Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 116 - Chapter 116

Chapter 116 - Chapter 116

Kalagitnaan na ng tag-init at ang liwanag ng araw ay umabot hanggang gabi. Naglakbay ang legado hanggang lumubog ang araw bago pumirmi sa gitna ng lambak.

Natalaga si Chu Qiao at Zhuge Yue sa isang tolda. Maliit maikli ang tolda, kung saan ay maaaring mauntog ang isang tao kapag diretsong umupo.

Kasama nila ay nagkamping din ang mga tagasilbi sa labas ng bilog ng lugar ng pinagkampingan. Pagkatapos magtanong-tanong, nalaman nila na hindi lang pamilya ng Liu mula sa Xian Yang ang nandoon, nandoon din ang mga pamilya ng Wang, Jia, at Ouyang.

Pagkatapos ng buong araw na paglalakbay, mas naging mahina si Chu Qiao di tulad ng dati. Ikonsidera ang pangit na sirkulasyon sa loob ng maliit na tolda, inilabas siya ni Zhuge Yue at sinandal sa puno para makapagpahinga. Tapos ay bumili siya ng bagong huling kuneho mula sa ibang tagasilbi at nagsimulang magpa-apoy. Hindi nagtagal ay maaamoy ang halimuyak ng bagong lutong karne.

Kumuha ng piraso si Zhuge Yue at inilapit sa bibig ni Chu Qiao. Nang makita ito, masigasig niyang sinubukang kagatin ang karne para lang mapitik sa noo ni Zhuge Yue. Matigas siyang nagbabala, "Mainit!"

"Oh." Ngumiti si Chu Qiao bago maingat na hinipan ito at kinuha mula kay Zhuge Yue. Pagkalagay niya nito sa kanyang bibig, natagpuan niyang napakasarap nito sa puntong hindi niya maiwasang purihin si Zhuge Yue, "Wow, hindi ko inaasahang magaling ka dito."

"Natutunan ko lang ito nung mga taon na nasa kagubatan ako," kaswal na sagot ni Zhuge Yue bago naglabas ng patalim at hiniwa sa ilang piraso ang kuneho. Pagkatapos, bawat piraso niyang ipinasa kay Chu Qiao ang masarap na karne.

Sumapit na ang gabi, ang huling bakas ng sinag ng araw ay nilamon na ng kumot ng kadiliman. Sa ilalim ng makislap na mga bituin sa kalangitan, makakarinig ng kanta ng mga cicadas, nahahaluan ng paminsan-minsang huni ng cuckoos. Payapa at dalisay ang lambak na tanging kaluskos lang ng damit ng nagmamadaling maglakad na mga tagasilbi.

Nakaupo sa berdeng damo, huminga ng malalim si Chu Qiao bago nagpakita ng nagagalak na ngiti na parang isa siyang inosente at musmos na bata tapos ay nagpahayag, "Nakakamiss!"

Tahimik na tinuloy ni Zhuge Yue ang usapan, "Ano ang nakakamiss?"

"Itong pakiramdam na ito…" sumandal si Chu Qiao sa puno habang ang kanyang payapang ekspresyon ay may bahid ng maliit na ngiti. Tahimik siyang nagdetalye, "Namimiss ko ang mahabang damo, berdeng puno, kamping, at magluto sa paligid ng siga kasama ang grupo ng mga kaibigan. Pagkatapos magluto, uupo kami sa paligid ng siga at magkukwentuhan, siguro ay iinom din ng ilang alak. Lalo na, miss ko yung mga araw na hindi ko kailangan mag-alala sa bukas, sa pananatiling buhay."

Tahimik siyang inoobserbahan, nagtanong si Zhuge Yue, "Nakaranas ka na ba dati ng ganoong buhay?"

"Syempre." Nag-angat ng ulo si Chu Qiao at magandang ngumiti. "Matagal na iyon. Tatlong mga kaibigan ko at ako ay nasa lambak din kagaya nito at kumakain ng inihaw na kuneho katulad nito. Oh, pero ang kaalaman namin ay mas magaling kaysa sayo, at mayroon kaming mas maraming pampalasa."

"Hmph!" Napasinghal, nag-layo ng tingin si Zhuge Yue.

"Natuto si Xiao Shi mula sa sikat na taga-luto mula sa France at ang kasanayan niya ay nangunguna, lalo na sa pag-iihaw ng karne."

Nakataas ang kilay na nagtanong si Zhuge Yue, "France? Isa ba yang kainan kung saan?"

"Hmm?" tumango si Chu Qiao. "Tama, isa nga iyong kainan."

Napanguso sa paghamak, sumagot si Zhuge Yue, "Hindi ko pa naririnig iyon dati. Walang duda, hindi ito kilala."

Sa distansya, isang siga ang makikita habang napapalibutan ito ng aktibidad.

"Patuloy."

"Hmm?" nagulat si Chu Qiao.

"Tuloy mo ang kwento mo. Wala rin naman tayong magawa." Tumungo si Zhuge Yue at nagpatuloy sa paghiwa sa kuneho. "Ikwento mo yung tungkol sa kaibigan mo."

"Oh, sige." Tumango si Chu Qiao at pumayag. Sa kung anong rason, mas mabigat ang puso niya ngayong gabi. Siguro ay nasaktan ang damdamin niya ng mga galaw ng nakakatanda sa Da Tong. Gusto niyang may gawin para malibang.

Habang umuugoy ang damo sa malamig na hangin ng gabi ay maririnig ang boses niya, "Ang kasanayan nila sa martial arts ay mas magaling kaysa sa akin."

Napataas ulit ang kilay nang nagulat si Zhuge Yue. "Lahat sila ay babae, diba?"

"Tama," sumulyap si Chu Qiao sa kanya at kinutya ito, "Hindi ba't minaliit mo ang babae?"

Hindi sumagot si Zhuge Yue tapos ay nagpatuloy si Chu Qiao, "Ngunit dati pa iyon. Kung makakaharap ko ulit sila, masasabi ko na kasing galing ko na sila. Magaling si Xiao Huang sa katiyakan sa pagbaril, ah, ang ibig sabihin ko ay archery. Si Xiao Shi ang magaling sa malapitang laban at isang beses nang natalo ang 17 magagaling na lalaki. Hindi kasing galing ng mga 'yon ang pakikipaglaban ni Mao'er, ngunit pagdating sa paraan ng pagpatay sa iba, siya ang pinaka magaling."

"Paano ka naman?" tanong ni Zhuge Yue.

"Ako?" napabungisngis si Chu Qiao. "Isa akong henyo sa lahat ng larangan."

Naiiritang napairap ang lalaki. "Kayabangan."

Hindi nakaramdam ng pagkainis si Chu Qiao bagkus ay lumingon lang siya at nagtanong, "Zhuge Yue, anong gusto mong makuha?"

Nakasimangot na sumulyap si Zhuge Yue sa direksyon niya bago malamig na suminghal, "Sana ay makabalik ka na agad sa Yan Bei at hindi na kita makita pa kahit kailan. Mas magandang manatili ka nalang sa Yan Bei sa buong buhay mo."

"Imposible yan." Manghang napabungisngis si Chu Qiao at kaswal na nagpahayag, "Kahit na hindi niyo pasukin ang Yan Bei, dadalhin ko ang hukbo ko sa imperyo ng Xia."

"Ganoon ba? Kung ganoon ang hiling ko ay masira ang reputasyon ni Yan Xun tapos ay maanib ng pamilya Batuha ang Yan Bei. Magpapagala-gala ka habang nabubuhay ka at sa huli ay magmamakaawa ka sa pintuan ko."

Tumitig si Chu Qiao sa kanya. "Ang samang lalaki. Pero imposible din yan." Bahagyang tumatawa na nag-iisip ni Chu Qiao, "Kung dumating talaga ang araw na iyon, siguradong namatay na ko sa sagupaan."

Hindi inaasahan ang sagot na iyon, natigilan si Zhuge Yue dahil hindi siya makahanap ng kaapat-dapat na isagot.

"Nang oras na iyon, tinanong namin ang sarili namin ng parehong tanong." Nakatingin sa abot-tanaw, binalikan ni Chu Qiao ang malayong memorya sa kanyang isip tapos ay tahimik na nagdeskriba, "Napakalamig at walang pakiramdam si Xiao Shi sa panlabas ngunit siya siguro ang pinaka marupok sa amin. Gusto niyang mangolekta ng manika, iyong napakamahal na mga manikang iyon. Mauubos niya ang isang buwan niyang sweldo. Ang pinaka hiling niya ay pag-alis niya sa organisasyon, makakatanggap siya ng malaking sahod. Pagkatapos ay ikakasal siya sa isang simple at karaniwan at magiging mabuting asawa. May kaibigan siya mula pagkabata na kasundong-kasundo niya. Siguro, kung hindi dahil sa nangyari pagkatapos, natupad ang hiling niya."

Sa puntong ito, isang walang siglang ngiti ang makikita sa mukha ni Chu Qiao. Nagpatuloy siya sa pagsasalita pagkatapos ng maikling pahinga, "Si Xiao Huang ang pinaka maingay sa amin. Mayaman ang pamilya niya at napaka lakas ng loob. Nang oras na iyon, plano niyang umakyat ng bundok at iukit ang pangalan sa tuktok nito."

Pagkatapos magpahinga ulit ay may ngiti niyang inilarawan ang pangatlong kaibigan niya, "Ang hiling ni Mao'er ay simple lang--ang kumita ng pera. Siya ang pinaka gahaman at napaka mapangahas, kaya ginagawa niya ang lahat ng klase ng trabaho. Bilang resulta, hindi siya ganoon katapat sa organisasyon. Para sa kanya, isa lang itong trabaho para kumita ng pera."

"Paano ka naman?" tanong ni Zhuge Yue.

"Ako?" Nagulat si Chu Qiao. Pagkatapos mag-isip-isip ay marahan niyang sinabi, "Hindi ko alam. Nagpaplano ako ng isang misyon. Hinihiling ko lang na sana ay maayos na mangyari ang misyon para mas maaga ko itong makompleto."

May paghamak na suminghal si Zhuge Yue.

Tumingin si Chu Qiao sa kanya habang may maliit na ngiti. "Sa totoo lang ay ganito na talaga ako. May ilan akong hiling at napaka mapagmataas at matigas ang ulo. Hinihiling ko lang na sana ang mga paniniwala ko ay tama, karapat-dapat na ipagsapalaran ko ang buong buhay kong ipinaglalaban ito."

"Halimbawa," kinuha ni Chu Qiao ang kalayaan na tumigil saglit bago siya nagpaliwanag, "Kung ano ang utang mo sa akin, sisiguraduhin kong makukuha ko ito pabalik. Katulad noon, kung ano man ang utang ko sayo, sisiguraduhin kong mababayaran ko iyon."

"Sa tingin ko mas hahangaan ko si Mao'er," kalmadong pinahayag ni Zhuge Yue ang opinyon niya. "Ang organisasyon na sinasabi mo ba ay Da Tong? Ipakilala mo siya sa akin pag nagkaroon ka ng pagkakataon."

Kalmadong umiling si Chu Qiao at mapait na ngumiti. "Ang kakatwa ko talaga at kinwento ko sayo lahat ng ito."

Suminghal si Zhuge Yue. "Hindi naman kita pinilit na ikwento sa akin iyan."

Bigla ay nakarinig sila ng maliit na yabag mula sa malayo. Naalerto sa naghihimasok, nag-angat ng tingin ang dalawa para lang makakita ng batang babae; nasa lima o anim na taon gulang. Nakasuot siya ng matingkad na pulang blusa at nakatali ang buhok sa dalawa. Nakatingin siya sa karne ng kuneho na hawak ni Zhuge Yue habang kinakagat-kagat ang kanyang kamay.

Alam ng dalawa na hindi lang dakilang pamilya ang kasama nila maglakbay ngunit ang mga tagasilbi din nila. Ang ilan sa mga tagasilbing iyon ay may sariling pamilya. Siguro isa sa anak ng tagasilbi ang batang ito.

Nakasimangot, may sasabihin na sana si Zhuge Yue ngunit mas mabilis si Chu Qiao. Kinaway ang kamay, tinawag ito ni Chu Qiao, "Halika dito!"

Agad na nagliwanag ang mukha ng bata tapos ay inunat ang kamay at patakbong lumapit.

Malinaw ang mga mata ng bata. Nakangiti si Chu Qiao na tumingin sa mga to. "Ilang taon ka na?"

Kinakabahan na palihim siyang sumusulyap kay Zhuge Yue, balisang sumagot ang bata, "Anim."

"Anong pangalan mo?"

Siguro naramdaman na palakaibigan talaga ang dalaga, agad na tumugon ang bata, "Ang pangalan ko ay Xingxing."

Galit na matigas na sinigawan ni Zhuge Yue ang bata, "Bumalik ka at sabihin sa magulang mo na palitan ang pangalan mo!"

Gulat, at nang makitang mabangis na nakatingin si Zhuge Yue sa kanya, napakurap ng bata, mukhang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

"Bakit mo tinatakot ang bata!" Nakasimangot na hinila ni Chu Qiao ang bata at may binulong dito. Hindi nagtagal ay nag-umpisa nang masayang bumungisngis ang bata.

Nakaupo sa tabi, nanood si Zhuge Yue, biglang nakaramdam ng kakaiba. Sa kanyang alaala ay hindi ganito si Chu Qiao. Dapat siya ay kalmado, tahimik, mapagpigil, makalkula, matalino, at hindi makikitaan ng emosyon na mayroon ang karaniwang babae. Subalit, sa pagkikita na ito, nakakita siya ng ilan pa nitong parte na hindi niya nakita dati. Siguro, ngumiti siya sa pagpapahiya sa sarili niya, ang dating Chu Qiao ay umaakto lang. Lagi siya nitong nakikita bilang kalaban at hindi pinakita ang totoong siya. Kahit ngayon, maaaring hindi siya ang totoong siya. Kung hindi, bakit kailangan pa niyang magdala ng armas kahit malala ang natamo niya, para bang binabantayan nito ang sarili laban sa kanya.

Walang tiwala sa pagitan nilang dalawa. Siguro, katulad ito ng sinabi niya: kung ano ang utang niya sa kanya, siguradong babayaran niya ito isang araw.

Mapait na ngumiti, naging mapanglaw ang tingin ni Zhuge Yue.

Bwisit, sa kung anong rason, nagugustuhan ko talaga ang atmosperang ito.

Nang oras na ito, lumapit sa kanya ang bata at hinila-hila ang manggas niya. Nakaturo sa karne na hawak niya, tinanong siya nito sa kanyang pambatang boses, "Kinakain mo pa ba iyan?"

Naiinip na binigay ito ni Zhuge Yue sa kanya.

Hindi nararamdaman ang pagkainip niya, napangiti ang bata kay Zhuge Yue. "Ang bait mo!" tapps ay bumalik siya sa tabi ni Chu Qiao. Padaskol-daskol siyang umupo sa tabi ni Chu Qiao at pinaghatian nila ang karne ng kuneho.

Pagkatapos ng ilang oras ay may lumapit na hinahanap ang batang babae. Napatalon ang bata patayo at tumakbo papunta sa taong iyon, hindi nakakalimutan na magpaalam kay Chu Qiao at Zhuge Yue nang tumakbo siya. Ang kanyang maliwanag na masayang boses ay umalingawngaw sa gabing kalangitan...

Binabasag ang payapang atmosperang ito, natatarantang mga tili ang biglang narinig. Nang gabing iyon, hindi lang sa lambak na ito, sa loob ng syudad ng Xian Yang, isang alon ng pagpatay ang nangyari!"

Isang gwapong lalaki sa lilang ginto na kapa ang patagilid na nakahiga sa higaan habang dalawang nakakaayang mananayaw ang nakayakap sa kanya. Kasing puti ng jade na mga daliri ang pumulot ng ubas at inilagay ito sa bibig ng lalaki.

"Lord Feng!" Nakasuot ng itim na pang balatkayo para sa panggabing operasyon, isang tagasilbi ang pumasok. Ang kanyang mukha ay may ilang patak ng pulang likido, at kahit walang pinapakita ang itim niyang suot, amoy ng sariwang dugo ang agad na pumuno sa silid nang pumasok siya. Lumuhod sa lupa ang tagasilbi at matatag na sinabi, "Tagumpay ang misyon."

Ang sikat na Lord Feng ng Xian Yang ay bahagyang nagtaas ng kilay at kalmadong sumagot, "Dahil tagumpay ito, maaari ka nang umuwi at matulog."

Nang gabing iyon, ang lahat ng syudad ng Xian Yang ay nakatagpo ng kapahamakan. Dumanak ang dugo sa sanga ng ilog ng Chi Shui. Nang marinig ang nakakahindik na sigaw, ang karaniwang mamamayan ng syudad ng Xian Yang ay gising buong gabi. Nagkunwaring hindi nakita ng mga gwardya ang ilang duguan na nakatakas sa pagpapalibot sa kanila at lumuhod sa pinaka gate ng Xian Yang Military Yamen.

Sa huli, gumawa ng gulo ang mga iyon, kinailangan ng Yamen na sabihan ang lokal na "tagapagpatupad na awtoridad". Nang marinig na may ilang tao na ginugulo ang pahinga ng marangal na alkalde, nagpadala ng madaming sundalo si Lord Feng para "magdahilan" sa kanila.

Related Books

Popular novel hashtag