Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 908 - Gusto ko ang Buhay ng Babaeng Iyon

Chapter 908 - Gusto ko ang Buhay ng Babaeng Iyon

Isang nakakalungkot na katotohanan na ang mga tao ay nilalang na puno ng kasakiman, na ang ibig sabihin ay ang kanilang mga pinakamataas na potensiyal ay mabilis na masisilaban lamang dahil sa sapat at malaking atraksiyon. Iyon ang dahilan kung bakit ang Olympics ay palaging nagkakaroon ng mga natatalong record.

Natural lamang, ang Academic Olympics ay namodelo ayon sa sistemang ito. Sa espiritu ng kumpetisyon, magkakaroon ng innovation. Kaya naman, ang kumpetisyon na ito ay malugod na tinanggap, at ang bawat bansa ay may responsibilidad na ipadala ang kanilang mga kinatawan.

Si Xinghe at ang presidente ng Hwa Xia ay personal na inimbitahan sila, kaya naman ang bawat bansa ay ipapadala ang kanilang mga kinatawan bilang paggalang. Siyempre, nakaakit din ito ng mga madla. Hindi nagtagal, ang City A ay napuno ng mga tao.

Sa ilang araw pa lamang ng talaan, ang City A ay binaha ng mga tao at ang bilang ng mga rehistro ng mga nagpapatala ay patuloy na tumataas. Siyempre, hindi nila tinatanggap ang lahat ng mga aplikasyon. Ang isa ay kinakailangang makapasa sa isang pagsusulit bago makapagparehistro; ang pagsusulit ay para maialis ang mga nagpunta doon para gumawa lamang ng eksena.

Isa pa, ang mga taong may maliit na kaalaman ay pinalalabas na din. Ang maagang pagsusulit ay nakapag-alis ng maraming tao. Sa anumang kaso, tanging dalawang porsiyento ng mga tao na nagpunta ay nagawang makapagparehistro para sa kumpetisyon.

Ang dalawang porsyento na ito ay hindi maliit na bilang; mayroon nang ilang daang tao dito. Ang grupo ni Xinghe ay natutuwa, dahil napansin nila ang magandang pagtanggap dito. Ang dahilan ng kumpetisyon na ito ay para ipakilala an gkanilang paaralan at para makakuha ng mga tauhan. Kaya naman, mas marami ay mas masaya. Ang plano nila ay may mas malaking pagkakataon na gumana sa dami ng bilang ng tao.

Pinahahalagahan din ng Presidente ang kumpetisyon na ito, at ibinigay niya ang kanyang buong suporta. Tila maraming bansa na din ang tumitingin na din sa kumpetisyon na ito na mahalaga. Kahit ang United Nations ay nagpadala din ng mga kinatawan dito.

Tila ba ang plano ni He Lan Yuan na sakupin ang mundo ay nagpasabik sa lahat. Ang lahat ay nagbigay ng atensiyon sa kumpetisyong ito na may kinalaman sa mga bagay sa akademiya mula sa pinaka umpisa.

Si Ee Chen at ang iba pa na parte ng organisasyon ay masaya at puno ng pagmamalaki. May pakiramdam sila, na ang ispiritu ng Academic Olympic ay magiging kilala at uunlad. Ang kumpetisyon na ito ay mamanahin at mapapaunlad sa taun-taon. Nagmamalaki sila na maging parte ng kumiteng nagtayo dito!

Ang pagrerehistro pa lamang ay nagdala na ng sapat na pagkakakilanlan sa Academic Olympic na ito. Ang medya sa buong mundo ay patuloy ang pagbabalita tungkol dito. Ang lahat ay sinusundan ang kumpetisyon na ito na puno ng interes.

Kahit na ang kumpetisyon ay hindi pa eksaktong nagsisimula, ang popularidad nito ay kumalat sa mundo; kasing tanyag ito ng aktuwal na Olympics. Ang grupo ni Xinghe ay abalang mag-ayos at maghanda ng kumpetisyon.

Habang ang mga ito ay nangyayari, sa isang sikretong lugar sa Earth, ilang misteryosong lalaki na nakasuot ng pormal na suit ay nakikipagpulong kay He Lan Yuan.

"Talaga bang gagana ang mga paraan mo?" Seryosong tanong ng isa sa mga misteryosong lalaki.

Napakurba sa nakakakilabot na ngiti ang mga labi ni He Lan Yuan. "Pinagdududahan pa din ninyo ang mga kakayahan ko?"

Siyempre, walang magdududa sa kapangyarihan ng lalaki na halos magpaluhod sa buong mundo. Gayunpaman, nag-iingat pa din sila dito.

"Maaari nating sundin ang paraang inilahad mo, pero kailangan muna naming mag-eksperimento dito. Isasagawa na namin ang plano kapag naging malinaw na ang lahat."

Bahagyang ngumiti si He Lan Yuan, halatang hindi interesado sa kanilang intensiyon. "Gawin ninyo ang gusto ninyo, pero huwag ninyong kalimutan ang mga kundisyong ipinangako ninyo sa akin…"

Habang marahas na nakatitig sa mga ito, sinabi nito sa pagal na tinig, "Gusto ko ang buhay ng babaeng iyon, kasama na ang buhay ng iba pa sa paligid niya. Gusto kong lahat sila ay mamatay dahil nararapat sa kanila ang mamatay—"

Ang tono nito ay normal, pero sa ibang kadahilanan, ang grupo ng mga misteryosong lalaki ay nakaramdam ng kilabot sa kanilang mga balat.

Related Books

Popular novel hashtag