Chapter 938 - Sikreto

Nagdulot ng pagkaalerto at pakiramdam ng pagmamadali ang mga salita niya. Tumayo si Madam Presidente at mariing inanunsiyo, "Tama si ama. Kailangang paigtingin natin ang ating mga depensa; kahit na maaaring walang digmaang magaganap, kailangang maghanda tayo para sa isa!"

Tumayo ang Bise Presidente at sinabi, "Aalis na ako para isagawa ang mga kinakailangang isaayos."

"Xinghe, ano sa tingin mo ang susunod na gagawin ng Tong family?" Tanong ni Madam Presidente kay Xinghe. Hindi niya napansin na nagsisimula na siyang umasa ng husto sa nakakabata niyang pamangkin.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Xinghe at sinabi, "Ayon sa pagsusuri namin, ang Tong family ay susunod na gagawa ng hakbang para sa pagka-presidente."

Nagitla si Madam Presidente at dahan-dahan niyang naintindihan. Oo, ang Presidente ay bagsak na at hindi na mapapatakbo pa nito ang bansa. Kailangan na ng kapalit. Kahit na hindi ito mangyayari sa magdamag, hindi magtatagal ay magsisimulang muli ang eleksiyon. Marahil ay ito ang hinihintay ng Tong family simula pa noong nakipagsabwatan ito sa ibang bansa!

"Mas masahol pa sila sa Lin family! Kailangan nating makasigurado na hindi sila magtatagumpay," wala sa karakter na napaangil si Madam Presidente. "Vice President, iiwan ko ang bansa sa iyong mga kamay sa ngayon, kailangan mong siguraduhin na ang konspirasiya ng Tong family ay hindi magtatagumpay."

Nagsusumamong tinitigan niya ang Bise Presidente.

"Madam Presidente, huwag kang mag-alala, alam ko ang aking gagawin. Hanggang nabubuhay ako, hindi ko hahayaang mapunta sa mga kamay ng Tong family ang bansang ito," pangako ng Bise Presidente ng may determinasyon. Napakalma nito ang kalooban ng lahat ng naroroon.

Ngayong alam na nila ang plano ng Tong family, may isang bagay na nabawas sa kanilang mga alalahanin. Kailangan lamang nilang bantayan ang mga ito at kumilos ng naaayon dito. Si Madam Presidente ay biglang kinilabutan, habang iniisip ang laki ng kanilang kasakiman. Nagpapasalamat siya ng husto kay Xinghe at Mubai sa pagkakadiskubre ng kanilang mga plano.

Kung sa kanila lamang ito naiwan, maaaring huli na ang lahat. Dahil hindi nila agad nakita ang mga pangyayari mula sa isa lamang virus outbreak. Kung hindi dahil sa katotohanan na napagtagni-tagni ni Xinghe ang virus pabalik kay Shi Jian, hindi rin niya malalaman ang mas malaking konspirasiya. Kaya naman, sa isang banda, kung hindi ipinuslit ni Shi Jian ang pen drive kay Xinghe, ay hindi madali at mabilis na mapipigilan ang virus.

Kung nahayaan pang kumalat ang virus, maraming mamamatay sa Hwa Xia at ang buong bansa ay maiipit sa malawakang kaguluhan…

Salamat na lamang at nasa panig nila ang swerte, dahil kung anuman, tila ang lahat ay nasusulat na sa mga bituin.

"Mr. Vice President, kailangan mong hulihin ang dalawang ito ng pasikreto," biglang sinabi ni XInghe habang inihaharap sa kanila ang laptop. Ipinakita ng screen ang pinalapit na larawan ng dalawang lalaki.

"Sila ay?" Tanong ng Bise Presidente.

Sumagot si Xinghe sa malumanay na tono, "Ang dalawang taong naghipnotismo sa doktor."

Nasorpresa ang Bise Presidente. "Nagawa mo silang mahanap?!"

"Oo, kahit na ang doktor ay hindi maalala ang kanilang mga mukha at nagawa nilang propesyonal na maloko ang camera habang nagtatalo sila, ang buong gusali ng ospital ay napupuno ng mga surveillance camera, hindi nila magagawang iwasan ang lahat sa mga ito."

"Pero nakausot sila ng mga damit na iba mula sa ipinapakita sa video." Napakunut-noo ang Bise Presidente. Matapos nilang umalis sa istasyon, nagpunta sila para tingnan ang surveillance sa ospital. Sa lugar kung saan sinabi ng doktor na narinig niya ang pagtatalo, nakakita ng dalawang kaduda-dudang lalaki si Xinghe at ang Bise Presidente, pero ekspertong nakaharap palayo ito sa mga camera. Tanging ang kanilang mga damit ang nakita, at halatang iba ito sa mga damit ng dalawang lalaki sa larawan.

"Ang mga damit ay iba, pero ang hugis ng katawan ay pareho," paliwanag ni Xinghe. "Mayroon akong identification software sa aking computer. Isa pa, ang larawang ito ay nakuhanan sa pasukan ng ospital. Ang oras na umalis sila sa ospital ay dalawang minuto matapos ang tangkang pagpatay sa Presidente."

Related Books

Popular novel hashtag