Dumaan ang ulap sa himpapawid, na naging anino sa ibabaw ng gusali. Gumalaw ang karwahe malayo, nag iwan ng alikabok pag kaalis.
"Kamahalan," naka bughaw na damit ang lalaki na nag lalakad sa burol na may mabigat na ekspresyon. Sa mababang boses, nagsalita ito, "May nangyaring kakaiba sa pagpupulong kaninang umaga. Maaaring tumungo kayo at tingnan ito."
Tumalikod si Li Ce, ang kanyang ekspresyon ay hindi na kalmado at mainit. Nakasimangot siyang sumagot, "Anong nangyari?"
Seryoso rin ang ekspresyon ni Sun Di. Kunot na kunot ang noo niyang sinabi, " May nagyaring kakaiba sa prinsesa ng Xia."
Makalipas ang ilang taon, may isisiwalat galing sa talaan ng kasaysayan ng West Meng. Sa pangatlong araw ng pang siyam na buwan, ang pang walong prinsesa ng Xia na si Zhao Chun, ay ginahasa sa labas ng palasyo ng Tang. Bago mamatay ang salarin, ay naging matapat sa Yan Bei sa Da Tong Guild, na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa ng Xia at Tang. Sa isang iglap, sila ay nagtipon-tipon sa isang dahilan—para wasakin ang Yan Bei.
Ang mga opisyales ng Tang ay nakatayo sa dakilang palasyo. Ang Tang Emperor na si Li Yizhou ay naka upo sa gintong trono. Ang akswal ng edad nito ay nasa 50 anyos na gulang , pero mas lumitaw ang katandaan nito. Ang buhok nito ay maputi at may kulubot na sa mukha. Ang mga mata nito ay hindi na makikitaan nang katalasan na may pag kapoot noong kabataan pa nito nong araw. Ngayon, parang napaka lalim, na parang blanko ang titig, na sumasalamin ang titig [atungo sa kanya.
Ang opisyales ay nasa 70 anyos na gulang na nakaluhod sa lapag at nag deklara, "Mapang ngahas ang Yan Bei. Hindi na nila ginalang ang emperyo ng Tang at maki pag alitan sa atin at sa eastern region. Kng hhindi natin sila paparusahan ng malupit, saan na napunta ang kapurihan natin? Paano natin mapapasunod ang iba sa mga miltar natin? Paano natin mapapanatiling may panghahaawakan sa west meng, sa tatlong pangunahing emperyo?"
Sa mga narinig nito, ang mga ibang opisyales ay sumang-ayon, maliban lang sa isang batang opisyales na nga lalakad at may dalisay, "Ang digmaan sa apgitan ng Xia at Yan Bei ay malapit na. Naisip ko na hindi natin madaliin ang pag mamalupit."
Ang matandang opisyales ay nagalit at nag salita, "Xue Changling! Sinasabi mo ba na na wala tayong mapapakinabangan! Anong motibing meron ka? Ang ating emperyo ay hindi pa napapahiya ng malaki sa ilang libong taon! Kapag umikot ang balitang sa loob ng pangunahing lupain, paano natin pananatilihing may pang hahawakan tayo? Naka pabor ka sa mga Yan Bei. Meron ka bang ilegal na kasunduan sa mga Yan Bei na hindi pa na tutuklas?"
"Kamahalan!" malakas na iyak ang umalingawngaw. Isa pang puting mabalbasin ang sumigaw, "Wala pang nakakagawang ipahiya tayo! Nang tinayo ng mga ninuno ang emperyo noong ilang libong taon ang nakalipas na, ipinag diin nila ang lugar ng batas at kautusan! Partung osa hustisiya at pag ka pantay pantay!ito ay binasi sa mga namumuno noong na tatlong bansa ang pinamumunuan! Hindi na dsapt mapahiya ulit tayo katulad ng datikapag nawala na angb balta ay, ang dinidad ay walang ka respeto sa emperyo natin!"
Nag lakad ng pasulong si Xue Changling at nag salita sa pag konbinsi, "Kamahalan, ang isiyu tungkol sa prinsesa ngh Xia ay walang katiyakan. Hindi tayo puwedeng dumepende sa mga estorya ng opisyales at pumasok sila sa kaloob-looban at mag kakagulo!"
"Ang kapal! Traydor! sino ka para subukin mag salita ng walang kwenta sa royal ng palasyo! Alam niyo ba ang kaimportansiya ng estado ng prinsesa? Tapso niya nang suriin ang palasyo! Ang pang walong prinsesa ng Xia ay nakisamang mag papakasal kasama namin! Gayunpaman, ipinahiya na niya ang teretoryo sa loob ng royal ng kapitolyo! Hindi maiitatanggi ang totoo! Kungi hindi natin sasagutin ng maayos sa Xia, paano namin ito susulusyonan! Base sa inyong sinabi? Ang isyu ay walang katiyahan?"
