Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 913 - Walang Ebidensiya

Chapter 913 - Walang Ebidensiya

Maliksing tumango si Xinghe. "Tama iyon, sinabi ko nga ang mga bagay na iyon, pero ano naman ang tungkol doon?"

Ngumiti si Tong Liang, at sa oras na ito, halatang-halata ang kayabangan dito. "Kaya naman, ang dahilan para sa nakakatakang kumpetisyon na ito ay ang sirain ang mundo at pagkatapos ay iligtas sila. Tanging ang mga kriminal na iyon lamang ang may kakayahang makalikha ng nakakahawang virus na ito, at marahil ay nakuha mo ang virus na ito mula sa kanila."

"Hindi naman masamang haka-haka iyan, ano pa?" Tanong ni Xinghe.

Umismid si Tong Liang. "Ano ang ibig mong sabihin na ano pa ba? Hindi pa ba sapat ang katotohanan na nakipagtulungan ka sa mga teroristang ito na saktan ang mundo? O baka naman sinasabi mo sa akin na kayong mga tao kayo ay may iba pang dahilan? Dapat ay magsabi ka na ng totoo, at maaaring ikunsidera namin na bigyan ka ng mas magaan na sentensiya."

"Ano ba ang gusto mong aminin ko?" Kalmadong tanong ni Xinghe, na tila ba nakikipaglaro siya sa mga ito. Nainis si Tong Liang sa ugali niyang ito.

"Siyempre, aminin mo ang lahat ng kasalanan mo at plano mo."

"Ano'ng kasalanan at plano?" Tumawa ng malakas si Xinghe. "Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang lahat ng planong inaakusa mo sa akin. Wala akong sinabing salita na nagpapatotoo sa mga iyon."

"Xia Xinghe." Ang tingin ni Tong Liang ay nagbabanta. "Kahit na hindi ka umamin, wala na itong punto pa dahil ikaw ang pinakamalaking suspek. Ang United Nations ay hindi mapapatawad ang mga terorista tulad ng grupo mo; ang mga taong tulad mo ay hindi dapat hinahayaan na huminga tulad ng hanging hinihinga din namin."

"Terorista?" Ngisi ni Xinghe. Napupuno na siya sa kayabangan ng babaeng ito. "Tong Liang, hindi ka na tumigil na akusahan ako ng mga walang basehang bagay mula ng pumasok ako. May ginawa ba akong mali sa iyo?"

Direktang sinabi ni Tong Liang, "Hindi ito personal; hindi ko lamang maaaring hayaan ang mga kriminal na nagtangkang saktan ang publiko na makatakas."

"Sigurado ka masyado na kagagawan ko ito pero nasaan ang pruweba mo?" Pinandilatan siya ni XInghe at ang kalamigan nito ay makikita sa kanyang tono. "Huwag mong sabihin sa akin na ang pruweba mo ay ang sarili mong hypothesis at mga pagdududa?! Nagawa mo bang marating ang kasalukuyan mong posisyon dahil sa mga teoryang konspirasiya na ito? Sa ganitong kaso, nagtataka talaga ako kung ano ang nagdala sa iyo sa iyong posisyon ngayon."

"Kinukwestiyon mo ba ang mga credentials ko?" Ginantihan ni Tong Liang si Xinghe ng parehong malamig na titig.

"Dahil talaga namang nararapat lamang itong kuwestiyunin."

"Xia Xinghe, tingnan mong maigi ang iyong bibig, kung hindi ay ihahabla kita dahil sa paninira."

"Iyan din ang eksaktong gusto kong sabihin sa iyo." Tumayo si Xinghe at malamig na sinabi, "Inirecord ko ang usapan natin. Ang akusasyong ibinato ni Miss Tong sa akin, siguradong ipapatingin ko ito sa aking mga abugado. Tandaan mo, kung wala kang pruweba, wala kang karapatan para ipatawag ako. Tandaan mo, na kung wala kang katibayan, ang ginawa mo sa akin ay paninira, malinaw at simple."

Pagkatapos ay tumalikod na si Xinghe para umalis. Gayunpaman, tumigil siya para lumingon at tingnan si Tong Liang. Idinagdag pa niya, "Pero muli, Miss Tong, ipinaalala mo sa akin ang isang bagay. Sinabi mo na ang virus ay nakakahawa, pero bakit malusog ka pa din? Nilapitan din ni Miss Tong si Mr. Presidente, tama? Ang lahat ng mga embahador ay nagkasakit na, pero ayos ka pa din; Miss Tong, siguro ay inalagaan mo ng husto ang sarili mong kalusugan."

Bahagyang nanginig ang mga pupil ng mata ni Tong Liang. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay nalaman na ni Xinghe ang tungkol sa lahat, at oo nga, nagawa ngang makita ni Xinghe ang kaba na pansamantalang lumitaw sa hitsura ni Tong Liang.

Ngumiti si Xinghe sa loob-loob niya at umalis na sa silid ng pinagpulungan. Agad siyang pinalibutan ni Sam at ng iba pa na naghihintay sa kanya noong siya ay umalis.

"Xinghe, may ginawa ba sila sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Ali.

"Ayos lang ako." Umiling si Xinghe.

"Kung ganoon, ano ang sinabi nila?"

"Marami silang sinabi, pero nakalimutan ko na ang halos lahat ng mga ito. Kailangan kong magmadali na bumalik, mayroong bagay na kailangan kong harapin," direktang sambit ni Xinghe.

Nalito si Sam at ang iba pa. Ano ang dapat na ipagmadali?

Hindi nagtagal at bumalik na si Xinghe sa Hills Residence, at nagsimula na siya na i-crack para mabukasan ang isang nakalock na pen drive.

Related Books

Popular novel hashtag