Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 905 - Galaxy Academy

Chapter 905 - Galaxy Academy

Ang kaibahan sa pagpapalaki ay nagdulot ng mabigat na pakiramdam sa puso ng SamWolf. Ang unang nanaghoy ay si Wolf. Bigla niyang sinabi, "Ang swerte ng mga bata dito."

Ang lahat ay nagulat na napatingin sa kanya, pagkarinig sa garalgal nitong tinig. Napabuntung-hininga din si Ali. "Tama ka, noong bata pa ako pangarap ko na makapag-aral sa paaralan. Gusto ko lang magkaroon ng edukasyon; hindi nga ako nangahas na mangarap ng isang paaralan na kasing ganda nito."

"Huwag ka nang malungkot, dahil wala naman sa atin ang nakapag-aral sa paaralan. Tingnan mo na lamang ito sa ganitong paraan, parte na tayo sa proyektong pagtatayo ng paaralan; matutulungan na natin ang mga bata na hindi kasing swerte natin," optimistikong sambit ni Sam.

Tumango si Ali ng may ngiti. "Tama ka, isa itong klase ng pangarap na nagkatotoo para na din sa akin."

Lumingon si Xinghe para tingnan sila at biglang sinabi, "Sa hinaharap, lahat kayo ay maaaring pumunta at mag-aral sa paaralang ito."

Nagulat na napatingin sa kanya ang SamWolf. "Ano ang sinabi mo?"

Malinaw na sinabi ni Xinghe, "Ang akademiyang ito ay hindi lilimitahan ang sarili nito para sa mga may kakaibang talento, hindi magtatagal ay bubuksan din nito ang pintuan sa mundo. Kapag dumating ang araw na iyon, lahat kayo ang mauuna sa pila para mag-enroll. Maaari ninyong daluhan ang kahit na anong klase na gusto ninyo."

Ito ang pasasalamat na maibibigay niya sa kanila at ang pasasalamat na nararapat sa kanila.

Ang sabihing nasasabik ang SamWolf ay isang kakulangan.

"Talagang pwede kaming pumasok sa paaralang ito dito?"

"Maaari kaming pumunta sa paaralan?"

"Pero wala kaming alam na kahit na ano…"

Ang ilan sa kanila na nakakapatay ng hindi kumukurap ay biglang ninerbiyos ng husto. Ito ay dahil ang paaralan ay palaging may banal na lugar sa kanilang mga puso. Talaga bang ang ilan sa kanila na walang kaalamang akademiya ay may pagkakataong makapasok sa paaralan?

Mariing tumango si Xinghe. "Pwede kayo! Lahat kayo ay kwalipikadong mag-enroll dito; ang mga babayaran ninyo ay aalisin na, at ang alok na ito ay pupwede din sa mga anak ninyo."

Ito ang extra na ibinigay ni Xinghe sa kanila. Nakaramdam ng init ang SamWolf, at tumingin sila sa kanya ng may malalakas na emosyon sa kanilang mga mata.

"Xinghe, salamat ng marami," sinserong sambit ni Ali. "Sa pangakong iyan pa lamang, isinusumpa kong ipagtatanggol ang akademiyang ito gamit ang buhay ko! Para sa paaralang ito, handa kong gawin ang lahat!"

Dumagdag si Sam ng may maliwanag na ngiti, "Ako din, ang akademiyang ito ay pinaghirapan din natin. Lalabanan namin hanggang sa kamatayan ang sinumang nangangahas na hamunin ang pagkakabuo ng akademiyang ito!"

Tumango din ng may determinasyon sina Cairn at Wolf.

Ngumiti si Xinghe. "Okay, bubuksan natin ang akademiyang ito ngayon. Hindi tayo susuko."

"Okay!" Ang ilan sa kanila ay sabay-sabay na sumagot. Habang lumalagos ang sikat ng araw sa mga malalagong puno, binuo nila ang mahalagang pangako na iyon.

Habang pinapanood sila, nararamdaman ni Mubai na kumukulo ang bawat cell nila. Isang ngiti ang lumitaw sa mukha nito habang umaakto siyang saksi sa kanilang pangako. Itatago niya ang alaalang ito sa kanyang isip habang nabubuhay siya.

Hindi nagtagal at naitatag na ang akademiya ni Xinghe. Talagang mahusay sa kanyang negosyo si Mubai. Hindi lamang niya tinulungan ito na makabili ng compound pero umarkila din ng makapangyarihang management team para sa kanya.

Ang tanging kailangan ni Xinghe ay makagawa ng plano; ang grupo na ang bahala sa iba pa.

May isa lamang hiling ang SamWolf patungkol sa akademiyang ito, at ito ay para pangalanang: Galaxy Academy!

Hindi makapagsalita si Xinghe dahil sa desisyong ito.

Ang buong mundo ay pamilyar sa Project Galaxy; ang terminong Galaxy ay tanyag sa buong mundo. Kahit ang control tower na dinisenyo ni Xinghe ay tinatawag na Galaxy Control Tower.

Ngayon ay gusto nilang pangalanan ang akademiya ng Galaxy din… hindi kaya pinabababa nito ang pangalan?

Halata naman na si Ali at iba pa ay hindi ganoon ang iniisip.

Related Books

Popular novel hashtag