" Elder Luo! Hindi ko sinabi na hindi tayo puwedeng tumingin sa seryosong isyu. Natatakot lang ako na mahulog tayo sa patibong kung magiging maluipt tayo!"
"Patibong?" masaring ni Heneral Qi. "Anog patibong? Patiobng na matakot ang mga ka alyansa ng Yan Bei sa pagitan ng Xia! Gusto nilang wasakin ito!"
"hindi ko tinatanggal ang posibilidad na ito, pero hindi natin maalis ang polisibidad nito. Kung nagawa na ng Yan Bei, bakit niya isiniwalat ang pagkakilanlan niya bago mamatay? Paano mag kakaron ng benipisyo si Yan Bei gamit ang taktika na iyon?"
Nag pasaring ang matandang Luo, "Ang mga tao sa Da Tong ay mga baliw. Paano natinsila trtatuhin ng maayos?"
Ang batang Heneral ay nasa tabi ng Heneral Qi, "Ginagamit nila tayo at gumamit ng iba para makatakas. Tingnan mo, Elder Xue hindi ka ba nag iisip ng maayos?"
Sumigaw si Xue Changling, "Sangkot ang bagay na ito sa estado! Kaialngan nating ma ikonsidera! Paano tayo makakatalon sa konklusyon na iyon irrational statement? Isa akong opisyales at ako ay kinatawan ng korte. Kailangan kong maikonsedera lahat ng bagay!"
"Ganon ba? Pakiramdama ko ay na ikosedera mo na ang bagay na iyon. Ang iba at ang kasamahan ng Xia ay malulukuban na tayo!"
"Heneral Xu, ikaw..."
"Kamahalan! Mga nasa 30,000 ang kasamahan na naghihintay galing sa kampo ng hilaga! Kaya naming lumaban para sa bansa!"
"Kamahalan! Kailangan nating patayin sila! Maaring magbigay na po kayong kautusan! Nangangati na ang aking patalim para lumaban sa ilang taon!"
"Kamahalan! Maaring pag bigyan niyo ppo ang permiso na umpisahan ang pakikipaglaban!"
Nakaluhod sa lapag ang opisyales ng Tang at iniwang nag iisang nakatayo si Xue Changling. Ang batang opisyales ay nagalit pero walang sinabi na kahit isa.
Sa ilang sandali, ang tunog ng tawanan ay naghhiyawan sa labas ng palasyo, na naging sanhi ng paglingon ng lahat. Naka suot ng berdeng damit si Li Ce at korona na nasa uluhan niya at diyamante na sinturon sa bewang nito. Ang mga mata nito ay kaseng tulad ng isang lobo. Tumatawa siyang nag lalakad sa palasyo at wala sa loob na nagsalita, "maraming tao ngayong araw. Kahit ang matandang Liu ay narito. Meron bang pagbabagong naganap? May ipinadala ba ang taga west region na mamahaling kabayo o kaya may ipinadala ang southern region na magagandang dilag?"
Nag hiwalay ang mga tao ng dalawa na parang na hating tubig. Inihatid si LI Ce ni Sun Di, patungo sa kabilang dako ng mga tao at lumuhod sa lapag. "Nahuli ang gising ko. Nirerespeto ko ang aming Ama."
"Mmm," may lumabas na tinig. Nag salita ang Emperor Tang, "Alam mo ba ang nangyayari rito?"
"Rito? Oh!" napagtanto ni Li Ce ang sitwasyon at nagalit. Tumayo siya at sumigaw, "Mga mapang kutya sila! Kaya ako narito sa bagay na iyon!"
Nanguna ang takot ng mga opisyales sa istilo ng prinsepe. Gayunpaman, sa mga narinig na
salita, nakaramdama sila ng tuwa at nag dagdag, "Opo! Mga mapang kutya! Tama ang prinsepe!"
Napa tango ang ulo ni Li Ce sa galit at nagsalita, "Nag padala ng dalawang prinsesa ang emperyo ng Xia. Parehas na hindi tapat, na ginawa niyo akong pindeho! Katawa-tawa! Ama, na isip ko na hindi sinsiridad ang Xia patungo sa kasalan. Naisip ko na paalisin ang prinsesa rito. Sa tingin ko ang pinaka matandang prinsesa ng emperyong Song ay hindi na masama. Narinig ko na may kapatid raw ito, na mas maganda pa rito..."
