Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 900 - Sila ay Tulad Noon

Chapter 900 - Sila ay Tulad Noon

Nagmamalaking idinagdag ni Old Madam Shen, "Tama iyon, ang aming si Xinghe ang pinakamahusay. Kahit na ang malaking krisis ay walang panama sa iyo; wala nang mas mahusay pa kaysa sa iyo sa mundong ito."

Umiling si Xinghe. "Ang totoo, hindi ako ang nakalutas ng krisis na ito."

"Hindi ikaw?" Naguluhan si Elder SHen. "Paanong hindi ikaw? Nakita ng buong mundo na ikaw ang gumawa niyon."

"Sinusunod ko lamang ang mga iniwang tagubilin ng aking ina."

Natigilan sina Elder Shen at Old Madam Shen. Ang ina nito ay ang kanilang anak…

"Ang ina mo, nakita mo na ba siya?" Ito ang unang reaksiyon ni Elder Shen; halos naiubo na niya ang tanong.

"Hindi pa, iniwanan niya sa akin ang mga paraan matagal nang panahon. Ito ang dahilan kung bakit nagawa kong matagumpay na mapabagsak ang masamang plano ni He Lan Yuan."

Nagulantang na naman si Elder Shen. Hindi niya ito maintindihan. "Iniwanan niya ito sa iyo? Ano ang ibig mong sabihin diyan?"

Hindi na itinago pa ni Xinghe ang katotohanan sa kanila at sinabi sa kanila ang lahat tungkol sa kanyang ina, kasama na ang katotohanan na siya ang pinaka utak sa likod ng Project Galaxy. Ang dalawang matanda ay hindi makapagsalita sa pagkabigla ng may katagalan. Alam nilang ang ina ni Xinghe ay isang babaeng may mahusay na kakayahan, pero kahit pa, hindi nila inaasahan na ito ang magiging responsable sa krisis na halos sumira sa buong mundo…

"Siguro ay may isang klase ng sikreto na hindi natin alam. Hindi ako naniniwala na ang anak ko ay makakagawa ng isang bagay na tulad nito, kung hindi ay hindi siya mag-aabalang mag-iwan ng paraan sa iyo na ma-hack ang sistema," mariing sambit ni Elder Shen.

Idinagdag din ni Old Madam Shen na, "Kahit na ginawa nga niya, anak ko pa din siya, kaya siyempre, naniniwala ako na hindi nga niya gagawin din iyon."

Ganito talaga sila, palaging handa para ipagtanggol ang kasapi nila. Nagpapasalamat si Xinghe sa kanilang pag-aalala, pero hindi siya isang tao na nabubulag ng kanyang mga emosyon.

"Ang totoo, naniniwala din ako na may mga dahilan siya sa paggawa ng lahat ng ito, kaya naman, ang hiling ko ay mahanap siya at tulungan ang mga biktima na nasali sa trahedyang ito."

"Mga biktima?" Tanong ni Elder Shen.

"Tama iyon." Tumango si Xinghe. "Ang tinutukoy ko ay ang mga tao na sumunod sa akin pabalik mula sa buwan. Sila ang mga inosenteng biktima sa sabwatang ito. Lahat sila ay nakakwarantina sa ngayon ng United Nations at marahil ay hindi na kailanman magkaroon pa ng kalayaan sa buhay nila ngayon. Kaya naman, nais ko sanang tulungan sila, na makamit nila ang kalayaang nararapat sa kanila."

"Pero bakit sila ikakwarantina ng United Nations ng labag sa kanilang kalooban?"

Kasali dito ang napakaraming sensitibong paksa. Nagpaliwanag ng hindi klaro si Mubai, pero agad itong naintindihan ni Elder Shen. Dahil nga naman, nagugol na niya ang buong buhay niya sa sentro ng kapangyarihan; agad niyang nakita kung ano ang binabalak ng United Nations.

Marahil ang pagkakwarantina ay para mabalanse ang kapangyarihan sa pagitan ng mga bansa, o marahil ay nais nilang pagsamantalahan ang mga taong ito para sa natatago nilang plano. Sa anumang paraan, mula sa ibang pananaw, hindi sila mali sa kanilang mga kilos.

Gayunpaman, dahil nais na iligtas ni Xinghe ang mga taong iyon, hindi sila maaaring manatili na walang ginagawa sa isang tabi.

Nag-isip ng bahagya si Elder SHen bago nagtanong sa kanya, "Kung gayon ay ano ang iyong plano?"

Sumagot si Xinghe, "Plano kong magbukas ng isang akademiya dito; hinihiling ko ang inyong suporta."

"Magbukas ng isang akademiya?" Hindi kinontra ni Elder Shen ang kanyang suhestiyon, pero nagtanong ito, "Hindi isang isyu kung nais mong magbukas ng isang akademiya para sa edukasyon, pero gaano kalaki ba ito?"

"Hindi naman mahalaga ang laki, pero ang akademiyang ito ang dapat na pinakamahusay," determinadong sambit ni Xinghe.

Nagitla si Elder Shen. "Pero bakit isang akademiya?"

"Para tulungan ang mga taong iyon. Hindi ko pa maaaring ibunyag ang mga detalye sa ngayon, at nais ko ding simulan ito sa lalong madaling panahon, may sapat naman akong salapi at mga asset, ang tanging hiling ko ay ang inyong suporta."