Chapter 97 - LUMUHOD KA

Syempre, kapag masyado nang nalugmok sa depresyon ang isang tao ay mawawalan na ito ng pagpapahalaga sa kanyang dangal.

Mukhang natutunan na ni Xiao Mo ang kanyang leksyon.

Ito ang masayang iniisip ni Chui Ming.

Maganda ang naging mood ni Chui Ming ng araw na iyon. Makukuha na niya ang partnership sa Xi Empire at matagumpay na nakapaghiganti din siya sa buwisit na babaeng si Xia Xinghe.

Ngayon nagmamakaawa pa sa kanya si Xiao Mo, kaya paanong hindi gaganda ang kanyang mood?

Mabagal siyang tumindig. Literal na tiningnan niya ng pailalim si Xiao Mo at sinabi, "Gusto mo itong makuha? Sige, pero matapos lamang na lumuhod ka at bigyan ako ng tatlong mababang kowtow."

Ramdam ni Xiao Mo na naiipon lalo ang kanyang pagkasuklam.

Kung hindi lamang sa huling pisi ng kanyang katwiran at pagpipigil, sisipain na niya si Chui Ming sa itlog nito!

Sinabihan niya ang sarili na kumalma.

Hindi niya maaaring sirain ang plano ni Xinghe dahil sa kanyang pagpapadalus-dalos…

Ang mga bodyguard na pumipigil sa kanya ay niluwagan na ang pagkakahawak sa kanya.

Nasaid na ni Xiao Mo ang lahat ng pagkokontrol niya sa sarili para lamang bigyan ng tatlong kowtow si Chui Ming.

Ang bawat kowtow ang nagpaigting ng kanyang pagnanais na pira-pirasuhin si Chui Ming.

Ang bawat kowtow ang nagpatindi ng kanyang pagkamuhi para kay Chui Ming.

Isa itong matinding pagpapahirap sa kanya, ang bigyan ng kowtow ang pinakamatindi niyang kaaway…

Mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa pagdusahan ang ganitong kahihiyan!

Pero, wala na siyang ibang pagpipilian dahil alam niya kung gaano kalupit si Chui Ming.

Kung tumanggi si Xiao Mo, sisirain ni Chui Ming ang CD. Kahit na may back-up sila ay wala na silang oras para balikan at kuhanin itong muli.

Ang pagpaparehistro para sa software testing ay halos magsasara na…

Ang pag-asa ng lahat ay naka-atang sa kanyang mga balikat, hindi niya pupwedeng sayangin ang pagkakataong ito!

Pero nangako siya sa sarili na pagbabayarin niya si Chui Ming balang-araw. Ibabalik niya ng tatlong beses ang kahihiyang sinapit niya ng araw na iyon!

Ang halakhak ni Chui Ming ay umalingawngaw sa bulwagan.

Itinapak niya ang kanyang paa sa balikat ni Xiao Mo, diniinan ito at sinabi, "Xiao Mo, tulad ng inaasahan ko isa kang mabuting aso."

Ginamit niya ang CD para tapikin ang mukha ni Xiao Mo na para bang nakikipaglaro siya sa isang tuta, "Sa iyo na ito dahil isa kang masunuring aso. Huwag ka nang magkakamaling tumahol sa mga hindi puwedeng tahulan sa susunod."

At umalis na ng humahalakhak si Chui Ming.

Tiwala siya na hindi makakagawa ng nakakabilib na bagay si Xiao Mo. Pamilyar na siya sa abilidad ni Xiao Mo, dahil siya ang nagnakaw ng software ni Xiao Mo at pinangalanan niya itong King Kong Internet Security.

Ang inisyal na software ni Xiao Mo ay sumailalim sa madaming editing at pagbabago bago ito naging King Kong Internet Security na kilala ngayon.

Sa mga nakalipas na taon, naging matatag ang puwesto ng Chui Corps sa merkado dahil sa pinag-iging King Kong Internet Security, habang naghihirap naman si Xiao Mo. Wala na ngang kompetisyon sa pagitan ng dalawa kung susumahin.

Sa madaling salita, hindi naniniwala si Chui Ming na makakagawa pa ng kung anong bagay si Xiao Mo na magdadala ng panganib sa kanyang tagumpay.

Kahit ang isang henyo ay hindi makakagawa ng kahit ano na makakahamon sa King Kong Internet Security. Dahil ang kapangyarihan ng isa ay mas maliit pa din sa kapangyarihan ng nakararami.

Ito ang katotohanan, hindi man lang makakagawa ng anumang banta o panganib si Xiao Mo sa Chui Corps.

Alas, ang nakalimutang ikonsidera ni Chui Ming ay ang katotohanang ang software na nasa CD ay hindi ginawa ni Xiao Mo o ng kahit sinong normal na henyo…

Ito ay isinulat ni Xinghe na sa edad na sampu ay nakoronahan ng the Evil Genius of Programming!

Siyempre, hindi malalaman ni Chui Ming na ang kanyang pagkaawa sa oras na iyon ang magbibigay sa kanya ng malaking pagkatalo.

Isang malaki at mortal na pagkatalo!