Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 133 - Chapter 133

Chapter 133 - Chapter 133

Natigalgal si Chu Qiao nang makita ang tanawin na nasa harap niya. Lumingon siya at nagtanong, "Paano mo ito nagawa?"

Tumawa si Li Ce. Hinila nito ang kamay niya at dumukwang, tapos ay inilubog ito sa tubig. Bahagyang napasigaw si Chu Qiao sa gulat.

Buong kapurihan na ngumiti si Li Ce. "Hindi ba't ang talino ko? Sinabihan ko sila na itanim nila ang ugat ng lotus sa ilalim. Sa tubig mula sa hotspring, namulaklak sila sa isang gabi lang."

Tinakpan ni Chu Qiao ang bibig at tumawa. "Nakakamangha talaga. Sa salapi at kapangyarihan, magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Kahit ang diyos ng mga bulaklak ay ay nakinig sayo."

"Basta may salapi, magagawa ko ang lahat ng gusto ko? Bagong kasabihan yan," tumatawang sumagot si Li Ce. "Halika, sumunod ka sakin."

Naglakad silang dalawa sa batong daan sa gilid ng lawa. Makikitang pamilyar si Li Ce sa lugar na ito. Ginamit niya ang mapanglaw na liwanag ng buwan para makita ang daanan, dinala si Chu Qiao tungo sa maliit na bangka. Tumayo si Li Ce sa harap nito at pinulot ang sagwan. Lumayo sa pampang ang bangka, magandang dumudulas sa malinis na lawa. Bahagyang umiihip ang hangin, dala nito ang halimuyak ng bulaklak ng lotus. Nagmistulang malawak at malaki ang lawa. Kasama ang liwanag ng buwan, ang tanawin ay tila isang larawan.

Dumaan ang maliit na bangka tungo sa dahon ng mga lotus, dahilan para maisantabi sila. Inunat ni Chu Qiao ang kamay, nakapa ang ilang puting lotus na bulaklak at bahagyang napangiti. Binitawan ni Li Ce ang sagwan, umupo sa harap at tinignan si Chu Qiao habang nananatiling tahimik. Ang repleksyon ng ilaw ng palasyo ay makikita sa ibabaw ng tubig, dahilan para maging pula at dilaw ito, tulad ng bahaghari pagkatapos ng bagyo.

Lumingon si Chu Qiao, ngumiti kay Li Ce, at sinabing, "Salamat, Li Ce."

"Salamat sakin? Para saan?" Nakasingkit ang mata ng lalaki; nakatingin ito sa taas at may dalang kakaibang awra ng kataimtiman at katusuhan. Ang bahagyang nakasingkit na mata ay tila maraming itinatagong bagay sa ilalim nito.

"Salamat sa pag-aalaga mo sakin ng mga panahong ito. Kung hindi dahil sayo, namatay na ako."

Ngumiti si Li Ce at sumagot, "Kung gayon, dapat maayos mo akong pasalamatan. Hindi madaling pabor ang iligtas ang buhay mo. Paano kung manatili ka dito sa Tang at pakasalan ako bilang pasasalamat?"

Maayos ang daloy ng tubig, gumagawa ng mahinang tunog nang lumagpas sa kanila, at nilulubog ang kanilang boses sa bulaklak ng lotus. Maliwanag na tumingin si Chu Qiao at sinabi, "Ang kagandahan ng bulaklak ng lotus ay nasa katotohanan na napapalibutan ito ng putik, pero hindi narurumihan. Matagal na kitang nakasama, pero kaya ko pa rin mag-isip at magsalita tulad ng isang karaniwang tao. Sa tingin ko ay iyon ang espirito ng bulaklak ng lotus."

Inilagay ni Li Ce ang kamay sa tapat ng puso niya at bumuntong-hininga. "Qiaoqiao, napaka makata mo. Mas tinatamaan ako sayo."

Tumingin si Chu Qiao sa liwanag ng buwan. "Tinatamaan ka sa maraming bagay. Hindi maganda ang katakawan."

