Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 136 - Chapter 136

Chapter 136 - Chapter 136

Namutla ang mukha ng buong korte, at hindi sila makapaglabas ng kahit ano para kontrahin ang sinabi ni Li Ce. Gayon pa man, mas naging madaldal si Li Ce nang naglibot siya habang pinagpapatuloy ang kanyang monologo, "Isa pa, kung ikokonsidera ang tigang na lupain ng Yan Bei, siguro ay hindi sila edukado na hindi sumusunod sa pangunahing moral tulad ng pagsunod ng anak sa magulang. Ang mga sibilyan doon siguro ay mga mangmang na kailangan maliwanagan. Sa imperyo ng Tang natin, may libo tayong matatalinong iskolar, at kung tangkain ng mga taga Yan Bei na sumalungat sa atin, ipapadala natin ang maraming nalalaman na mga iskolar para liwanagan ang barbaro nilang kaisipan. Nasisigurado ko na babaluktot sila sa salita ng mga santo natin, at mahihiya sa kanilang mga ginawa. Nang masabi iyan, narinig ko na walong taon ang ginugol ng imperyo ng Xia na ilipat ang katapatan ng mga mamamayan ng Yan Bei na walang kinahinatnan. Kahit sa pagsisikap nila, nahihibang na aatakihin ng mga sibilyan ng Yan Bei ang hukbo ng imperyo ng Xia na walang pag-aalinlangan. Pero huwag mag-alala, sigurado ako na mas magaling tayo kaysa sa imperyo ng Xia! Matapos ang lahat, nang tinuturuan ng mga santo ang ninuno natin, siguro ay wala pang suot na damit ang mga taga Xia! Hahaha! At sa wakas, mayroon akong huling hiling, at ito ang pinaka mahalaga!" Tumalikod si Li Ce, masayang nakangiti habang taimtim na nakaluhod sa harap ng emperor, at malakas na pinahayag, "Ama, ang huling hiling na ito ay lubos na mahalaga, at malapit na nakabuhol sa prosperidad ng nasyon natin. Dapat tayong dalawang beses na makasiguradong maisakatuparan ito!"

May bahid ng pagkaaliw, pinayagan ng emperor ng Tang ang kanyang anak na magpatuloy, "Magpatuloy ka."

Inangat ni Li Ce ang kanyang tingin at taimtim na pinahayag, "Hinihiling ng anak na ito ang paglilipat ng ating capital."

"Ano?" Nang puntong nasabi ang pahayag na ito, hindi na mapigilan pa ng buong korte ang gulat at lubos na pagkalito, at nag-umpisang mataranta.

"Hay…" Mahabang napabuntong-hininga si Li Ce bago walang magawa na sinabi, "Isa rin itong bagay na hindi natin maiiwasan. Para protektahan ang dignidad ng imperyo ng Tang natin, isa itong laban na kailangan ipaglaban. Ngunit ano pagkatapos? Kahit na sigurado ako sa panalo natin, sigurado ako na dadanas tayo ng maraming pagkawala sa lakas-tao, pinansyal, imbak ng pagkain, mga sandata, sibilyan, at iba pa. Ang pinaka mahalaga ay kapag nagpatuloy ang digmaan na ito, ang mga sundalo natin ay nasa pinaka loob ng teritoryo ng Xia. Paano kung magdesisyon ang imperyo ng Xia na kuhanin ang oportunidad na ito para lusubin ang capital natin? Kahit na hindi tayo traydurin ng imperyo ng Xia, sa mahina nating estado, siguradong kukuhanin ng imperyo ng Song ang tsansa na ito para lumusob! Huwag niyong kalimutan, nasa gitna tayo ng laban sa imperyo ng Song! Kailangan natin ihanda ang sarili. Kakaharapin ng imperyo ng Tang ang makasaysayang panahon kung saan lalabanan natin ang digmaan sa parehong harap! Hindi sigurado ang panalo natin, at dahil dito, inirerekomenda ko na sunugin ang capital matapos lumipat sa tigang na lupa ng hangganan sa timog! Doon, kahit na matalo tayo sa digmaan, walang mahahanap na kahit ano ang imperyo ng Song at Tang. Nagtatago sa kagubatan ng hangganan sa timog, walang makakahanap sa atin! Magiging galit na galit sila noon! Haha!"