Ang mga opisyales ay nabigla. Nag lakad pasulong ang matandang Liu, lumuhod sa lapag at nag makaawa, "Kamahalan, hinid ito katanggap-tanggap!"
Nakasimangot na lumingon si Li Ce at angsalita, "Oh? Bakit namamn?"
"Narito ang dalawang prinsesa ng emperyong Xia at nag papakita sila ng sinseridad. Gayunpaman, ang pangalawa ay na pahiya na sa aming teritoryo. Kung hindi namin panghahawakan ang resposibilidad ng Yan Bei, ay kami ang maituturo ng mga daliri nila. Kami ay masisigawan at mapaparusahan. Ang tunay na may kasinungalinag ay ang rebelde ng Yan Bei, at hindi ang prinsesa ng Xia. Kamahalan, maaring tingnan niyo po ito."
Nakasimangot na sumagot si Li Ce, "Oh, may kwenta ka rin pala."
Pinunuasan nng matandang Liu ang malamig na pawis niya sa mukha at nag labas ng mabigat na pakiramdam. "Mautak ang Kamahalan."
Nagsalita si Li Ce, "Ama, ang magiging asawa ko ay napahiya sa taga Yan Bei, kahit na may kakayahan ako, hinfi ko kayang umupo lang at manood sa babae na kinukutya. Ama, maaring ipatangal ang kasamahan sa Yan Bei. Ako ay handang mamuno sa pag tatanggal sa mga Yan Bei!"
Ang buong korte ay nag hiyawan sa mga narinig na salita. Nagkatinngin ang mga opisyales sa isa't-isa na may galak at hindi maitago ang emosyon nila. Kahit na mapang laro ang prinsepe noon, naipakita niya ang pagiging pinuno sa mapanganib na panyayari na iyon. Dapat na tumakbo na ang emperyo ng Tang paalis!
"At isa pa, Ama, meron pa po akong maliit na kahilingan."
Napasimangot ang emperor Tang, at hindi man lang nag sasalita, nanag sasabing ituloy nito ang sinasabi.
Tumayo si Li Ce sa lapag ng palasyo sa mala ingranden kasuotan niya. sa malakas na boses, nag deklara siya, "Marahil na narito ang ika-walong prinsesa ay ipinag kasundo ako sa kanya, siya ay magiging parte na ng Emperyo. Sana lang ay tatanggihan niyo ang panukala ng emperyo ng Xia sa pag sasama nila ng kasamahan. Maliit lang ang Yan Bei, hamak na walang halaga ang lugar na iyon. Kinakaylangan ko lang ay matataas na kasamahan na aabot sa 100,000 para mahuli ng buhay si Yan Xun at mawasak ang buong Yan Bei!"
Lahat ay nabigla sa mga narinig na salita kay Li Ce. Bago pa sila maka reaksyon sa kanya, ipinag patuloy ni Li Ce ang maaanghang na salita.
"At isa pa, kaialngan nating makatawid sa teritoryo ng Xia sa oras ng pag lalakbay patungo sa Yan Bei. Napaka habang pag lalakbay. Na aalala ko pa ang pinaka malayong narating namin ng kasamahan ko ay ang Zhen Huang. Ipinakilos namin ang humigit 300,000 na kasamahan at 2,000,00 piling sundalo, pero hindi nag tagal ang pag lalakbay namin. Marahil, ay kinakakailangan pa namin na mag dagdag ng militar na aabot sa 3,000,000 na piling sundalo, mandrigmang kabayo na 200,000 piraso at 200,000 na pares na baluti para sa kanila at ang pang lamig na kasuotan, manggagamot, gamot at panali sa mga kabayo. At para sa departamento ng rasyon, kinakakailangan namin ng 15,000,000 na kilo para ipamahagi sa mga kasamahan."
Ang punong Scholar ng departamento ng militar na si Qiu Shihai ay na patanga. Napatalon siya at nag paliwanag, "Kamahalan, sa aking opinyon lang, traydor ang mga Yan Bei sa emperyo ng Xia. Ang rason sa likod nito ay laban sa prinsesa ng Xia. Ang Emperyo ng Xia ay nag bigay ng makakatulong sa natin, at nag sagawa sila ng pangunahing lakas. Kahit na paubos na tayo ng makaksama , meron paring sumusuporta sa atin. Nag bigay ng rasyon ang emperyong Xia sa atin at kagamitan sa militar."
