Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 934 - Kumpirmahin ang Kanyang Duda

Chapter 934 - Kumpirmahin ang Kanyang Duda

Ang malinaw na tinig ni Xinghe ay biglang umalingawngaw.

Ang doktor ay tumingin sa kanya sa pagkabigla at tumango na tila baliw, na tila nakahanap na siya ng kakampi. "Oo! Iyon nga ang eksaktong nangyari! Talagang nawalan nga ako ng ulirat, at wala akong alam sa ginagawa ko."

"Maaalala mo pa ba ang hitsura nilang dalawa?" Tanong ni Xinghe.

Umiling ang doktor. "Hindi ko na maalala, ang tanging naalala ko ay ang pinag-aawayan nila pero wala na higit pa doon."

"Kung gayon ay ano ang kanilang pinag-aawayan?"

Natigilan ang doktor. Oo nga, tungkol saan na nga ba ang pinag-aawayan nila.

Sinuyod pa ng doktor ang utak niya para sa sagot, pero iniling nito ang ulo nito. "HIndi ko na maalala, hindi ako makapaniwala, pero hindi ko na talaga maalala. Ang naaalala ko ay kung gaano sila kaingay, parang mga bubuyog, patuloy na nag-iingay sa utak ko."

Basically, wala siyang clue. Pero sa parteng ito ng pagtatanong, nakumpirma na ni Xinghe ang kanyang duda. Nag-iba ang mukha niya.

Inisip ng doktor na nangangahulugan nito na hindi ito naniniwala sa kanya at kinakabahan nitong idinagdag na, "Hindi ako nagsisinungaling, ang lahat ng sinasabi ko ay totoo. Kung nagsisinungaling ako, ay…"

"Naniniwala ako sa iyo," putol sa kanya ni Xinghe. Hindi makapagsalita sa pagkabigla ang doktor at ang Bise Presidente. Nang tatanungin na siya kung bakit ng Bise Presidente, pumailanlang ang tinig ng sekretarya ng Bise Presidente mula sa pintuan. "Senior Official Tong, bakit ka narito?"

"Narinig ko na nagpunta ang Bise Presidente dito, kaya pumunta ako para tingnan," sabi ni Tianrong sa isang mababang tinig.

Nagpalitan ng tingin si Xinghe at ang Bise Presidente. Mabilis kumilos ang taong ito.

"Tumayo ka agad, kung ayaw mong maipataw sa iyo ang krimen na ito, huwag kang magsasabi ng kahit na ano nito sa kung sinuman. Habaan mo pa ang pasensiya mo ng kaunti, at malalalaman din natin ang puno't dulo ng lahat ng ito." Habang katatapos lamang na ibinulong ni Xinghe ang mga ito sa tainga ng doktor, ang pintuan ay bumukas at pumasok na si Tianrong. Nasa likuran nito ay si Tong Liang. Agad na tumayo ang doktor pabalik sa kinauupuan nito, pero nanginginig pa din ang dalawa nitong tuhod.

Ang matalim na tingin ni Tianrong ay lumigid sa lahat ng naroroon bago magalang na humarap sa Bise Presidente. "Mr. Vice President, bakit ka narito? Ito ba ay para tanungin ang kriminal? Sana ay sinabi mo sa akin, at malugod kitang sasamahan."

Tumugon din ang Bise Presidente ng katulad nito, "Gusto ng Madam Presidente ang tulong ko na malaman ang ilang bagay, kaya naan pinapunta niya kami dito. Wala naman ito, at nasa akin na ang mga sagot na nais niya, kaya naman paalis na kami."

"Iniisip ko kung ano'ng klaseng mga tanong ang pinagkakainteresan ni Madam Presidente; sigurado ako na ang mga tauhan ko ay makakatulong sa kanya na makakuha ng mas kumpletong mga sagot," sabi ni Tianrong sa isang tinig na puno ng hustisya.

Direktang sinabi ni Bise Presidente, "Wala ito, nais lamang niyang malaman kung bakit ang lalaking ito ay nagpasya na atakihin ang Presidente, pero hindi naman niya ibinigay sa amin ang kahit na anong maaaring pakinabangan."

"Mr. Vice President, hindi ko talaga ito sinasadya, at wala akong ideya kung ano ang nangyari sa akin! Kailangan mo akong paniwalaan, hindi ko ito sinasadya!" Nakuha ng doktor ang senyales nito at lumuhod ito at nagsimulang umiyak.

Ang Bise Presidente ay umiwas dito at malamig na nagsalita, "Kahit na sinadya mo man ito o hindi, nakagawa ka ng malaking kasalanan! Kaya naman kung sinadya mo man ito o hindi, ipagpapatuloy namin ang imbestigasyon, at kung talagang ikaw ay guilty, siguradong mapaparusahan ka ng sukdulan ng batas!"

Matapos ang galit na talumpating iyon, lumabas na ito sa silid. Si Xinghe at ang mga kasama ni Tianrong ay sumunod naman agad dito.

Nang nasa labas na sila, habang pinipigilan ang kanyang galit, inutusan ng Bise Presidente si Tianrong, "Elder Tong, kailangan mong malaman ang dulo ng lahat ng ito; kailangang walang pagkakamali o makakaligtaan dito, naiintindihan mo ba?"