Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 113 - Chapter 113

Chapter 113 - Chapter 113

Nakaupo sa tabi ni Zhuge Yue ay si young master Mu na nakasuot ng kulay pulang rosas na roba. Ilang lalaki lang ang napakagandang tignan sa pambabaeng kulay na ito. Bumagay ang kulay sa mukhang babae nitong mukha at binigyang-diin ang hindi pangkaraniwan niyang kagwapuhan. Malawak ang ngiti niyang sinabi, "Bihira lang na makitang magsama ang fourth master ng babae. Mukhang gustong-gusto talaga ng fourth young master ang binibining ito."

May ibang sumingit, "Para magustuhan siya ng fourth young master, hindi siguro mapapantayan ang kagandahan niya!"

Nalilibang na hiniling ni Zhao Yang, "Dahil napakaganda niya, sayang naman kung magsusuot siya ng makapal na belo? Zhuge, bakit hindi niya ito tanggalin at ipakita sa atin ang ganda niya?" mula noong laban kay Chu Qiao, drastiko ang pagtaas ang estado niya, at hindi na siya yung prinsipe na walang kapangyarihan o impluwensiya. Nang ginawa niya ang hiling na iyon, agad na nagpalakpakan ang mga tao sa pagpayag at sinasabihan si Chu Qiao na ipakita ang sarili.

Kalmadong nagpahayag si Zhuge Yue, "Sa totoo lang ay pangit siya. Kapag ipinakita niya ang sarili, natatakot ako na mahihindik ka."

Halatang hindi siya pinaniwalaan ni Mu Yun ngunit ngumiti lang si Zhuge Yue sa kanyang komento. Nang makita ang pagpilit niya, naintindihan ng iba na ayaw niya kaya natapos ang usapan doon.

Kalaliman na ng gabi, si Zhao Zhongyen at ang iba ay lasing na. Nag-ayos ng mga tauhan ang Mayor na dalhin sila pabalik ng silid nila. Nang kakatayo lang ni Chu Qiao, ang kapatid na babae ng Mayor ay napairit at bumagsak tungo sa kanya. Sa kasanayan niya, maliksi siyang sinalo ni Chu Qiao at tinulungan na makatayo. Pulang-pula ang kapatid ng mayor habang tinatapik ang kanyang dibdib sa ginhawa at pinasalamatan si Chu Qiao, "Maraming salamat."

Umiling si Chu Qiao. Tumingin siya sa baba para lang makita na natatapakan ni Zhao Yang ang kanyang palda. Nang makitang tumingin siya, magalang na tumango si Zhao Yang at inalis ang kanyang paa tapos ay nilisan ang bulwagan.

Napataas ang kilay ni Chu Qiao ngunit ang kanyang iniisip ay nagulo ni Zhuge Yue, "Hindi ka pa rin ba aalis?"

Tumungo si Chu Qiao at madali siyang sinundan.

Mas malamig ang gabi kaysa sa karaniwan habang ang mga kabayo ay tumatakbo sa gabi. Ang pamilya ng Zhuge ay may pag-aari sa probinsya ng An Bai kaya hindi nila kinailangan na tumuloy sa inayos na tutulugan. Binuksan ang bintana ng karwahe, tumingin sa madilim na paligid si Chu Qiao. Biglang nagtanong si Zhuge Yue na nagpapahinga, "Aalis ka?"

Mabangis na nagbabala si Chu Qiao, "Kung pipigilan mo ako, sisiguraduhin ko na pareho tayong mamamatay."

Hindi man lang nagmulat si Zhuge Yue nang sumagot ito, "Kung aalis ka na, alis na. Tandaan mo na isarado ang bintana. Huwag mong istorbohin ang pahinga ko."

Gulat na tumalon si Chu Qiao. Mukhang hindi siya napansin ni Yue Qi at ng ibang gwardya, at malaya siyang nakaalis. Saka lang naniwala si Chu Qiao matapos na makalakad ng dalawang kalye na hinayaan talaga siyang makalayo ng kanyang mortal na kaaway!

