Chereads / Princess Agents (Tagalog) / Chapter 102 - Chapter 102

Chapter 102 - Chapter 102

Sandali lang na tumawa ang lalaki. Nang makitang walang tumugon ay tumawa muna siya ng dalawang beses bago huminto. Biglang may naisip ang lalaki at sinabi, "Dito ang daan. Malapit na tayo doon...malapit na. Kakabili ko lang ng ilang babaeng alipin mula sa syudad ng Xianyang. Magaganda sila at nakabihis na. Heh, hinihintay ka na nila Master."

Huminto ang mga yabag kung saan nagtatago si Chu Qiao. Nanigas ang katawan niya. Hawak-hawak ang patalim, marahan siyang huminga ng malalim at napakunot.

Isang mababang boses ang nagsalita. Mukhang nagkaroon ng sipon ang lalaki. Ang kanyang boses ay paos at galing sa ilong. "syudad ng Xianyang?"

"Tama," tumawa ang lalaki. "Heh, Master. Alam mo na may maluwag na paghihigpit ang mga taga Xia sa alipin. Para naman sa presyo, heh, mas mura ito kaysa sa imperyo ng Tang. Kamakailan lang, sumadya sa syudad ng Xianyang si Cui Sima ng Secretary Office. Bumili siya ng ilang alipin para sa akin. Master, gusto mo ba sila?" matagal na nag-isip ang Master bago sinabi, "tignan natin."

Nakaramdam ng tuwa ang opisyal. May ngiti sa kanyang mukha nang siya ay umalis kasama ang iba na nakasunod sa kanya.

Napabuntong-hininga si Chu Qiao sa ginhawa. Alam niya na pumili siya ng tamang oras para bumisita dahil may importanteng bisita sa bahay na ito ngayong gabi. Subalit, hindi niya alam kung sino mismo sa Xia ang makakatamasa ng royal na pagtrato. Hindi na niya masyadong pinag-isipan ito nang tumayo siya at tumakbo sa kabilang direksyon.

Sa dilim, ang galaw ni Chu Qiao ay parang sa civet cat—magaan at maliksi. Subalit, nang naghahanda na siyang maglakad sa palko ay nadulas siya. Nang sinubukan niyang patatagin ang sarili, napagtanto niya na nakatapak siya ng lumot.

May nakarinig ba sa akin? Lumakas ang tibok ng puso ni Chu Qiao nang napaisip siya.

Bigla, isang malamig na boses ang umalingawngaw, "Sino iyan?" mababa ang boses. Sa isang iglap ay lumitaw siya sa kabilang dulo ng pasilyo. Iyon ang Master na may ilang salita!

Mahigpit na hinawakan ni Chu Qiao ang kanyang patalim. Nakasimangot siyang huminga ng malalim at nanatiling tahimik. Nang makita ng young master na hindi siya nagsalita ay malamig itong tumawa. May talon na dalawang beses siyang tumapak pataas sa poste. Isang kamay niyang hinawakan ang poste at lumukso sa bubong gamit ang isa pa.

Madilim na madilim ang gabi; tinatakpan ng madilim na ulap ang buwan. Sa dilim, matangkad at matikas tignan ang lalaki. Nililipad-lipad ng umiihip na hangin ang kanyang manggas na nagbibigay ng nagbabanta at mapanganib na awra.

Kumislot ang takipmata ni Chu Qiao at napuno ng galit ang kanyang puso. Alam niya na ang paghihintay ay magbibigay ng oras para dumating ang kakampi ng kalaban. Nang wala nang karagdagan pang salita, tumalon siya sa ere at iniakma ang kanyang patalim. Walang sinabi ang kalaban at mabagsik na hinawakan ang kamay niya. Ang isa nitong kamay ay lumipad tungo sa leeg ni Chu Qiao na may hindi mapapantayang bilis!