Sa puntong ito, ang itsura ng mga opisyal ay nandilim na nang tuluyan. Hindi pa rin natatapos ni Li Ce ang kanyang sasabihin, natutuwa itong nagpatuloy sa pagsasalita, "Oh, nakaisip ako ng magandang plano! Kung buhay tayo para makita ang dulo ng digmaan, at napagtanggol ang pinakapipitagang kaluwalhatian at karangalan ng imperyo ng Tang, kung gayon sa dulo ng digmaan, maaari tayong magpadala ng royal na prinsesa para ipakasal sa royal na pamilya ng Xia, kasama ang hindi mabilang na opisyal na magaling mangumbinsi ng iba. Kapag dumating tayo sa imperyo ng Xia, maaari natin gamitin ang parehong taktika! Maaari natin sabihin na napahiya ang prinsesa ng mga espiya ng imperyo ng Song, at habang ang buong korte nila ay nagkakagulo, maaari natin ipadala ang mga opisyal natin para suhulan ang mga opisyal ng imperyo ng Xia. Haha! Doon, mag-uumpisa ng digmaan ang imperyo ng Xia sa imperyo ng Song. Tapos ay papanoorin natin silang dalawa na maglaban, at dadagit sa huli para sa atin ang huling halakhak! Anong masasabi niyong lahat?"

Nakakabingi ang katahimikan ng lahat. Bigla, nag-iisang boses ang biglang tumawa. Tumingin ang mga tao at galit na tumitig sa lalaki.

Sa pagaspas ng kanyang roba, lumapit si Xue Changling at lumuhod sa sahig. Malakas niyang pinahayag, "Talagang napakagaling ng Crown Prince. Ang mapagpakumbabang lingkod na ito ay ganap na natangay ng iyong katalinuhan. Kung ipipilit niyo ang digmaan, handa akong sundan kayo sa labanan, at pagsilbihan na rin kayo."

"Sige. Tatandaan kita." Tumawa ni Li Ce at tumingin ulit sa emperor, lumuhod, at taimtim na nagmakaawa, "Ama, pakiusap ibigay niyo ang utos! Nakapagdesisyon na ang batang ito. Kung hindi ko lilipulin ang Yan Bei, wala akong karangalan para tawagin pa ang sarili ko bilang isang tao. Kahit na puno ng panganib ang paglalakbay na ito, pinapangako ko na kahit papaano ay sisiguruhin ang parehong kamatayan sa Yan Bei, para masigurado na mapagtanggol ang karangalan at reputasyon ng imperyo ng Tang. Ngayon lang, lahat ng opisyal ay lubusang sinuportahan ang digmaan, na ang dugo ko ay talaga namang kumukulo sa antisipasyon ng labanan. Hinihiling din ng batang ito na iyong mga pinaka malalakas na nagsalita ay susundan ako sa kampanya na ito para bigyan sila ng tsansa na makakamit ng dakilang pagkapanalo at iwanan ang pangalan nila sa kasaysayan! Pakiusap payagan ninyo kami, Ama!" nang masabi iyon, malakas niyang inumpog ang noo sa sahig na may malutong na kaltog!

Bahagyang napadaing ang emperor ng Tang, at may sasabihin na sana nang may umirit, "Kamahalan!" at lumuhod sa sahig.

Taimtim na nagpahayag si Elder Liu, "Kamahalan, ang aliping ito ay biglang naramdaman na may kabuluhan ang sinabi ni Master Xue. Mag-umpisa ng isang digmaan dahil lamang sa may pinapanigang salita ng prinsesa ng Xia ay padalos-dalos. Dapat muna tayong mag-imbestiga pa bago gumawa ng desisyon!"

"Oh?" Napataas ang boses ng emperor. "Pero hindi ba't kakasabi mo lang na may binabalak si Master Xue at hindi dapat pagkatiwalaan?"

Puno ng malamig na pawis ang mukha ni Elder Liu nang nagpilit itong maglabas ng dahilan, "Iyan, iyan ay dahil kulang ako sa konsiderasyon kanina. Ang sinabi ni Master Xue kanina...ay talagang makatwiran at dapat isaalang-alang."

Tumingin ang emperor ng Tang kay General Qi at nagtanong, "General Qi, ano sa tingin mo?"

"Sumasang-ayon din ang aliping ito. Ang ganoon kalaking kampanya ay hindi dapat madaliin ang pagdedesisyon...at kailangan natin na mas mag-ingat."

Sumingit din ang pinuno ng departamento ng militar, "Naniniwala din ang alipin na ito na kung ipapadala natin ang mga sundalo natin ngayon, hindi tayo magkakaroon ng sapat na imbak ng pagkain para alalayan ang matagalang pagsalakay. Kailangan natin itong pag-isipan mabuti."