May mali! Napasimangot si Chu Qiao. Sa kabila ng maraming pagbabanta at labanan ay matagal siyang hindi pinakawalan ni Zhuge Yue. Bakit ngayon ay napaka desidido niyang pakawalan siya? Ngunit hindi ngayon ang magandang oras para tumigil at mag-isip. Mabilis na inayos ang sarili, tumakbo siya tungo sa gate ng syudad. Ngunit matapos ang ilang minuto lang, bigla siyang nakarinig ng ingay ng mga taong naglalaban sa likod niya.

Agad na tumigil si Chu Qiao at tumalikod. Biglaan ang paglusob ng kalaban na nagkumpol sa buong kalye. Hinarangan ni Yue Qi ang karwahe ni Zhuge Yue at sumigaw, "Sino kayo? Hindi niyo ba alam kung kaninong karwahe ito?"

Hindi sumagot ang mga lalaki ngunit mabagsik na sinabi, "Ibigay niyo sa amin ang taong iyon."

Binuksan ni Zhuge Yue ang karwahe at kalmadong sinabi, "Maglaban tayo."

May simponya ng whoosh, isang ulan ng palaso ang patungo sa grupo ni Zhuge Yue. Ang mga mananambang na ito ay nagdala ng maliliit na crossbows kung saan ang itinago nila kanina. Nang nakalapit sila Yue Qi at ang mga gwardya sa kalaban ay sugatan na sila. Mga sigaw ang bumasag sa babasagin na katahimikan ng buong kalye. Isang mananalakay ang nagtangkang pumasok sa karwahe para lang nakakita ng kislap ng puti, kung saan ay ito na ang huli niyang makikita dahil kalahati ng ulo niya ay lumipad sa ere. Takot na tumingin ang natitirang assassins. Nagkumpol sila sa karwahe sa susunod na minuto. May malaking kalabog na nasira ang bubong ng karwahe nang tumalon si Zhuge Yue sa ere at ipinakita ang kanyang espada na parang magandang pagtatanghal ng paputok. Nang papalapag, ang kanyang manggas ay nilipad-lipad ng hangin habang ang dalawang tuldok ng sariwang dugo sa kanyang noo ay nagpapakita ng kabagsikan niya.

"Fourth master Zhuge, wala kaming intensyon na galitin ka. Basta ibigay mo sa amin ang taong iyon. Aalis kami agad."

Parang bingi na sinaksak ni Zhuge Yue ang palad ng lalaking nagsalita. Hindi inaasahan ang biglaang pag-atake, pinisil ng lalaki ang kanyang palad habang umaatungal sa sakit. Naging seryoso ang mukha ng pinuno tapos ay nagsalita ito, "Kung ganoon, humihingi na ako ng tawad ngayon."

Biglang lumiwanag ang kalye nang sinilaban ng mga mananalakay ang kanilang sulo. Nang maayos na maliwanagan, makikitang maraming mamamatay tao na nasa bubong ng mga gusali sa dalawang gilid ng daan. Bawat isa ay may hawak na malaking pana at direktang nakatutok kay Zhuge Yue. Na parang isang simpleng hudyat lang ay titira sila. Takot, nanlumo si Yue Qi at ang iba pang gwardya. Masasabi nila agad na ang mga pang-militar na panang iyon ay kayang tumira ng palaso na may nakakamatay na bilis at lakas. Iyon, at samahan na may kalamangan sa taas ang mga mamamana ay magbibigay ng seryosong kapinsalaan sa kanila.

Ngunit sa iglap na iyon, maririnig ang ilang mahina na whoosh sa hangin. Agad na bumagsak ang mga assassin na may hawak na sulo na nagpadilim nanaman sa kalye. Humiwa pataas si Zhuge Yue at sa mabilis na dagok at kinitil niya ang buhay ng pinuno. Ngunit ngayon, hindi makikitaan ng ginhawa ang mukha niya at mas mukha pa siyang seryoso kaysa sa dati. "Sinong nagsabi na bumalik ka?" sigaw nito.

Nanigas ang katawan ni Chu Qiao na para bang madaming langgam ang kumakagat sa balat niya. Nang tinangka niyang pumunta sa posisyon na sobrang tahimik hangga't kaya, hindi niya napatay ang assassin sa oras at nasaksak ng isang beses. Ngunit alas, ang patalim ay nababalutan ng napakabilis umepekto na lason. Sa ilang paghinga lang, humina na ang galaw niya sa puntong hindi na siya makatugon sa mga kalaban na palapit sa kanya. Unang beses na napuno ng pagkataranta ang mata niya. Malinaw niyang nakikita ang galaw ng kalaban niya ngunit hindi na siya makatugon.

