Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 118 - Chapter 118

Chapter 118 - Chapter 118

Nakakulong si Chu Qiao at Zhuge Yue sa kanilang paboritong gawain--mag-away--hanggang bigla silang nakarinig ng mga yabag mula sa labas. Gulat, napatayo sila na may patalim na hawak.

Nang papalabas na sila ng tolda para tignan ito ay bigla silang nakarinig ng pagsalpok, nang dalawang maliit na anino ang pumasok sa tolda, at sa proseso ay halos punitin na ang kurtinang tabing!

Nagulat, nagkatinginan si Chu Qiao at Zhuge Yue. Kasunod noon, binuka ni Chu Qiao ang bibig niya at nagtanong, "Bata, anong ginagawa mo?"

Kulay itim ang mukha ni Xingxing at ang kanyang mata ay mapula. May hawak siyang bata na mas maliit pa sa kanya. Nang marinig ang boses ni Chu Qiao, nag-umpisang tumulo ang luha niya.

Galit na galit, naiinip na tumitig si Zhuge Yue sa mga bata na mukhang gumulong sa uling. Mabangis siyang nagsalita, "Sinong nagpapasok sa inyo? Labas!"

"Uwuuuu…" Yung isang bata na mukhang apat o limang taon gulang, ay nag-angat ng tingin. Ang kanyang mukha ay kulay itim at ang mata ay malaki at bilog. Nakanguso itong inosenteng tumingin kay Zhuge Yue. Parang maliit na hayop itong ngumangawa, gumapang siya tungo kay Zhuge Yue na may matabang mga kamay.

Marami nang nakitang digmaan at labanan si Zhuge Yue at hindi siya nakaramdam ng takot. Ngunit sa puntong ito ay bigla siyang nataranta, tinuro niya ang batang maliit habang sumisigaw, "Ikaw...ikaw! Huwag kang lumapit. Inuutusan kitang lumabas!"

"Wah!!" Isang malakulog na ngawa ang narinig nang sumunggab ang bata kay Zhuge Yue at niyakap siya. Nang binabasa ng uhog at luha niya ang damit ni Zhuge Yue ay biglang humagulgol ito, "Papa!"

Sa puntong ito, pulang-pula ang mukha ni Zhuge Yue. Ang ekspresyon niya ay labis na madedeskriba lang bilang "tarantang-taranta". Nakanganga na tumingin siya kay Chu Qiao bago agad na sinabi, "Sinong tatay mo? Bitaw! Kung hindi, bubugbugin kita!"

"Papa!" Hindi man lang umabot sa balakang ni Zhuge Yue ang bata, ngunit buong lakas itong sumunggab sa hita niya habang malakas na ngumangawa, "Papa! Papa!"

Maaaring labis na masaktan ang bata kung magpasya na sipain ito palayo ni Zhuge Yue. Sa takot na masaktan ang bata ay hindi niya ito masipa, ngunit dahil mahigpit ang kapit sa kanya ng bata ay hindi rin siya matulak ni Zhuge Yue. Sa huli, inosente siyang tumingin kay Chu Qiao at humingi ng tulong. "Hindi talaga ako ang ama niya."

Hindi niya alam kung bakit kailangan niya itong ipaliwanag kay Chu Qiao, ngunit nang makita na may halatang bahid ng pagkalibang sa gitna ng gulat na ekspresyon nito, agad na umakyat ang galit sa puso niya.

Habang libang na libang si Chu Qiao, sa loob-loob niya ay iniisip niya ang kakaibang pangyayari na ito. Alam na hindi siya makakakuha ng sagot mula sa batang umiiyak na kasalukuyang nakadikit kay Zhuge Yue, lumingon siya. Tumingin siya kay Xingxing at nagtanong, "Xingxing, sino siya? Anong nangyayari?"

Bago pa man makasagot si Xingxing, biglang lumingon yung tulirong bata, na parang napagtanto niya lang na nasa kwarto din si Chu Qiao. Nakaunat ang kamay na humikbi ito, "Mama!"

"Ikaw yung batang mula sa pamilya Ouyang?" Tanong ni Zhuge Yue pagkatapos mapansin ang magarang damit na suot nito. Sa loob ng maliit na tolda, pabilog silang apat na nakaupo para ayusin ang bagay na ito.

Wari'y takot na takot ang bata na parang isang gulat na kuneho. Nakayukyok ang ulo nitong lihim na sumusulyap kay Zhuge Yue bago inabot ang kamay at hinila-hila ang manggas ni Zhuge Yue. "Papa…" hikbi niya.

"Hindi ako ang ama mo!"

May tampal na tinulak ni Zhuge Yue ang kamay ng bata. Bumaliktad ang bibig nito na wari'y iiyak ulit, ngunit nagtiis siya at sinubukang huwag umiyak.

