Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 137 - Chapter 137

Chapter 137 - Chapter 137

Nagalit si Sun Di, "Nabaliw na ba ang hilagang kampo? Inaatake ang kanilang kakampi para sa dayuhang prinsesa?"

Lumuhod sa lupa ang lalaki at malakas na sinabi, "Kamahalan, hindi inatake ng hilagang kampo ang imperial na gwardya na mula sa royal na capital. Subalit, pinalibutan nila ang karwahe ni General Tie You. Ang 30,000 sundalo mula sa hilagang kampo ay nagngangalit. Base sa mga opisyal ng Xia, ang tao sa loob ng karwahe, isang rebelde mula sa Yan Bei, ay nasa likod ng planong ito. 20 mga kapatid na ang nawala sa atin mula sa pambungad para sa mga sundalo ng Xia. Ang mga sundalo mula sa hilagang kampo, dahil nakakita ng dugo, ay mas naging mahirap makontrol."

May taimtim at galit na ekspresyon sa mukha ni Li Ce. Sumingkit siya tulad ng sa fox. Malamig siyang sumagot, "Hindi ganito kalaki ang magagawa ni Zhao Chun'er sa sarili niya lang. Mayroong mali na nakatago."

Ang umagang hamog ay bahagyang nawala, dahilan para suminag ang araw sa Rose Square. Ang pilak na baluti ng mga sundalo ay nireplekta ang sinag ng araw at nagmukhang marilag. 30,000 sundalo mula sa hilagang kampo ang nakatayo sa batong hagdan ng square. Lahat sila ay bata pa, ang mga mukha ay dala-dala ang kawalan ng takot na mula sa pagka walang muwang at kawalan ng karanasan. Ang mga maharlikang sundalo, na lumaki sa payapang Tang Jing, ay nakatingin sa karwahe ng kabayo na napwersa sa tuktok ng plataporma. Ang paraan ng paghawak nila sa kanilang sandata ay dahilan para kumalantong ito.

Mataas na nakatayo sa tuktok ng Rose Square, nakatingin sa kamangha-manghang Tang Jing… ang marilag na mga pader na iyon, marangyang palasyo, hile-hilera ng tirahan at pamilihan… ang mga sundalong may dalang armas at ang mga sibilyan na nasa baba ng square… biglang nakaramdam ng kapayapaan si Chu Qiao. Malakas ang hangin na umiihip sa kanyang manto. Ang ibabang parte ng kanyang kasuotan ay pumagaspas sa hangin, tila isang ibon na inuunat ang pakpak. Inunat niya ang kamay at tinanggal ang sumbrero sa ulo, nagpakita ng maganda, determinadong mukha at pares ng payapang mga mata!

Sa isang iglap, malakas na tunog ng pag-uusap ang sumabog mula sa lahat ng direksyon. Isang buwan ang nakakalipas, pumasok ang larawan ni Chu Qiao mula sa Xia at dinikit sa lahat ng kalye. Ang mga estudyante mula sa bulwagan ng Shang Wu ay paulit-ulit na pinag-aralan ang parang ninja niyang taktika sa digmaan. Subalit, sa puntong ito, natigalgal sila nang makita ang dalaga na wala man lang 18 taong gulang.

Ito ba ang rebelde mula sa Yan Bei na mag-isang lumusot sa capital ng Xia para iligtas ang Southwest Emissary Garrison?

Ito ba ang kilalang heneral na pinangunahan ang 4,000 bumagsak na sundalo sa mahabang paglalakbay na hindi natalo sa labanan?

Ito ba ang pinuno sa Yan Bei na sampung beses nakatakas sa hawak ng imperyo ng Xia sa mahabang paglalakbay?

Ito ba ang may utak na lumusot sa Tang para sikretong magplano ng nakakahindik na plano?

