Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 132 - Chapter 132

Chapter 132 - Chapter 132

Hindi nagtanong si Chu Qiao kung bakit, kahit na magaling talaga siya sa martial arts, hindi niya ipinakita ang abilidad niya noong labanan sa kagubatan. Hindi rin siya nagtanong kung bakit kahit na magaling siyang tumugtog ng pluta, inutusan niya ang matanda na tulungan siyang itago ang talento nang sinusubukan niyang kunin ang atensyon ng mga babaeng iyon. Hindi rin niya tinanong kung bakit hindi siya bumisita nitong mga nakaraang araw at bagkus ay nagpakalango sa makamundong kaligayahan sa kanyang sariling residensya.

Lahat ay mayroong lihim na ayaw nilang sabihin, lalo na pagdating sa mga aristokrata at royal na pamilya. Sa ilalim ng maluwalhati at maringal na pangharap, mayroon silang mga lihim at pahirap na dala-dala. Ang mga rason na iyon ay maaaring napakabigat at komplikado, kaya hindi niya sinubukang alamin iyon. Kahit na sinubukan niya, baka hindi niya ito naintindihan.

Sa hangin ngayong gabi, at ang kulay pilak na buwan na nagliliwanag sa kalangitan, tahimik na naglakad ang dalawa. Nakataling maging nakakabagabag ang gabing ito. Nang gabing iyon, nanaginip si Chu Qiao. Nakita niya ulit, sa manyebeng gabi na iyon, ang eskinita ang palasyo ng Sheng Jin ay mukhang mahaba, napakatahimik, habang ang musika mula sa harap na palasyo ay maririnig, nagmumukhang puno ng buhay at awit. Parang sinasabi sa lahat ang kasaganaan ng imperyo, pinuno ng musika ang buong palasyo.

Ang lalaki sa panaginip niya ay nakatayo sa harap niya, habang may sariwang pulang dugo na tumutulo sa putol nitong daliri. Gayumpaman, padaskul-daskol siyang inaliw ng lalaki at sinabi, "Huwag ka mag-alala, hindi ito masakit." Parang namumulaklak na bulaklak ang ngiti nito, mainit na niyayakap ang kanyang puso, binibigyan siya ng mainut na pakiramdam na matagal na niyang nakalimutan.

Nang gumising siya, basa ng luha ang kanyang unan. Ang mantsa ng luha sa unan ay mas madilim ang kulay kaysa sa iba, pinagmumukhang namantsahan ng dugo ang pulang unan.

Walang galaw na nakaupo doon, mabilis na lumalim ang iniisip ni Chu Qiao. Napagtanto niyang hindi na niya kayang magpatuloy sa paghihintay na may mangyari.

Kahit na sinubukan ng mga tagasilbi na isilong ang lotus mula sa ulan, sa panibagong buhos nito, at sa pagbaba ng temperatura sa pagdating ng taglagas, di nagtagal ay nalanta ang lahat ng lotus, iniwan ang kalat na nangingitim na dahon at sanga. Kahit ang tubig ng lawa ay mukhang marumi.

Sa kabilang banda, ang gintong chrysanthemum ay maagang namulaklak. Sa madalas na pag-ulan at biglang pagbaba ng temperatura, marami ang bumagsak, kinulayan ang lupa ng dilaw.

Habang nag-uumagahan, narinig ni Chu Qiao na ang bagong babae na nakakuha ng atensyon ni Li Ce ay nakalabag ng ibang batas at ipinatapon sa kulungan. Kahit hindi nagsasabi si Li Ce ng anyo ng parusa, dahil sa kung paano mayabang na umakto ang babaeng iyon pagkatapos makuha ang atensyon ni Li Ce at ginalit ang iba pang mga babae, natural na lalaban sa kanya ang mga iyon. Sa malamig na panahong ito, at isama na walang init ang silid, halos sigurado nang iyon ang katapusan niya.

