Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 95 - NAHULOG SA MGA KAMAY NI CHUI MING

Chapter 95 - NAHULOG SA MGA KAMAY NI CHUI MING

Sa totoo lang, sumagi sa isip niya ang hangaring patayin ito.

Kung hindi lamang ilegal sa batas ang pagpatay, dinamba na niya at kinuha ang buhay ni Chui Ming!

Hindi itinago ni Xiao Mo ang pagkamuhi na nakita sa kanyang mga mata. Nakita ito ni Chui Ming at patuyang nagsalita, "Ikaw ba 'yan, Xiao Mo? Matagal tayong hindi nagkita."

"Oo, matagal na panahon nga. Maagang namamatay ang mabubuting tao, ano? Kaya pala buhay ka pa at malusog," sarkastikong sagot ni Xiao Mo, pinipigilan ng husto ang kanyang sarili na magpaubaya sa tukso na suntukin sa mukha si Chui Ming.

Lumamig ang mga mata ni Chui Ming at nagbigay siya ng ngiting nang-uuyam, "Masaya akong makita kang mabuti dahil inaakala ko na nagpatiwakal ka na noon pa."

Dati, sinubukan na ni Xiao Mo na lumaban kay Chui Ming.

Dinala pa niya ang kaso sa korte pero halos itinapon din ito palabas agad-agad. Masyado lang talagang makapangyarihan si Chui Ming para kalabanin niya.

Hindi lamang sa nabigo siya sa kanyang paghihiganti pero lahat din ng maaari niyang maging lifelines ay pinutol lahat ni Chui Ming.

Nailagay siya ni Chui Ming sa blacklist sa City T kaya wala na siyang paraan para mabuhay. Nakahanap din ng mga pagkakataon na saktan si Xiao Mo.

Wala nang naging iba pang paraan si Xiao Mo kung hindi isama sa pagtatago ang kanyang kapatid, at sinubukan niyang makapaghanap-buhay sa laylayan ng lipunan.

Ang buhay niya ay maisusulat sa isang salita, at iyon ay masakit.

Hindi pinahina ng panahon ang kanyang pagkasuklam kay Chui Ming, bagkus ay mas pinatindi ito.

Nguni tang tanging nasaktan ng pagkasuklam na iyon ay si Xiao Mo lamang. Ipinapaalala sa kanya sa araw-araw na ang paghihiganti ay imposible.

Tinanggap na niya na isasama na niya sa kanyang hukay ang sama ng loob pero salamat sa Diyos at binigyan siya ng pag-asa.

Ang Hacker Competition ang pag-asa niyang iyon!

Itinago ni Xiao Mo ang kanyang galit at pinilit ang isang ngiti, habang sinasabi, "Sorry kung nabubuhay pa ako. Sigurado akong isang malaking kabiguan ito para sa iyo."

"Oo nga," tinitigan siya ng pagalit at may pagsususpetsa ni Chui Ming bago nagtanong, "Pero bakit ka nandirito?"

"None of your business." Hindi na gusto pang kausapin ni Xiao Mo ang lalaking ito, kaya tumalikod na siya para umalis.

Hindi na siya makakapag-aksaya pa ng oras ng pakikipagpalitan ng salita kay Chui Ming bago nito malaman kung ano ang ginagawa niya dito.

Siguradong pipigilan ang plano nila ni Chui Ming kapag nalaman nito.

Bago makaalis si Xiao Mo, humarang sa kanya si Chui Ming. Ang mga bodyguards sa likuran niya ay tinitigan si Xiao Mo na tila ba mamamatay na siya sa oras na iyon. Sa isang pitik ng daliri ng kanilang amo, iyon ang kalalabasan niya.

Naningkit ang mga mata ni Xiao Mo sa kanila at sinabi, "Umalis ka…"

"Bakit ka nandito?" Bastos na sabat ni Chui Ming, "Xiao Mo, huwag mo na akong paulitin ng ikatlong beses. Alam mo kung ano ang mangyayari."

Napaatras si Xiao Mo. "Hindi ako makapaniwala na may lakas ka ng loob na gumawa ng kahit anong kalokohan sa publikong lugar na tulad nito!"

"Pigilan ninyo ang magnanakaw!" Biglang sigaw ni Chui Ming, at ang mga bodyguards niya ay agad na pinambuno si Xiao Mo.

Sinubukan pang manlaban ni Xiao Mo at tumakbo pero ang mga matitipunong bodyguards na ito ay agad siyang naibalya sa sahig!

Sa gitna ng panlalaban, isang CD ang nalaglag palabas sa kanyang damit—

At tumigil ito sa tabi ng paa ni Chui Ming.

Agad na nagbago ang ekspresyon ni Xiao Mo, at ramdam niyang ang puso niya ay nasa lalamunan niya.

"Pakawalan ninyo ako!" Pagpupumiglas niya at pilit na binabawi ang CD. Kung kelan maaabot na ng kamay niya ito, ang makintab na leather shoes ni Chui Ming ay tumapak sa CD.

At sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Xiao Mo ay umalis ang kaluluwa niya sa kanyang katawan.

Nakita ni Chui Ming ang reaksyon ni Xiao Mo at masaya itong tumawa, "Tingnan mo ang sarili mo, alalang-alala at balisa. Mayroon sigurong importante dito."

Mas higit pa ito sa importante, ito ang mga pangarap at pag-asa ng kanyang mga kaibigan.

Kung wala ito, wala silang pagkakataon na matalo si Chui Ming. Paghihiganti? Mangangarap na lamang sila.

Alas, ang importanteng bagay na ito ay nahulog sa mga kamay ni Chui Ming.

Kung alam lang ni Chui Ming ang laman ng CD, sisirain kaya niya ito?

Iniisip pa lamang ito ni Xiao Mo ay halos mawalan siya ng malay…