Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 117 - Chapter 117

Chapter 117 - Chapter 117

Umaga ng pangalawang araw, sumingit ang liwanag ng araw sa gabi. Lumabas ng kanilang bahay ang mga sibilyan ng syudad ng Xian Yang para lang makita na hindi nagbago ang sitwasyon. Iyon ang katayuan--nanatiling abala ang mga kalye. Ang pangatlong anak na lalaki ng pamilya ng Zhang ay naglilibot para mangolekta ng bayad ng kanyang proteksyon mula sa iba't-ibang sambahayan, ang ikaapat na anak na lalaki ng pamilya Li sa kabilang kalye ay gumagala na may kasamang pito hanggang walong kerida, at ang nagtitinda ng tinapay na pamilya Wu ay mahaba ang pila. Hindi nagbago ang mga bagay, dahilan para mapagtanto ng mga sibilyan na kung ano man ang nangyari kagabi ay wala na silang pakialam doon. Kailangan pa rin nilang mabuhay tulad ng dati.

Subalit, ilang mapag-obserbang tao ay nakita ang ilang mali. Ang ilang nagtitinda ng rasyon sa labas ng pamilya Liu ay may iba nang nagmamay-ari. Bukod sa ibang batang tagasilbi, ang ilang namumuno sa mga ito ay naglaho.

Ang imbakan ni Boss Jia na naglalaman ng kanyang mga asin ay mukhang nasunog kagabi. Kahit na naapula ang apoy sa oras, ang naimbak na asin ay may dalang amoy ng usok.

Ang palitan ng salapi na pinapatakbo ng pamilya Ouyang ay dalwang oras na nahuli ang pagbubukas dahil sa kawalan ng namamahala dito. Bali-balita na nagkasakit siya...

Habang papalapit ang tanghali, nakatanggap ng sulat si Lord Feng mula sa tauhan niya. Mabilis niya itong tinignan bago naglakad sa kanyang aralan at nagsulat ng ilang salita. Pagkatapos niya maselyuhan ang sulat, ibinigay niya ito sa pinaka pinagkakatiwalaan niyang tauhan. Ang binatang Lord Feng, na may bihirang taimtim na ekspresyon, ay inutal, "Ibigay ito kay Master. Walang puwang para sa pagkakamali."

Umihip ang hanging amihan sa bayan. Namulaklak ang mga bulaklak na nag-iiwan ng makulay na tanawin. Ang ganda ng panahon. Sa iglap na ito, makapal na usok ang umakyat mula sa tahimik na lambak. Pagkatapos ng malakihang pagpatay, ang lakas ng pangkat ay nabawasan, kulang 700 katao ang natira. Ang iba ay nawalan ng buhay sa isang gabi lang.

May hawak na mangkok ng lugaw si Zhuge Yue nang lumapit ito sa tabi ni Chu Qiao. Ang kanyang ekspresyon ay gusot ngunit kumalma na siya. Maliit lang ang tolda kaya hindi siya pwedeng tumayo ng diretso. Lumupagi siya at tinulungan si Chu Qiao, "Kumain ka." Saad niya sa mababang boses.

Maputla ang ekspresyon ni Chu Qiao. Mas humihina siya bawat araw na lumilipas. Subalit, nagawa pa rin niyang magtanong, "Kamusta ang sitwasyon sa labas?"

"Ano pa ba?" may paghamak na sagot ni Zhuge Yue. "Yung mga nakatakdang mamatay ay namatay. Yung mga hindi nakatakdang mamatay ay namatay din. Kinuha ng pamilya Liu ang pag-aari ng ibang pamilya na hindi gaanong nagsisikap."

Bahagyang napasimangot si Chu Qiao at marahang sinabi, "Ibig sabihin ay may nakuha nanaman na ari-arian si Liu Xi? Hindi ba siya natatakot sa balik nito?

Umiiling na sumagot si Zhuge Yue, "Maaaring namatay na ang ilang lider ng mangangalakal."

"Sinasabi mo na…"

"Oo," tumango si Zhuge Yue. "Kung ako iyon, tatapusin ko na iyon lahat. Kahit na ang yaman ng pamilya ng Ouyang, Jia, at Wang ay hindi maikukumpara sa pamilya Liu, oras na nagkampi sila, sapat na iyon para makagulo sa pamilya Liu. Dahil nagdesisyon si Liu Xi na kunin ang ari-arian at patayin ang mga tao mula sa pamilyang ito, hindi nagkaroon ng kapayapaan ang syudad ng Xian Yang kagabi."

Napasimangot si Chu Qiao. "Sasang-ayon ba si Liu Mingjun sa kilos ni Liu Xi? Sa kasong ito, ang pinanghahawakan nila sa syudad ng Xian Yang ay siguradong masisira."

"Sa tingin mo talaga na si Liu Mingjun ang may pakana?" Napatawa si Zhuge Yue. "Xing'er, matalino ka, malakas, at mabilis tumugon. Hindi mo lang talaga alam bumasa ng isip ng ibang tao. Nagrebelde si Liu Xi. Kung hindi ako nagkakamali, ang unang tao na namatay kagabi ay si Liu Mingjun."

