Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 131 - Chapter 131

Chapter 131 - Chapter 131

Napaka tindi ng sinag ng araw sa labas. Nagpapahinga si Chu Qiao sa upuan niya at pagising-gising mula sa pagkakahimbing. Karamihan ng mga kuliglig sa puno ay nawala na, iilan nalang ang naiwan na patuloy na gumagawa ng hindi maintindihan na tunog. Kinurap niya ang pilikmata patulog.

Pagkatapos ng ilang hindi malamang oras, tumahimik ang kapaligiran.

Nagulat si Chu Qiao at marahas na nagmulat ng mata. Natigilan siya nang makakita ng babae, nasa 50-taong-gulang, na nakatayo sa harap niya. Ang tingin ng mga mata niya ay kalmado, pero ang kanyang mukha ay maputla, para bang matagal siyang hindi naarawan. Ginamit ng babae ang kanyang mata para tantyahin siya na maraming konsentrasyon.

Nang makitang gising na si Chu Qiao, tumango ang babae bilang pagbati at nagtanong, "Gusto mo ba ng tubig?"

Nakasimangot na nakatingin si Chu Qiao dito. Ang taong nasa harap ay nakasuot ng simpleng kasuotan, ngunit sa malapitan na pagkilatis, mahal ang materyal na ginamit para gawin ang kasuotan. Mukha siyang lola na may pinong panlasa. Mukha siyang may mataas na estado pero walang mabagsik na awra ng isang may kapangyarihan. Nakasuot siya ng lumang kahoy na pulseras sa kanyang palapulsuhan, na hindi nirereplekta ang kanyang estado.

Nang nakitang nanatiling tahimik si Chu Qiao, naglakad ang babae sa puno sa gilid at kumuha ng tsarera mula sa isa sa mga tagasilbi. Nagsalin siya ng isang tasang tsaa at marahang naglakad pabalik. Inabot ito sa kanya at sinabi, "Uminom ka. Mas madaling mauhaw sa pag-uumpisa ng tag-lagas. Ang mga kabataang gaya mo ay dapat mag-ingat sa kanilang kalusugan."

Humigop ng tsaa si Chu Qiao, nakaramdam na mas sumigla siya. Nahihiya siyang tumingin sa babae at maingat na sinabi, "Patawad. Kapapasok ko lang sa palasyo at wala pang masyadong alam. Anong itatawag ko sayo?"

"Ako? Ang apelyido ko ay Yao."

Karaniwang apelyido sa Tang ang Yao. Mula sa Empress Dowager hanggang sa katulong sa palasyo, mga 20 porsyento nila ay may apelyido nito. Sa nakalipas na mga araw, nakakilala si Chu Qiao ng pito hanggang walong mga nakakatanda na may ganitong apelyido.

"Pwede ba akong umupo?" Tinuro ng babae ang upuan sa gilid at magalang na nagtanong.

Agad na tumango si Chu Qiao at sumagot, "Pakiusap umupo ka."

Nang makitang lumingon-lingon si Chu Qiao, binuka ng babae ang kanyang bibig at sinabi, "Nandito ang Empress Dowager. Lumabas ang mga tagasilbi mo para salubungin siya."

Nagsususpetyang tumingin si Chu Qiao sa kanya. Makikita ang mensahe niya: sino ka ba talaga? Dahil nandito ang Empress Dowager, bakit wala ka sa labas?

Tumawa ang babae. Mukhang bihira siyang tumawa dahil makaluma siyang tignan. Walang guhit sa gilid ng mga mata niya. Tumingin siya kay Chu Qiao at sinabi, "Ayos lang ako. Gusto lang kitang bisitahin."

Walang bakas ng kaayusan sa kanyang salita. Hindi alam ni Chu Qiao kung paano sasagot sa kanya. Maraming alituntunin sa loob ng palasyo, samahan ng mahirap na mga karakter na nagpipigil sa kanilang mga salita. Habang iniisip ni Chu Qiao ang pagkakakilanlan ng babae, nagpahayag ito, "Magaling ka."

Mapanglaw na ngumiti si Chu Qiao at sumagot, "Salamat sa papuri mo."

"Hindi kita pinupuri. Talagang magaling ka, pero sa tingin ko ay hindi ka bagay na manirahan sa palasyo."

