Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 101 - Chapter 101

Chapter 101 - Chapter 101

"Siguro. Mayroon lang itong padalus-dalos na ugali." Sagot ni Zhan Ziyu.

"Oh." Tango ni Chu Qiao. "Lahat ng magandang kabayo ay ganyan, kailangan lang nila ng oras para mapaamo. Masunurin na ba ang kabayong iyon ngayon?"

"Patay na siya."

Natuliro si Chu Qiao. "Ayaw niyang sumailalim sa tao. Iniuntog nito ang kanyang ulo sa poste at namatay." Pagpapatuloy ni Zhan Ziyu.

Tulalang nakatingin sa kanya si Chu Qiao na hindi alam ang sasabihin.

Napatawa si Zhan Ziyu at sinabi, "Pwede ka nang umalis. Dadaong tayo sa syudad ng Wupeng bukas. Pwede mong kuhanin ang oportyunidad na iyon para umalis."

Napataas ang kilay ni Chu Qiao at bumulong, "Sino ka ba talaga?"

Tahimik na tumingala si Zhan Ziyu. Ang mapanglaw na sinag ng buwan ay tumama sa kanyang mukha at bumubuo ng tabing na parang puting-pilak na buhangin sa dalampasigan. "Nakita ko ang litrato mo sa kwartel ng militar sa probinsya ng Xiushui. Saka, nakita ko ang utos na ibinigay ng ilang hukbo kamakailan lang. Hindi mahirap na malaman kung ano ang pagkakakilanlan mo."

"Bakit mo ako pinapakawalan?"

"Pansamantala akong nanirahan sa Xiushui ngunit hindi ako mamamayan ng imperyo ng Xia." Itinalikod ni Zhan Ziyu ang kanyang upuang de gulong at tumungo sa kanyang silid. "Isa pa, ayokong lapitan ng gulo."

Hinabol siya ni Chu Qiao at hinawakan ang likod ng kanyang upuang de gulong at sinabi, "Kung ganon ay bakit mo ako inililigtas?"

Lumingon si Zhan Ziyu at simpleng tumingin sa kanya. Pagkatapos ng mahabang sandali, mabagal niyang sinabi, "Sinulatan ako ng Thirteenth Prince ng Xia, na pinakikiusapan akong tuntunin ka. May utang na loob ako sa kanya nung nakaraan."

Natigilan si Chu Qiao at niluwagan ang kanyang pagkakahawak.

"Isa lamang akong hamak na bagsak na myembro ng aking angkan. Simula bukas, maraming tao mula sa Xia ang sasakay sa barkong ito. Hindi na kita madadala pa kahit saan. Ginawa ko na kung anong makakaya ko, ikaw na ang bahala sa iba." Gumagawa ng maliit na pag-ingit ang gulong ng inuupuan ni Zhan Ziyu nang gumulong ito sa palapag. Tahimik lang na nakatayo si Chu Qiao sa mahangin na gabi nang mahabang sandali hanggang maging puti ang kalangitan.

Mabagal na umaagos ang tubig ng ilog kasabay ng alon mula sa silangan. Nag-umpisa nang tumulo ang ulan na nagkokonekta sa kalangitan at ilog. Inunat ni Chu Qiao pareho ang kanyang braso at tahimik na tumingin sa kalangitan. Sa kalayuan, isang patag na bangka ang mabagal na dumadaan. Sa tabing-ilog na nasa kabilang pampang, ilang kabayo ang mabilis na tumatakbo.

Tahimik lang siyang nakatayo doon at nakaramdam ng ginaw gawa ng malamig na ulan. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata at nakita ang maputlang mukha at mapulang labi ng lalaki. Nakita niya ang walang laman na manggas ng lalaki na nililipad-lipad ng hangin. Nang malalim ang iniisip niya, biglang huminto ang grupo ng mga kabayo sa tabing-ilog. Isa sa mga lalaki ang lumingon at tumingin kung saan nakatayo si Chu Qiao. Dahil buong gabing hindi nakatulog si Chu Qiao, wala na siyang lakas para mag-isip pa ng kung ano-ano. Tumalikod siya at bumalik sa kanyang silid. Sa sandaling ito, ang lalaki sa kabilang pampang ay walang iba kung hindi si Zhuge Yue.

"Master, ang probinsya ng Huashu ay malapit na. Isa itong maliit na bayan. Maaari tayong saglit na magpahinga doon bago magpatuloy sa ating paglalakbay. Hindi na malayo ang syudad ng Wupeng."