"Ako si Tie You, ang tagapagbantay ng Crown Prince! Sabihan mo ang kapitan mo na lumabas at kausapin ako!" Malala ang sugat ni Tie You pero diretso ang tindig nito sa harap ni Chu Qiao. Ang binata ay parang dakilang bundok, sa determinado niyang tingin, makapal na kilay, at diretsong postura. Tinutok niya ang espada sa mga sundalo mula sa hilagang kampo at sumigaw, "Sabihan niyo si Lu Fangshang na lumabas at kausapin ako!"

Hindi niya alam na ang mga nakakataas mula sa hilagang kampo ay pumasok sa palasyo ng Jinwu para magmakaawa sa hari na atakihin ang Yan Bei. Naiwan ang hukbo ng ilang junior na commander.

Ang kanyang espada ay matalas at mabigat, nagdadala ng uhaw sa dugo na awra. Isang grupo ng sampo ang nagtangkang sumugod sa kanya. Nakasuot sila ng uniporme ng hilagang kampo, ngunit ang mga hampas nila ay katulad ng sa mga sundalo ng Xia. Gayumpaman, huli na. Sumigaw sa galit si Tie You, "Nagtatangka ba kayong magrebelde sa pagtitipon dito?"

200 sundalo ang nagprotekta kay Chu Qiao. Karamihan sa kanila ay nasugatan na. Isa sa kanila ay may nakabaon na palaso sa dibdib pero hindi bumagsak. Hinawakan niya ang kanyang sibat at diretsong tumindig, gamit ang katawan niyang hinarangan si Chu Qiao mula sa palaso.

"Nalinlang ng masamang iyan ang Crown Prince, dahilan para harangan at protektahan niya ang Yan Bei. Sundalo tayo ng Tang, ang pwersang panlaban ng bansa! Hindi natin kayang maupo nalang at makita ang bansa natin na nagdudusa sa kahihiyan habang hinahayaan na malayang naglalakad ang masamang iyan!"

Isang hindi kilalang boses ang sumabog sa mga tao. Ang mga sundalo na kumalma na ng bahagya, ay nakaramdam ulit ng adrenaline. Sumigaw sila, "Tama! Hindi natin siya pwedeng pakawalan!"

"Mahandak ang prinsipe. Maaaring nalinlang siya ng demonyitang iyan!"

"Rebelde ng Yan Bei! Nangahas kang galitin ang imperyo ng Tang! Dapat kang mamatay!"

"Patayin siya!"

Nang umihip ang hangin, nakakasindak ang tingin ng mga tao. Alam ni Chu Qiao na sa iglap na ito, walang saysay ang kahit anong sabihin niya. Sapat ang galit ng mga sundalo para sunugin ang lahat ng nasa daan nito. Nakita niya ito mismo sa mga laban sa hilagang-kanluran at sa syudad ng Zhen Huang. Malakas niyang tinawag si Tie You pero hindi ito lumingon. Sumasabog ang boses niya pero tila mahina ito sa malakas na sigawan.

"Humayo ka! Hanapin mo si Li Ce, siya lang ang makakabago ng sitwasyon na ito!" Hindi lumingon si Tie You ngunit ang kanyang boses ay dala ang determinasyon ng isang sundalo. Sa oras na ito, hindi na siya ang batang ama na ngumiti nang mabanggit ang anak na babae--isa siyang determinadong sundalo. Bawat salita siyang sumagot, "Inutusan ako ng Crown Prince na protektahan ka."

"Mga kapatid, sugod! Hindi tayo rebelde! Pinoprotektahan lang natin ang dangal ng ating bansa! Maaalala tayo ng kasaysayan! Patas tayong huhusgahan ng ating mga supling. Makasaysayan ang kilos natin ngayon! Gagamitin natin ang ating dugo para ipakita ang katapatan ng isang sundalo!"

Isang matalas na swoosh ang umalingawngaw, kasama ang makabasag-taingang sigaw sa ere. Nagsitayuan ang buhok ni Tie You at parang leon itong umatungal! Iwinagayway niya ang kanyang espada, naging itim na anino ito sa mabilis niyang galaw. Sa isang kisapmata, lumukso siya sa kumpol ng sundalo na mula sa hilagang kampo at nagsimulang tumaga sa kanila, dahilan para tumilamsik ang dugo at bumuo ng medyo bilog. Kahawig ng atungal ng hayop sa ulan, hawak ni Tie You ang espada sa isang kamay at inangat ang sundalo na mula sa hilagang kampo sa isang kamay na nasa ibabaw ng ulo nito.