Halos tumama na sa kanya ang patalim nang may espadang tumusok sa dibdib ng mamamatay-tao at napaatras siya dahil doon. Lumapit si Zhuge Yue at sinalo ang pabagsak na katawan ni Chu Qiao tapos ay nagtanong, "Nalason ka?"

Doon, biglang sumuka ng dugo si Chu Qiao.

Napasimangot sa lala ng sitwasyon, agad napasyang umatras si Zhuge Yue, nag-utos ito, "Yue Qi! Pagtakpan mo ako!"

Ang malakas na patalim ni Yue Qi ay napigilan ang ilang mamamatay-tao habang siya at ang ibang tauhan niya ay abala sa pakikipaglaban sa mga assassin. Nang hindi sinisira ang daloy ng espada niya, tinanggap ni Yue Qi ang utos, "Masusunod! Master, mauna na kayong umalis!"

Dala-dala si Chu Qiao, sumakay sa kabayo si Zhuge Yue at may malakas na sigaw itong tumakbo paalis sa pagpapalibot sa kanila.

"Huwag siyang hayaan makatakas! Habulin niyo!" madami ang sumunod sa kanila.

Kinokontrol ang kabayo gamit ang dalawang binti, hawak ni Zhuge Yue si Chu Qiao sa isang kamay at ang kanyang espada sa kabila. Noon din ay ilang malakas na kulog ang narinig kasunod ang malakas na ulan. Napakabigat ang ulan na naging mahirap makita ang mga anino. Walang paraan para tumpak na tumira sa ganitong kondisyon ng panahon, kaya ang mga mamamatay-tao sa bubong ay inabandona ang kanilang posisyon at tumalon sa tumatakas na kabayo. Sinigurado ni Zhuge Yue si Chu Qiao sa kabayo at tumalon. Para bang sumasayaw sa ulan, agad niyang binuksan ang madugong landas. Ang kabayong may dala kay Chu Qiao ay tumakbo sa landas na iyon at matagal nang naglaho.

"Habulin! Pumunta siya—Ah!" sigaw ng isang mananalakay, tinatangkang sabihan ang iba. Ngunit bago niya makompleto ang sasabihin niya, isang naliligo sa dugo na patalim ang tumusok mula sa likod ng kanyang leeg habang ang kanyang katawan ay walang buhay na bumagsak. Nagpatuloy ang mabigat na pag-ulan habang patuloy ang pagpatay.

Malakas na binuksan ni Zhuge Yue ang pinto ng templo kung saan ay nakakita siya ng ilang pulubi na nakaupo sa gilid. Dinakma ang isa, mabangis siyang nagtanong, "May nakita ka bang babae na nakasuot ng berdeng damit ang pumunta dito?"

Mukhang sobrang miserable ni Zhuge Yue ngayon habang naliligo siya ng magkahalo ng ulan at dugo. Nasindak ang pulubi sa kanyang kilos at mabilis na umiling nalang. Lumingon si Zhuge Yue sa iba para lang makita na tumakbo na ang mga ito. Nakatingin sa labas ng templo, pinulot ng malakas na hangin ang mga patay na dahon at pinalipad sila na parang papel na pera tuwing pista ng multo.

Nangunot ang noo ni Zhuge Yue at ang kanyang sentido ay nag-umpisa nang pumintig bilang protesta. Naubos na ang lakas niya sa matagal na pakikipaglaban niya at nag-umpisa na siyang mahilo. Ang paghahanap kahit saan kay Chu Qiao ay walang kinahinatnan. Sa puntong ito, panibagong grupo ng mamamatay-tao ang nakalagpas sa harang nila Yue Qi at nakahabol sa kanya. Tiim-bagang na ikinumpas ulit ni Zhuge Yue ang kanyang espada. Sa kabila ng mahina na niyang estado, kasing bilis pa rin ng hangin ang kanyang espada, nagpapatilamsik ng ilang bahid ng pulang likido lagi. Tumalon si Zhuge Yue at sa mabilis na saksak sa balikat ng mamamatay-tao, umigkas siya sa bubong. May ilang talon pa ay naglaho siya tungo sa silangan.

