Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 939 - Humanap ng Criminal Evidence laban kay Tong Liang

Chapter 939 - Humanap ng Criminal Evidence laban kay Tong Liang

Sa madaling salita, sinusubukan nilang takasan ang eksena matapos ang pag-atake kung hindi ay hindi na sila makakatakas matapos ang lock down.

Lubos na nagtitiwala ang Bise Presidente kay Xinghe, kaya nangako ito, "Okay, uutusan ko ang mga tauhan ko na dakpin sila ng pasikreto. Kung may iba ka pang bagay na nangangailangan ng tulong ko, huwag kang mag-atubiling tumawag."

Nagpapasalamat na tumango si Xinghe. Pagkatapos nito ay umalis na ang Bise Presidente. Sasabihan nito ang isang military unit na pinagkakatiwalaan niya pagkatapos ay huhulihin na ang dalawang suspek.

Iniwan na ni Xinghe at Mubai ang mga suspek sa Bise Presidente at tinutukan na nila ang pagkuha ng mga ebidensiyang kriminal laban kay Tong Liang. Ang paraan ay simple lamang, ito ay ang magsagawa ng pagsusuri sa kalusugan ng katawan ni Tong Liang.

Matapos na ang bakuna para sa virus ay nagawa, ang lahat ng nasa City A ay naturukan na, kasama na dito si Tong Liang. Gayunpaman, bago ang bakuna, ang lahat ay kailangang sumailalim sa blood test.

Nagdududa si Tong Liang. "Bakit kinakailangan pa ng blood test? Ano ang kaugnayan nito sa bakuna?"

Ang doktor na kukuha ng kanyang blood sample ay nakangiting binigyan siya ng kasiguraduhan, "Dahil baka hindi gumana ang bakuna sa lahat ng uri ng dugo. Huwag kang mag-alala, isa lamang itong simpleng blood test, hindi ito masakit."

Tumango si Tong Liang at sa wakas ay napayapa para hayaang gawin ng doktor ang trabaho nito. Gayunpaman, hindi niya alam na ang dugo niya ay dinala sa ibang lab na hiwalay sa iba pa.

Sa chemical lab ni Lu Qi, ngumiti siya matapos na mapasakamay na niya ang resulta ng blood test nito. "Tulad nga ng duda ninyo, ang antigen ay nasa katawan na niya."

Parehong napangiti sina Xinghe at Mubai ng marinig nila ito.

"Gamit ito, siguradong mapapatunayan na nating nabakunahan na siya bago pa ang outbreak, tama?" Tanong ni Xinghe.

Tumango si Lu Qi. "Oo. Ang opisyal na bakuna ay naibigay sa publiko nito lamang umaga, pero nasa kanya na ang mga kinakailangang antigen sa kanyang katawan. Pinapatunayan lamang nito na alam na niya ang tungkol sa pagkalat ng virus at nagsagawa ng mga kinakailangang pag-iingat."

"Salamat, pakiusap ay panatilihin mong ligtas ang ebidensiyang ito, napakaimportante nito sa amin," paalala sa kanya ni Xinghe.

Ngumiti si Lu Qi. "Huwag kang mag-alala, babantayan ko ito ng husto."

"Oo nga pala, kumusta na ang presidente?" Tanong ni Xinghe.

Nabura ang ngiti sa mukha ni Lu Qi. "Kahit wala na siya sa kritikal na kalagayan, imposible na gumaling siya ng husto. Gayunpaman, ang makabalik sa responsibilidad niya sa pagiging presidente ay hindi na posible."

Nakaramdam ng kalungkutan si Xinghe at Mubai para sa presidente. Gayunpaman, ito na marahil ang pinakamainam na katapusan dahil buhay pa ito.

Tutulungan nilang makuha ng Presidente ang hustisya, at ang kanilang laban sa Tong family ay magsisimula na. Ang kapalaran ng Tong family ay selyado na, at nakatadhana na sa kanila ang lubusang pagkawasak!

Ang balitang pag-atake sa Presidente ay hindi isinapubliko. Imbes ay isang opisyal na pahiwatig ay inilabas na nagdedeklara na nanghina na ang ito matapos magkasakit. Kahit na gumagaling na ito ng kaunti, hindi na ito kasing lusog tulad ng dati, kaya pansamantala, ang Bise Presidente na ang gaganap sa kanyang mga tungkulin.

Dalawang araw matapos nito, nagbitiw sa kanyang posisyon si Tong Liang mula sa United Nations at pinili na bumalik para magsilbi sa kanyang bansa. Ang dahilan na ibinigay niya ay dahil pakiramdam niyang kailangan siya ng kanyang bansa, at kailangan niyang tumulong na makabangon ang kanyang bansa.

Tinatamasa na ni Tong Liang ang magandang reputasyon at kasikatan. Ang gawain niyang ito ay lalo lamang umani ng papuri mula sa publiko.

Related Books

Popular novel hashtag