Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 936 - Pakikipagsabwatan kay He Lan Yuan

Chapter 936 - Pakikipagsabwatan kay He Lan Yuan

Mabagal niyang ipinaliwanag, "Malabo ng kaunti si Xinghe; ang ibig niyang sabihin ay ang pataksil na pagpatay na ito ay may kinalaman kay He Lan Yuan."

Ang pagbanggit kay He Lan Yuan ay nagdala ng panibagong pagkagulat sa silid. Paano ito may kinalaman kay He Lan Yuan?

"Hindi ba't nakakulong na siya, paano pa niya nagawang planuhin ang pagpatay na tulad nito?" Isinatinig ni Elder Shen ang tanong na nasa isip ng lahat. Isa pa, ang plano ni He Lan Yuan ay wasakin ang mundo, kaya naman bakit niya pagtatangkaan ang presidente ng Hwa Xia?"

Nagkomento si Mubai ng may madilim na ngiti, "Nakakulong na nga siya, pero hindi ibig sabihin nito ay wala na siyang dalang panganib. May ilang walang pusong indibidwal ay nagpaplanong gamitin siya para bantaan tayo. Ang pagkalat ng sakit na ito at pataksil na pagpatay ay parte ng kanilang plano. Sa pagsusuri namin ay plano talaga nilang gamitin ang pagkalat ng sakit na ito para pahinain ang ating bansa, pero dahil nabigo sila agad, isinagawa nila ang kanilang back-up na plano, kung saan ay ang patayin ang Presidente."

Alam na nila ang konspirasiya tungkol sa pagkalat ng sakit. Gayunpaman, hindi nila inaasahan na ang pataksil na pagpatay ay may kaugnayan dito!

Napakunut-noo ang Madam Presidente at ang iba pa.

"Kung gayon, paano mo nalaman ang tungkol sa konspirasiyang ito? At ano ang hipnotismong nabanggit mo?" Tanong ng Bise Presidente.

Paliwanag ni Mubai, "Noong nasa buwan kami, hinipnotismo ni He Lan Yuan ang dalawang lalaki para subukan na mamatay kasama namin. Nakita namin ang hipnotismong ginawa niya sa moon base at sa spaceship. Kaya naman napagdudahan din namin na ang doktor ay nahipnotismo din, at tama nga ang hinala namin."

Biglang itinaas ni Xinghe ang kanyang ulo para sabihin, "Tama iyon, ang sintomas na inilahad ng doktor ay katulad na katulad kung paano isinasagawa ni He Lan Yuan ang kanyang hipnotismo."

Idinagdag pa ni Mubai na, "Ang husay niya sa hipnotismo ay walang katulad sa mundong ito. Ayon sa mga kaibigan naming mula sa buwan, sinabi nila na walang bisa sa kanila ang mga normal na panghihipnotismo pero nagawa pa din silang mahipnotismo ni He Lan Yuan. Isipin mo na lamang kung gaano kadali para sa kanya na gawin ito sa isang normal na tao lamang."

Agad na naintindihan ng nasa silid ang lahat. Iyon pala ang buong katotohanan.

"Kung gayon, sino ang nakikipagsabwatan kay He Lan Yuan?!" Galit na si Madam Presidente. "Iniisip ba talaga nila na madaling supilin ang Hwa Xia?!"

"Nakakamuhi naman ito! Hindi natin sila dapat palampasin agad. Kahit na sino pa ito, kung malalaman natin kung sino sila, kailangang papanagutin natin sila hanggang sa huli. Maaaring mahilig sa kapayapaan ang Hwa Xia, pero hindi nangangahulugan nito na hahayaan natin ang iba na tapak-tapakan tayo. Kung giyera ang gusto nila, kung gayon ay bibigyan natin sila ng isa!" Galit na sabi ng Bise Presidente.

Kalmadong sinabi ni Elder Shen na, "Huwag muna tayo magpadalos-dalos. Papanagutin natin ang mga taong iyon sa susunod; kailangan muna nating pagtuunan ng pansin ang Tong family. Ang grupo ng mga traydor na ito ay kailangang mapatawan ng nararapat na kaparusahan!"

"Pero wala tayong ebidensiya, suspetsa lamang." Reklamo ng Bise Presidente. "Kung mayroon lamang tayong ebidensiya ng ginawang mali ng Tong family."

Napatiim-bagang pareho si Madam Presidente at si Elder Shen sa galit. Kahit na alam nilang ang may kamalian ang Tong Family, wala silang ebidensiya para mapanagot ito sa batas. Isa pa, hindi sila maaaring gumawa agad ng hakbang dahil baka makatunog ang kanilang mga kaaway.

Tumigil ang mga daliri ni Xinghe at sinabi, "Sa panahong ito, kailangan ba talaga natin ng ebidensiya? Pero muli, hindi naman sa wala tayong ebidensiya, bukas makukuha na natin ang ebidensiyang kailangan natin."

Natuwa si Madam Presidente at ang iba pa, at nagtanong sila. "Ano ba itong ebidensiyang sinasabi mo?"

Ngumisi si Xinghe at sinabi, "Ang katawan niya."

Ang katawan niya?! Si Madam Presidente at ang iba pa ay nalito. Ano'ng klaseng ebidensiya ba ito?

Ipinaliwanag ng maigi ni Xinghe sa kanila ito at hindi nagtagal ay naintindihan din nila.

"Xinghe, salamat na lamang at nandito ka." Napabuntung-hininga sa pasasalamat at gaan ng loob si Madam Presidente.