"Tama, tama, tama. Hindi madali na ipunin ang pwersa natin hanggang hangganan sa hilaga. Saka hindi pa nakakakita ng maraming digmaan ang bansa natin sa maraming taon, kahit na lumaban tayo sa digmaan, dapat ay sapat tayong maghanda."

Napasimangot si Li Ce at nagalit, "Anong sinasabi mo? Lubos na tayong naapi. Hindi ba tayo gaganti? Paano ang reputasyon natin? Kung mamamatay tayo, dapat natin siguruhin na isama sa impyerno ang Yan Bei!"

"Crown Prince!" Agad na singit ni Mastwr Luo, "Ano ba ang Yan Bei? Paano sila naging sapat para mamatay tayo kasama nila? Pabayaan na natin ito."

"Hindi maaari yan." Matigas ang ulong tanggi ni Li Ce. "Ipinahiya ang asawa ko. Isa itong bagay na napakahalaga. Bilang crown prince, paano ko mahahayaan na ipahiya ng kung sino ang bansang ito? Bilang lalaki, paano ko mahahayaan na apihin ng iba ang asawa ko? Kapag nanahimik ako, natatakot ako na malaman ng buong mundo ang kahihiyan na ito!"

Agad na sinubukan ni Elder Liu na payapain siya sa pagsabi, "Prinsipe, kamahalan, pakiusap huminahon ka. Ang pagtiis sa galit mo ay sakripisyo para sa mamamayan natin, maiiwasan na libo sa ating mamamayan ang maaaring mamatay sa labanan. Walang kahit sino ang magsasalita ukol sa inyong kamahalan. Pasasalamat lang ang mararamdaman nila sa iyong kagandahang-loob."

"Mismo! Sa simula pa lang, hindi pa pormal na naikakasal ang prinsesa ng Xia sa imperyo ng Tang. Kahit na damay tayo sa bagay na ito, dapat din sisihin ang sundalo nila! Pangalawa, ang Yan Bei, bilang mortal na kaaway ng imperyo ng Xia, ay tiyak na walang kinalaman sa imperyo ng Tang. Pinakamalala, hihiling tayo sa imperyo ng Xia na magpadala ng panibagong prinsesa. Madami naman silang prinsesa."

"Tama, nagdala sila ng kahihiyan sa ating kabisera. Ni hindi natin hinanap ang responsibilidad nila, nangahas silang gumawa ng ingay?"

Napasimangot si Li Ce, para bang nasa mahirap siyang kalagayan. Marahan niyang sinabi, "Ngunit, mga ginoo, kaya niyo ba talagang tiisin ang ganoong kahihiyan? Kayo ay dakilang mga opisyal ng nasyon na ito, hindi ba kayo natatakot na matatandaan ng makasaysayang arkibo ang araw na ito?"

"Ayos lang ang ganito! Para sa imperyo ng Tang, ang kaunting sakripisyo na ito ay wala lang!" Sabay-sabay na umiling ang mga tao.

"Hay." Umiling si Li Ce at emosyonal na bumuntong-hininga. "Nakikita ko kung paano ang lahat ng tao ay matuwid at isinasakripisyo ang sarili, ako, si Li Ce, ay naramdaman na hindi talaga sapat bilang Crown Prince. Dahil lahat ay matitiis ito, anong masasabi ko? Mangyaring magpadala ng liham upang aluin ang prinsesa ng Xia tungkol sa kanyang kasawian at pabalikin siya."

Hindi magtagal, ang pang-umagang pagpupulong ng korte ay tapos na, at ang sandaang opisyal ay nilisan ang korte. Matapos ang maikling pribadong pakikipag-usap ka Li Ce, umalis na ang emperor.

Sumunod si Sun Di kay Li Ce, tahimik na binigyan ng thumbs up at sinabi, "Talagang bumuti na ang pananalita mo kamahalan!"

Suminghal si Li Ce na para bang wala lang ito. "Pangkat ng mga nabubulok na matandang opisyal. Wala lang iyon."

"Pero may mga pagkakataon na nakakatulong ang matatandang opisyal na iyon."

Nagpatuloy si Li Ce sa pagmamaliit ng mga nakatatanda na iyon, at inutos, "Mukhang ayos ang Xue Changling na iyon. Bantayan mo pa siyang mabuti. Hindi natin siya magagamit hangga't hindi natin naoobserbahan mabuti."

"Sige." Tumango si Sun Di at nagtanong, "Kamahalan, anong susunod na gagawin natin?"

