Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 112 - Chapter 112

Chapter 112 - Chapter 112

Sa huli ay sinundan ni Chu Qiao si Zhuge Yue. Kung may nagsabi sa kanya isang taon ang nakaraan na magkasundo siyang uupo kasama si Zhuge Yue sa loob ng isang karwahe, hindi niya ito papaniwalaan. Ngunit ngayon, habang nakatingin siya sa lalaking nakasandal sa kanyang gilid na nagbabasa ng libro hindi siya nakaramdam ng kahit isang bahid ng pagkauhaw sa dugo.

Sa piging sa syudad ng Wupeng, nakasalamuha siya ng ilang kakilala, katulad ni Fourteenth Prince Zhao Yang, Mu Yun mula sa Ling Nan, Wei Qingchi mula sa pamilya ng Wei, at Zhao Zhongyen, anak ng Ling King. Isa talaga itong makaibang-mundong karanasan habang nakatayo siya sa gitna ng mga kumpol ng maharlika kahit na isa siyang kriminal na nasa tuktok ng listahan ng pinaghahanap ng imperyo. Hindi lang na kailangan niyang kaharapin ang mga ito, ngunit kailangan din niyang maluwag sa kalooban na ipagsalin sila ng inumin at libangin. Hindi talaga komportableng karanasan iyon.

Ngayon, ang mga karwahe ng maharlikang ito ay napapalibutan siya at magkakasama tungo sa Tang Jing para ipagdiwang ang kasal ng prinsipe ng Tang. Sa ilalim ng mahigpit na pagsubaybay, ang kanyang tsansang tumakas ay muntikan nang maging zero. Pagsunod nalang kay Zhuge Yue kahit saan ito magpunta ang tanging magagawa niya, ginagawa siyang "bihag" habang inuumpisahan nila ang kakaiba nilang paglalakbay. Ngunit hindi ata alam ng bihag na ito na kasalukuyan siyang bihag.

"Tubig," hindi man lang nag-angat ng tingin si Zhuge Yue nang sinabi niya ito.

Galit na tumitig sa kanya si Chu Qiao at parang isang patay na piraso ng troso, tumanggi siyang gumalaw.

Pagkatapos ng ilang minuto, biglang may napagtanto ang fourth master ng pamilya Zhuge. Inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa kanya na may gulat na ekspresyon. Kung nakakapagsalita lang ang mata, sasabihin nito na, "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

Hindi na matiis pa ito ni Chu Qiao at umangal, "Hindi mo ako tagasilbi."

Tumango si Zhuge Yue na parang sinasabi na naiintindihan niya. Namangha si Chu Qiao sa mabilisan nitong pagtanggap ngunit agad na narinig siyang sumigaw, "Yue Qi!" may whoosh na palipad na nabuksan ang pinto ng karwahe. May maliksing galaw, tinakip ni Chu Qiao ang makapal na belo sa kanyang mukha at umupo sa tabi ni Zhuge Yue, ang kanyang patalim ay nakadiin sa likod nito. Kung kumilos siya ng kakaiba, walang pasubali niya itong sasaksakin.

"Ipagsalin mo ako ng tsaa." Nagulat si Yue Qi habang naguguluhan napatingin kay Chu Qiao. "Hindi ko siya tagasilbi." Inosenteng paliwanag ni Zhuge Yue.

Habang sekretong napapaisip kung paano nagustuhan ni Zhuge Yue ang babaeng ito, nagsuhestiyon si Yue Qi, "Kung ganoon, dapat ba akong maghanap ng tagasilbi para pagsilbihan kayo master at ang binibining ito?"

Tumango si Zhuge Yue na parang pumapayag. Tapos ay lumingon siya at seryosong tumingin kay Chu Qiao. "May isyu ka ba doon?"

Syempre, meron! Nagliliyab sa galit ang mata ni Chu Qiao habang ang kanyang patalim ay mas dumiin sa likod ni Zhuge Yue. Anong iniisip ng lalaking ito? Gusto na ba niyang mamatay?

"Mukhang ayaw niya noon," sagot ni Zhuge Yue kay Yue Qi. "Salinan mo nalang muna ako ng tsaa. Kung mayroon pang iba ay tatawagin kita ulit."

Tumango si Yue Qi. Nang papasok na siya sa karwahe, walang ibang pagpipilian si Chu Qiao kung hindi ay sumingit sa mababang boses, "Hayaan mong gawin ko." Ngumiti si Yue Qi at tumalikod, nilisan niya ang karwahe at isinarado ang pinto.