Nakasimangot na tumingin si Chu Qiao sa isang bata at mapanglaw na nagtanong, "Xingxing, ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?"

Kahit bata pa, matalino si Xingxing. Nang marinig ang tanong ni Chu Qiao, tumungo siya at nanatiling tahimik.

"Kapag hindi ka umamin, itatapon ko kayong dalawa sa labas ngayon."

Agad na nag-angat ng ulo si Xingxing. Kinukurap ang malaking mata, tumugon ang pangbata niyang boses, "Kung gayon, kapag nagsabi ako ng totoo, pwede bang ako nalang palabasin niyo?"

Nang marinig iyon ay nagulat si Chu Qiao, habang ang kanyang kunot ay bahagyang nabawasan. Agad na naibalik ni Chu Qiao ang kanyang hinahon at nagtanong, "Xingxing, alam mo ba na ang pagdala sa kanya ay magdadala ng gulo sa amin?"

"Alam ko…" nakangusong sumimangot ang bata at miserableng nagpaliwanag, "Hindi ko siya madala sa tolda ko. Sasabihan ni ama si Mister Lim."

"Kaya mo siya dinala sa amin?"

Napabuntong-hininga sa pagkatalo, tumango ang batang babae.

"Kilala niyo ba ang isa't-isa?"

"Magkaibigan kami!" Inangat ni Xingxing ang kanyang ulo at ang kanyang mukha ay mas seryoso pa kaysa dati. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib, at parang may importanteng sasabihin, matatag siyang nagpahayag, "Naglalaro kami habang naglalakbay!"

"Papa…" nagtangkang hila-hilahin ulit ng bata sa gilid ang manggas ni Zhuge Yue. Nakanguso siya patuloy na humihikbi, "Nagugutom si Moe'er."

Pagkatapos masamang tinignan ni Zhuge Yue, naglipat siya ng tingin kay Xingxing. Sa kanyang tingin, karamihan doon ay kawalan ng magagawa mula sa pagkagutom at pang-aapi, at walang kahit isang palatandaan ng pagkaunawa sa pagiging "kaibigan".

"Sandali nalang!" Tinatapik-tapik ang bakikat ng bata, inalo siya ni Xingxing.

Parehong bahagyang natigilan sila Zhuge Yue at Chu Qiao sa kilos na iyon. Ang laki ng ipinagsapalaran ng batang babae na ito para iligtas ang nakilala niya lang para makalaro habang nasa daan. Ang salitang "kaibigan" ay matatag pakinggan nang nanggaling ito sa bibig ng batang babae na tipong nag-umpisang magkarespeto si Zhuge Yue at Chu Qiao sa kanya.

Ang ganitong pagkakaibigan siguro ay wala na sa mundo ng mga matatanda.

Lumambot ang mukha ni Chu Qiao tapos ay nagpatuloy siyang magtanong, "Paano mo siya nakita? Saan ka nagtago kahapon?"

Nang makitang umalwan ang mukha ni Chu Qiao, hindi na takot pang magsalita si Xingxing. Buong kapurihan siyang nag-umpisang ideskriba ang katapangang ginawa niya, "Kagabi, maraming sundalo ang dumating. Takot na takot ako kaya nagtago ako sa tumbok ng damo sa likod. Tapos nakita ko ang tiyong kilala ko. Mula siya sa pamilya ni Moe'er. May malaki siyang ibon sa likod, ang kanyang buong katawan ay nababalot ng dugo. Mahigpit niyang hawak si Moe'er ngunit siya mismo ay malapit nang mamatay. Takot na takot si Moe'er, hindi din siya nangahas na umiyak, at ang kanyang mukha ay kasing putla ng papel. Hinila ko siya mula sa yakap ng tiyong iyon. Nang umalis ang mga sundalo, dinala ko siya pauwi."

"Dinala pauwi?"

"Oo, pero ayaw kami papasukin ni mama. Nang makita si Moe'er, natatarantang gusto isumbong ito ni papa. Alam ko na kapag nalaman ng mga sundalong iyon, mamamatay si Moe'er katulad ng tiyong iyon. Kaya dinala ko siya at tumakbo. Buong araw akong nagtatago sa tumbok ng damo."

Nakayukyok na umupo si Moe'er, wala nang lakas, na parang hindi niya alam na pinag-uusapan siya ng tatlo. Pagod na pagod talaga siya. Pagkatapos ng matagal na pagtatago at habulin ng mga taong sinusubukan siyang patayin, nagugutom na siya at nauuhaw. Isa pa, itong bagong "papa" ay napakabangis. Nawalan na siya ng interes sa pinag-uusapan at malapit nang makatulog.