Alam ang sitwasyon, inarko ni Chu Qiao ang kanyang likod para iwasan ang dagok ng kalaban. Sa patalikod na sirko ay lumapag siya na malayo sa kalaban. Sa isang iglap, naglapag ng panibagong suntok sa balikat ang dalawa. May thud na nakaramdam siya ng sakit sa kanyang balikat. Malakas niyang sinipa ang kalaban ngunit hinid niya tinamaan ang mahalagang bahagi nito bagkus ay tumama ito sa kanyang binti. Nagtama ang lulod nila na nagbigay ng manhid na sensasyon sa parehong binti nila. Napaatras sila at malamig na tumingin sa isa't-isa.

Mga yabag ang papalapit sa kabilang banda. Malinaw na bumalik ang mga gwardya kanina. Napamura si Chu Qiao sa loob-loob niya. Hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng ganitong kalaban sa residensyang ito. Kapag napaligiran siya, tiyak na ang kamatayan niya.

Sa isang kisapmata ay sinuntok niya ulit ang kalaban. Ang kanyang aksyon ay mabilis, walang awa, at nagdadala ng papatay na intensyon. Hindi rin maawain ang kalaban. Sa panibagong malamig na tawa, itinapon niya ang bagay na hawak niya tungo kay Chu Qiao.

Napatigil si Chu Qiao. Bago pa siya makapagreklamo sa kalaban tungkol sa kanyang madayang taktika, mabilis itong tumungo sa harap niya, hinakawan ang mga kamay niya at inilalapit ang katawan nito.

Malamig na tingin ang isinukli ni Chu Qiao dito. Sa kakaibang baluktot ng kanyang katawan, sumirko siya, ang kanyang kaliwang paa ay mapersang tumama sa balikat ng lalaki. Napadaing ang lalaki at napabuga, ang kanyang hininga na amoy alak ay lumapag sa mukha ni Chu Qiao. Hindi nasira ang lalaki sa dagok na ito. Malaki ang hakbang niyang hinawakan si Chu Qiao sa bewang. Subalit, dahil sa lumot sa bubong, pareho silang dumulas at bumagsak sa lupa. Hindi mataas o mababa ang palko, mga tatlong metro ang taas. Kung bumagsak sila, kahit na hindi sila mamatay ay labis ang matatamo nila.

Nagkasundo na binitawan nila ang isang kamay para suportahan ang sarili nila sa bubong. Sa oras na ito ay sumipa ang lalaki na pinigilan ang binti ni Chu Qiao. Nang gaganti na dapat si Chu Qiao, sumirko palapit ang lalaki at itinuon ang suntok tungo sa kanyang dibdib.

Nagulat si Chu Qiao. Itinaas niya ang isa pang binti at mabagsik na tumingin sa lalaki. Sinusumpa niya na kapag ipinagpatuloy ng lalaki ang kanyang balak, hindi na niya maiaangat ang ulo bilang lalaki sa hinaharap!

Katulad ng inaasahan, nahulaan ng lalaki ang intensyon ni Chu Qiao. Umatras ito at binago ang postura! Dalawang thud ang umalingawngaw sa gabi. Isang alon ng sakit ang tumama sa kanilag pareho!

Masamang lumapag sa balikat ni Chu Qiao ang kamay ng lalaki habang ang binti ni Chu Qiao ay malakas na tumama sa binti ng lalaki. Nawala sa hawak niya ang patalim at lumapag sa pahilis na bubong ng palko tapos ay dumulas patungo na lupa na may malutong na tunog.

Tumayo si Chu Qiao. Bago pa man niya mapirmi ang sarili, isang bugso ng hangin ang umihip sa kanyang mukha. Napataas ang kilay ni Chu Qiao at sumipa sa kanyang mananalakay, iniisip na iiwasan nito ang kanyang sipa. Hindi inaasahan na tinanggap nito ang sipa na hindi gumagawa ng ingay. Mabilis na lumapit ang lalaki, iniunat ang isang braso at dinakma ang dibdib ni Chu Qiao.