Hindi lang na hindi pa tumitigil ang ulan, mas lumalakas pa ito bawat segundo. Ang malawak na pinaka daan palabas ng syudad ay puno na ng putik. Tumakbo si Zhuge Yue sa maputik na daan, ang kanyang damit ay iba na ang kulay dahil sa putik at dugo. Ang kanyang mukha ay maputla at ang labi ay asul; ang dalawang patak ng dugo na lumapag sa kanyang noo kanina ay tumigas na, nagdadagdag ng mala-demonyong awra sa kanyang magandang mukha.

Pagkatapos tumakbo ng dalawang oras, hindi pa rin siya makakita ng senyales ng anino ni Chu Qiao. Isang nagbabantang isipin ang lumitaw sa kanyang isip na nagpalabas ng pagkayamot niya sa isang kartel ng abandonadong tsaahan sa tabi ng daan. Bumagsak ang kartel sa maputik na tubig na may malakas na tunog habang nagtilamsik ito ng putik kahit saan. Sumugod sa tsaahan, binati siya ng kadiliman, na may patong-patong na sapot ng gagamba. Halata na matagal na itong naabandona habang ang hangin ay na umihip ay nag-angat ng alikabok.

"Nandito ka ba?" sigaw ni Zhuge Yue ngunit kulog at hangin lang ang tanging narinig niya. Pagtakbo niya sa likod ay wala pa rin siyang nakita, at dahil dito, tumalikod siya na naghandang tumungo pa pa-silangan. Ngunit bigla siyang nakarinig ng halinghing ng kabayo. Lumingon siya at nakakita ng maroon na kabayo na nakatayo sa matataas na damong tumutubo sa parang palayan sa likod ng abandunadong tsaahan. Makikitaan ang likod ng kabayo ng ilang mantsa ng dugo.

Gulat na nanlaki ang mata niya at sumugod dito. Napakalakas talaga ng ulan; halos isang metro nang nalubog sa tubig ang palayan. Nahihirapang sumulong, ginamit niya ang lahat ng lakas niya bawat hakbang. Paulit-ulit na pinupunasan ang tubig ulan sa mukha niya habang ginagawa niya ang lahat para hanapin si Chu Qiao.

Wala dito, wala dito, hindi siya makita kahit saan!

Nang malapit na siya sa kabayo, bigla siyang napatid ng malambot na bagay sa tubig at halos bumagsak. Gulat na lumuhod siya sa tubig ang nangapa gamit ang kamay. Hindi nagtagal ay umahon siya na may hawak na tao. Halatang si Chu Qiao iyon. Pikit na pikit ang mata ni Chu Qiao at ang kanyang mukha ay maputla na. Ang kanyang bibig at ilong ay natatakpan ng putik habang ang kanyang kamay ay napakalamig na para bang patay na siya.

Dinala siya paalis ng tubig, madapa-dapa si Zhuge Yue sa palayan at inilagay siya sa maputik na daanan. Mabilis niyang tinanggal ang putik na tumatakip sa ilong at bibig nito bago mabigat na diniinan ang tiyan at dibdib nito.

"Gising!" tiim-bagang niyang sigaw at paulit-ulit na dinidiinan ang namamaga nitong tiyan, "Hindi kita pinapayagan mamatay! Gising!"

Maputla pa rin ang mukha ni Chu Qiao at ang kanyang katawan ay kasing lamig ng yelo. Sumasabay ang galaw ng katawan niya sa pagdiin sa kanyang dibdib.

Nakasimangot na pinisil ni Zhuge Yue ang ilong ni Chu Qiao at diniin ang labi sa labi niya, binibigyan ito ng mouth-to-mouth resuscitation. Kahit ganoon, hindi pa rin siya nagpapakita ng senyales ng paggising. Malakas na tumitibok ang puso niya at katulad ng malungkot na panahong ito, naguguluhan siya at miserable, hindi makakita ng kahit isang sinag ng pag-asa. Isang misteryosong galit ang namuo sa puso niya. Habang nakatingin sa babae na paulit-ulit siyang kinalaban, malakas niyang sinabi, "Hindi ka pwedeng mamatay! Naririnig mo ba ako? Ang sabi ko ay gumising ka!"

Related Books

Popular novel hashtag