Saglit lang na pinag-usapan ng mga tagasilbi iyon at hindi na masyado pinansin ang insidente. Tila ba ang mga ganoong insidente ay binabalewala sa palasyong ito. Gayumpaman, medyo nalungkot si Chu Qiao dahil hindi niya gaanong kilala si Li Ce. Ang madalas niyang nakikita, ay kung paano niya binabaliwala ang lahat, at kahit na alam niyang hindi ito ganoong kasimple, hindi niya maiwasang ibaba ang kanyang pagbabantay. Kahit gaano pa ito sabihin, ito pa rin ang tagapagmana ng imperyo.

Pagkatapos kumain ng umagahan, gustong magpadala ni Chu Qiao ng tao para humiling ng pag-uusap kay Li Ce. Ngunit bago makaalis si Qiu Sui, tumakbo tungo sa silid si Chan'er. Mabigat pa rin ang paghinga, nag-ulat siya ng nakakabigla, "Dumating na ang prinsesa ng Xia!"

Sindak, hindi makapagsalita si Chu Qiao. Nag-umpisa nang pasigaw na nagtanong si Qiu Sui pansamantala, "Hindi ba dapat bago ang kasal siya darating? Ang kasal ay sa isang buwan pa."

"Mismo!" Sumasang-ayon na sagot ni Chan'er. "Subalit wari'y dumating siya na hindi kasama ang hukbo. Mag-isang sumakay ng kabayo, ang prinsesa ay nasa palasyo ng Qin An at kinakausap ang emperor at prinsipe.

"Napakatapang ng ika-siyam na prinsesang ito. Narinig ko na 13 lang siya ngayon. Paano siya naging napaka mapangahas?"

"Hindi siya ang ika-siyam na prinsesa, siya ang ika-walong prinsesa, ang anak ni Reyna Muhe. Sabi nila, kamamatay lang ng ika-siyam na prinsesa dahil sa sakit, at pinadala ang ika-walong prinsesa bilang kapalit."

Nang marinig iyon, tila ba may nabasag sa puso ni Chu Qiao, at nag-umpisa siyang manginig. Ang mahina at walang magawang dalaga ng nakaraan ay naging matapang at malakas ang loob na ngayon? Sakit at sakuna talaga ang pinaka magandang pataba para sa paglaki at pagbabago.

Ang malumanay at isip-batang dalaga ng nakaraan ay lumaki na bilang magandang babae. Ang kanyang matatag at marangal na ekspresyon ay tila naglalabas ng liwanag na nakakasilaw makita.

Gayumpaman, sinong nakaalala, ilang taon na ang nakakalipas, isa siyang dalisay at inosenteng dalagita, kung saan ang ngiti ay malinis at walang dungis. Sa purong puting bistida, at may hawak na buntot ng kuneho, kimi siyang ngumiti at sinabi, "Kuya Xun, salamat. Napakasaya ni Chun'er."

Sa madaling panahon, mayroon lamang lumilipas na nakaraan. Ang ilang mga bagay ay magiging kasaysayan nalang, ang ilang pagkawili ay di magtatagal na malilibing ng mga buto, ilang dugo pa rin ang dadanak, at sa huli ilang damdamin ang mapapanatiling buhay sa kamatayan.

Sa buong dalawang araw, hindi binisita ni Li Ce ang mga babae niya. Dahil sa maagang pagdating ni Zhao Chun'er, napaaga ang kasal.

Katulad ng inaasahan ni Chu Qiao, di nagtagal ay dumating din ang mga gwardya at sugo ng imperyo ng Xia, isang araw lang na nahuli kay Zhao Chun'er. Kahit na biglang nagbago ang isip ng imperyo ng Xia at bagkus ay ipinadala si Zhao Chun'er, ang lahi niyang prinsesa ay tinulungan siyang iwasan ang kahit anong gulo. Sa huli, sa imperyo ng Tang, na malaki ang diin sa dugong bughaw, malaki ang atensyon na binigay kay Zhao Chun'er dahil siya ang tanging prinsesa na pinanganak ni Reyna Muhe.

Nagulat ang mga opisyal sa pagdating niya. Ang mga karaniwang duwag na opisyal ay nagsimulang kumanta ng papuri sa makasaysayang kabuluhan ng alyansa sa kasal na ito, habang kompletong nakalimutan ang salarin na sumira sa pwersa ng imperyo ng Tang at inagaw ang 18 probinsya ng Hongchuan mula sa kontrol ng Tang, pinipilit ang buong royal ng Tang na tumakas at mawala ang buong hilagang-kanlurang rehiyon.

