Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 940 - Earning Some Breathing Space

Chapter 940 - Earning Some Breathing Space

Marahil ay nabili na nila ang karamihan sa media sa bansa dahil panay balita ng mga ito sa mga ginagawa nitong maganda.

Masasabi ng isa na ang dalawang pinakakilalang babae sa Hwa Xia ay sina Xinghe at Tong Liang. Nang ang balita ng eleksiyon sa pagkapresidente ay lumabas na, may ilan na nagsasabing plano ni Tong Liang na tumakbo at nakakuha ito ng maraming suporta mula sa publiko. Sa panahon ngayon, ang eleksiyon ay tila isa na lamang paligsahan sa kung sino ang mas sikat; ang mas sikat na kandidato ang may pinakamalaking pagkakataon na manalo. Wala talaga ang may pakialam sa background ng kandidato o ng kanyang mga kwalipikasyon. Hanggang nakagawa ka ng pangalan, kahit na mula sa isang scandal o mabuting resulta sa isang larangang walang kinalaman sa pulitika, ay magkakaroon ng isang basehan para maiboto ka.

Kaya naman, kahit na wala ang anunsiyo, ang suporta kay Tong Liang ay napakataas na. Tila ba ang buong bansa ay umaasa na siya ang magiging Presidente.

Ang pangyayaring ito ay kumumpirma sa duda ni Madam Presidente at Elder Shen tungkol sa Tong family!

Ang totoo, ang pagtakbo sa pagkapresidente ay hindi pagkakamali, pero sa paraang ginawa nila ito ay nagdulot sa kanila ng galit. Hindi sana nila trinaydor ang Hwa Xia at nakipagsabwatan sa pwersa ng ibang bansa. Ang mga taong tulad nila ay hindi kwalipikadong tumakbo!

Gayunpaman, pinili nilang maging mahinahon, at ang dahilan ay pareho pa din; kailangan ng Hwa Xia ng breathing space. Iginiit sa kanila ni Xinghe ang kahalagahan ng paghihintay sa tamang panahon para kumilos, at sa iba't ibang kadahilanan, naniwala silang lahat sa kanya ng luusan. Kahit ang Bise Presidente ay nagpasya na irespeto ang kanyang desisyon. Ito ay dahil makakagawa lamang ito ng desisyon matapos na pag-aralan ang lahat ng anggulo, kaya naman ang mga desisyon niya ay laging karapat-dapat sundin.

Pero may ilan pa ding hindi maiwasan na hindi mag-alala.

"Kung hahayaan lamang natin sila, paano kung talagang maluklok sila?"

Sumagot sa malumanay na tono si Xinghe, "Nasa atin ang ebidensiyang kriminal ng Tong family. Kapag nasa tamang oras na, direkta natin silang madadakip."

"Plano mong ituon ang depensang militar para mapigilan ang biglaang pag-atake ng Country W at ng iba pa?" Tanong ng Bise Presidente. "Pero ang mga depensa ay maisasaayos sa ilang araw pa."

Dati ng isang malakas na bansang militar ang Hwa Xia. Para maiwasan ang pagsakop, mayroon silang malakas na hukbo.

Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Hindi ang mga tropa kundi ang defense system. Kung hindi ako nagkakamali, tutulungan sila ni He Lan Yuan na pabagsakin ang internal system ng ating militar at marahil ay pati na din ang ating mga satellite."

Nagulat ang grupo!

Isa talaga itong malaking problema.

"Tama ka, hindi mali na maging maingat ng husto. Kahit na ano pa ang pinaplano nila, hindi natin dapat makaligtaan ang iba pang posibilidad. Kailangang makontra natin ang bawat posibleng banta!" Mariing deklara ng Bise Presidente. Ganito din ang inisip ng iba pa. Habang hinaharap ito, walang nangahas na maging pabaya. Hindi nila inisip na tinatakot lamang sila ni Xinghe sa mga iniisip nito.

"Miss Xia, mahusay ka talaga sa computer science. Mula sa iyong pananaw, paano natin mapapalakas ang ating mga teknikal na depensa?" Isang heneral ang lumapit para magtanong.

Tumayo si Xinghe para ipasa sa lahat ang isang bungkos ng dokumento. Pagkatapos ay idineklara niya na, "Nakagawa na tayo ng mga solusyon para diyan. Ang dokumentong hawak ninyo ngayon ay may mga detalye ng mga posibleng teknolohiya na maaaring hawak ng grupo ni He Lan Yuan."

Related Books

Popular novel hashtag