Ilang pulgada na lang ng buwan sa kanluran bago lumipas ang gabi. Sa nakitang mesteryosong lalaki natigilcang puso ni Chu Qiao.
Haring Lou….
Sa oras na bumalik siya sa palasyo, nag hihintay sa kanya si Qiu Shui.Pinapanatiling bukas ang mga mata, alam ni Qiu Shui na may bisita si Li Ce.
"Binibini, bumalik ka!" Nang bumalik si Chu Qiao, tumalon sa kanya ang alipin at nag salita, "ako po ay nag handa ng sopas na lotus. Binibini, gusto niyo po bang uminom muna bago matulog?"
May hawak na mainit init na sopas sa mangkok, biglang nawalan ng gana si Chu Qiao na tikman ang sopas. Itinaas ni Chu Qiao ang ulo at nag tanong, "Qiu Shui, May alam ka ba tungkol sa haring Luo?"
Natigilan ito, napasimangot si Qiu Shui at nag tanong, "Binibini, bakit bigla niyo po naitanong?"
"Wala naman, nag tatanong lang. kung hindi naman kailangan , hindi mo na kailangan sabihin sa akin."
"hay, hindi naman siya nakaaabala, ano lang ..." kahit na malinaw na walang nakikinig sa palasyo, mabillis na sinuri ni Qiu Sui ang paligid kung may makitang tao, bago siya bumulong kay Chu Qiao, ïto ay eskandalo na magaganap sa loob ng palasyo. Sa totoo lang, walang mag babalak na magsalita tungkol don."
Napataas ang kilay ni Chu Qiao. "Eskandalo?"
"Totoo. Ang ama ni Haring Luo ay tiyuhin ng aming Emperor. Kapag umakyat na ang Emperor sa trono, sa walang kadahilanang rason ay namatay si Haring Lushan sa sakit. Narinig ko na noong bata pa ang Emperor. Mas walang saysay pa siya sa Crown Prince. Lagi niyang kinakalaban ang mga payo ng buong korte, at walang pake sa moralidad na laganap sa mundo, at pinakasalanan niya ang kanyang tiyahin. Makalipas ang dalawang taon, ipinanganak niya ang Prinsepe, at ang Empress ay tinalaga ng Emperor. Dapat sa araw ng pag bigay ng trono sa reyna, ngunit ang walong Elder ng opisyales ay nag protesta sa pamamagitan ng pagpatay sa sarili nila sa pavillion ng feng Ming. Kaiht ganon pa man, hindi pinansin ng Emperor at pumunta pa rin ito. Sa loob ng 20 taon, nakasunod lang ang Emperor sa Reyna at dahil don ang posisyon nito ay lalong tumaas."
"sinabi...."
"Oo, parehas na tiyuhin at kalahating kapatid ng Crown Prince si Haring Luo. Maagang namatay si Haring Lushan, kaya nang kakapakasal palang ng reyna sa Emperor, nasa tatlong buwan pa lang si Haring Luo, at bago pa siya maging 20 ay kasabay niyang lumaki ang Crown Prince."
" Ay grabe!" gulat na sabi ni Chu Qiao habang inaalala ang maharlikang ginang na kilala niya.
"Lumaki ba ng sabay ang Crown Prince at Haring Lou sa palasyo?"
"Hindi rin totoo iyon." Kagat sa labing sagot ni Qiu Sui habang sinasabi nito, "Ang Prince at Haring Lou ay parehas na nakatira sa bahay ng reyna sa palasyo ng Qianhua. Ang residensiya ng Mihe ay ang tahanan ni Prinsesa Fu."