Tumayo si Li Ce, ang kanyang manggas ay nililipad-lipad ng hangin. Sumagot siya sa kaswal na boses, "Ang ibang mga bagay, kahit gaano mo ito kagusto, ay hindi mo makukuha. Kailangan ko magtrabaho mabuti at ilang beses na lumingon sa kanila."

Gulat si Chu Qiao pero hindi nagbabago ang ekspresyon nya. "Bubulaklak ulit ang lotus pagkatapos nila malanta. Nagawa mo silang mamulaklak ng matagal sa maiksing sandali. Bihirang pagkakataon iyon."

Tumango si Li Ce at bumuntong-hininga. "Oo, mamumulaklak ulit sila sa susunod na taon."

Gumewang-gewang ang bangka, marahan na dumadaan sa ilog, kasabay ang alon.

"Malamig na lugar ang Yan Bei?" Biglang tugon ni Li Ce. "Narinig ko na buong taon may nyebe. Bibihirang makita ang bulaklak."

Tumingin si Chu Qiao sa mahabang anino nito at galak na sumagot, "Bawat panahon ay mayroong katangian. Ang manyebeng kapatagan ng Yan Bei ay bihirang tanawin din. Kapag isang araw nagsawa ka tanawin ng Tang, maaari kang maglakbay sa hangganan ng bundok ng Huihui. Ang ganda ng kabundukan ng Yan Bei ay lalagpasan ang inaasahan mo at maaakit ka."

Natigilan ni Li Ce at pansamantalang nawala ang konsentrasyon. Mula sa puso siyang tumawa at sinabi, "Naiintindihan mo talaga ako. Lagi mo nalang akong iniisip."

Bigla, may thud na tumama ang bangka sa pampang. Hindi malaki ang lawa; nagawa nilang makarating sa kabilang pampang sa saglit na oras.

Pareho silang bumaba sa bangka at mabagal na naglakad pabalik sa residensya ng Mihe. Tumama ang liwanag ng buwan sa katawan nila, nagmistulang napaka puro, mapanglaw, at malungkot. Narereplekta pareho ang kanilang anino sa lupa, nagsasama, naghihiwalay, nagsasama ulit, tapos ay naghiwalay na ulit. Matapos ang lahat, iyon ang dalawang anino na hindi nakatadhanang magkasama.

Sa isang kisapmata, nakarating na sila sa pasukan ng residensya ng Mihe. Nakatayo silang dalawa doon, nagsasalo sa nakakaasiwang pagkakataon. Tamad na sumandal si Li Ce sa puno ng pomegranate, dahilan para bumagsak at kumalat sa kanya ang talulot ng bulaklak nito.

Tamad na humikab si Li Ce at sinabi, "Gabing-gabi na. Sa tingin ko ay hindi ako makakagising sa oras bukas."

Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Tamad ka. Narinig ko kay Qiu Sui na noong umagang pagpupulong ng korte kanina, hindi mo man lang sinuot ang sapatos mo. Dahil doon ay nagalit ang emperor ng Tang."

"Anong silbi ng pagsabi niyan?" kinumpas ni Li Ce ang kamay niya at tumugon. "Ayokong gumising ng napakaaga. Hindi ba nila pwedeng ilipat ang umagang pagpupulong sa hapon? Nakakayamot. Paano kung ganito, magpapadala ako ng tao para samahan ka paalis ng palasyo bukas. Maaari ka nang umalis at ipagtanggol ang sarili mo. Wala ako doon."

Tumango si Chu Qiao at sumagot, "Hindi na kailangang guluhin ka pa."

Tumawa si Li Ce at sinabi, "Sige. Mahabang paglalakbay iyon, mag-ingat ka. Kung…" natagpuan niya bigla ang sarili na walang masabi. Tinawanan niya ang sarili at tumalikod, ang kanyang labi ay napangiti. "Kung isang araw, natagpuan mo ang sarili mo na hindi matiis ang panahon ng Yan Bei, maaari mong ikonsidera na bumalik dito para magpahinga. Kahit na walang disyerto o kapatagan dito, mainit na lugar pa rin ito na bagay para mamuhay ka."