Ngunit may isang bagay na hindi alam ng iba. Napasimangot si Chu Qiao, ang parang jade niyang mga daliri ay magaan ang pagkakakapit sa kurtina. Sa gintong dekorasyon sa pagitan ng kanyang kilay, nagdagdag ng bahid ng ganda ang pagkunot na ito. Pagkatapos mapahiya ng mga sundalong iyon, hindi na birhen si Chun'er. Bilang prinsesa ng Xia, maaaring hindi siya masuri sa kanyang pagkapuro, pero oras na tumabi na siya kay Li Ce, sa karanasan nito, masasabi niya agad.

Syempre, kahit na mapagtanto nito iyon, hindi niya maaaring hagilapin ang imperyo ng Xia. Sa huli, basta't matulog ang prinsesa ng Xia sa ibabaw ng higaan ni Li Ce, kahit na sabihin pa nitong hindi na siya birhen, walang maniniwala sa hangal na prinsipe. Sa unang banda, salungat na si Li Ce sa kasal na ito, kaya kahit anong pagtatangka na ilabas ang katotohanan sa harap niya ay walang kwenta pagsisikap na sirain ang kasal na ito. Sa talino niya, hindi ni Li Ce ipapahiya ang sarili sa pagsabi ng ganoong bagay.

Siguro doon ay matagumpay na maikakasal si Zhao Chun'er. Pero bilang prinsesa na nasabihan hindi na puro, malinaw na ang kanyang hinaharap. Sa ugali nito, matatagalan niya kaya ang ganoong kahihiyan?

Tinandaan ni Chu Qiao iyon sa kaibuturan ng kanyang puso, pero sa huli, hindi niya maisasalita ang pangambang ito.

Ang loob na patakbo ng imperyo ng Tang ay nagsimula nang gumulo. Salungat dito, mas nag-ingat pa si Chu Qiao nang nagdesisyon siyang patagalin ang pag-alis sa palasyo. Doon, Nagtagal pa si Chu Qiao ng dalawang araw o higit pa sa loob ng palasyo. Sa paggaling ng katawan niya, ang kanyang katalinuhan ay bumalik din sa taluktok nito.

Maraming nakitang magandang halamang gamot si Li Ce para sa kanya at gumaling na ang mga sugat niya. Kahit ang mga dating sugat ay gumagaling na din. Sa ilang araw na pagkokondisyon, mas maganda nang tignan ang lagay niya kaysa dati at hindi na payat at mahina.

Sa gabi, nakasuot ng malambot na roba si Chu Qiao habang nakasandal sa bintana. Marahang umihip ang hangin ng gabi sa gilid ng damit niya. Mula sa pasilyo, may maririnig na mga yabag. Isang tao ito. Tulad ng inaasahan, di nagtagal ay nakita si Li Ce. Nakasuot ng berdeng roba. Ang kanyang mukha ay bahagyang namumula at amoy alak. Habang nakatayo sa pinto, tumingin lamang ito sa kanya at hindi pumasok.

Habang nakatingin sa kanya, nakita ni Chu Qiao na ang mga yabag nito at hindi maingat at mabigat, sa nasa dulo na siya ng pagbagsak. Madaling lumapit si Chu Qiao sa kagustuhang suportahan siya. Ngunit nang sandaling inunat niya ang kamay para tumulong, hinila siya ni Li Ce dito at doon, pareho silang napaupo sa pinto. Ibinababa ang ulo, isinandal niya ang noo sa balikat ni Chu Qiao habang pagod na bumulong, "Qiaoqiao, pagod na pagod ako."

Hindi makapagsalita si Chu Qiao. Sa kanyang kamay na nakaunat sa ere, wala talaga siyang naiisip kung anong dapat gawin.

Dala ng hangin ng gabi ang halimuyak ng bulaklak. Sa malapitang pagsusuri, makikita na may gintong burda sa loob ng silk ng blusa ni Li Ce na ang hirap ay magagawa lamang ng isang dalubhasa. Bumuntong-hininga si Chu Qiao at pabulong na nagsalita, "Li Ce, anong nangyari?"