"Princess Fu?"tanong ni Chu Qiao
"Oo. Si Princess Fu ay hindi tunay na prinsesa. Siya ay apo ni Archduke Mu Rong. Ang pamilyang Mu Rong ay isa sa pinaka militar na pamilya sa emperyo ng Tang. At bilang isang matapang, ang heneral ng Mu Rong kasama ang kanyang apat na anak na lalaki ay sinakripisyo ang buhay para sa emperyo. Sa huling labanan, ang lakas ng Xia ay natibag galing sa Bai Zhi, at ang komander ng Xia na si Meng Tian ay nag pautos na patayin ang humigit kumulang 30,000 na bilango sa laban na iyon. Para protektahan ang mga sibilyan, ang matandang Heneral na Mu Rong na nasa animnapu na ang gulang kasama ang apat na manugang na babae, ay namuno sa buong pamilyang Mu Rong sa paglaban sa mga kalaban para maantala nila, sa ganon ay makarating ang dagdag kawal nila. Sa wakas, dumating narin ang tutulong pero ang buong pamilyang Mu Rong ay nawasak, ang natira lang ang Princess Fu na malapit ng mag apat na taon nong araw na iyon. Pinuri ang katatagan ng pamilyang Mu Rong, tinaas ng Emperor ang ranggo ni Heneral Mu Rong sa Archduke matapos nitong mamatay, kasama ang ibang may ranggo sa pamilya nito. Kaya nagkaroon ng titulo si Princes Fu kay Princess Zhangyi, at simula noon, tumira na siya sa Royal palace, na nag sasaya ksprehas ang pag trato sa Crown Prince at Haring Luo."
Maikli ang estorya, pero na sa ilalim parin sa kaisipan si Chu Qiao. Ang pamilyang Mu Rong ay namumuhay ka parehas ng pamilyang Yang noong dinastiya ng Song noon. Babad parin siya sa estorya, kaya nag tanong pa siya, "Ano ang nangyari pagkatapos?"
"Sa huli..." nakagat ni Qiu Sui ang ibabang labi, bago nag-aalinlangan sumagot ng pabulong, "pagkatapos ay namatay si Princess Fu."
Nabigla si Chu Qiao sa resulta at sinabi, "namatay?"
"Parehas ang edad nila Princess Fu at ni Crown Prince at lumaking mag kalaro, sa kabila na masalimuot ang pamilya niya, kinagiliwan siya ng Emperor at ng reyna. Nang siya at ang prinsepe ay nag-17, iniutos nila ang kasal at si Princess Fu ay magiging asawa ng Crown Prince, at ang pangalan niya ay mailalagda sa talaan ng royal na pamilya."
Tahimik na nakikinig su Chu Qiao pero sa loob-looban niya ay wala siyang gaanong maramdaman. Kung ikokosindera ang impluwensiya ng pamilya Mu Rong sa militar, siguradong makakatulong sa royal na pamilya ang kasal na ito para patatagin ang kapangyarihan. Inaasahan na iyon.
"pero sa huli, sa araw ng kasal, nagpatiwakal si Princess Fu."
"Ano?" hindi makapaniwala si Chu Qiao. "Nag pakamatay siya?"
"Totoo." Naging maputla ang mukha ni Qiu Sui at ipinagpatuloy ang paliwanag, "Ang pahayag ng Emperor ay pumanaw sa sakit si Princess Fu, pero ang alipin na ito ay nasa palasyo na mula pagkabata, at nasaksihan ko mismo ang lahat. Nang oras na iyon, nang nakarating ang Crown Prince sa pamahayan ng Mihe, nakasuot siya ng pulang-pula na roba na nag-uumapaw ng kainaman, at masayang sumunod sa mga opisyales. matapos niyang makarating sa silid nito, hindi pa rin nila nakikita ang prinsesa. Nagkakagulo, lahat ay nagmadaling hanapin siya. Sa huli, ang Crown Prince mismo ang unang nakahanap dito. Tumakbo sa likod, ang nakita lang nila ay kung paano si Princess Fu, sa suot niyang pangkasal ay nakabitin sa puno ng parasol."
Ang malamig na hangin sa gabi ay umihip, tila ay patungo sa punto ng trahedya.
"Ang Crown Prince ay umiyak at nahimatay. Kasama ko ang nanay ko, kami dapat ang taga silbi sa pag sasama sa babaing ikakasal. Ang nanay ko at ang iba pa ang tagasilbi ay nag madali patungo kay Princess Fu. Na takot ako, kaya napahakbang ako pabalik at natapilok sa bato. Nang nahulog ako umiyak ako pero napansin ko si Haring Lou doon sa punong pomegranate sa di kalayuan, na nakasuot na kulay lilang robang , ang kanyang mukha ay maputla na parang nakakita ng multo. Sa kanyang mga mata ay makikitang mapula, tumayo ito ng tahimik siya sa gitna nang mesa, at ang kamay nito ay nakatikom na parang sasabog na, "Namula ang mata ni Chu Qiao
Taimtim na tumango si Chu Qiao. Isa rin itong sekreto na inilibing ng royal court. Sobra na ang nakita niya.
