Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 914 - May Kaugnayan sa Virus Outbreak na Ito

Chapter 914 - May Kaugnayan sa Virus Outbreak na Ito

Ito lamang ang bagay na ipinuslit ni Shi Jian sa kanya bago ito nadakip. Nakalock ito sa likod ng isang password. Sinubukan na ni Xinghe na i-hack ito ng minsan, pero hindi siya nagtagumpay.

Ito ay hindi dahil sa masyadong mahirap ang lock, pero kakailanganin nito ng maraming oras dahil sa nakakalito ito. Isa pa, kailangang magsimulang muli ng isang tao kapag tumigil siya sa bandang kalagitnaan.

Walang panahon si Xinghe na maupo para harapin ito noon, pero ngayon ay wala na siyang pagpipilian.

"Ano ang nasa loob nito?" Tanong ni Ee Chen. Kahit na ang lahat sa kanila ay may duda na isa itong impormasyong teknolohikal, sa panahong ito, walang makakasiguro dito.

"Wala akong ideya kung ano ang nandito, marahil ay wala itong laman, o maaari nitong kumpirmahin ang aking suspetsa," sagot ni Xinghe ng hindi man lamang iniaalis ang mga daliri niya sa keyboard.

"Ang duda mo?" Tanong ni Sam.

"Naniniwala ako na may kaugnayan ito sa virus outbreak."

Ang sagot niya ay ikinagulat ng lahat.

"Xinghe, bakit mo naman sasabihin iyan? Ano ang kaugnayan?" Napasinghap sa pagkabigla si Ali. Hindi nila maintindihan ang takbo ng isip niya, kaya naman napukaw ang kanilang interes.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Xinghe at nagpaliwanag ito, "Ngayon, inaakusahan tayo ni Tong Liang ng pakikipagsabwatan kay Shi Jian, sinasabi na nakuha nating ang virus mula sa kanila at plinano natin na gamitin ito para wasakin ang mundo. Tanging ang grupo ni Shi Jian ang may sapat na kakayahan na makalikha ng viral virus na ito. Ang kanyang mga akusasyon ay nagpaalala sa akin, na marahil ang virus na ito ay nagmula nga sa kanila."

"Imposible!" Agad na sagot ni Sam. "Si Shi Jian at ang iba pa ay hindi aktibong sasaktan ang mundong ito!"

"Tama iyon, sa tingin ko ay hindi din sila ganoon kasama." Tumango si Ali.

Napasimangot si Ee Chen sa kasimplehan ng kanilang mga isip at walang nagawang napabuntung-hininga ito. "Hindi sinabi ni Xinghe na sila ang nagpakawala nito, pero may kinalaman sila dito. Marahil ay ginamit na naman sila."

Ito ay talagang posible. Dahil, ang sabihin na dakpin sila palayo ay talagang kalokohan. Nakaramdam ng pag-aalala ang SamWolf at galit habang iniisip ito.

"Kung talagang may kaugnayan ito sa kanila, kung ganoon ay ano ang binabalak ng United Nations?"

"Bakit nila ito gagawin? Nababaliw na ba sila?"

Ang ilan sa kanila ay nakaramdam ng takot sa kanilang kalooban. Ang isyung ito ay tila mas kumplikado at mas masama pa kaysa sa iniisip nila. Hindi sumagot si XInghe at nagpokus na lamang sa kanyang trabaho. Ginawa niya ito ng dalawang araw na diretso.

Maraming bagay ang nangyari sa loob ng dalawang araw na ito. Halimbawa, tumigil na si Tong Liang sa paghahanap ng gulo kay Xinghe, at imbes ay, nagsimula itong magpakita na gumagawa ng kawanggawa. Bumibisita ito sa mga pasyente ng araw-araw at nagbibigay ng mga ideya kung paano mapapaunlad ang mga serbisyong medikal. Gumawa pa ito ng isang pampublikong patalastas para mapakalma ang publiko at tinuruan ang mga ito kung paano makalayo sa impeksiyon.

Ang Tong family ay dati ng kilalang pamilya sa City A; ang ama ni Tong Liang ay dating paboritong kandidato sa pagkapresidente.

Isa pa, si Tong Liang ay bata pa, single, at ginugol ang kanyang buhay sa internasyonal na gawain sa United Nations. Ang personal niyang pagkakasangkot sa krisis ng virus ay naging dahilan na ang pangalan niya ay maging pamilyar sa buong Hwa Xia. Ang lahat ay mahal ang babaeng ito. Ang makapangyarihan at mabait nitong imahe ay nakakuha ng maraming puso.

Sa loob lamang ng dalawang araw, ang panlabas na mundo ay tila nagbago. Naging tanyag na miyembro ng pulitika sa bansa si Tong Liang.

Sa kaparehong oras, ang kondisyon ni Mubai ay nagpatuloy na lumalala.

Related Books

Popular novel hashtag