"Kung gayon ay bakit mo siya dinala dito?"

"A-ako…" Nakasimangot, matagal bago nakaipon ng tapang si Xingxing, saka bumulong, "Ate, napaka bait mo, at ang...ang tiyong ito ay napaka bangis at malakas.

"Tiyo?" Nanlaki ang mata ni Zhuge Yue tapos ay marahan kinaltugan ang maliit na ulo ni Xingxing. "Bata, isipin mo kung paano mo tatawagin ang iba!"

Kagabi, ang mga pamilya ng Wang, Jia, at Ouyang ay napatay lahat at siguro ay itong batang ito ang tanging nakaligtas. Natural na maisip na ginawa ng pamilya Ouyang ang lahat para maitakas siya para lang maharangan at patayin habang tumatakas. Nagkataon lang na nakita siya ng batang babaeng ito at itinago. Ang naiisip siguro ng pamilya Liu ay nasagip na ang batang ito, at dahil doon, nagsimula na silang maghanap palabas. Hindi siguro nila naisip na nasa loob lang siya ng kampo. Posible na, bilang alam ng mga magulang ni Xingxing na niligtas niya ang bata, hindi sila nagtatangkang isumbong ang insidente.

Napabuntong-hininga na tumingin si Chu Qiao kay Xingxing at sinabi, "Xingxing, alam mo ba na napakadelikado ng ginawa mo?"

"Oo, alam ko," ang lungkot ng mukha nito. Hindi pa rin niya naiintindihan kung bakit ang mayaman niyang kaibigan ay bumagsak sa isang gabi lang. Napapakamot ng ulo siyang nagpatuloy, "Ngunit ano pa bang magagawa ko?"

Tama, ano pa nga ba ang magagawa niya? Traydurin ang kaibigan niya?

"Kaya dinala mo siya sa amin at tinuruan na tawagin kaming 'Papa' at 'Mama', para makuha ang simpatya namin, tama?"

Mas tumungo pa ang batang babae, na parang alam niya na hindi marangal ang ginawa niya. Huminga ng malalim, hinila ni Chu Qiao si Xingxing para yakapin, tapos ay bumuntong-hininga, "Napakabait na bata."

Sa oras na ito, may maliit na bagsak, tumumba ang bata sa dibdib si Zhuge Yue dahil nakatulog ito. Gamit ang binti ni Zhuge Yue bilang unan, tumulo ang laway niya habang humihilik.

"Tayo! Sinong nagsabi sayo na matulog dito? Tayo!"

Inosenteng nagmulat ng mata ang bata para lang makita ang mukha ni Zhuge Yue na galit na galit. Kinusot niya ang mata na mahinang nag-usal, "Gutom na gutom na ako…"

Tapos, isang magulong mga yabag ang narinig sa labas ng tolda. Katulad ng takot na kuneho, parehong napatayo ang dalawa. Parang inahing manok na pinoprotektahan ang mga sisiw niya, hinawakan ni Xingxing si Moe'er sa kamay, at nang makitang walang pagtataguan, sa likod siya ni Chu Qiao nagtago.

Mula sa maliit nilang kamay na humihila sa damit niya, nararamdaman ni Chu Qiao ang pagkabagabag nila. Ang mga yabag ay lumagpas sa tolda na hindi humihinto. Malinaw na hindi sila ang hinahanap ng mga iyon.

"Ate, babalik ako," saad ni Xingxing, ang kanyang mukha ay maputla pa rin. "Natatakot ako na kumalat ang balita. Babalik ako para tumingin."

Nang nakita si Xingxing, tumingin si Chu Qiao sa batang supling ng Ouyang. Nakapagpasya na siya. "Kung gusto mong kumain, humayo ka at kulitin mo siya." Saad ni Chu Qiao sa bata habang nakatingin dito.

Gulat, tumingin ang bata kay Zhuge Yue. Naiintimida sa hindi masayang mukha ni Zhuge Yue, natatakot siyang lumapit, bago biglang lumuhod sa lupa. Nagsasalita sa ilalim ng paghinga, biglang mababang yumuko ang bata. Ang malakas na salpok ng kanyang ulong tumatama sa lupa ay umalingawngaw sa loob ng told, ang kanyang mga salita ay naiintindihan na habang ngumangawa siya, "Nagmamakaawa ako, nagmamakaawa ako."

Kahit sa apat na taong gulang na bata, alam niya siguro kung anong klaseng sitwasyon ang naghihintay sa kanya. Sa pagkasira ng pamilya niya, kahit sa murang edad niya, naiintindihan niya siguro na hindi maliwanag ang kanyang hinaharap.

Related Books

Popular novel hashtag