Inunat ang kanyang daliri, hinilot ni Li Ce ang kanyang sentido at sinabi, "Iniisip ko pa. Talagang nabigla ako ni Zhao Chun'er. Hindi ko naisip na mangangahas siyang gamitin ang kalinisang-puri niya para palakasin ang apoy ng digmaan sa pagitan ng imperyo ng Tang at Yan Bei. Nakausap mo na ba ang katulong na sumuri ng kalinisang-puri niya? Hindi na ba talaga siya birhen? Saka, sinong nakakita ng pagpapakamatay ng mandirigma ng Da Tong?"

"Mayroong tatlong katulong na sumuri, at lahat ay nakatatanda sa loob ng palasyo. Pare-pareho ang sinabi nila. Pakiramdam ko ay ito ang katotohanan. Para naman sa mandirigma ng Da Tong na iyon, mula sa narinig ko, sa puntong nagmadaling pumasok ang mga gwardya ng palasyo, tumalon ito paalis ng higaan ng prinsesa, at pagkatapos sumigaw ng 'Yan Bei Da Tong', nagpatiwakal na siya."

Bumuntong-hinunga si Li Ce habang umiiling. "Nangahas ang imperyo ng Xia na gamitin ang pustang ito para lumaban ang imperyo ng Tang sa Yan Bei, malaki talaga ang isinasakripisyo nila."

"Kamahalan, papabalikin ba talaga natin si Zhao Chun'er sa imperyo ng Xia?"

"Kung hindi ay ano pa ang magagawa natin? Pakainin siya dito?" Pasinghal na nagpatuloy si Li Ce, "Sa oras na pinabalik ko siya, malalaman ng imperyo ng Xia na nasira na ang planong ito. Kailangan pa rin niyang umasa sa imperyo ng Tang sa oras na ito, kaya hindi siya mangangahas na salungatin tayo agad. Hangga't mapipigilan natin ang mga opisyal natin na may kung anong gawin, walang magagawa ang imperyo ng Xia sa atin."

Sumasang-ayon na tumango si Sun Di. "Talaga. Kahit gaano pa kabalisa ang imperyo ng Xia, hindi dapat natin iyon problema."

Sa puntong ito, isang tagasilbi ang nagmadaling lumapit, madapa-dapa at natataranta, basang-basa ng pawis, malakas na sumisigaw habang nasa daan, "Kamahalan! Masamang balita!"

Nakasimangot, sumibad pabalik si Li Ce at nagtanong, "Anong nangyari?"

Ang taong iyon, may malakas na untog na lumuhod sa sahig. "Nagtangkang magpakamatay ang prinsesa ng Xia sa Rose Square!"

"Ano?" Agad na namutla si Sun Di tapos ay narinig na magpaliwanag ang tagasilbi, "Pero nabigo siya at nagkasugat-sugat lang sa kanyang ulo. Dahil lang maraming sibilyan sa paligid kaya mayroong gulo."

Malamig na hindi pinansin ang balita, hindi nagalaw si Li Ce. "Ang ganyan kalaki ay wala lang. Sinusubukan niya lang kuhanin ang simpatya ng mga tao."

Napasimangot din si Sun Di, tila hindi nasisiyahan sa tagasilbi dahil sa pagpapalaki ng problema. "Napakaliit na bagay ngunit labis ang pagkataranta mo. Sino ang nakatataas mo?"

"Kamahalan, hindi iyon ang pinaka isyu!" Nagpatuloy na mataranta ang tagasilbi, at kulang sa paghinga na nagpatuloy, "Ang problema ay ang hilagang kampo na nagsasanay sa tabi ng Rose Square. Ang mga sundalong iyon, na karamihan ay anak ng maharlikang pamilya, ay nakita ang buong insidente. Nakikisimpatya sa bumagsak na prinsesa, 30,000 sa kanila ay nagtipon sa pinaka kalye, nagpoprotesta na salakayin ang Yan Bei at patungo na sa palasyo ngayon! Hindi mapigilan ng mga junior officers ang sitwasyon!"

"Anong sinabi mo?" Kahit ang mukha ni Li Ce ay namaluktot sa lubha ng sitwasyon.

Sa pinaka oras na ito, panibagong tagasilbi ang madaling dumating sakay ng kabayo habang sumisigaw, "Mahalagang bagay! Mahalagang bagay!"

"Anong nangyari?" Seryosong-seryoso na ang mukha ni Li Ce, walang kahit anong bahid ng kanyang karaniwang masayahing ugali.

"Kamahalan…" pasalampak na bumaba ng kabayo ang lalaking iyon at lumuhod. Ang kanyang kasuotan ay namamantsahan ng dugo sa maraming lugar.

Related Books

Popular novel hashtag