"Ang tanging kailangan nating pagtuunan ng pansin ay ang pagkontra sa kanila."
Ang lahat ay nasorpresa habang binabasa ang dokumento.
"Saan mo nakuha ang lahat ng ito?" Tanong ng Bise Presidente na napanganga.
Matapat na sumagot si Xinghe, "Mula sa ating mga kaibigang mula sa buwan. Ibinigay nila sa akin ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang advanced na teknolohiya. Salamat sa kanila na nagawa nating malutas ang krisis sa virus agad-agad. Ang impormasyon na ibinigay nila ay naglalaman ng maraming pananaliksik tungkol sa iba't ibang klase ng advanced na teknolohiya. Habang nasa atin ito, hindi natin kailangang matakot sa Country W at sa iba pa gamit ang teknolohiya laban sa atin."
"Ito na ba ang lahat ng advanced na teknolohiya?" Tanong ng isa.
"Hindi lahat." Iniiling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Ang pinili ko lamang ay ang mga bagay na madaling magagawa sa pinakamaikling panahon. Dahil nga naman imposible para sa kanila na magawa ang lahat ng teknolohiyang iyan ng madalian. Ang tanging kailangan nating gawin ay gumawa ng mga paunang hakbang laban sa mga mas simpleng teknolohiya na ito. Hindi natin kailangang mag-alala tungkol sa iba pa sa ngayon."
"Miss Xia, tungkol sa natitira pang impormasyon sa teknolohiya, maaari mo bang…"
"I can," sagot ni Xinghe bago pa natapos ang heneral. Ang heneral ay nagulat, at ang iba pa ay natimo sa kanyang direktang pag-uugali.
Sabi ni Xinghe, "Maibibigay ko ang lahat sa inyo, pero sa iisang kundisyon lamang. Ang teknolohiya ay gagamitin para sa world peace at hindi sa pagsakop at digmaan."
"Naturally!" Seryosong pangako ng heneral.
Tumayo ang Bise Presidente at nangako, "Xinghe, huwag kang mag-alala, hindi kami gagawa ng anuman para wasakin ang mundo. Ang bansang ito at ang mga mamamayan ay sumusuporta at minamahal ang kapayapaan; kontra kami sa kahit na anong klase ng digmaan!"
"Siyempre, hindi namin sisirain ang tiwala mo sa amin. Ikaw ang kumakatawan sa bansang ito at sa world peace; lahat kami ay ipinagmamalaki ka, kaya paano naman namin magagawa na biguin ka?" Ang iba ay sinabi din ang kanilang saloobin.
Natural na alam ni Xinghe na kung anong klase ng bansa ang Hwa Xia. Ito ay dahil sa naniniwala siya sa kanila kung kaya handa siyang ibigay sa mga ito ang mga bagay na ito. Ito ay ang lahat ng pawis at luha ni Shi Jian at ng iba pa, kaya naman hindi siya makakapayag na gamitin ito ng kung sinuman para maghasik ng kaguluhan sa mundo.
Ito ang dahilan kung bakit hindi niya ito ibinigay ng hiningi ito ng United Nations, dahil pinagdududahan na niya ang mga ito simula pa lamang.
Sa bandang huli, mas may tiwala pa din siya kay Madam Presidente, kay Elder Shen, at sa iba pa kumpara sa United Nations. Sa puntong ito, isinawalat niya ang impormasyong ito para iligtas ang mundo, at kung may pipiliin man siyang isa, ay ibibigay niya ang teknolohiyang ito sa Hwa Xia.
…
Matapos na maibigay ni Xinghe ang mga dokumento, sumali siya sa tech team ng Hwa Xia para manaliksik. Ang kakayahan niya sa computer science ay talagang tila hindi makatao. Ang kanyang kaalaman sa matematika at physics ay nasa imposibleng antas na din. Sa tulong niya, ang pananaliksik ng tech team ay nagkaroon ng malaking pagbabago.
Sa kaparehong panahon, ang balita tungkol sa eleksiyon ng pagkapresidente sa Hwa Xia ay opisyal ng naianunsiyo. Matapos ang pagkalat ng virus, ang relasyon ng Hwa Xia sa ibang bansa ay nananatiling tensiyunado. Ang Country W at ang iba pa ay patuloy na humahanap ng mga dahilan para usigin ang Hwa Xia. Ang mga normal na mamamayan ay maaaring hindi ito napansin, pero si Xinghe, na parte ng Embahada, ay nararamdaman ng husto ang tensiyon.
Kahit na sa militar, ang tensiyon ay napakataas. Ang lahat ay naghahanda para sa digmaan; ang sitwasyon ay nasa level 1 alert. Kahit na maaaring hindi magkaroon ng digmaan, ay handa naman ang Hwa Xia para dito.
Si Tianrong at ang pwersa nito ay palihim na hindi naisali.