Sa pagkakataong iyon, pareho silang natigilan! Malambot ito. Kahit na hindi ito ganoon kalaki ngunit hindi karaniwan na nababanat ang pakiramdam nito at maganda hawakan. Biglang napagtanto ng lalaki ang kasarian ang assassin na nasa harap niya. Nagulat ito at biglang nakalimutan ang kilos niya tapos ay pinigilan ang kamay.

Nauyam si Chu Qiao. Sa isang mabilis na galaw ay hinawakan niya ang bewang ng lalaki at sa malakas na paikot na sipa ay tinamaan ito. Napadaing ang lalaki at napaatras habang sumusuray. Gusto pa sanang sundan ni Chu Qiao ang aksyon niya ngunit napagtantong mabilis na palapit ang mga yabag. Malamig niyang tinitigan ang lalaki, tumalikod, at maliksi na tumalon sa palko. Bago dumating ang mga gwardya ay nawala na siya sa kadiliman.

Inakyat ng mga gwardya ang palko gamit ang hagdanan. Gumigiray na lumapit si Tian Chengshou habang pinupunasan ang malamig na pawis sa kanyang mukha. "Master? Sino iyon?" maingat niyang tanong.

Inakyat ng mga gwardya ang palko mula sa lahat ng direksyon habang hawak-hawak ang sulo. Nakakabighani ang lalaki na may itim na itim na mga mata. Nakasuot siya ng matingkad na lilang kasuotan na may nawawalang piraso ng tela sa bandang dibdib niya. Makikitang kinipkip ni Chu Qiao ang piraso ng telang iyon habang naglalaban sila.

"Assassin," marahang saad ng Master. Nagulat si Tian Chengshou at sumigaw, "Ah! Assassin! Sabihan ang buong residensya na sundan ang mamamatay-tao na iyon!"

Malakas na tunog ng tambol ang dumagundong sa buong residensya ng Chengshou. Ang mga sulo ay inilawan ang buong lugar.

"Tian Chengshou," lumingon ang lalaki sa kanya, "Sabihan mo ang mga tauhan mo na hulihin nang buhay ang assassin na iyon. Huwag gumamit ng palaso o sandata."

Natigilan si Tian Chengshou. "Katulad ng gusto mo Master." Madaling sagot niya.

Pinagaspas ng hangin ang manggas ng lalaki sa ere. Tumingin siya sa direksyon kung saan tumakas si Chu Qiao habang iniisip ang mga galaw nito at tahimik na napakunot.

May suliranin si Chu Qiao. Maliwanag sa labas. Samahan ng ilang gwardya na nagpapatrolya, hindi siya makakatakas kahit gaano pa siya kagaling. Nang maisip siya ang bwisit na Master na iyon, napatiim-bagang siya sa galit.

"Huwag mo hayaan na makita kita ulit!" bulong ni Chu Qiao sa sarili. Hinawakan niya ang jade na palawit na nakuha niya sa lalaki habang naglalaban sila. Kahit na hindi niya nakita ang mukha nito, makikilala rin niya ang lalaki gamit ang palawit na ito. Kumulo sa galit si Chu Qiao nang maisip nanaman kung paano nito dinakma ang dibdib niya.

Digmaan na ito!

Nagtago si Chu Qiao sa likod ng tabing sa magandang silid. Bigla, isang mahinhin na boses ang nanggaling sa loob. Makikita na ang binibini ng silid na ito ay nagising. Kakaunti ang suot ng babae. Kalahati ng kanyang hustong dibdib ay nakalabas. Tamad siyang nag-unat habang naglalakad tungo sa pang-tabing.

Nahirapan mag-isip si Chu Qiao kung makikita ba siya ngunit bago pa siya magkaroon ng oras para umiwas, nakita na nila ang isa't-isa.