Tumulo ang patak ng ulan sa mukha ni Zhuge Yue. Tumingin siya sa ilang malalaking bangka sa ilog at natanong, "Zhu Cheng, iyong ilang bangka ba na iyon ang kasabay natin umalis mula syudad ng Xianyang?"

Tumingin si Zhu Cheng sa kalayuan at tumango. "Master, ang husay ng mga mata mo. Iyon ang mga bangka na inihanda para sa atin ng departamento ng marine cargo transport sa probinsya ng Xianyang. Siguro ay napunta sa pamilya ng Zhan mula sa Tang ang mga pwesto natin pagkatapos mapagpasyahan na maglakbay sa kalupaan."

"Ang pamilya ng Zhan mula sa Xizhi Ridge?"

"Oo."

Naging magulo ang ekspresyon ni Zhuge Yue. Simple niyang pinahayag, "Kahit ang maliit at hindi gaanong mahalaga na mga pamilya ay nagpakita. Mukhang magkakaroon tayo ng kasiyahan sa Tang Jing."

"Ang buong pamilya ng Zhan ay babalik sa Tang. Hindi ito pangkaraniwan." Dagdag pa ni Zhu Cheng.

"Siguradong maiisip nila ito. Subalit, ang magawa mismo ang kanilang pakay ay ibang usapan na." Sagot ni Zhuge Yue.

"Subalit narinig ko na ang pinuno ng pamilya Zhan ay isang matyagang tao. Maparaan siya at may hawak na impluwensiya sa mahirap na mundo. Kaibigan niya rin ang Thirteenth Royal Highness. Hindi siya ganoon kasimple katulad ng iniisip natin."

Napakunot si Zhuge Yue at sinabi, "Ang tinutukoy mo ba ay si Zhan Ziyu na inasawa ang sarili niyang kapatid?"

"Siya iyon," sagot ni Zhu Cheng. "Ipinadala si Zhan Ziyu sa bundok ng Cang noong bata siya para matutuhan ang iba't-ibang sining. Ang kanyang guro ay si Reverend Dian Cang o mas kilala bilang Cang Xue. Noong 17 siya, naglakbay siya pababa ng bundok at nakilala ang pangalawang binibini ng pamilya Zhan na si Zhan Zijin, kung saan ay nagtatago siya matapos takasan ang napagkasunduang kasal niya. Silang dalawa ay nangakong pakasalan ang isa't-isa at nagkaroon ng anak. Saka lang nila napagtanto ang pagkakakilanlan ng isa't-isa matapos silang mahabol ng pamilya ng Zhan. Sa galit, binali ni Old Master Zhan ang paa ni Zhan Ziyu at sinunog ng buhay si Zhan Zijin. Dahil doon mismo kaya nawala ang pinaghahawakan ng pamilya ng Zhan sa gitna ng iba pang angkan sa imperyo ng Tang. Napilitan silang lumipat sa teritoryo ng Xia, kung saan ay personal itong inayos ng Thirteenth Royal Highness."

"Sinunog ng buhay?" napataas ang kilay ni Zhuge Yue at napapiksi, "Walang kwenta itong si Zhan Ziyu. Hindi muna siya nagsiyasat ng mabuti sa sitwasyon bago kumilos, at hindi nagtangka na akuin ang responsibilidad nang umakto siya. Ang pagbali sa paa niya ay maikokonsderang pagiging mabait sa kanya."

"Tama iyan, ang husay mo Master." Tawa ni Zhu Cheng.

Napatawa din si Zhuge Yue at sumagot, "Tigilan mo ang pagsipsip. Halika na, kailangan tayong makarating sa Wupeng bago ang bukang-liwayay sa loob ng dalawang araw."

Sabay-sabay na sumang-ayon ang mga kasama niya. Pinalo nila ang mga kabayo nila sa paghahandang umalis. Sa iglap na ito, iyong itim na pandigmang kabayo na nakasunod sa gilid ni Zhuge Yue ay tumingin sa ilog at nag-umpisang humalinghing ng malakas. Kahit anong hila nila dito ay ayaw nitong tumigil na para bang nagngangalit ito.

"Liu Xing!" saad ni Zhuge Yue sa mababang boses. "Anong problema?"

Tumayo sa dalawang binti ang pandigmang kabayo at nagbigay ng masakit sa taingang halinging habang nakaharap sa mga barko. Napasimangot si Zhuge Yue, tinapik ang kabayo sa leeg at nagtanong, "Anong ginagawa mo?"