Napangiti si Li Ce at tumalikod, na sinabi, "Oh? Elder Qiu, hindi ka yata nag tawag ng pang karangalan at kaayusan ng bansa ngayon? Ako ang Crown Prince ng Tang. Ginawa akong pideho pero ganon pa man, nanatiling dumedepende pa rin ako sa iba para sa hustisiya? Tama ang Elder Liu. Hindi dapat tayo ma hiya sa maraming taon. Sinong may pake tungkol sa nakaraan noong natalo tayo ng Xia at kinuha ang lupain?kahit na kinuha nila ang Hongchuan sa atin? Masyadong marami ang bandido sa hilaga. Kung hindi natin sila tuturuan ng pangangaral, hinid nila malalaman kung sino ang pinuno. Naniniwala ako na ang iniisip ng Heneral ay parehas ng iniisip ko, gutong malupig ang Yan Bei pero magtatago sa likuran ng Xia na parang duwag. At isa pa, ang Emperyo ng Xia ay nasa punto ng problema, kaya nilang suportahan ang sarili, sa pag bili ng rasyon sa atin. Paano nila maibibigay ang rasyon natin kung ganoon?"
Tumayo si Li ce sa plata porma, nang nakangiti. Ang Heneral ay masyadong maingay nong umaga, na nag patanga. Nag katinginan sila at hindi nag tangka mag salita.
"Narinig ko na malaki ang hukbo ng Yan Bei. Nakaranas rin si Yan Xun. Pagkatapos nito, nagawa niyang manalo sa mga sugo ng Southwest garrison ng mag isa, na nakuha ang tagumpay sa lungsod ng Zhen huang, na kung saan hindi natin nagawa sa loob ng mahabang panahon kasama ang 300,000 na kasamahan. Na pwersa niya ang royal na Xia na tumakas sa capital sa unang pagkakataon sa loob ng 300 taon at nagwala pabalik sa Yan Bei. Ang sunddalo sa may hangganan sa hilagang kanluran at ang ilang feudal lords ay hindi siya kayang pigilan, na biniyan siya ng titulo bilang Lion King ng Yan Bei.
" Hindi natin naranasan ang digmaan ng ilang taon, ang ibang sundalo ay nasa hangganan ng kanluran. Ang karamihan sa sundalo na nakakita ng dugo ay nasa animnapung taong gulang na ngayon. Ang hukbo ay magulo ngayon. Ang sandata nila ay makalawang narin. Gayunpaman, naniniwala ako na habang mag kakasama tayo, kaya nating mabagtas ang buong teretoryo ng Xia, patayin ang sino man ang humarang sa dinadaanan." Sabi ni Li Ce habang nag lalakad ng magisa sa plata porma, naging mas masigla ang pananalita nito. "matapos ang lahat, nasaksihan ng lahat ng tao ito. Ang mga sundalo natin ay sabay sabay na nag mamartsa sa araw ng parada, malakas nasigaw para sa digmaan. Kahit na hindi pa sila nakapatay noon, ang marami sa kanila ay nakakatay na ng manok. At isa pa, dalubhasa sila sa pag umpisa ng laban kapag nag seselos sa loob ng brothel. Sapat ang karanasan ng pakikipaglaban nila. Ang sundalo ng Shang Wu Hall ay madalas ay bata at makikisig. Madalas ang anak na lalaki at apo ng opisyales ay naroon rin. Itong mga tao ay pag-aari ng ating Emperyo!
"Kahit na hindi pa nasasabak ang batang lalaki sa pakikipag laban; hindi pa nila nasusubukang pumatay ng manok dati, pero ramdam ko nang kaya na nilang lumaban. Ang pandigmaan nilang sigaw ay matalas. Nararamdaman ko na pwedesila sa aking tabi. Kasama ang nakapag ensayo para sa labanan, na magiging piling sundalo! At isa pa, marami tayong kayamanan na wala sa Yan Bei. Kahit na alam ko na ang Biang Cang, Xi Rui at Wu Daoya ay galing sa Yan Bei ay sanay sila sa pakiki-digma. Madalas natatalo ang malaking hukbo habang wala sialng galos. Gayunpaman, tayo, ang Emperyonng Tang ay hindi matatakot sakanila. Sila ay mga bata pa. Meron tayong matatandang Heneral kagaya ni Heneral Dou at Heneral Bai na may mas karanasan. May karanasan sila sa buhay at maistrahiyang utak na hindi pa na pappantayan. Hanggat pinangungunahan nila ag sundalo, sinisigurado ko na ang kalaban ay matatalo ng wala sa oras.
"Oo tama, ang matandang Heneral Dou, nakita ko ang inyong pustiso sa pintuan nang ako ay kakarating ko lang. Okay lang ba iysng ngipin niyo? Walang pag aalahanin, bibigyan ko kayo ng ilang tao na pwedeng mag bigay ng bagong pangyayari."