Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 901 - Makipagpulong sa Presidente

Chapter 901 - Makipagpulong sa Presidente

Sa basbas at suporta nito, ang pagbuo ng kanyang akademiya ay mas magiging madali at mabilis. Isa pa, sa basbas ni Elder Shen, mas mapapadali sa kanya na makuha ang suporta ng presidente. Natural lamang na maintindihan ni Elder SHen ang nilalayon niya.

Napahampas ito sa ibabaw ng mesa at nangako, "Huwag kang mag-alala, iwan mo na ito sa iyong Lolo! Sisiguraduhin ko na magiging matagumpay ang pagbubukas ng iyong akademiya."

Lumawak ang ngiti ni Xinghe at sinabi, "Salamat, Lolo."

Nagkunwaring ngumuso si Elder Shen. "Hindi na kailangan pang magpasalamat; pamilya naman tayo. Isa pa, dapat ay sinusuportahan ka namin, dahil iniisip mo lang naman ang kapakanan ng publiko."

Ang totoo, hindi naman nila alam ang eksong pinaplano nito, pero lubos silang nagtitiwala dito. Si Xinghe ay nagpapasalamat sa tiwala nila sa kanya. Ang pagbubukas ng paaralan ay naisaayos na.

Matapos nito, nagpatuloy silang magplano ng mas detalyado. Iminungkahi ni Elder Shen na isama sila na pulungin ang presidente sa bahay ng presidente.

Naaangkop din naman para kay Xinghe at Mubai na bisitahin ang first couple ng Hwa Xia. Siguradong maraming katanungan ang isa't isa. Hindi nagtagal ay umalis na sila patungo sa bahay ng presidente.

Sinadyang klinaro ng presidente ang kanyang iskedyul para makaharap sila. Natural lamang na sa unang mga minuto ng pulong ay nagugol sa mga kamustahan. Ang presidente ay hindi na nagpakita pa sa kanila ng anumang pagkukunwari; trinato niya si Xinghe at Mubai tulad ng isang mabait na nakakatanda.

Pagkatapos noon, hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang Presidente at nagtanong na sa kanila ng tungkol sa Project Galaxy. Matapat na sinagot lahat ni Xinghe, at tanging detalye tungkol sa kanyang ina ang hindi niya isinama dito. Ito ang hiling ni Elder Shen. Nakiusap ito sa kanya habang daan na huwag ibunyag sa kahit na kanino ang koneksiyon ng proyekto sa kanyang ina. Hindi siya natatakot na maaaring madawit ang Shen family, pero dahil napakarami pa ding misteryong nakapalibot dito, hindi niya nais na makalikha ng anumang distraksiyon o tsismis.

Isa pa, ang pagpapakawala ng hindi kumpirmadong balita na ito ay makakadagdag lamang ng pahirap sa plano ni Xinghe na magbukas ng akademiya. Kaya naman, nagdesisyon si Elder Shen na walang dahilan para sa kanila na ibunyag ang impormasyon tungkol sa kanyang ina.

Ni hindi nila sinabi kay Madam Presidente, na nalungkot dahil sa walang impormasyon tungkol sa matagal na niyang nawawalang kapatid.

Nang ang paksa ng usapan ay natuon na sa mga taong mula sa buwan, maingat na nagtanong si Xinghe sa Presidente, "Alam mo ba ang dahilan kung bakit sila dinakip palayo? May pakiramdam ako na ang tunay na dahilan ay hindi ang bagay na sinabi sa amin ng United Nations."

Ang desisyon ay ipinasa ng United Nations, kaya naman sangkot din dito ang Hwa Xia. Bilang Presidente, mayroon itong alam na impormasyon mula sa loob.

Napaubo ang Presidente at seryosong sinabi, "Ang pagdakip sa kanila palayo ay talagang para ihiwalay sila sa publiko. Maraming bansa ang ikinukunsidera silang terorista at ayaw nilang mamuhay ang mga ito ng kasama ang mga normal na sibilyan.

"Siyempre, may isyu din dito ang pulitika. Sila ay mga kahanga-hangang talento, at ang mga talento nila ay mas mahusay kumpara sa mga kasalukuyang siyentipiko ngayon. Isa pa, kakaunti lamang sila. Kung isang bansa ang kukuha sa kanilang lahat, kaya mo bang isipin ang pag-unlad ng teknolohiya na tatamasahin ng bansang iyon?

"Unawain mo, na ang mundong ito ay mapayapa lamang sa ibabaw, at ang kapayapaan ay napapanatili ng mga magkakaparehong malalakas na bansang nililimitahan ang bawat isa. Kung ang kapangyarihang ito ay nasira, ang marupok nating kapayapaan ay masisira din.

"Kaya naman, ang grupo ng mga taong ito ay hindi pinapayagang makasama sa publiko. Ang tanging solusyon ay ang pansamantala silang ihiwalay para naman maialis sila sa kamay ng lahat."

Marahil, ang Presidente ay may iba pang dahilan na itinatago sa kanyang sarili, pero hindi na nagpumilit pa si Xinghe.

"So, hindi sila maaaring pakawalan kahit na ano pa ang mangyari?"

"Hindi ko sinasabing ganoon," seryosong sambit ng Presidente. "Kapag ang ekonomiya ng bansa at antas ng siyensa ay narating na ang isang antas, marahil ay mapapasa kanila na ang kalayaan."