"Master, sa tingin ko ay nagulat si Liu Xing."

"Nagulat?"

Nakasimangot na tumingin si Zhuge Yue sa malawak na ilog sa harap.

Sa silid, biglang napaupo si Chu Qiao.

"Xiaoqiao, anong nangyari?" Gulat na tanong ni Liang Shaoqing.

Tulalang napaupo si Chu Qiao. "Akala ko ay narinig ko na tinatawag ako ng Liu Xing." Sagot niya.

"Sino?" tanong ni Liang Shaoqing. "Sinong tumawag sayo?"

"Si Liu Xing, ang kabayo ko." Sagot ni Chu Qiao.

"Paano nangyari iyon? Nasa tubig tayo. Marunong bang lumangoy ang kabayo mo?"

Nakakunot na binuksan ni Chu Qiao ang bintana. Nagsimulang pumasok ang ulan sa labas. Inilabas ni Chu Qiao ang kanyang ulo para makakita ng mabuti ngunit wala siyang kahit anong makita dahil nagsimulang lumakas ang bagyo na bumubuo ng hamog sa ibabaw ng ilog. Nakasimangot siyang nakinig ng mahabang sandali bago umalis sa kanyang higaan para magbihis at naghahandang tumakbo palabas.

Nagulat si Liang Shaoqing dito at pinigilan siya. "Saan ka pupunta?" tawag niya dito.

"Lalabas ako para tumingin. Narinig ko talaga na tinatawag ako ni Liu Xing."

Iniling ni Liang Shaoqing ang ulo niya. "Ang lakas ng ulan sa labas. Magkakasakit ka kapag lumabas ka."

Napasimangot si Chu Qiao. Naglagay siya ng panibagong patong na damit bago nagmamadaling lumabas.

Lumakas pa ang ulan. Ang kapaligiran ay nakukumutan ng hamog at malaki ang ibinawas nito sa maaari niyang makita. Mapanganib na nagbalanse ang malaking barko sa ilog dahilan para mano-mano na papirmihin ng mga bangkero ang barko. Sinalok nila ang mga tubig na nag-umpisa nang bumaha sa palapag sa gitna ng takot ng kahit anong pang maaaring mangyaring problema.

Tumayo si Chu Qiao sa gitna ng magulong mga tao at tumitingin sa lahat ng direksyon ngunit hindi nakita si Liu Xing. Inilagay ni Chu Qiao ang mga kamay sa gilid ng kanyang bibig at sumigaw, "Liu Xing!" subalit, ang kanyang boses ay nalunod ng kulog.

Ang kapitan ng barko ay tumakbo tungo sa mga kabin at sumigaw sa kanyang katulong, "Sabihin mo sa Master na kailangan na natin dumaong ngayon. Mas lumalakas pa ang ulan!"

"Saang parte tayo dadaong?" Tanong ng katulong

"Kahit na mas malapit tayo sa pampang sa kaliwa, mababaw doon. Hindi noon masusuportahan ang barko natin. Dumaong tayo sa kanang pampang!"

Sa sandaling ito sa kaliwang pampang, Napilitang sumilong sila Zhuge Yue sa isang sira-sirang pavilion dahil sa lakas ng ulan. Marahas na pabalik-balik mula sa orihinal niyang posisyon si Liu Xing na para bang puputulin nito ang tali na pumipigil sa kanya.

Nakatayo sa pavilion si Zhuge Yue at nakatingin kay Liu Xing. Bahagyang gumalaw ang kanyang tainga at isang pagsimangot ang makikita sa kanyang mukha. "Zhu Cheng, naririnig mo ba iyon?"

Nanigas si Zhu Cheng. "Young Master, naririnig ang alin?" tanong niya.

Nanatiling tahimik si Zhuge Yue na patuloy sa pakikinig habang nakasimangot. Alas, mas lumakas pa ang ulan. Samahan ng kulog, ang mahinang boses ay nawala.

Hindi nagsalita si Zhuge Yue. Diretso lang siyang nakatayo at nakatingin sa harap ngunit puting patong lang ang nakikita niya. Hindi na makikita ang ilang bangka na natatakpan ng malakas na ulan.