"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" nang umalis si Yue Qi ay agad na galit na nag-umpisang magtanong ni Chu Qiao kay Zhuge Yue.

Sobrang kalmado ni Zhuge Yue na kaswal na inoobserbahan ang tsaa na pinaiinit sa initan bago sumagot, "Nauuhaw ako."

"Wala ka bang tubig? Hindi mo masalinan ang sarili mo?"

Wala nang balak pang mag-aksaya ng laway, binuka ni Zhuge Yue ang kanyang bibig at balak na tawagin ulit si Yue Qi. Natatarantang maliksing lumapit si Chu Qiao at tinakpan ang bibig nito habang kunot na kunot ang noo niya.

Sige! Miserableng umamin ng pagkatalo si Chu Qiao sa puso niya. Walang pakialam sa temperatura, inangat niya ang pinakamainit na lalagyan ng tubig at nagsalin ng tsaa sa tasa. May dabog niyang inilagay ang tasa sa maliit na lamesa sa tabi ni Zhuge Yue at umangil, "Uminom ka na! Mapaso ka sana!"

Hindi natinag na kaswal na naglabas si Zhuge Yue ng koton na panyo. Kinuha ang tasa gamit ito bilang pananggalang sa init, ilang beses niya muna itong hinipan bago marahan na uminom.

Nang makitang kalmado siya, naramdaman ni Chu Qiao na mas lumala ang sakit ng ulo niya. Kahit ano. Ano man ang nangyayari, kailangan kong tumakas ngayong gabi. Kahit na ilalantad nito ang mga bakas ko, hindi na ako maaaring magtagal dito.

Ang probinsya ng An Bai ay isang pangunahing sentro ng industriyal sa silangang rehiyon ng imperyo ng Tang. Matatagpuan ito sa tabi ng Pinggui Highlands sa isang tabi at Cui Wei Mountain naman sa kabila. Sa paanan ng Cui Wei Mountain ay ang ilog ng Nanyue, kung saan ay kilala din bilang Waterway of the Southern Border. Ang imperyo ng Tang ang may gawa ng daanan ng tubig na ito, at dadaan sa Yan Bei hanggang Cheng Zhou. Ang daluyan ng tubig na ito ay para sa karamihan ng kalakalan, lalo na sa pangangalakal ng mga hayop tulad ng baka at tupa kung saan ang daluyan ng tubig na ito lang ang nananagot sa halos kalahati ng dami ng kalakalan sa imperyo ng Tang. Lagpas ng Cui Wei Mountains ay ang tigang na lupain ng Qinghai. Sa kabila ng mababang populasyon sa mga rehiyong iyon, mayroon doong makakapangyarihang sugo ng mangangalakal at madalas na nangangalakal ng mga mahalagang damong-gamot at kuwero sa imperyo ng Tang. Dahil sa heograpikal na dahilan, kahit na maliit na syudad lang ang probinsya ng An Bai ay maunlad ito.

Ang pagbisita ng kumpol ng mga master na ito mula sa imperyo ng Xia ay agad na nagdulot ng pag-aalala sa loob ng maliit na syudad na ito. Bago pa man makapasok ng syudad, ang mga opisyal na sumalubong sa kanila ay gumawa na ng pormasyon ng pagsalubong kalahating milya ang layo sa labas ng syudad. Mula sa malayo, makikita ang taas-baba ng makulay na sumbrero ng mga opisyal, na tila maraming aktibidad ang nangyayari. Hindi maiwasan ni Chu Qiao ang magpahayag, "Kailan pa kayo at ang imperyo ng Tang na payapang magkasamang nabubuhay? Hindi ba't nagdidigmaan lang kayo hanggang nitong nakaraang taon?"

Naningkit ang mga mata ni Zhuge Yue. Tumingin siya kay Chu Qiao mula sa gilid ng mga mata niya. "Sa pulitika, walang ganoong bagay tulad ng permanenteng kaaway sa harap ng benepisyo sa isa't-isa."

Lumingon si Chu Qiao at tumitig sa kanya, tapos ay suminghal, "Ito ay pagtitipon ng mga tuso."

"Mas katulad ng kung sino ang makatarungan ay makakakuha ng maraming tulong." Inangat ang tasa, uminom si Zhuge Yue dito at nagpatuloy, "Sa kabilang banda, yung mga nagpaplano sa dilim at nagrebelde ay nakatadhanang magkaroon ng miserableng hangganan."

