Chapter 906 - Trademark

"Ang terminong Galaxy ay kasing halaga ng mga kastilyo sa ngayon. Ang brand ay mahalaga, kaya kung hindi mo ito gagamitin, paano kung ibang paaralan ang gumamit nito? Sa ganitong kaso, mas mainam na gamitin na natin ito; ito ay para sabihin sa mundo na ang sa iyo ay ang orihinal at ang iba pa ay gumagaya lamang."

"Tama iyon, wala kang ideya kung gaano katanyag ang terminong 'Galaxy'. Kababalik ko lamang sa paglalakad sa mga kalye at kahit saan ako tumingin ay may Galaxy doon. May Galaxy Restaurant, Galaxy Hotel, Galaxy Café, Galaxy KTV, at pati na din Galaxy Massage Parlor!" Galit na sabi ni Sam.

Nang marinig nila ang Galaxy Massage Parlor, naiilang na nanigas ang kanilang mga mukha. Biglang nagmamadaling dumagdag si Ee Chen, "May nakita pa nga akong adult website na tinatawag na Galaxy kanina."

Biglang tumayo si Mubai at sinabi, "Babalik ako."

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Xinghe dahil sa nakasanayan niya.

Walang ekspresyong tumugon ang lalaki, "May gagawin lang akong ibang bagay."

Bakit pakiramdam ni Xinghe ay lalabas ito para 'mag-hunt'?

Ang pakiramdam ni Xinghe ay tama. Ginugol ni Mubai ang ilang araw para ipasara ang mga negosyante na gumagamit ng Galaxy sa kanilang pangalan. Lalo na ang Galaxy Massage Parlor at Galaxy Website, agad niyang ipinasara ang mga ito!

Hindi nagtagal, ang dalawang kumpanya na ito ay nabangkarote dahil sa pinansiyal at legal na mga isyu.

Sa kaparehong panahon, ang bureau of commerce and industry ng Hwa Xia ay napuno ng maraming trademark gamit ang pangalang Galaxy. Kahit na ano pa ang larangan, ang pangalang Galaxy ay na-trademark. Kahit ang mga pagkain ay na-trademark. Sa anumang kaso, kung maite-trademark ito, ay nagawa na itong lahat ni Mubai.

Ang mga manggagawa sa bureau ay halos mamatay sa pagod. Pinagtrabaho sila ng ilang milyong trademark ni Mubai sa loob lang ng ilang araw; mas nanaisin pa nilang mamatay.

Gayunpaman, ang paraang ito ay epektibo dahil wala nang nakagawang maka-trademark ng pangalang ito pagkatapos noon. Dahil kung mayroon man, ang request ay tatanggihan. Sa konklusyon, ang terminong Galaxy ay na-ban na sa business world; sinumang gumamit nito ay haharapin ng Xi Empire!

Napahanga ang SamWolf sa bangis ni Mubai. Salamat na lamang at mabilis at mahusay, at ang terminong Galaxy ay hindi pa masyadong naging karaniwan. May pang-akit pa din ito.

Kaya naman, nang magbubukas na ang Galaxy Academy, hindi nagtagal ay nakuha nito ang atensiyon ng iba't ibang kumpanya ng medya. Ang pinakapangunahing atraksyon ay paaralan ito ni Xinghe!

Ang pangalan, Galaxy Academy, ay nasa plaque para sa paaralan na personal na isinulat ni Mr. Presidente gamit ang gintong tinta. Nagdagdag ito ng background para sa akademiya.

Gayunpaman, ang mas pinakakagulat na detalye ay itong akademiya ay hindi tatanggap ng mga bagong estudyante; ito ay tatanggap lamang ng mga sikat na siyentipiko o mananaliksik. Sa madaling salita, ang akademiya na ito ay tatanggap lamang ng mga handang akademiko!

Gayunpaman, ang mga taong ito ay hindi na kailangang dumalo pa sa paaralan, dahil kahit na dumalo sila, hindi nila pipiliin ang isang bagong tayo na paaralan tulad ng Galaxy Academy.

Sino ang mga guro na magtuturo sa mga akademiyan na mga ito? Sino ang kwalipikado na maging guro nila? Kahit na may mahanap man sila, magtatrabaho ba sila para sa paaralang ito?

Sa madaling salita, ang kalidad ng mga magtuturo ang pinakamalaking loophole ng paaralang ito. Walang institusyon ng edukasyon sa mundo ang mangangahas na magsasabi na tumatanggap lamang sila ng mga akademikong may sapat na background sa pananaliksik, at wala silang kumpiyansa na magagawa nilang hawakan ang mga estudyanteng ganoon.

Kaya naman, ang Galaxy Academy, nang ito ay unang nabunyag sa mundo, ay hindi nagtagal na naging katatawanan ng lahat kahit na may paghanga at pasasalamat ang marami para sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag