Ang lalaki ay umiiyak na tila isang maliit na paslit. Muli, inaasahan na ito. Ang pagpatay ay malaki ng kriminal na kasalanan, pero sinubukan pa nitong patayin ang Presidente. Ang krimeng ito na ipinataw sa sinumang normal na tao ay siguradong makakapagpabaliw dito. Walang sinuman ang nanaisin na mapataw sa kanilang mga balikat ang krimeng ito, at sisirain nito ang kanilang kinabukasan at ang dangal ng kanilang pamilya.
Kaya naman, kahit na may intensiyon man siya o wala, ang kinabukasan ng doktor na ito ay tapos na. Wala nang sinuman ang makakapagligtas sa kanya, at paparusahan siya ng batas. Nagsumikap siya ng husto sa medical school para lamang mauwi sa ganitong kalagayan…
Habang iniisip niya ito, mas lalo siyang nawawalan ng pag-asa. Ang pagpapatiwakal ay unti-unti na niyang naiisip. Sa sandaling iyon, dumating ang Bise Presidente.
"Magpahinga muna kayo, may ilan kaming katanungan na nais naming itanong sa kanya ng sarilinan," magaan na saway ng Bise Presidente sa mga pulis na nasa silid.
"Yes, sir!" Siyempre, hindi mangangahas na suwayin ng mga pulis ang utos nito at agad na umalis.
Tila nakakita ng liwanag ng pag-asa ang doktor nang makita nito ang Bise Presidente. Lumuhod ito sa harap ng Bise Presidente at nagmakaawa, "Bise Presidente, hindi ko talaga iyon sinasadya, kailangan mo akong paniwalaan, hindi ko talaga intensiyon na saktan ang Presidente! Saan ako kukuha ng lakas ng loob na gawin ang bagay na tulad niyon?! Wala akong ideya kung ano ang pumasok sa akin, pero kailangan mong maniwala sa akin, wala talaga akong intensiyon na saktan ang Presidente, isinusumpa ko gamit ang buhay ko! Kung nagsisinungaling ako, sana ay patayin na ako ng Diyos ngayon pa lamang! Hindi, papatayin ko ang sarili ko para pagbayaran ang kasalanan ko, sinaktan ko ang Presidente, nararapat sa akin ang mamatay, hindi ako karapat-dapat maging mamamayan ng bansang ito, hayaan mo akong mamatay!"
Halatang nasa shock pa ang doktor, at halos hndi na maintindihan ang sinasabi nito. Ang katawan nito ay kitang-kita ang panginginig, at ang kawalan ng pag-asa ay makikita sa mukha nito. Para sa isang lalaking nawalan na ng pag-asa tulad nito ay ipinakikita kung gaano kalalim ang takot nito. Ang makita itong ganito, nahihirapan talaga silang maniwala na may tapang itong patayin ang Presidente.
Siyempre, hindi nila maaaring ialis ang posibilidad na umaarte lamang ito, pero kung iyon nga ang kaso, talagang nararapat ng isang Oscar ang doktor na ito.
"Tumayo ka na muna, sabihin mo sa amin ang lahat ng nangyari ng buong detalye, ano ang nasa isip mo bago mo napagpasyahang patayin ang Presidente?" Kalmadong utos ng Bise Presidente. Ang pagiging kalma nito ay tila may nakakapawing epekto sa doktor. Gayunpaman, hindi ito tumayo; tila hindi ito makatayo.
Matapos ang isang malalim na paghigit ng hininga, ipinaliwanag ng doktor sa nanginginig nitong tinig, "Sa totoo lang, wala talaga akong alam kung ano ang ginagawa ko. Hindi nga dapat ako naroroon ng gabing iyon, nagpaplano ako na umalis ng maaga para umuwi at magpahinga. Pagud na pagod ako sa patuloy na pagdating ng mga virus patients. Pumayag ang manager ng ospital na umuwi ako, pero habang paalis ako, bigla ay may nakita akong dalawang tao na nagtatalo sa pasilyo. Napakalakas nila na napilitan akong lumapit para patigilin sila. Gayunpaman, hindi nila ako pinansin, kung anupaman, mas lalo silang umingay. Pagud na pagod na ako noon, at ang away nila ay lalo lamang dumagdag sa sakit ng ulo ko, pagkatapos noon ay…"
Tila nahihirapan ng paniwalaan ng doktor ang bagay nang sabihin nito ang sumunod, "Pagkatapos, hindi ko na maalala ng malinaw ang mga sumunod na pangyayari. Nang mahimasmasan ako, nasa kamay ko na ang scalpel at ang sugat ay nasa Presidente na… wala talaga akong ideya kung bakit nawala ang alaala ko at kung bakit sasaktan ko ang Presidente! Bise Presidente, kailangan mong maniwala sa akin, kung nagsisinungaling ako, sana ay mapunta ako sa pinakamasamang lugar sa impiyerno!"
Sumumpa sa buhay niya ang doktor, pero maski ito ay nahihirapang maniwala sa sarili nitong kwento. Kaya naman, kinakabahan ito, nag-aalala na hindi ito maniniwala sa akanya.
"Ang ibig mong sabihin, nang marinig mo ang dalawang tao na nagtatalo, nawalan ka ng ulirat, at isinagawa ang pag-atake sa Presidente?"