At kapag pumalpak sila, lahat ng kanilang pagsisikap ay mauuwi sa wala.
Ang punto ay kung napalampas nila ang oportunidad na ito, hindi lamang mawawala ang perpektong oras na hamunin nila ang Chui Corps, malalantad din ang kanilang buong plano kay Chui Ming. At hindi magiging maganda ang lahat para sa kanila.
Ang kinabukasan nila ay nakasalalay sa Hacker Competition na ito.
Nauunawaan din ito ni Xiao Mo. Nangunot ang kanyang noo at balisang nagsalita, "Miss Xia, kailangan mong makaisip ng paraan para makawala dito!"
Hindi pupwedeng wala siya para sa Hacker Competition.
"Mr. Police Officer, wala naman talagang sinabing libelous ang ate ko laban sa kanila, pwede bang gawin natin ito bukas?" Pakiusap ni Xia Zhi ngunit mariin siyang tinanggihan ng pulis.
"Hindi, kailangang sumama sa amin ni Xia Xinghe ngayon para makipagtulungan sa imbestigasyon o ikukulong namin siya dahil sa obstruction of justice!"
"Pero…"
"Zhi," kalmadong sinabi ni Xinghe, "Makinig ka sa akin, sumali ka sa kumpetisyon kasama ni Xiao Mo, at sasama ako sa mga gentleman na ito."
Umiling-iling si Xia Zhi at sinabi, "Hindi, ate, hindi ka pwedeng sumama…"
"I have to. Manalig ka sa akin, naniniwala ako sa inyong dalawa," Matapos niyon, sumunod na nilulan ni Xinghe ang police car kasama ang pulis, at umalis na sila.
Pinanood ni Xia Zhi ang mabilis na pagsibad palayo ng sasakyan at pagalit na sinipa niya ang gulong ng sarili niyang sasakyan, "Hindi ko mapapatawad ang mga bastardong iyon!"
Ang kalmadong si Xiao Mo ay nagsalita matapos ang ilang kunsiderasyon, "Ang kaso na inihabla nila sa ate mo ay hindi ganoon kaseryoso, pwede nating bayaran ang kanyang bail."
"Imposible iyan. Hindi pa ba halata kung kanino kumakampi ang mga pulis na iyon? May ginawa sigurado si Chui Ming sa istasyon ng pulis kaya siguradong hindi agad makakalabas ang ate ko," habang iniisip niya ito, lalo siyang nababalisa, "Ano'ng gagawin ko? Ano'ng gagawin natin? Ito na ba ang katapusan natin? Nanalo na sila?"
Naikuyom ni Xiao Mo ang kanyang mga kamay ng mahigpit, at nakaramdam ng galit sa kanyang sarili.
Pakiramdam niya ay wala siyang silbi dahil hindi man lamang niya mailigtas ang taong nagsalba sa buhay niya.
"Alam ko na!" Biglang sigaw ni Xia Zhi. Binuksan nito ang pintuan ng kotse at mabilis na pumasok dito, at idinagdag na, "Get in, kailangan na nating makarating sa Hacker Competition ngayon!"
Naguluhan si Xiao Mo pero mabilis din itong pumasok sa kotse at nagtanong, "Ano ang plano mo?"
Nakakatawang tinitigan siya ni Xia Zhi. "Kung posible nga lamang, ayoko ng makita ang taong ito, pero siya lang ang matatakbuhan natin ngayon."
"Sino ba 'yon?"
Kumulimlim ang mga mata ni Xia Zhi at sinabi, "Xi Mubai."
Gulat na gulat si Xiao Mo nang marinig ang pangalan.
Si Xi Mubai ang nangunguna sa lahat ng internet at computer industry ng Hwa Xia. Lahat ng nasa negosyong iyon ay kilala siya.
Hindi na kailangang sabihin pero imbitado din ito sa Hacker Competition.
Pero, masyadong umaasa si Xia Zhi sa kanyang plano. Imposible para sa kanila na personal na makita si Mubai kahit na narating na nila ang venue.
Dahil kahit ano pa ang sabihin nila, si Mubai ay isang VVIP. Hindi mo siya makikita sa lumpon ng mga tao.
"Aayusin ko na ang software natin at subukan mong hanapin si Xi Mubai. Alam kong kailangan nating isalba si Miss Xia pero hindi natin maaaring kalimutan ang ating aktwal na tungkulin," sabi ni Xiao Mo nang dumating na sila.
Walang isyu si Xia Zhi sa sinabi nito. Tumango ito at sumagot, "Sige, maghiwalay tayo para makapagpokus tayo sa ating mga gagawin. Tawagan mo ako kung kinakailangan, Brother Xiao."
"Sige, good luck."
Kailangang gawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para isalba si Xinghe dahil kung wala ito, hindi posible na sila ay manalo.
Pero nang papunta na si Xiao Mo sa testing venue, nakasalubong niya si Chui Ming at ang grupo nito.
Sabi nga ng kasabihan, 'it is easy for enemies to cross path'. Malawak ang testing hall pero talagang pinagtagpo pa sila.
Gusto sanang tumalikod ni Xiao Mo pero huli na, nakita na siya ni Chui Ming.
Ang dalawang partido ay parehong nagulat.
Ilang taon na ang nakakalipas, matapos na malugmok sa kawalan ng pag-asa si Xiao Mo sa ginawa ni Chui Ming, pinapantasya niya na sinasaksak niya ito hanggang sa mamatay sa susunod na magtagpo silang muli.