May galit na namumuo sa kanyang puso, gaganti na sana ng salita si Chu Qiao nang bigla siyang nakarinig ng mga yabag mula sa likod ng pinto ng karwahe. Madali niyang ibinalik ang kanyang makapal na belo at umupo sa tabi ni Zhuge Yue, ang kanyang patalim ay nakalabas at handa siyang gawing bihag.

May whoosh na nabuksan ang karwahe. Nakatayo sa labas si Mu Yun. Ilang taon na siyang hindi nakikita ni Chu Qiao, at ngayon na nakita niya ito ulit, napansin niya ang mapusyaw na asul nitong roba, kasing puti ng nyebe na sapatos, at ilang panimulang pampaganda, ni hindi na siya talaga mukhang lalaki. Ngumiti si Mu Yun kay Zhuge Yue at sinabi, "Ang pinakamalalaking opisyal ng probinsya ng An Bai ay dumating na. Pagkatapos ng ilang pag-uusap, napagpasyahan namin na kung hindi tayo magpapakita at libangin sila ay kulang tayo sa kagandahang-loob. Ano sa tingin mo fourth master?"

Ngumisi si Zhuge Yue at kaswal na sumagot, "Kahit ano ang sa akin. Pwede kang magdesisyon at ipaalam sa akin."

Tumango si Mu Yun at nagdesisyon, "kung gayon ay hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo. Papasok na tayo sa syudad, pakiusap tagayan mo kami sa piging ngayong gabi!"

Nang nagsarado ang pinto ay napatid ang pasensya ni Chu Qiao, "Zhuge Yue, huwag kang gumawa ng hindi kailangan na galaw!"

May singhal na sumagot si Zhuge Yue, iniignora ang patalim na nakatutok sa puso niya mula sa likod, "Ako dapat ang may sabi niyan."

"Sa tingin mo ba ay tanga ako?" malamig na pahayag ni Chu Qiao, "Sa ugali mo, paano ka maglalakbay kasama ang mga ito? At ngayon ay nakikisalamuha sa mga opisyal na iyon, anong pinaplano mo? Hayaan mong sabihin ko sayo, hindi ka magkakaroon ng tsansa!"

Inangat ni Zhuge Yue ang kanyang ulo at tumingin kay Chu Qiao habang kaswal na tinuro ang kanyang dibdib. "Kung natatakot ka, saksakin mo ito. Kung hindi, huwag kang gumawa ng maraming ingay."

Nagtaas ng kilay si Chu Qiao at nagtanong, "Sa tingin mo ba ay hindi ko gagawin?"

Libang, tumingin si Zhuge Yue sa kanya na may antisipasyon bago suminghal, "Oh? Talaga?"

Bigla, isang maingay na panoorin ang narinig sa labas, agad na nasusundan ng tunog ng mga paputok. Sa kabila ng mga instrumento sa pagtugtog, maririnig na nasa koordinasyon sila. Gayunman, kakaiba na makarinig ng ganitong panoorin sa labas.

Parehong nagulat si Chu Qiao at Zhuge Yue na narinig ang boses ni Yue Qi mula sa likod ng karwahe, "Master, narinig ko nito lang na kakalagpas lang ng prinsipe ng Tang sa lugar na ito."

Kahit na nahihiwalay ng bintana, maiisip pa rin ang ekspresyon ni Yue Qi nang sabihin niya iyon. Sa kabila ng mahirap nilang sitwasyon, hindi maiwasan nila Zhuge Yue at Chu Qiao na mapatingin sa isa't-isa, sinasalamin ang iniisip ng bawat isa tungkol sa hindi pangkaraniwang gawi ng prinsipe ng Tang.

"Ang laking pagsasayang sa yaman at lakas-tao!" bulalas ni Chu Qiao. Sa kabilang banda naman, si Zhuge Yue ay nagdesisyon na hindi tumugon nang siya ay sumandal sa malambot na unan at ipinikit ang mata, hindi alintana sa gulo sa labas. Sa ilalim ng nakakabinging panoorin, marahan na tumungo ang mga karwahe sa syudad.

Sa ilalim ng malawak na sinag, lalo na sa engradeng panoorin, si Chu Qiao, isang hinahanap na terorista ng imperyo ay matapang na nagmartsa sa gates ng probinsya ng An Bai.

Pagkatapos masigurado na nasa ayos ang mga karwahe, mayroon ulit na panibagong pagsalubong ng mga lokal na opisyal. Nang hindi nililisan ang tabi ni Zhuge Yue, binati ni Chu Qiao ang maraming opisyal na dumating para salubungin ang mga panauhin.