Napagtanto ni Chu Qiao. Ang babaeng ito ba ay isa sa mga karakter na nagseselos sa paggiliw ni Li Ce sa kanya?

"Huwag ka mag-alala, hindi ako magtatagal dito."

"Hindi ganyan ang ibig sabihin ko." Umiling ang babae at nagpatuloy, "Lahat ay hindi bagay para dito sa simula, pero masasanay din katagalan. Ganito ang patakbo ng palasyo. Pupunuan ang pagkukulang mo. Sa tingin ko ay hindi ka masama. Kapag nanirahan ka dito, sa tingin ko ay magbabago sa ikabubuti ang palasyo."

Napasimangot si Chu Qiao at nagsususpetyang tumingin sa babae, hindi mahinuha ang ibig sabihin ng mga salita nito.

"Balak na ipa-giba ng prinsipe ang altar ng pagsamba sa palasyo. Alam mo ba iyon?"

Pabago-bago ng pag-uusapan ang babae. Nagulat si Chu Qiao at umiling. "Hindi ko alam."

"Gusto niyang sambahin ang diyos ng kasiyahan. Hay, ako talaga…" napasimangot ang babae, maliwanag na naaabala. Tumingin siya kay Chu Qiao at dahan-dahang sinabi, "Kapag may oras ka, kausapin mo siya. Pagkatapos ng lahat, siya ang Crown Prince ng Tang. Hindi siya pwedeng magloko ng ganito."

"Aalis na muna ako." Tumayo ang babae at sinabi kay Chu Qiao, "May sakit ka, huwag mo na akong ihatid." Pagkatapos, umalis siya sa residensya ng Mihe gamit ang likod na daanan.

Dumating ang taong ito na hindi iniimbitahan, nagsalita ng kung ano-ano, tapos ay umalis. Naguluhan si Chu Qiao.

Pagkatapos ng maikling oras, bumalik na si Qiu Sui at ibang katulong sa palasyo. Kakaiba ang ekspresyon sa kanilang mukha at may pagkabalisa.

"Qiu Sui, anong nangyari? Nandito ba ang Empress Dowager? Bakit hindi mo ako tinawag?"

Sumagot si Qiu Sui, "Ikinalat ni Tiya Xi ang balitang nasa harap ng gate ng palasyo ang Empress Dowager. Dahil natutulog ka, sinabi ko na masama ang pakiramdam mo at hindi siya kayang salubungin. Pumunta kami doon pagkatapos noon."

"Paano ang Empress Dowager?"

"Matagal kaming naghintay pero hindi bumaba ng karwahe niya ang Empress Dowager. Pagkatapos noon, sinabi niya na masama ang pakiramdam niya at bumalik na."

"Oh." Tumango si Chu Qiao, para bang may naintindihan siya. "Tulungan mo ko makapasok."

Sumunod ang mga tagasilbi at itinaas ang banig ni Chu Qiao pabalik sa pinto ng palasyo.

Nang maisip iyon, dalawang araw na niyang hindi nakikita si Li Ce. Wala siyang naramdaman ngunit si Qiu Sui at ang iba ay nakaramdam ng lungkot. Matapos ang lahat, nang labis ang sakit ni Chu Qiao nung nakaraang araw, binuksan ni Li Ce ang residensya ng Mihe, kung saan siya nanirahan noong bata siya, para pansamantala niyang silungan. Sino sa court ang hindi nakakaintindi ng intensyon niya?

Subalit, ang nangyari pagkatapos ay nakapagpalungkot sa mga tagasilbi sa residensya ng Mihe. Ang Crown Prince, na kakapakita pa lang ng dedikasyon, ay padalos-dalos na inimbitahan ang lahat ng kerida niya sa kanyang palasyo nang gabing iyon para magsaya at uminom. Bali-balita na hanggang walong babae ang naikama niya ng gabing iyon. Nitong mga araw, hindi siya tumapak sa residensya ng Mihe, mas pinili na magpapiging na lang sa palasyo niya. Isa pa, kumalat ang balita na balak niyang magpatayo ng residensya para sa bagong katulong ng palasyo na nakakuha ng pagkagiliw niya.