"Talagang ang Prinsepe ay hindi na katulad dati. Ito ay dahil noong namatay si Princess Fu ay naging ganoon na siya. Binibini, hindi mo pa nakita si Princess Fu pero gustong gusto niya ang mga diwata. Kahit na nasa mataas na ranggo niya sa pagdunggaw at impluwensya, hindi niya kami inaapi at napaka maaalahanin siya sa amin. Lahat kaming tagasilbi ay maayos ang turing saamin. Pero wala sa aming lahat makaka isip na ang taong mabait ay mag kakaroon ng lakas na mag lakad pababa sa daanan."
Nailing si Chu Qiao. "bilang sa pinanganak ako sa matatapang na pamilya hindi na naka pag taka. Marahil kahit na ang dugo ay kumukulo. Mas gugustuhin pa niya kunin ang buhay niya kaysa isang alang ang buhay sa plano ng iba. Tulad ng awa na nasakanya na wala siyang lakas o di kaya kapangyarihan para protektahan niya ang sarili, at hindi siya makahanap ng tao na mag tatanggol para sakanya."
Mukhang malabong maintindihan ni Qiu Sui sa malalim na salita ni Chu Qiao.
Tinapik ni Chu Qiao ang balikat ni Qiu Sui at nag tanong, "Qiu Sui gusto mo ba rito sa palasyo?"
Ang batang taga silbi ay parang nagtataka at pagkatapos na pag aalinlangan, nag salita siya, "Hindi ko rin alam. Ang ina ko ay opisyales sa palasyo at gustong maikasal ang reyna sa tatay ko. Nabuhay ako rito, at hindi man lang ako umalis rito sa lugar. Nakita ko na lahat ng kadiliman rito sa palasyo at klaro sakin ang tungkol sa lahat secretong tinatago ng mga babae na ginagamit nila para makiha ang atensyon ng prinsepe. Ang mga kabit lang ang nakita ko sa tanang buhay ko mag kaiba kagaya niyo ni Princess Fu at ikaw Binibini. Walang mag hahatol sa buhay namin mga taga silbi kung gusto namin itong buhay. Pero hindi alintana ang nararamdaman ko, tuloy parin ang buhay."
Na supresa siya sa pag tugon, natawa ng marahan si Chu Qiao at sumangayon, "Totoong tama ka.Tungkol sa iyong damdamin, tuloy parin ang buhay. Dahil hindi mo pa nakikita ang labas ng mundo, kailangan mong makontento sa buhay na meron ka."
Binaba nito ang ulo at tinapik ni Chu Qiao ang ulo ng taga silbi at ipinag patuloy ang pag sasalita, "Qiu Sui, ang nasa labas ng mundo ay napaka hirap. Pwede kang mag salita ng malakas at nag lakad sa mahabang daanan. Kung saan mo gusto mong pumunta pwede kang pumunta hanggat nag tratrabaho ka makakatanggap ka ng bayad sa pinag gagawa mo. Pwede kang mamuhay sa buhay na gusto mo. Sa labas ng palasyo, kahit ang amoy ng hangin ng kalayaan."
Nag tataka angtaga silbi sa pag lalarawan at bumulong, "Edi… kung ganon na Hindi ako nagising ng maaga sa umaga at natulog ng matagal, walang mangenge alam?"
Natawa si Chu Qiao sa pag kahanga. "Oo naman, pero ang binayad mo ay mababawasan."
"Wah!" Biglang nasabik si Qiu Shui. Hinila niya ang kamay ni Chu Qiao at nag tanong, "Binibini, ganon ba talaga ang Yan Bei? Totoo ba?"
