Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 96 - OO, NAKIKIUSAP AKO SA IYO!

Chapter 96 - OO, NAKIKIUSAP AKO SA IYO!

"Well, tingnan ko nga kung ano ang nasa loob nito," sabi ni Chui Ming na may nanunuyang tawa, "Isa ba itong klase ng software?"

"Chui Ming, ibalik mo sa akin ang gamit ko, akin 'yan!" Galit na sigaw ni Xiao Mo. Halos makawala na siya sa sobrang galit niya.

Kapag lalo siyang nanlalaban, mas gumaganda ang pakiramdam ni Chui Ming.

Tumingkayad si Chui Ming at dinuraan nito ang mukha niya, "Ano'ng ibig mong sabihin na sa iyo? Kita ng lahat na narito na ninakaw mo ito sa akin kaya paano mo nasabing sa iyo ito?"

Makikita ang sobrang galit sa mga mata ni Xiao Mo.

Halos pareho lamang ito ng sinabi ni Chui Ming ng kinuha nito ang software na dinisenyo niya maraming taon na ang nakalipas.

Ano'ng ibig mong sabihing sa iyo? Akin ito. Ninakaw mo ito sa akin at ang lakas ng loob mong sabihin na ikaw ang nagmamay-ari dito? Maniniwala ka ba kung sabihin ko sa iyo na may isang daang paraan ako na gawing impyerno ang buhay mo?

Ang bagay na ito ay kanya, siya ang nagdisenyo ng software.

Pero sa isang iglap, naging pag-aari ito ni Chui Ming at naparatangan siyang magnanakaw. Dahil kay Chui Ming, nakulong siya ng isang buwan. Naglagay si Chui Ming para masigurado na ang isang buwang pagkakakulong niya ay ang pinakamadilim na oras ng buhay niya.

Nakiusap si Xiao Lin kay Chui Ming na palayain ang pinakamamahal na kapatid mula sa kulungan. Pumayag si Chui Ming sa kondisyon na ibigay niya ang katawan niya dito. Kapalit ng kalayaan ng kapatid, pumayag si Xiao Lin.

Ngunit hindi lamang siya ginahasa ni Chui Ming ng araw-araw, ipinagamit din siya bilang parausan sa mga tauhan at kaibigan nito.

Dahil sa labis na kagustuhang mailigtas si Xiao Mo, pinilit ni Xiao Lin na kalmahin ang sarili at naghirap na lamang ng tahimik. Pero unti-unti ay nawawala na siya sa realidad.

Nang mapalaya na ng maaga si Xiao Mo, wala ng natira pa kay Xiao Lin. Hindi na masayang paglaruan ang isang manika na wala ng reaksiyon kaya pinawalan na ito ni Chui Ming.

Nang malaman ni Xiao Mo ang nangyari, handa na siyang patayin si Chui Ming.

Pero kapag naiisip niya ang kabayaran ng kanyang kapatid katumbas ng kalayaan niya ay kumakalma siya.

Ipinokus niya ang kanyang prayoridad at napagtanto na kailangan niyang makakita muna ng tahimik na lugar para sa paggaling ng kanyang kapatid.

Syempre, hindi sila nilubayan ng ganoon kadali ni Chui Ming. Sinira niya ang mga oportunidad ni Xiao Mo sa siyudad, hanggang sa halos mamatay na sila sa gutom.

Opisyal ng mapapasakanya ang software sa oras na mamatay si Xiao Mo.

Para makaligtas, umalis si Xiao Mo sa siyudad at nagbagong-buhay kasama ang kapatid sa Northern Pier fishing village.

Pinapatay niya si Chui Ming gabi-gabi sa kanyang pagtulog.

Gayunpaman, babalik ang realidad sa kanya sa bawat umaga, na ang panaginip ay mananatili na lamang panaginip.

Ngunit, nanatili siyang umaasa, na habang siya ay nabubuhay, naniniwala siyang makakapaghiganti rin siya!

Salamat na lamang, hindi binigo ng langit ang kanyang mga dasal at ipinadala sa kanya si Xia Xinghe.

Binigyan siya nito ng pag-asa at pagkakataong makapaghiganti.

Ang pag-asa ay natupad at nasiksik iyon sa isang CD.

Pero ngayon, muli, ay nahulog ito sa mga kamay ni Chui Ming!

Pinaglalaruan yata siya ng mga Diyos, bibigyan siya ng pag-asa pero kukuhanin ito ng walang habas. Mauulit na naman ba ang nakaraan?

Hindi, hindi siya makakapayag!

"Chui Ming, nakikiusap ako sa iyo na ibalik sa akin ang CD. Ngayon, nasa iyo na ang lahat at walang natirang kahit ano sa akin, kaya pakiusap huwag mo nang kunin pa ito sa akin. Nagmamakaawa ako sa iyo, pakiusap!"

Nasorpresa si Chui Ming at nasiyahan, hindi niya inaasahan na ang aroganteng si Xiao Mo na dati niyang kilala ay magmamakaawa sa kanya.

Tumataginting ang kanyang halakhak ng tagumpay, at idinagdag, "Hindi ba nagkakamali ng rinig ang mga tainga ko? Xiao Mo, nagmamakaawa ka ba'ng talaga sa akin?"

Mahigpit na pinisil ng mga daliri ni Xiao Mo ang sahig kaya namuti ito ng husto, nilunok niya ang kanyang pride at sinabi, "Oo, nagmamakaawa ako sa iyo!"

Tuluy-tuloy ang halakhak ni Chui Ming. Kumurba ang kanyang mga labi na tulad ng makamandag na buntot ng alakdan, at sinabi, "Mukhang ang bagay na ito ay importante sa iyo kung handa kang magmakaawa sa akin para dito."

Patuyang tumawa sa sarili si Xiao Mo, "Kapag narating mo na ang pinakaibaba, ano pa ang silbi ng pride? Ang pagmamakaawa sa iyo ay maliit na bagay."

Naniwala sa kanya si Chui Ming.

Related Books

Popular novel hashtag