Buong araw na napabuntong-hininga sila Qiu Sui na para bang hindi sila napapansin ng prinsipe. Nabawasan ang pag-uusap nila. Lahat ng residensya ng Mihe ay nadomina ng katahimikan; tanging paghinga ng mga tao ang maririnig sa kapaligiran.

Nang nagdapit-hapon, dumilim ang kalangitan. Nakatayo sa harap ng bintana, biglang nakarinig si Chu Qiao ng tunog ng pluta mula sa kabila ng lawa. Sa malayo, hindi masyadong maririnig ang tunog pero nakakaintriga.

Nakinig si Chu Qiao at nagtanong, "Kilala mo ba kung sino ang nagpapatugtog ng pluta?"

Umiling ang mga tagasilbi. Tumayo si Chu Qiao, gustong lumabas para tignan. Nagulat si Qiu Sui at ang mga katulong sa palasyo, pinigilan siya sa takot na masaktan siya sa paggalaw lang.

Walang pagpipilian si Chu Qiao kung hindi ay sumunod. Tahimik siyang humiga sa higaan hanggang makaalis ang mga tao sa bahay. Lumapit siya sa bintana at sumirko palabas. Nang lumapag siya sa lupa, bumaluktot ang kanyang binti at muntikan nang matumba.

Nakasuot lang siya ng pares ng panloob na sapatos. Nang tumapak siya sa batong daanan, nakaramdam siya ng lamig. Walang bakas ng mga tao sa labas. Ang kanyang puting damit ay nakakaladkad sa daanan, nababasa ng sanaw ng tubig pero nananatiling walang dumi. Marahan siyang naglakad palayo sa residensya ng Mihe.

Pumunta ulit siya sa lawa. Umihip ang hangin mula sa lahat ng direksyon tungo sa ibabaw ng lawa. Nakasuot ng puting roba ang lalaki at may hawak na lilang pluta. Nililipad-lipad ng hangin ang manggas niya. Isang anino ang nabuo sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ng buwan, nagdadagdag ng bahid ng init at katahimikan sa gabi.

Marahan na tumapak si Chu Qiao sa kahoy na tulay. Lumingon ang lalaki, ang tunog ng pluta ay nahinto. Hindi siya nataranta nang nakita si Chu Qiao bagkus ay binigyan siya ng nakahihindik na ngiti. Mapaglaro niyang pinilatik sa kanyang kamay ang pluta at sinabi, "Hindi natutulog sa gabi? Hindi nakakapagtaka. Narinig ko na buong araw ka natutulog. Nakita kong gusto mong maglibot sa gabi habang natutulog sa umaga."

Ngumiti si Chu Qiao at sumagot, "Ayos pa rin ako. Narinig ko ang kalokohan mo nitong mga nakaraang gabi. Pagkatapos ng pagsasaya na iyon, may lakas ka pa rin na magpatugtog ng pluta?"

"Haha," tumawa si Li Ce at sumagot, "Masigla pa rin ako. Kung hindi ka naniniwala, pwede mo naman makita mismo."

Namula si Chu Qiao at kinagalitan ito, "Bastos."

Umirap si Li Ce at sinabi, "Oo, tanging si Yan Xun ang disente na walang pakiramdam ang itsura. Umaakto siya na parang may utang na salapi ang mundo sa kanya buong araw. Qiaoqiao, nais mo ba talagang sundan siya buong buhay mo? Sinisigurado ko sayo na nakakabagot ang buhay ng lalaking iyon. May kinalaman iyon sa kasiyahan mo sa buhay. Mag-isip ka ng mabuti."

"Nakakabagot naman." tumingin si Chu Qiao sa kanya. "Tanging ikaw lang ang nakakawili."

"Tama iyon." Palalong ngumiti si Li Ce. "Makisig at matalino ako. Ako ang pinaka ninanais na binata sa buong kontinente ng West Meng. Kahit saan ako mapunta, napapaibig ko ang mga hindi pa kasal na babae. Pinapantasiya ako ng mga kasal na babae buong araw. Mula tatlong taong gulang na babae hanggang 80 taong gulang, lahat sila ay nababaliw sa akin."

