Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 904 - No Loss, All Gain

Chapter 904 - No Loss, All Gain

Ang mga investor ay tila nabasbasan ng lahat ng diyos na naroroon. Nagpasalamat sila ng husto sa mga simbahan, templo at mga moske; sa wakas ay nagawa na nilang maitapon ang imbakan na ito palayo sa kanilang mga kamay.

Wala na halos negosasyon pa, ibinenta na ng mga investor ang paaralan sa presyo ng limang daang milyon. Nang ang eskwelahan ay unang itinayo, nagkakahalaga lamang ito ng tatlong daang milyon. Simpleng matematika lamang ito; ang pagbebenta ng limang daang milyon ay purong kita para sa mga investor!

Habang nasa isip nila ang ideyang ito, iniwanan agad ng mga investor ang paaralan at umalis na ng masaya na hawak ang kanilang pera. Alas, wala sa kanila ang nakaisip ng malaking pagbabago na madadala ng akademiya sa mundo. Ito ay magiging ang pinakamahusay na paaralan sa mundo, kung saan ang pagtanggap dito ay mas mahirap pa kaysa sa manalo sa lotto!

Ang akademiya ay nagmula sa simple lamang; nagmula ito sa isang abandonadong gubat. Ang compound ay malaki, at ang paligid ay maganda. Tila isa itong bayan na natatago mula sa ingay ng siyudad. Matapos ang maikling paglilibot, tumango si Xinghe, na nasisiyahan.

"Kumusta ito?" Tanong sa kanya ni Mubai.

Tumango si Xinghe. "Maganda, ito ang klase ng lugar na gusto ko para sa paaralan. Ang kasalukuyang laki niya ay sapat na para sa plano, at maaari nating pag-usapan ang pagpapalawak kapag dumating na ang panahong kinakailangan."

Ngumisi si Mubai. "Nakunsidera ko na iyan agad. Nabili ko na ang mga kalapit na lupain. Kung kinakailangan natin, maaari na natin itong palawakin kailan man natin gustuhin."

Napatulala ang SamWolf sa mga nakapaligid na lupain na may ilang librong metro. [Binili na niya ang lahat ng lupaing ito? So, ganito pala kumilos ang mga mayayaman… Hindi, sandali nga lang, magiging isang benepisyo sa amin kung kakaibiganin namin siya!]

Nagulat si Xinghe sa sinabi nito. "Nabili mo na ang mga ito?"

Tumango si Mubai. "Oo, nabili ko na. Naniniwala ako sa iyo."

Naniniwala siya na ang paaralan niya ay magiging matagumpay at ang paaralan ay lalaki ng husto. Kumislap ang mga mata ni Xinghe; hindi niya inaasahan ang malakas na suporta mula dito. Hindi lamang siya nito sinuportahan ng sa salita at malaki ang naitulong nito para matupad ang plano niya. Sa mundo, tanging ito lamang ang nag-iisang magtitiwala sa kanya ng walang kapalit at lubusan. Palagi siyang inuuna nito.

Tumingin si Xinghe sa kanya ng may pares ng nangingislap na mga mata, at kumurba ang labi nito para ngumiti. "Sisiguraduhin kong ang ipinuhunan mo sa akin ay hindi mawawala."

Ito na ang pinakamainam na pasasalamat na maibibigay niya dito.

Ngumiti bilang ganti si Mubai. "Kung gayon ay dapat na siguraduhin mo na magagawa mong ang lahat ng lupain na ito ay maging bahagi ng iyong paaralan."

"Ipinapangako ko."

Tumingin si Ali sa kanila at bumuntung-hininga ng may pabirong inggit. "Kahit na pakiramdam ko na masyado nang malaki na ang lugar na ito,siguro ay sapat na ito dahil hindi pa ako nakakakita ng malaking paaralan dati."

"Ito ay dahil hindi ka pa nakakapag-aral dati." Masungit na pagbubunyag sa kanya ni Sam.

Nagtampo si Ali. "Ano ba ang kaibahan niyon? Hindi ba pwedeng pumunta ako sa eskwelahan para bumisita?"

Tumawa si Cairn at sinabi, "Ang mga paaralang nakasanayan natin sa Country R ay hindi talaga matatawag na eskwelahan; matatawag silang pansamantalang seminaryo."

Maraming taon na ang Country Y, na kahit na may mga seminaryo doon, ginagamit ito bilang mga kanlungan at hindi paaralan. Ang makapag-aral ay isang pangarap na hindi maaabot ng mga bata doon, isama pa ang pagpasok sa isang malaki at magandang campus para mag-aral.

Kung didiretsuhin, ang lawak ng pribadong institusyon na ito sa Hwa Xia ay maikukunsiderang normal ang laki.

Related Books

Popular novel hashtag