"Kung gusto mong magsalita, bakit hindi mo ito gawin nang harapan? Bakit ka nagtago sa likod ng ibang tao!"

May kalabog na tinapon ni Tie You ang lalaki sa lupa, dahilan para magsiliparan kahit saan ang alikabok. Humakbang ng ilang beses si Tie You at nakamamatay na tumingin sa mga mata ng lalaki. "Sino ka? Sundalo ka ba mula sa hilagang kampo? Mula ako sa hilagang kampo. Bakit hindi pa kita nakita dati?"

Takot na umatras ang lalaki at madaling sinabi, "Commander, anong balak mong gawin? Pwede mo akong patahimikin, pero mapapatahimik mo ba ang buong mundo?"

"Tinatanong lang kita. Sino ka?"

"Haha," biglang tawa ng lalaki. "Commander, sundalo ka ng Tang. Imbis na hulihin ang mga rebeldeng nagpaplano laban sa atin, tinatanong mo kung sino ako. Hindi mo ba alam ang prayoridad mo? Isa akong karaniwang sundalo. Wala akong kahit anong pabuya, ang magaling mong kasanayan, o ang estado mo! Subalit, may katangian ako ng sundalo, may pusong makabayan!"

Hinablot ni Tie You ang kwelyo ng lalaki sa galit. "Hindi ka mula sa Tang! Mula ka sa Xia! Ano ang motibo mo sa paghahasik ng sigalot dito?"

"General Tie You!" saad ng lalaki at nilakasan ang kanyang boses. Mapula ang mata siyang sumigaw, "Ipinagmamalaki ka ng hilagang kampo! Naging idolo ka namin! Ano nang nangyari sa iyo ngayon? Sinunod mo ang Crown Prince, pinalagpas ang kanyang mga pagkakamali, pinahintulutan siyang balewalain ang interes ng bansa, ipinahiya ang buong imperyo ng Tang! Asan ang pagiging sundalo mo? Kinain na ba ng aso ang konsensya mo?"

Marahas na umihip ang hangin, dahilan para magmukhang malamig ang araw. Nahikayat ang ilan, maraming sigaw at ingay ang umalingawngaw sa paligid. Namula sa galit ang mata ni Tie You. "Papatayin kita kapag nagsalita ka pa!" Sigaw niya.

"Patayin mo ako kung ganoon!" Hindi natibag ang lalaki. Inangat niya ang kamay tungo sa mga sundalo ng hilagang kampo at sinabi, "Kung magigising ng dugo ko ang kaluluwa ng Tang, mamamatay ako na walang pagsisisi! Ang mga ninuno, Emperor Wu, Saint Xuan, General Gao Lie, ang hari ng Ling, nakatingin sila sa atin! Mabuhay ang imperyo ng Tang!" Pagkatapos ng kanyang sinabi, itinagilid ng lalaki ang kanyang katawan at ibinaon ang espada ni Tie You dito.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang singhap sa mga tao. Hiniwa ng malamig na espada ang lalamunan ng lalaki. Tumulo ang dugo sa lupa. Nagulat si Tie You, ilang hakbang na umatras at hinayaang bumagsak ang katawan sa lupa ng Rose Square.

Hindi dumikit sa lupa ang katawan ng lalaki dahil sinuportahan ng lagayan ng espada ang kanyang katawan. Hindi siya makapagsalita kahit na magtangka siya. Madaming dugo ang tumulo mula sa kanyang bibig, minantsahan ang pilak niyang baluti sa harap ng kanyang dibdib. Tila namulaklak ang pilak na rosas at nagbibigay ng nakasisindak na awra.

Sa likod ng mga tao, marahang ipinikit ni Chu Qiao ang kanyang mga mata. Alam niyang huli na ang lahat.