Tinakpan ni Chu Qiao ang bibig niya at tumawa. "Oo, mas makisig ka kaysa kay Song Yu, mas mukhang diyos kaysa kay Pan An, at mas nakakaakit kaysa kay Long Yang."

"Sino si Song Yu? Sino si Pan An? Pangalan ba ang Long Yang?"

Tumawa si Chu Qiao. "Lahat sila ay makisig na mga lalaki. Hindi mo pa ba sila naririnig dati?"

"Makisig na lalaki?" May paghamak na singhal ni Li Ce. "Kung may pagkakataon ako, kailangan kong makita mismo."

Mapanglaw ang liwanag ng buwan nang suminag ito sa lupa. Ang hangin ay malakas. Tumayo si Li Ce at sinabi, "Ihahatid na kita sa loob. Mahangin dito at may sakit ka."

"Sige," tugon ni Chu Qiao.

Nakita ni Li Ce na nakasuot siya ng panloob na sapatos. Ang malambot na materyal ay basa na ng tubig. Napasimangot siya at nagkomento, "Bakit sinuot mo iyan sa labas?"

Kaswal na sumagot si Chu Qiao, "Ayos lang, hindi ako mamamatay. Nakayapak na kong naglakad dati, hindi mo katulad, pinanganak na mayaman."

"Qiaoqiao, dapat mong tandaan na babae ka, hindi mandirigma." naging istrikto ang mukha ni Li Ce, ang kanyang boses ay nagiging galit. "Anong meron kay Yan Xun? Hindi ba niya magawa mismo ang ibang bagay? Isa kang babae ngunit sa halip na manatili sa bahay, nagpapagala-gala ka? Walang pakialam sa kalusugan mo? Hindi nagsasalita kahit nasusugatan ka na? Sa mga peklat na ito, paano ka makakapag-asawa sa hinaharap? Gusto kong makita kung sino ang magpapakasal sayo."

Sumagot si Chu Qiao, "Ikaw ang hindi maikakasal. Hindi mo na problena iyon."

"Hmph, hindi ko na problema? Gusto kong gawing problema iyon!"

Napasimangot si Chu Qiao. "Hoy, Li Ce, minamaliit mo talaga ang mga babae!"

"Ano naman kung minamaliit ko sila? Ano naman?" Tinignan siya ng lalaki mula sa gilid ng mata nito, ang postura ay kahawig ng sa sanggano.

Naglakad sa harap si Chu Qiao, iniignora si Li Ce at sinabi, "Hindi na kita kakausapin. Babalik na ako." Nang natapos niya ang sasabihin, naramdaman niyang umikot ang paligid. Nang nagkamalay na ulit siya, mahigpit siyang yakap ni Li Ce. "Hoy! Anong ginagawa mo? Ibaba mo ako!" Sigaw ni Chu Qiao sa gulat.

Medyo naka singkit ang mata ni Li Ce. Tumingin siya kay Chu Qiao at suminghal. "Hindi."

Kislap ng apoy ang nag-aalab sa mata ni Chu Qiao. May malutong na boses niyang sinabi, "Ibababa mo ba ako? Kung hindi, hindi na ako magiging mabait pa."

Hindi nababahalang inunat ni Li Ce ang leeg at sinabi, "May kutsilyong nakatago sa ilalim ng leeg at binti mo. Saksakin mo ko dito. Kapag hindi, mamaliitin kita."

Galit na sumagot si Chu Qiao, "Li Ce, bakit ang kapal ng mukha mo!?"

Naiinip na tumingin si Li Ce sa mata niya, para bang sinasabi na: Wag mo sabihing ngayon mo lang yan napagtanto? Umihip ang hangin sa kanilang manggas, dahilan para lumipad-lipad ulit ito sa hangin na parang mga paru-paro.

Malamig ang gabi. Pinapaligiran sila ng lawa. Dala-dala ni Li Ce ang dalaga sa likod nito at marahang naglalakad ng kahoy na tulay. Mababa ang mga sanga ng willow sa parehong pampang. Ang paminsan-minsang koi fish at tumatalon sa ibabaw ng tubig na dahilan ng maliit na alon.

Naglalakad si Li Ce habang pumipito ng mabilis na tono. Masaya ang tono, katulad ng karaniwang ngiti sa kanyang mukha.

Related Books

Popular novel hashtag