Nang dumating ang gabi, ang kumukutitap na mga apoy ay inilawan ang abalang mga tao. Maraming marilag na mga karwahe ang nagtipon sa harap ng bahay ng An Bai Mayor habang ang mga gwardya ng bahay ay paulit-ulit na sumisigaw ng mapalad na mga salita para malugod na tanggapin ang mga panauhin. Sa pasilyo, maliwanag ang mga ilaw sa buong lugar habang ang mga mananayaw ay sumasayaw sa entablado. Ang matamis na amoy ng alak ay kumalat sa kabuuan ng pasilyo.

Nakasunod kay Zhuge Yue, nakasuot si Chu Qiao ng berdeng Chinese na bistida. Nananatiling suot pa rin ang makapal na belo, ang dekorasyon sa kanyang ulo ay mas dumami kaysa dati. Sa isang tingin, mukhang pambihira ang ganda niya.

Habang ang grupo ay pinaputok ang panoorin, napansin ni Zhuge Yue na dumating na sa lokasyon si Mu Yun at Zhao Yang. Nagpalitan ng ilang mabilis na pagbati, lahat ay umupo na sa mga pwesto nila.

Ang Mayor ng probinsya ng An Bai ay isang iskolar na tao na mukhang nasa kaagahan ng ika-30 nito. Kahit na mukha siyang inosente at musmos, ang kasanayan nito sa pagsasalita ay kahanga-hanga. Pagkatapos tagayan ang mga tao, kahit si Chu Qiao ay namangha sa kapabilidad nito sa pakikisalamuha. Nang natapos niya ang kanyang pagbati, ang galak sa bulwagan ay tumaas ng isang buong bingaw habang ang lahat ay nag-umpisang masugid na makisalamuha.

Nakaupo sa taas ni Zhuge Yue at Chu Qiao, nakasuot si Zhao Yang ng malamlam na gintong roba at uminom ng ilang basong alak na walang tigil. Hindi pamilyar si Chu Qiao sa lalaking ito. Kahit na hindi niya ito madalas makita sa syudad ng Zhen Huang, walang tigil siyang nakikipaglaban sa mga sundalo nito sa nakalipas na dalawang buwan. Sa totoo lang, ang buong timog-kanlurang rehiyon ay nasa ilalim na ng saklaw nito, kaya kahit na ang nag-utos na tugisin siya ay si Zhao Che, ang nagsasagawa ng utos ay ang Fourteenth Prince na ito.

"Ang ikalabing-apat na prinsipe ay isa talagang bayani. Karangalan na makilala kayo ngayon ng abang babaeng ito."

Ang kapatid na babae ng Mayor ay marikit na lumapit at tinagayan si Zhao Yang. Nakangiti na tumayo si Zhao Yang at ibinalik ang galaw. Nagulat sa trato, mas bumaba pa ang yuko ng babae at mula sa anggulo ni Chu Qiao ay halos makita na niya ang pula nitong panloob.

Mula sa gilid ay may nagpahayag, "Ang labanan sa Huai Yang ay nakakamangha. Sa ganyang talento at nakamit sa murang edad, ang kamahalan ay siguradong magkakaroon ng hindi masusukat na hinaharap!"

Ngumiti si Zhao Yang. "Kahit gaano pa ito nakakamangha, hindi ko pa rin mahuli-huli si Chu Qiao. Ginoo, hindi karapat-dapat sa akin ang mga papuri." Mukhang nagulat ang marami sa komentong puspos ng pagpapakumbaba. Nang nagiging mahirap na ang sitwasyon, sumingit ang Mayor, "Ang magkamali ay pagiging tao. Kapag nakita siya ulit ng prinsipe, sigurado ako na hindi na suswertihin ang babaeng iyon."

Nang marinig iyon, hindi na nagsalita pa si Zhao Yang. Mabilis niyang tinignan ang lahat bago umupong muli. Pagkatapos na matagumpay na masalba ang sitwasyon, inimbita ng Mayor ang kapatid niya para magtanghal. Walang pagdadalawang-isip na tinanggal ng babae ang kanyang panlabas na kapa, ipinakita ang malambot na kulay pulang bistida at kaaya-ayang sumayaw. Pagkatapos makompleto ang sayaw, umupo siya sa tabi ni Zhao Yang at buong atensyon siyang pinagsilbihan.

Related Books

Popular novel hashtag