"Nagrebelde si Liu Xi?" natigilan si Chu Qiao, sinusubukang alalahanin ang binatang nakita niya dati sa syudad ng Xian Yang. Nagpapakita ito ng maputing ngipin tuwing ngingiti ito. Ang pangangabayo nito ay katangi-tangi. Dati, nang pinakilala ni Liu Mingjun ang pamangkin nito sa kanya, taos-puso siyang tumawa at tinapik ang binata sa balikat, ipinagmamalaki niyang sinasabi na parang anak na niya ito...

"Bakit magrerebelde si Liu Xi? Siguro hindi siya nasisiyahan na maging mayaman lang. May politikal na ambisyon siya. Subalit, ang sistema ng politika ng Xia ay para lang sa mga maharlikang pamilya. Wala siyang pinanghahawakan sa korte, kung saan mahihirapang siyang umakyat kahit makalipas ang sampung taon. Kung kaya'y nilahat na niya at inipon ang yaman ng mangangalakal ng Xian Yang bilang pambwelo niya para makarating sa mataas na lebel sa Tang. Sa ganoong yaman, walang manghahamak kay Liu Xi sa paglalakbay niya sa Tang."

Habang binibigay ni Zhuge Yue ang pagsusuri niya, hindi umayon si Chu Qiao dito dahil alam niya ang ugali ng mga taong namatay. Sa puntong ito, mas natatakot siya na tapat si Liu Xi sa imperyo ng Xia at nagdesisyon na lipulin ang pundasyon ng Da Tong Guild sa Xian Yang sa paglamon ng ari-arian nito. Para naman sa kung bakit patungo sila sa teritoryo ng Tang, hindi siya makaisip ng rason.

Matalino si Zhuge Yue. Sa puntong ito, ang mga tagamanman ay nagbigay ng eksaktong balita sa mga opisyal, dahilan para dumating sila sa parehong kasunduan. Sa pagtanggal ng ugat ng ibang pamilya, patungo si Liu Xi sa Tang na may lihim na motibo. Subalit, walang nakakaalam na si Liu Xi, na kinagagalitan ng marami, ay ibinalot sa sako at tinapon sa ilog.

Nang lumadlad ang sitwasyon, ang ibang grupo ay agad na umatras. Ang iba ay walang alam, ang iba ay hindi pinansin ang nangyari, at ang iba ay may kontrol sa sitwasyon. Iyong mga walang alam ay inisip na isa lang itong pagnanakaw at ang patuloy na alitan sa pagitan ng mga pamilya. Iyong mga matatalino, katulad ni Zhuge Yue at Li Ce ay malalim pang nanaliksik at mahukay ang rason sa likod ng sitwasyon. Tanging ang mga may kontrol ang nakapagbukas sa likod ng mga nakapatong at mga network para malutas ang misteryo, naghihintay na malantad ang katotohanan isang araw.

Sa malaking tolda, isang lalaki na nakasuot ng puting roba ang nakaupo sa mainit na banig. Sa labas ng tolda ay nakatayo ang mga gwardya niya.

Isang binata, halos nasa 20 taon gulang, at nakasuot ng baluti, ang tumakbo papasok ng tolda at lumuhod sa lupa ang nagsabi, "Iyong kamahalan."

Nakasuot ng puting roba si Yan Xun at nakaupo sa mainit na banig. Tumulo ang pawis pababa ng kanyang noo at nanatiling maputla. Umupo lang siya doon at hindi nagpakita ng emosyon, ngunit kinilala ang presensy nang lalaki na may Mmm na tunog.

"Nakuha na ang mga ari-arian. Naayos na ang mga ulo ng ibang pamilya kasama ang mga tagasilbi nito. Nagpadala ako ng mga tao para ilibing ang mga bangkay nila sa likod na bundok."

Nanatiling tahimik si Yan Xun, na para bang nakatulog siya. Dinilaan ng binata ang kanyang labi at dinagdag, "Kaya lang...hindi pa natatagpuan ang batang prinsipe mula sa pamilya ng Ouyang."

Napasimangot si Yan Xun ngunit hindi kumurap. "Kung gayon ay hanapin siya."

"Masusunod, masusunod!" Madaling dagdag ng batang tagasilbi, "Apat na taong gulang lang ang batang iyon. May mga puno kahit saan. Sa tingin ko ay hindi pa siya nakakalayo."

"Sandali." Isang mababang boses ang narinig. Nagulat ang binata at sumunod.

Sa wakas ay nagmulat na si Yan Xun. May tingin ng karunungan, kalmado siyang nagtanong, "Alam mo ba kung bakit nandito ang imperyo ng Xia?"

Nagulat ang batang tagasilbi. Dalawang beses niyang binuka ang kanyang bibig ngunit walang salita na lumabas dito.

"Dahil noong pinatay nila ang pamilya ko dati, hindi nila ako pinatay kasama nila. Naiintindihan mo na ba?"

