Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 907 - Academic Olympic

Chapter 907 - Academic Olympic

Pero walang nakaisip na ang paaralang ito ay magiging matagumpay; ang pangarap niya ay napakalaki. Gayunpaman, ang lahat ay inaamin na ang computer skill niya ay napakahusay. Marahil ang akademiya niya ay makakakuha lamang ng mga eksperto sa computer science na mag-enroll at siya ang magiging nag-iisang guro doon.

Sa ibang kadahilanan, ninanais ng mga tao na mabigo ang akademiya na ito para lamang sa katatawanan. Ito ay lalong totoo sa mga eksperto na pinagtatawanan siya. Bilang mga eksperto, mayroon silang kayabangan, at ang bawat isa sa kanila ay naniniwala na walang mas mahusay sa kanila; sila ang pinakamagaling sa mga magagaling at wala nang iba pang kailangan para matutunan nila.

Kaya naman, ang katotohanan na nagbukas ng paaralan si Xinghe para tanggapin sila ay parang isang panghihiyang nakadirekta sa kanila. Walang gustong mag-enroll sa kanyang paaralan. Ang lahat sa kanila ay may matatag na trabaho at nakagawa na ng pangalan para sa kanilang mga sarili sa kanilang mga larangan. Nasa kalakasan sila; tanging hangal lang ang pipiling bumalik sa eskuwelahan.

Kaya naman, ang paaralang ito ay isang malaking biro, at walang gustong sumali bilang estudyante. Nang natatak na ang kaisipang ito sa utak ng lahat, biglang naglabas ng balita ang Galaxy Academy. Tungkol ito sa isang akademikong kumpetisyon.

Ayon sa balita, hanggang may talento ka, o inisip mo na mayroon ka nga, malugod kang inaanyayahan na sumali sa kumpetisyong ito. Ang kumpetisyon ay magsusuri sa ilang larangan: computer science, matematika, medisina, ekonomiks at physics. 

Kapag nagawa mong manalo sa kumpetisyon sa kahit alinman sa mga larangang ito, ang premyo ng isang daang milyon ay mapapasaiyo. Oo, ang premyo para sa nanalo ay isang daang milyon!

Hindi lamang iyon, kahit na matalo ka, kung nagpakita ka ng kahanga-hangang talento, magkakaroon ka ng pagkakataon na sumali sa Galaxy Academy bilang teaching staff na may taunang sweldo ng 8,000,000 RMB. Sa madaling alita, kapag nanalo ka sa kumpetisyong ito, at kahit na pinili mong tanggihan ang alok na trabaho, isang marangyang buhay na ang mapapasaiyo. Kahit na matalo ka, may pagkakataon pa para sa matapat na trabahong iyon.

Ang hindi pa nakikita dati na akademikong kumpetisyon na ito ay nabigyan ng nararapat na pangalan— Academic Olympics.

Ang mundo ay nagulantang sa paglabas ng balita na ito. Ang lahat ng mayayabang na eksperto ay nahimok dahil sa nakakaakit na premyo. Ang pang-akit ay mas mataas pa kaysa sa Nobel Prize, kaya isa lamang hangal ang hindi magpapatala at sasali.

Ang premyo ay napakataas kung kaya hindi nila isusuko ang pagkakataon. Napakaraming eksperto ang kumilos dahil sa ang araw ng pagpapatala ay magbubukas lamang sa loob ng labinglimang araw. Kapag napalampas nila ito, isa itong pagsisisi na magtatagal ng habambuhay. Ang mga talentadong nakakita ng balitang ito ay tumungo lahat sa City A ng Hwa Xia para sumali sa kumpetisyon.

Siyempre, nagpadala din ng maraming imbitasyon si Xinghe sa mga tanyag na siyentipiko at institusyon sa buong mundo, iniimbitahan silang makilahok sa kumpetisyon.

Ang Presidente ay tumulong din sa kanilang magpadala ng mga imbitasyon sa iba't ibang bansa, hinihiling na hayaan ang mga talentado nilang mamamayan na pumunta sa Hwa Xia para lumahok sa kumpetisyon. Ang paliwanag ng Presidente ay simple: isa itong kumpetisyon para pasiglahin ang larangan ng siyensiya. Ang scientipikong antas ng sangkatauhan ay kinakailangan pa ng pagpapaunlad tulad ng pinatunayan ni He Lan Yuan, at ang pinaka epektibong paraan ay gawin ito sa pamamamagitan ng kumpetisyon at malaking papremyo.