Mapait na ngumiti si Chu Qiao. "Mayroong kagandahan at kapaitan ang buhay, kasama ang kamusta at paalam. Lahat ng nasa mundo ay nakadepende sa pagkakahawig."

Umiling si Li Ce at marahang sinabi, "Sana hindi dumating ang araw na iyon sa iyo. Ingatan mo ang sarili mo."

Biglang nakaramdam ng bahid ng lungkot ang puso ni Chu Qiao. Nang naglaho ang anino ni Li Ce sa kalayuan, marahang tumalikod si Chu Qiao. Tumama ang liwanag ng buwan sa papalaking espasyo sa pagitan nila, di nagtagal ay sininagan ang buong palasyo.

Malamig ang gabi ng taglagas. Naglaho ang anino ni Li Ce sa makapal na hilera ng puno ng pomegranate, nag-iiwan ng mabangong halimuyak ng halamang gamot sa daanan. Tumigil sa pamumulaklak ang bulaklak ng lotus sa harap ng residensya ng Mihe, ginagawa ang gabi na madilim na madilim at mapanglaw.

Nakasuot ng manipis na roba si Chu Qiao. Dahan-dahan siyang bumalik. Kinakalat ng hangin ang buhok niya, dahilan para mawagayway ito tulad ng mga paru-paro.

Malaking lugar ang residensya ng Mihe. Mayroong mahigit 30 gusali na iba't-iba ang laki. Maganda ang tanawin. Maiisip kung gaano ito karilag bago nabakante. Tahimik na naglakad si Chu Qiao sa daanan. Ang mga sanga na may bulaklak sa gilid ay bumagsak at tumama sa kanyang noo. Ang suwelas ng kanyang sapatos ay manipis, dahilan para lamigin siya nang tumapak siya sa lakaran. Nakaamoy siya ng kaunting samyo ng alak sa dumaan na bugso ng hangin. Tumingala si Chu Qiao sa pangalawang palapag ng waterside pavilion at nakakita ng lalaking nakasuot ng berde na nakatayo sa ilalim ng puno ng sycamore. Nakatingin ito sa silid niya.

"Sinong nandyan?" Binasag ng malutong na boses ng babae ang katahimikan ng gabi, ginulat ang hilera ng mga ibon sa lawa. Lumingon ang lalaki at kakaibang tumingin sa kanya. Gulat na tumingin si Chu Qiao sa kanya. Pansamantala siyang hindi makapagsalita.

Kamukha ni Li Ce ang lalaking ito. Sa dilim, halos iisang tao lang sila. Subalit, sa susunod na segundo, inalis ni Chu Qiao ang isipin na ito dahil magkaibang-magkaiba ang awra ng dalawa.

Ginamit ng lalaki ang puno ng sycamore bilang suporta, tahimik na nakatayo sa gabi. Tumama ang liwanag ng buwan sa kanyang mukha, pinapakita ang malungkot niyang ekspresyon na tila isang yelo sa bubong habang taglagas. Tahimik na tumitig ang lalaki sa kanya at marahang napasimangot.

"Sino ka?" Maririnig ang boses ng lalaki sa kaunting liwanag. Ang kanyang boses ay malamig at walang emosyon.

Naramdaman ni Chu Qiao na hindi pangkaraniwang tao ang lalaking ito. Magalang siyang humakbang palapit at sumagot, "Naninirahan ako dito. Sino ka?"

Natigilan ang lalaki; ang kanyang mata ay makikitaan ng bahid ng pagka ignorante. Bumuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, "Oh, may naninirahan na dito."