Umiling si Li Ce at hindi sumagot.

Sumubok si Chu Qiao at nagtanong, "Dahil ba ito sa kasal? Hindi mo ba gusto si Chun'er?"

Hindi pa rin nagsasalita si Li Ce. Walang magawang napabuntong-hininga si Chu Qiao at hinayaan itong magpahinga kung gaano katagal nito gusto na hindi na nag-uusap pa.

Ang bagong buwan ay mapanglaw na lumiwanag sa bintana at kinulayan ang sahig ng pilak. Ang ilaw ay kulay lila na kumukutitap; ang liwanag ay hindi pantay. Tunaw na kandila ang tumutulo sa pilak na lalagyan nito, marahang bumababa. Ang huni ng insekto ay ginawang halata kung paanong napabayaan ang lugar na ito. Matapos ang lahat, ilang taon na bakante ang palasyong ito.

"Qiaoqiao, nagpadala ka ng mga tao para hanapin ako?" Biglang tanong ni Li Ce. Ang boses nito ay malalim pero wala ang pagod na nilabas niya lang kanina. Diretsong nakaupo, ang kanyang mata ay madilim, tila ba ang mahinang lalaki kanina lang ay ibang tao. Alam ni Chu Qiao na ang malumanay nitong parte ay wala na, at ngayon ay siya ulit ang hindi nagkakamaling prinsipe ng Tang.

"Oo," tango ni Chu Qiao, "Gusto kong umalis."

"Sige. Agad akong kukuha ng tao para dalhin ka sa Yan Bei." Hindi man lang nagdalawang-isip si Li Ce.

"Hindi, ayoko munang bumalik sa Yan Bei ngayon. Mayroon pa akong gustong gawin dito."

Napasimangot si Li Ce nang marinig ito. Tumitig siya kay Chu Qiao. Ang kanyang tingin ay may bahid ng pagtatanong at pag-iisip.

Nagpaliwanag si Chu Qiao kahit hindi ito magtanong, "Hindi mo na kailangan manghula. May hinihintay ako. Para naman sa kung sino ang taong ito, hindi mo na kailangan magtanong."

Tusong nakangiti, nang-asar si Li Ce, "Magtataksil ka ba kay Yan Xun? Darating na si Zhuge Yue. Hahanapin mo ba siya?"

Galit na umirap si Chu Qiao dito. "Manghula ka lang."

"Dapat ka pa rin mag-ingat." Babala ni Li Ce habang nakasandal sa pinto, "Kapag nasa loob ka ng impluwensya ko, mapoprotektahan pa rin kita. Ngunit oras na lumabas ka, wala na ako masyadong magagawa. Narinig ng imperyo ng Xia na nandito ka. Kung gaano ka nila kinamumuhian ay isang bagay na mas alam mo kaysa sakin."

Tumango si Chu Qiao at biglang naalala ang putol na braso ni Zhao Song. Mas lumalim ang mukha niya at bahagyang sumagot, "Naiintindihan ko."

Nakatingin sa kanya mula sa gilid ng mata, alam ni Li Ce na ayaw na nitong magsalita pa. Bigla, tumayo siya at hinila ang kamay ni Chu Qiao, malakas na sinabi, "Halika, may ipapakita ako sayo!"

Sa gabing hamog, ang mapanglaw na ilaw ng palasyo ay parang siga sa kalayuan. Sa blusa lang nito, hila-hila ni Li Ce si Chu Qiao at malalaki ang hakbang na tumakbo. Sa gabing hangin, ang buhok nila ay nililipad-lipad na parang mataas na klase ng silk.

Dumating ang dalawa sa bakuran na hindi pa nakikita ni Chu Qiao dati. Tumapak sa mahamog na damo, at lumagpas sa ilang maliit na pinto, isang malinaw na berdeng lawa ang nakita sa harap nila. Namumulaklak ang mga lotus sa lawa, kompletong naglatag ng karpet ng bulaklak. Ang malinis na bulaklak, sa ilalim ng mala-pilak na sinag ng buwan, ay mukhang mga istatwa ng nyebe. Sa mahina nilang halimuyak, para itong tanawin mula sa isang panaginip.

Related Books

Popular novel hashtag