Chapter 937 - Code One

"Kung hindi dahil sa iyo, ang lahat ng mga konspirasiyang ito ay hindi matutuklasan. Kung hindi dahil sa iyo, Diyos na lamang ang makakaalam kung ano na ang nangyari sa bansang ito."

Ang abilidad at utak ni Xinghe ay higit pa sa inaasahan nila. Matalas ang kanyang isip; kahit na ano ang isyu, hanggang may maliit na palatandaan, magagawa niyang maisip ang buong bagay. Ang computing power ng kanyang utak ay hindi na mailalarawan. Walang taong nakakita ng kanyang abilidad ng personal ang hindi niya mapapahanga.

Pinuri din siya ng Bise Presidente. "Miss Xia, ikaw na ang pinakamahusay na babae na sinuwerte kong nakaharap sa buong buhay ko. Umaasa ako na patuloy kang makakatulong sa bansang ito sa hinaharap. Sigurado ako, na sa talentong mayroon ka, ang bansang ito ay uunlad ng husto, at makakapagdala ka ng magagandang pagbabago."

Tila may natatagong pahiwatig sa kanyang mga salita ang Bise Presidente. Ang pag-uusyosong ito ay nagdulot para magpalitan ng tingin sina Elder Shen at ang Madam Presidente. Si Xinghe, siyempre, ay narinig ang mensaheng natatago sa mga salita ng Bise Presidente. Hinihiling nito na lumahok siya sa mundo ng pulitika. Naniniwala ito sa kanyang kakayahan; malayo ang kanyang mararating.

"Ang bawat mamamayan ay may responsibilidad sa kanilang bansa, at ginagawa ko lamang ang aking tungkulin. Kung kailangan ako ng bansa, siyempre, ibibigay ko ang aking pagtulong," sabi ni Xinghe sa isang tono na hindi mapagkumbaba o pilit.

"Mabuti, mahusay ang iyong pagkakasabi!" Natutuwa ang Bise Presidente, ang paghanga niya dito ay lalong tumaas. "Kumpara sa iyo, ang Tong family ay walang sinabi kundi isang pangit na mantsa na nagdadala ng kahihiyan sa dakilang bansang ito! Matapos na makuha natin ang ebidensiya bukas, hindi natin sila dapat na patawarin."

"Hindi pa." Umiling si Xinghe. "Pansamantala, hindi na muna natin sila dapat na habulin."

"Bakit hindi?" Ang Bise Presidente at ang iba pa ay nagulat na nagtanong.

Tumingin si Xinghe kay Mubai, at matapos na makita ang hindi halatang tango mula dito, ipinaliwanag niya, "Ang Tong family ay isa lamang peon sa ibang tao. Kung wala ang mga ito, maaari pa din nilang ituloy ang kanilang plano. Gayunpaman, ngayon, hindi na natin mahahayaan na may mangyari na namang aksidente kung hindi ay magkakagulo na sa bansang ito. Kaya naman, pansamantala ay hindi natin maaaring piitin ang Tong family, at magbibigay ito sa atin ng ilang panahon para makapaghanda."

Tumiim ang mukha ng Bise Presidente at ng iba pa. Tama si Xinghe. Sa araw na nagawa na ang lunas sa sakit, ang Presidente ay tinangkang patayin. Ang dalawang pangyayari na ito ay isang malaking dagok sa morale ng bansa.

Kung huhulihin nila ang Tong family agad-agad, ang pinaka-utak ay malalaman na ang kanilang plano ay nabunyag na. Dahil wala namang mawawala sa kanila at ang lahat ay makukuha, maaaring isagawa nila ang mas nakakasuklam na pamamaraan tulad ng isang digmaan.

Dahil nga naman, ang Country W at ang ilan pang bansa ay pinipilit na gipitin ang Hwa Xia sa napakaraming taon; normal na kaalaman na naghanda ang mga ito ng malaking hukbo kung kakailanganin. Ang ilang bansa ay mapayapa lamang sa ibabaw; ang digmaan ay hindi lubusang imposible.

Kapag nangyari iyon, ang tunay na biktima ay ang mga inosenteng mamamayan. Kahit na hindi takot sa digmaan ang Hwa Xia, hindi nila nais na mapahamak ang mga mamamaya. Isa pa, hindi lamang isang bansa ang nais silang saktan. Kung ang Hwa Xia ay inatake ng maraming bansa… malagim ang magiging konsikuwensiya!

Kaya naman, ang mapayapang pabalat-kayo ay hindi maaaring masira, sa ngayon.

"Oo, mareresolbahan lamang natin ito ng pasikreto, at kailangang maging maingat tayo ng husto," seryosong sambit ng Bise Presidente.

"Pero kailangan nating palakasin ang lakas ng ating hukbo. Code one, isagawa na ngayon," anunsiyo ni Elder Shen.

Related Books

Popular novel hashtag