Tumama ang liwanag ng buwan sa kasuotan ng lalaki, dahilan para magmukha itong puting-puti. Alam ni Chu Qiao na dapat na siyang magpaalam at umalis, iwasan ang problema sa hinaharap sa paraan na iyon. Subalit, ilang mga salita ang nakabara sa lalamunan niya, dahilan para maantala niya ang iniisip ng lalaki.

Mabagal na naglakad ang lalaki mula sa puno ng sycamore tungo sa daanan. Winalis ng malinis na hangin ang dahon ng sycamore sa ere, dahilan para magkaroon ng alikabok. Napasingkit si Chu Qiao at tinakpan ito gamit ang kanyang mga kamay.

"Kaharap ng Taiqing Pond ang lugar na ito. Laging malakas ang hangin dito. Tandaan mong lagi kang magsuot ng sumbrero kapag nasa labas ka."

Natigilan si Chu Qiao nang napatingin sa lalaki. Subalit kapayapaan at pagkakalmado lang ang nakita niya sa mata nito.

"Salamat. Matagal na akong nasa labas. Siguro ay hinahanap na ako ng mga tagasilbi. Aalis na ako. Mahangin dito. Pakiusap ay bumalik kayo ng maaga, ginoo."

Alam ni Chu Qiao na huwag nang magtanong pa tungkol sa pagkakakilanlan ng lalaki dahil maaaring hindi niya ito ilantad. Magalang siyang nagpaalam at naghandang umalis.

Tila hindi narinig ng lalaki ang sinabi niya, nakatayo lang ito sa orihinal niyang posisyon at nakatingin sa kanya. Malabo ang tunog ng boses niya ng sinabi na, "Gustong-gusto ka siguro ng prinsipe?"

Nalaman ni Chu Qiao na ang lalaki ay tulad ng iba na napagkamalan siyang paboritong kerida ni Li Ce. Hindi na siya tumutol pa, tahimik na yumukod at sinabi, "Paalam."

"Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Bahagyang napasimangot si Chu Qiao. Tumalikod siya ngunit nakita na hindi ito masaya sa galaw nito. Determinado itong maghintay sa sagot niya.

"Alam mo ba na kung ako talaga ang paboritong kerida ng prinsipe, ang kilos mo ngayon ay hindi karapat-dapat?"

Natigilan ang lalaki at sinabi, "Matagal akong hindi nakabalik. Hindi ko alam na may naninirahan na dito. Patawad."

"Ayos lang, hindi mo alam. Dahil alam mo na ngayon, hindi ba't dapat ka nang bumalik?" Puna ni Chu Qiao.

Tumango ang lalaki at tumawa. "Talagang may pagkakahawig."

Napasimangot si Chu Qiao at nagpahayag, "Ginoo, pumarito ka sa gitna ng gabi at sinabi lahat ng malabong salitang ito, gayon pa man ay ayaw mong ilantad ang pagkakakilanlan mo. Kung hindi dahil sa katotohanan na edukado at maginoo ka, iisipin kong nanghihimasok ka at tinali. Naglilibot ka pa rin dito sa ganitong oras, hindi ka ba natatakot sa gulo?"

Matagal na natigilan ang lalaki bago sumagot, "Patawad. Nadala ako habang inaalala ang namatay na kamag-anak."

"Ayos lang madala, ngunit tandaan mo na bumalik sa oras. Matapos ang lahat, ito ang royal na palasyo. Naglalagay ng malakas na diin ang imperyo ng Tang sa magandang-asal. Mas magandang mag-ingat."

Ngumiti ang lalaki at tumango. May kaway itong naglakad palayo sa residensya ng Mihe. Bago pa siya maka dalawang hakbang, tumalikod siya at tinuro ang bubong at sinabi, "May hilera ng rupikal diyan na nababalot ng alikabok. Binibini, kapag may oras ka, maaari mong utusan ang mga tagasilbi na linisin ito. Nakapapawi ang tunog nito."

"Salamat sa paalala."

Ngumiti ang lalaki. May mainit na tingin itong tumango at sinabi, "Ako ang hari ng Luo."

Related Books

Popular novel hashtag