"Patayin siya!" Isang hindi kilalang boses ang umalingawngaw. Ang galit na mga tao, tila isang tubig na palabas ng gumuhong dike, ay sumugod tungo sa kanya!

"Tie You! Hanapin mo si Li Ce!"

Diretsong hinawakan ni Tie You ang kanyang espada at dumura ng dugo. "Sinabi ng Crown Prince na protektahan kita." Saad niya sa mababang boses.

May swoosh na humugot si Chu Qiao ng espada mula sa namatay na imperial na gwardya at malamig na tumingin sa mga sundalong papalapit sa kanya. Marahan niyang sinabi, "Sige kung ganoon. Sabay nating labanan ito!"

"Haha! Ang lumaban kasabay ang kilalang heneral ng Xia, wala akong pagsisisi kahit mamatay pa ako!"

Nakakabingi ang mga yabag. Malakas na humiyaw ang mga batang sundalo. Kahit na ang lakas ng kalaban nila ay nasa dalawang-daan lang, umakto sila na parang nasa labanan sa hilagang-kanluran, o nasa Liaodong. Ang pilak nilang baluti ay parang gumuhong nyebe, nilalamon ang buong Rose Square. Inangat nila ang kanilang espada habang papalapit. Umalog ang lupang tinatapakan nila. Tila malaking bundok ng hukbo, nilalamon ang lahat nang nasa daanan nito.

Maskulado si Tie You na diretsong nakatayo. Sumali siya sa hukbo nung labing-apat siya, nagpartisipa sa labanan para ipagtanggol ang Liaodong at lipulin ang mga rebelde sa Nanqiu. Nagtrabaho siya bilang sundalo na nagmamanman ng kilos, libu-libong milya ang nilalakbay upang ihatid ang balita sa digmaang militar, nakilala bilang isang modelo at idolo sa mga sundalo ng Tang. Sa oras na ito, mag-isa siyang nakatayo. Katulad ng isang matalas na kutsilyo, naniwala ang lahat na ang kahit sinong humarang sa daraanan niya ay malilipol!

"Para sa kaluwalhatian ng royal na imperyo!" Sabay-sabay na sigay ng hilagang kampo. Sumugod ang mga sundalo na tila daloy ng tubig.

Bigla, isang tilamsik ng dugo ang lumipad sa ere! Sa kampay ng kanyang braso, tatlong ulo ang lumipad sa ere at bumagsak sa lupa na parang repolyo, nayurak sa gitna ng pagsusuguran. Nagsalpukan ang dalawang kampo, katulad ng dalawang mabangis na tsunami na harapang nagtagpo. Ilang alon ng dugo ang lumipad sa ere. Ang nakakabinging tunog ng pagsalpukan ng patalim ang umalingawngaw sa hangin. 200 gwardya ang nakatayo sa isang hilera para magtanggol, ang kanilang postura ay tuwid.

Kahit na nakakalamang sa dami ang hilagang kampo, nakatayo sila sa batong baitang. Kulang sampung porsyento sa kanila ang nasa mas mataas na plataporma. Tumakbo sila tungo sa plataporma ngunit walang nagawa para pigilan ang hukbong pinangungunahan ni Tie You

Ang unang hilera, ang pangalawang hilera, ang pangatlong hilera, ang pang-apat na hilera… bawat hilerang bumagsak ang mga sundalo. Ang bata nilang mata ay madamdamin, kasama ang kanilang dugo. Ang mga sundalo ni Tie You, kaharap ang kanilang kakampi, ay nakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Ang iba sa kanila ay ayaw nang pumatay, ang iba ay nagdalawang-isip, at ang iba ay sumisigaw, "Huwag kayong umakyat! Huwag na kayong umakyat!" Subalit, sa segundo ng pagdadalawang-isip nila, nakatutok na sa lalamunan nila ang mga espada. Sa susunod na segundo, sinaksak ng sarili nilang kakampi ang kanilang lalamunan.

Related Books

Popular novel hashtag