak ng sandata ang mga babae para ipagtanggol din ang kanilang bansa. Nakapanlulumong tunog ng musika ang umalingawngaw kahit saan, kasama na ang lokal na kanta ng mga tao. Isang henerasyon ng tao ang namatay, ngunit ang mata nila ay hindi nagsara sa pamamayapa ng kaluluwa nila. Ang pintig ng puso nila, na itinataguyod ang ideya ng kalayaan, ay hindi huminto. Dumadaloy pa din ang dugo nila sa pamamagitan ng mga pulang bulaklak na ito, na namumulaklak sa bawat pulgada ng lupain. Ito ang paraan ng pagpapaalala nila sa susunod na henerasyon ng mga anak na mula Yan Bei na gamitin sa maganda ang silakbo ng kanilang damdamin at katapatan. Ang piraso ng sagradong lupain na ito ang buhay na paglalarawan ng nakaraang pangyayari!

Isa itong maharlikang piraso ng lupain! Walang salita na makakapaglarawan sa kamaharlikaan nito. Bawat damo, bawat puno, bawat bato, bawat butil ng buhangin ay nasaksihan ang kalunos-lunos na pangyayari na nangyari sa lugar na ito. Sa parehong oras, matapos ang ilang trahedya, nakatayo ang mga nakatira dito sa harap ng kahigpitan!

Yan Bei! Yan Bei!

Sa siyam na taong ito, ilang beses niyang inulit ang dalawang salitang ito. Si Yan Xun, kasama ang sarili niya, ay sinalo ang kahihiyan, nalagpasan hindi mabilang na sitwasyon ng buhay at kamatayan. Lahat ng ito ay para sa pag-asa na makakabalik sila isang araw sa Yan Bei. Sa kasalukuyan, nakatayo siya sa lupa ng Yan Bei, nilalanghap ang malamig at tuyo nitong hangin. Nang makita ang kawan ng baka, tupa, at kabayo, nag-umpisa siyang mapaiyak.

Lagi siyang naging matatag, kahit ano pa man ang kanyang kapaligiran. Subalit, sa iglap na ito, hindi mapigilan ang pagtulo ng luha niya. Nakaupo si Chu Qiao sa likod ng kabayo, isang puting manto ang nakabalot sa likod niya. Tumingala siya at diniretso ang kanyang likod. Hindi siya malungkot o nabigo, bagkus ay nakaramdam ng magulong emosyon sa loob ng dibdib niya. Iyon ang magkahalong emosyon na naramdaman niya, kombinasyon ng kagalakan dahil natupad na ang hiling niya, kasama ang pagod sa maraming laban na napagdaanan niya. Alam niya na mula sa araw na ito, hindi na nila kailangan pang mabuhay sa panganib, hindi na kailangan pang mag-alala na baka patayin sila, hindi na kailangan pang hulaan ang motibo ng ibang tao. Wala nang makapapatay o makababanta sa kanila. Hindi na nila kailangan pang sumailalim sa iba. Nakatayo na sila sa sarili nilang mga paa!

Yan Bei, sa wakas ay nandito na ako!

Sumulong ang kabayo. Nakasuot ng itim na manto ang lalaki. Ang kanyang kilay ay nakataas at nakahilig, parang dalawang matalim na espada. Nanatili siyang tahimik na nakasunod kay Chu Qiao. Pinangunahan niya ang buong hukbo, tahimik na nakatingin sa dalaga, nakatingin sa taimtim nitong mukha, nakatingin habang nanginginig ito, nakatingin sa kanya habang tahimik itong lumuluha.

Sa mundong ito, tanging siya lang ang makakaintindi sa dalaga. Tanging siya lang ang nakakaalam kung anong kasalukuyan nitong nararamdaman. Pareho sila. Nang araw na nakita niya ang Beishuo Pass, hindi niya napigilan ang sarili. Hindi siya umiyak sa harap ng mga sibilyan at sundalo ng Yan Bei. Subalit, nang nakabalik siya sa tolda niya at sinarado ang kurtina nito, nagsimula siyang tahimik na umiyak. Mainit ang luha niya, hindi mapigilan ang pagtulo nito sa determinado niyang mukha, kung saan pinanatili niya nitong mga taon na ito. Ang araw na iyon ang unang beses sa siyam na taon na hinayaan niya ang sarili na malasing. Sa kalasingan niya, tila nakita niya ang sarili niyang ama na tinatapik siya sa balikat, tumatawa habang sinasabi, "Pilyong bata, lumaki ka na. Kasing tangkad mo na ako ngayon!"

"Ito ang Beishuo," kalmadong saad ng lalaki, nakaturo sa grey na syudad sa ilalim ng papalubog na araw.

Lumingon si Chu Qiao at tumingin kay Yan Xun na may kasiglahan ang mga mata niya.

Nang lumubog ang araw at pinakawalan ang gintong sinag nito, nakaupo sa likod ng kabayo ang lalaki, ang kanyang mata ay kalmado at ang boses ay matatag. Nakasuot siya ng simpleng kasuotan ng militar, katulad ng sa sundalo. Nasa 20 taon gulang siya, bata, matangkad, tuwid, at makisig. Ang mga mata niya ay puno ng karangalan, tulad ng balon na hindi alam ang lalim.