Ibinaba ni Chu Qiao ang kamay niya. Nakadaong na ang barko sa kanang pampang. Basang-basa siya mula ulo hanggang paa at ang kanyang boses ay namaos na. Si Liang Shaoqing na nakakuha ng payong ay ipinayong ito kay Chu Qiao at nagpahayag. "Pumasok na tayo. Magkakasakit ka kapag nagpatuloy ka."

Nanatiling tahimik si Chu Qiao habang nakatingin sa kabilang pampang ng ilog. Pinanatili niya na hindi mali ang narinig niya. Sa ikalawang araw ng padaong ng barko, palihim siyang tumungo sa lugar kung saan niya narinig yung kabayo. Katulad ng inaasahan, nakita niya ang kampanilya na nasa leeg ni Liu Xing kung saan ay inilagay niya mismo.

Bakit nandito si Liu Xing? Hindi ba't bumalik ito ng syudad ng Zhen Huang?

Nang araw na iyon, napwersa siyang dumaan tungo sa imperyo ng Tang nang hinahabol siya ni Zhao Chun'er. Nais niyang tahakin ang timog-kanlurang tubig na daan mula Chengzhou pabalik sa Yan Bei. Kailangan niyang nasa kabilang bahagi ang mga tao ng Yan Bei. Subalit, hindi niya nagawang ipasa ang mensahe kay Yan Xun. Dahil sa desperasyon, sumulat siya at itinago sa paa ni Liu Xing. Si Liu Xing ay regalo sa kanya ni Lady Yu. Napalaki ito sa kwadra ng mga kabayo sa Zhen Huang na pag-aari ng Da Tong Guild. Matalino ang kabayong iyon at naging mensahero sa pagitan nila ni Lady Yu nitong mga taon na ito. Kahit na wala na sa Zhen Huang si Lady Yu, maipapasa pa rin nito ang kanyang mensahe basta makita siya ng taga Da Tong.

Subalit, nandito ito ngayon. May nakaalam ba ng mensahe niya? Dapat ba niya ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay tungo sa Chengzhou? Kapag pumunta siya doon, naghihintay na ba ang hukbo ng imperyo ng Xia na magpakita siya? Kung hindi siya tutungo sa Chengzhou, dadaan siya sa kalahati ng imperyo ng Xia pabalik sa Yan Bei. Hindi ba't mas delikado iyon?

Pagkatapos ng isang seryosong pagkokonsidera ni Chu Qiao ay nagdesisyon siya na huwag muna tumuloy sa Yan Bei sa ngayon. Sinundan niya ang bakas na iniwan nila Zhuge Yue at nakibalita. Sa wakas ay dumating siya sa residensya ng mga opisyal sa syudad ng Wupeng. Habang nakatingin siya sa marilag na istruktura, alam niya na kailangan niyang pasukin ito sa gabi.

Ang buwan sa kalangitan ay natatakpan ng madilim na mga ulap dahilan para maging madilim tignan ang panggabing kalangitan. Sa saglit na oras ay nakapuslit na si Chu Qiao sa gusali. Parang loach siyang mabilis na bumaba sa puno na nakatago sa mga bato. Bahagyang gumalaw ang mga tainga niya nang makarinig ng mga yabag na papalapit sa kanya.

Naningkit si Chu Qiao. May kaunting lakas sa kanyang mga paa na tumakbo siya tungo sa poste sa kanan. Nang malapit na siya sa poste, tatlong hakbang niyang inakyat ito. Nang mawawala na ang lakas niya sa paa, iniunat niya ang kanyang mga kamay at humawak sa bubong. Mabilis siyang nakaakyat sa pag pulupot ng binti sa poste. Nang lumapit sa kanya ang ilaw sa may gilid ay yumukyok siya sa bubong.

"Dito." Isang manipis na boses ang bilang umalingawngaw. Nakakagiliw ngunit maingat ang boses na parang sa isang alipin. Pagkatapos, magugulong mga yabag ang nagsimulang marinig. May 20 katao ang tantya ni Chu Qiao. Napasimangot siya at naghintay.

"Narinig ko na gwapo, matalino, at mapapansin sa kumpol ng tao ang Master. Ngayon, nakita ko iyon mismo. Ang tsismis tungkol kay Master ay isang pagmamaliit." Biglang napatawa ng mula sa puso ang lalaki, malinaw na galak na galak siya sa pagpuri. Ang young master na pinuri ay nanatiling tahimik. Napuno ang hardin ng tawa ng lalaki at ginagawang nakakahiya ang sitwasyon.

Related Books

Popular novel hashtag