Napatingin si Chu Qiao rito,pero ang tingin niya ay napaka layo ang tingin, hindi parang normal na babae na 17 o18 anyos na gulang. Para kay Qiu Sui, parang nakatingin sa ibang bagay at paralang nakikita niyang may berdeng damo pa ito sa Yan Bei, ang makpal na balahibo ng puting tupa at ang porselanang nyebe ay nasa tuktok ng bundok sa hindi kalayuan….
"Hindi ko alam kung naroon pa iyon ngayon, dahil hindi na ako makapunta pero ipinapangako ko saiyo na sa isang araw, ay magiging too rin. Kaya kung bakit kailangan ma siguro na mananatiling buhay ka sa darating na arae na iyon."
Tumayo ai Chu Qiao at tumitig sa parasol na puno sa lanas ng kanyang bintana, at ipinapaala nito na nag iisa lamang siya.
"Ang parasol ay tumubo sa ilang libong milya, nanatiling umuusbong pagkatapos ng ilang araw. Ipinagdarasal ko ang iyong kaluluwa na sana ay maplaya bilang ipinanganak na roya."
Sa sumunod na araw, ang tunog sa nasirang karwahe ng kabayo at nag payanig sa umaga. Hindi na pa sabi ni Chu Qiao sa iba na may ginagawang pag hahanda bago pumasok. Sa karwahe.
Ngumiti si Tie You kay Chu Qiao at buanti siya, "Binibini Chu, malamig ang morning anahon. Maraming rasyon ang nasa karwahe. Alam kong gutom kana."
Napatango si ChuQiao at sumagot, "Salamat."
Halata naman na is lang ang nakakaalam sa pag kakilanlan niya kundi si Tie You, masayang naka ngiti ito, "Binibini Chu, ang pag ningning mo sa tagumpay sa Xia Empire ay naging dahilang palaisipan sa ating mga batang opisyal na kandidato. Malaki ang pag kagusto ng anak kong lalaki sa iyo, at lagi ka niyang ibinabanggitcsa akin."
Nakatitig siya sa lalaki, natigilan si Chu Qiao ng sandali at napatanong, "anak mo? Ilantaong gulang ka na ngayon?"
Tumawa si Tie You. "Ak oay mag 25 na ngayon. Ang anak kong lalaki ay 12. Ipinakasal ako noong 13 pa lang ako at meron rin akong anak na babae."
Pinatunog ni Chu Qiao ang dila ng palihim. 13 anyos na gulang…
Tama nga si Li Ce, Ang hangin rito ay totoong malakas. Nakasuot siya na may saklob sa ulo, tumunghay si Chu Qiao sa bintanang bukas at dinama lamang ang
pag bating hangin. Ang umagang araw ay nag dala ng mainit inti na sinag ng araw, lumukob sa buong palasyo ng Jinwu. Ang ilog, ang pavillion, ang bulaklak at ang palasyo ay dahan dahan lumalayo at nag lalaho na parang ginising ka sa masaganang panaginip mo. Sa pader na parisukat ay isa lang ang pinag kukunan ng kabutong karwahe. Pasulong sa katanghalian, na nag labas ng mahaba at pangit na anino.
Itinaas ni Chu Qiao ang ulo at tumitig ito samga ulap sa dika layuan at inisip ulit tungkol kay Li Ce na nakahilig sa crabapple tree. Nag ulap ang kanyang mgamata sa pag dududa.
"Lulubog at lilitaw ang araw ay nakatakda pang araw araw. Sana kaya mong iipalutang ang sarili sa tadhanang ilog."
Lumayo ng marahan ang karwahe sa maengrandeng palasyo. Hindi inaasahan namaaga magigising si Li Ce, na nakatayo na sa palamuting bundok sa palasyo ng plan Que. itong bundok na ito, dahil sa gawa sa tao ay napakalaki at tangkad nito at hundi mabilang na mga nakatubo na kawayan na sumasabay sa wasiwas ng malamig na umaga. Makikitaan ang bundok na pavillion na kawayan. Nakasuot siya ng berdeng blusa at naka suot na gintong korona si Li Ce at may hawak na plauta na kulay lila. Gusto mang mag togtog ng mga bagay bagay, ngunit hindi siyz pwedeng gumawa na kahit melodiya.