Hindi tinutukoy ng edad ang kung gaano katanda ang isang tao, tanging karanasan lang.

Nakatingin sa kanya, biglang naisip ni Chu Qiao ang binata na sinadyang hindi patamain ang kanyang tira maraming taon ang nakakalipas sa royal hunting ground. Naisip niya ang masiglang batang prinsipe sa kalye ng Zhen Huang at ang kumikinang na tubig ng lawa. Tumingin ang binata sa kanya habang tumatawa. Ang ulo niya ay kumikislap. Naisip ni Chu Qiao ang madilim na kulungan sa royal capital, ang malamig na nyebe na pumasok sa kulungan nila, ang nagngangalit na hilagang hangin, ang kamay nilang magkahawak sa makapal na pader...

Sa iglap na iyon, nakatingin sa tabas ng mukha ni Yan Xun, naalala ni Chu Qiao ang tagumpay at kabiguan nitong walong taon. Isang binata ang nakabalik sa sarili niyang mga paa mula sa putik at lawa ng dugo, gumagawa ng mabagal at mahirap na hakbang sa paglalakbay niya sa pagbawi.

Malamig ang hilagang hangin. Ang bandila na may agilang simbolo ay lumilipad-lipad sa taas ng kanyang ulo. Ang kabundukan ng Yan Bei ay sinalubong ang bago nitong amo. Nagsimulang kumulo ang dugo ni Chu Qiao. Nagawa niyang mahulaan: isang kapanahunan ang nagtapos. Ang bagong henerasyon ay lilitaw dito!

Nagalak si Chu Qiao na maging direktang saksi sa lahat ng pagbabagong ito. Matapos ang lahat, nasa tabi lang siya ng lalaki na may matibay na determinasyon!

Lumingon si Yan Xun, humakbang ng isa sakay ng kabayo niya. Kalmado niyang sinabi kay Chu Qiao, "AhChu, maligayang pag-uwi."

Umalingawngaw ang iyak ng agila sa himpapawid. Ang maayos na tunog ng yabag ng kabayo ay umalingawngaw mula sa harap. Marahang bumukas ang tarangkahan ng syudad ng Beishuo. Marahang tumingala si Yan Xun, namamanaag sa mukha niya ang sinag ng araw.

Nang makapasok sila sa syudad, may lumapit sa kanila. Tinuro ni Yan Xun ang taong nasa harap nila at sinabi, "AhChu, ito si Huanhuan, ang pinaka hindi makatwirang tao sa Yan Bei."

Nakasuot ang dalaga ng matalinong tignan na kasuotang pangkabayo. Ang kanyang baba ay nababalot ng tela na gawa sa buhok ng camel. Ang kanyang mata ay parang dalawang maningning na ubas. Nang marinig ang pangalan ni Chu Qiao, nagulat siya. Sinuri niya ang matangkad na babae gamit ang mata bago nag-usal, "Ikaw si Chu Qiao?"

"Princess Huan, ang pinakamatalas na patalim sa kabundukan ng Yan Bei. Karangalan ni Chu Qiao na makita ka."

Umihip ang hangin sa pinto, ginulo ang buhok ng dalaga. Malapit na tumingin si Huanhuan kay Chu Qiao, ang kanyang kilay ay hawig ng kay Yan Xun. Nasa 18 o 19-taon-gulang siya at namana ang matangkad na pigura ng lahat ng ninuno ng Yan. Ang kanyang balat ay makinis, at ang tabas ng kanyang mukha ay tukoy, dala-dala nito ang elemento ng kagandahan. Tumawa siya at sinabi, "Nandito ka. Hindi nakapagtataka."

Napasimangot si Yan Xun at nagpagalit, "Huanhuan, wag kang maging bastos."

"Sige, kapatid," tumawa si Huanhuan. Tinapik niya si Yan Xun sa balikat, tumawa at sinabi, "Isang sinumpang lugar ang syudad ng Zhen Huang. Niligaw ka nila. Alituntunin o magandang-asal lang sila."

"Narinig ko ang tungkol sayo," lumingon si Huanhuan, pinapakita ang puti niyang mga ngipin. May sa kaibigang tono, sinabi niya, " sinamahan mo ang kapatid ko ng walong taon sa royal capital at madaming dinanas. Para masagip ang hukbo, nilabanan mo ang mga sundalo ng Xia. Magaling!"

"Prinsesa, pinangunahan mo ang hukbo ng Huoyun para talunin ang mga barbaro ng Batuo sa Yan Bei. Naging alamat ito," saad ni Chu Qiao.

"Hurhur, isa akong supling ng pamilya Yan. Kung hindi ko sila papatayin, ako ang papatayin nila. Hindi ako maikukumpara sayo. Isa kang nabubuhay na alamat ng Yan Bei," tumawa si Huanhuan. "Narinig ko na nag-uwi ng babae ang kapatid ko. Medyo nag-alala ako na binigo ka niya. Dahil ikaw iyon, hindi ko na kailangan pang mag-alala!" Kiming ngumiti ang dalaga, tinuya si Yan Xun, at mabilis na lumabas ng pinto.

Related Books

Popular novel hashtag