Napasalampak sa sahig ang dalawang matanda sa sobrang ginhawa ng pakiramdam bago nagsimulang sumayaw na tila baliw. Ni minsan ay hindi pa sila naging emosyonal sa tanang buhay nila noon. Ipinagmamalaki nila ng husto si Xinghe!
Ang langit ay mabuti pa din tungo sa Shen family, dahil kahit na kinuha nito ang pinakabata nilang anak na babae, nahanap naman nila ang kahanga-hanga nilang apo, isang apo na walang makakatulad. Ito na ang pinakamalaking pag-alo sa kanila.
Silang dalawa ay maagang nagising dahil sinabi sa kanila ni Xinghe na uuwi siya nang araw na iyon. Sabik silang naghintay sa mga ito na dumating. Maliban sa pagtawag-tawag para malaman kung nasaan na ang mga ito, naghalinhinan sila sa paglalakad patungo sa pintuan, umaasa na masulyapan ang kotse ni Mubai.
Naramdaman ni Xinghe ang kasabikan ng mga ito at ang puso niya ay nakaramdam ng init. Hindi siya pamilyar sa pakiramdam na ito dahil pinalaki siya na umasa sa sarili at hindi malapit sa iba. Gayunpaman, hindi naman niya inaayawan ang pakiramdam na ito, mas nakikita nga niya na kumportable ito. Tulad nila, hindi na rin siya makapaghintay na makasamang muli ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kamag-anak.
Sa sandaling huminto ang kotse ni Mubai sa tarangkahan ng Shen family, ang mga guwardiya ay binuksan na ang pintuan at nagmamadaling sinabihan si Elder Shen at ang iba pa.
"Elder Shen, Madam Shen, ang young miss ay nakauwi na!"
Bago pa nakatawid sa sala ang guwardiya, narinig na siya ni Elder Shen. Ang dalawang matanda ay napatalon sa kanilang kinauupuan at nagmamadaling lumabas ng bahay. Mula sa paraan ng kanilang pagkilos, hindi mo iisipin na nasa kanilang sitenta na ang mga matatanda.
Ang dalawa ay nasa pintuan na nang lumabas na sa kotse si Xinghe at Mubai. Habang nakikita nila ito ng personal, biglang napatigil ang dalawa at nangilid ang luha sa kanilang mga mata. Noong una, hindi na sila makahintay na makita ito noong nasa malayo pa ito, pero ngayong nasa harapan na nila ito, nag-aatubili silang lumapit…
Ganoon din ang nararamdaman ni Xinghe. Sa ibang kadahilanan, nagsimula nang mangilid ang luha niya. Nang mapansin ang dalawang matanda na masigla, siya na ang unang humakbang palapit at binati ang mga ito ng nakangiti, "Lolo, Lola, nakabalik na po ako."
"Ang mabuti kong apo!" Agad na nagmadaling yakapin siya ni Old Madam Shen at namalisbis na ang mga luha nito. "Masyado mong pinag-alala ang iyong lola. Salamat na lamang, iningatan ka ng mga diyos, at sa wakas ay nakabalik ka ng ligtas!"
Nagulat si Xinghe sa biglaang pagbuhos ng emosyon. Nanigas siya dahil sa nakasanayan dati pero hindi nagtagal ay nagrelax din siya. "Lola, tingnan mo, ayos lang ako, pakiusap ay huwag ka nang umiyak."
Hindi na din matagalan ni Elder Shen ang sentimental na sitwasyon, kaya naman inalo niya ang kanyang asawa ng nakangiti. "Okay, tumahan ka na, masyado mong pinepressure si Xinghe. Isa itong maswerteng pagkakataon; dapat ay maging masaya ka."
Pinawalan ni Old Madam Shen si Xinghe at sinabi habang pinupunasan ang kanyang mga luha, "Ang mga luhang ito ay luha ng kagalakan, tanda."
Masayang natatawa si Elder Shen. "Sige, ikaw na ang nanalo, pero kahit pa, dapat ay tumahan ka na…"
Maaaring sinabi nga nito, pero may mga luha din ito sa mga mata. Nagkunwari si XInghe na hindi niya napapansin ang asaran ng mga ito, at idinagdag nito ng nakangiti, "Lolo, lola, pumasok na muna tayo."
"Tama ang bata, pumasok na muna tayo, maipagpapatuloy pa natin ang usapang ito sa loob." Malugod na tinanggap din ni Elder Shen si Mubai at binati naman nito ng may paggalang ang mga matanda.
Matapos nilang makapasok sa bahay, nagsimula na silang magkwentuhan. Natural lamang na maraming katanungan si Elder Shen. Matapat namang sinagot itong lahat ni Xinghe.
Ang emosyon ng dalawang matanda ay matindi at magulo matapos marinig ang kwento niya.
Nagdagdag pa si Elder Shen ng buong kasabikan, "Magaling ang ginawa mo, nararapat talaga na magdala ng pangalan ng Shen. Totoo nga, na hindi totoong mababa ang babae sa lalaki! Xinghe, ipinagmamalaki ka namin."