Nataranta ang batang tagasilbi. "Naiintindihan ko na ngayon, naiintindihan ko."

"Sige, makakaalis ka na." Ikinumpas ni Yan Xun ang kamay para paalisin ito.

Maingat na tumayo ang batang tagasilbi. Nang naghahanda na siyang umalis, nagdagdag si Yan Xun, "Pag tapos ka na, humayo ka at kuhanin ang parusa mo ayon sa batas ng militar. Mukhang kailangan mo ng malalim na impresyon para matandaan kung sino na ako ngayon."

"Masusunod, Master. Natatandaan ko ang sinabi mo."

Naging tahimik ang tolda. Sumandal ang batang Yan Xun sa kanyang upuan, ang kanyang manto ay halos lamunin na siya. Marahan siya napakunot at napamura sa inis, "Iyong mga bwisit na barbaro ng timog…"

Sa sumunod na araw, walang balita ng pag-alis ng kampo. Lumabas si Zhuge Yue para suriin ang kapaligiran. Bukod sa mga tagasilbi ng pamilya ng Liu, naglaho ang mga tagasilbi ng ilang pamilya. Nataranta siya, ngunit sa kondisyon ni Chu Qiao, hindi niya ito mailayo sa lugar na ito.

Lumapit siya sa gilid ng karwahe ng kabayo at kumuha ng ilang tuyong rasyon. Pagbalik niya, nakita niya ang batang nagngangalang Xingxing na nagtatago sa tabi ng maliit na tolda, ang kanyang maliit na ulo ay nakalitaw. Ang tingin niya ay parang tinatantya siya. Tumingin siya sa lahat ng direksyon, mukhang hinahanap ang kasundong si Chu Qiao.

Nang makitang napansin siya ni Zhuge Yue, napasingkit sa saya ang bata at tumakbo tungo sa kanya.

Hindi pinansin ni Zhuge Yue ang bata at naglakad pabalik sa tolda. Wala pang dalawang hakbang, nakarinig siya ng nagmamadaling yabag sa likod niya. Lumingon siya at nakita ang bata na maingat na naglalakad sa likod niya.

Anong gusto niya? Karne pa? Napasimangot si Zhuge Yue at inutal, "Kapag sinundan mo ako ulit, babaliin ko ang binti mo!"

"Waaaaa!" malakas na ngumawa ang bata at tinakot si Zhuge Yue. Tumakbo ito sa kabilang direksyon habang ngumangawa. May pagkasuklam sa mga mata nang tumingin ang iba sa kanya, parang sinasabi na: Tignan mo siya. Tinatakot ang bata ng ganyan.

Nasiphayo si Zhuge Yue. Manakot lang ang intensyon niya.

Nang nakabalik siya sa tolda, natutulog pa rin si Chu Qiao. Nagkaroon siya ng ugali nito lang na makatulog habang nagsasalita. Medyo nag-alala si Zhuge Yue, ngunit nang makita na kaya nitong maglakad na hindi tulog ay naginhawaan siya. Sa huli, matapos ang kanilang pagsubok, medyo pinagkatiwalaan siya nito. Ngayon, kahit na umupo siya sa tabi nito, hindi siya nito tututukan ng patalim.

Dahan-dahang dumilim ang kalangitan. Nalulumbay na napabuntong-hininga si Zhuge Yue. Nagbago na ang panahon. Ngayon, ni hindi siya makaalis sa sira-sirang lugar na ito.

"Umm…" isang tamad na tunog ang umalingawngaw. Marahang nagmilat si Chu Qiao. Nang makitang nakaupo sa tabi niya si Zhuge Yue, medyo nailang siya. Nagtuloy siya sa pag-aayos ng kanyang buhok. May boses na galing sa ilong siyang nagpahayag, "Anong oras na? Oh, ang tagal kong nakatulog."

Nanatiling tahimik si Zhuge Yue na inabutan siya ng lalagyan ng tubig.

Kinuha ni Chu Qiao ang lalagyan at uminom dito. Nang makitang nakatingin pa rin si Zhuge Yue sa kanya ay nasamid siya. "Cough, cough…"

"Ang pabaya." Napairap si Zhuge Yue habang tinatapik ang likod nito.

Pagkatapos ng matagal na pag-ubo ay sumigla si Chu Qiao. Malupit na tinignan si Zhuge Yue at inagaw ang lalagyan ng tubig dito, uminom ng dalawang lagok at malakas na nagpahayag, "Nagugutom ako."

Lumabas si Zhuge Yue kanina para kumuha ng pagkain. Gayunpaman, pagkakuta na nanlilit siya, hindi na niya nais na ibigay ang pagkain sa kanya, nanunuya itong gumanti, "Alipin mo ba ako?"

"Alipin?" Tinignan ito ni Chu Qiao mula sa gilid ng mata niya. "Ikaw? Anong kaya mong gawin? Pusta ko na wala ka man lang isang tael ng ginto."

Nanuya si Zhuge Yue. "May halaga ka?"

"Mas higit pa sayo."