Binuka ng babae ang kanyang bibig para sumigaw ngunit bago pa niya ito magawa ay dinakma ni Chu Qiao ang kanyang lalamunan. Napatirik ang mata ng babae bago malambot na bumagsak sa sahig.

Mukhang buong gabi siyang nandito.

Nang isinaayos niya ang baabe, tunog ng mga yabag ang nanggaling sa labas ng silid. Natigilan si Chu Qiao. Ang nakakainis na boses ni Tian Chengshou ang umalingawngaw mula sa labas. "Master, ito ang silid ng bagong babaeng alipin. Isa siyang birhen at wala pang nakakahawak sa kanya dati. Sana'y masiyahan ka."

F*ck! Natigalgal si Chu Qiao.

Ang pinto ng silid ay napapalamutian ng amoy ng pine. Nang nabuksan ang pinto, isang mabangong amoy ang pumasok sa silid kasama ng hangin. Nagbago ng kasuotan ang master at nakasuot na ng mahabang gintong roba na may pares ng berdeng bota sa ilalim. Ang kanyang bota ay nabuburdahan ng dragon na disenyo na mukhang marikit. Ang disenyo ay natatago ng balangkas ng kaparehong kulay na mukhang ordinaryo sa labas ngunit nagbibigay ng marilag na awra sa malapitang pagsusuri.

Madilim na naliliwanagan ang silid na may dalawang pinagkukunan ng liwanag mula sa hilaga at timog na parte ng silid. Ang pinanggagalingan ng liwanag ay natatakpan ng pink na tela na nagbibigay ng matalik na pakiramdam sa silid. Isang dalaga na nakasuot ng peach-red na damit ang nakaluhod sa sahig nang makitang may pumasok sa silid. May respeto siyang mababang yumuko, ang kanyang ulo ay nakadikit sa sahig. Mula sa itaas, ang makinis na balat sa kanyang leeg ay nakikita.

Maputla pa rin ang ekspresyon ni Tian Chengshou. Subalit nagawa niya pa rin niya magsalita na may tiyak na antas ng kahinahunan, "Master, magpahinga ka na. Aalis na ako."

Tumango ang master at sumagot, "Salamat sa magiliw na pagtanggap mo Lord Tian."

Tumango si Tian Chengshou at yumukod. Bago siya umalis ay sinabihan niya ang nakaluhod na dalaga, "Pagsilbihan mong mabuti ang Master. Naiintindihan mo ba ako?"

Maingat na mababang yumukyok ang dalaga sa sahig. Mahinay itong sumagot, "Masusunod." Ang kanyang boses ay maganda sa pandinig at nakapapawi, ngunit mukhang galing sa ilong na para bang kagigising niya lang. Hindi ito inisip ng master o kahit na si Tian Chengshou. Nagpaalam siya sa master pagkatapak niya sa labas ng silid at maingat na isinarado ang pinto.

Humina ang tunog ng yabag ngunit maririnig pa rin na may 20 gwardya na nakaistasyon sa labas ng silid. Magagaling sila at hindi ordinaryong tao.

Kumutitap ang ilaw sa loob ng silid. Ang makikita sa loob ay lumabo. Isang malaking higaan ang nakalatag sa gitna ng silid. Hindi ito mukhang higaan ngunit mukhang malaking banig sa ibabaw ng lupa. Kahit lima o anim na katao ang gumamit ng higaan ay mayroon pa rin mahihigaan. Ang pulang kobrekama ay nakalatag sa higaan kasama ng makapal na unan at malambot na kumot. Isang pearly na kurtina ang bitin sa harap ng higaan. Walang hangin sa loob ng silid ngunit mukhang buhay ang mga kurtina na gumagalaw mag-isa. Sa ilalim ng mapanglaw na liwanag ay nagbibigay sila ng awra ng karilagan.

Related Books

Popular novel hashtag