Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 897 - Mas Mahalin Pa Siya

Chapter 897 - Mas Mahalin Pa Siya

Nanginig si Sam at ang iba pa mula sa mga posibleng kahihinatnan.

"Ano ang ibinigay niya sa iyo?" Nag-uusisang tanong ni Ali.

Sumagot si Xinghe, "Siguro ay isa itong bagay na nais ni Tong Liang, pero hindi ko pa sigurado kung ano ito."

Napaismid si Sam, "Gusto lamang nilang kuhanin ang karangalan at hindi ang kumilos, bakit kailangan nating ibigay ito sa kanila?"

Tumango bilang pagsang-ayon si Ali. "Tama iyon! Pagmamay-ari ito ni Mr. Shi at ng iba pa; hindi natin ito dapat ibigay sa mga masasamang tao na iyon."

"Iyon ang dahilan kung bakit hawak ko ito," dagdag ni Xinghe.

Masiglang ngumiti si Ali. "Xinghe, ikaw na ang pinakamatalino. Mahal ko ang lahat ng nagawa mo."

Hindi sinasadyang gusto din ni Sam na ulitin ang sinabi ni Ali, pero salamat na lamang, napansin niyang nakaupo sa tabi ni Xinghe si Mubai, at agad niyang nilunok ang mga sasabihin niya. Phew, muntikan ko nang sabihin ang mga maling bagay na naman!

"Ako din!" Sa bandang huli, si Cairn na nasa tabi niya ay isinatinig ang mga naiisip nito. Tumingin ito kay Xinghe ng namumula at idinagdag pa, "Gusto ko ang lahat ng ginagawa mo, at sa tingin ko ay mahusay ang ginawa mo."

Hey, bata, gusto mo bang mamatay?! Hindi sinasadyang napatingin si Sam para panoorin ang reaksiyon ni Mubai, pero sa kanyang pagkagulat, parang hindi naririnig ni Mubai ang sinabi ni Cairn. Halatang nagtataka ng husto dito si Sam; bakit hindi ito nagalit sa sinabi ni Cairn?

"Ano ang gagawin natin sa pagbabalik natin?" Tanong ni Ee Chen kay Xinghe.

Nag-isip si XInghe tungkol dito at sumagot, "Magbukas ng academy."

"Magbukas ng academy?" Si Sam at ang iba pa ay nagtaka.

"Oo." Tumango si Xinghe. "Pansamantala, ang ideya ko ay magbukas ng kahit anong paaralan, pero kung paano eksakto ang gagawin doon, mapag-uusapan na lamang sa paglapag natin."

"Pero bakit isang paaralan?" Tanong ni Ee Chen.

Ngumiti si Xinghe. "Makikita mo."

Naguguluhan si Ee Chen at ang iba pa sa pinakabagong misteryong ito. Naguluhan din noong una si Mubai, pero hindi nagtagal ay naintindihan nito ang sagot. Sinadya niyang tumingin kay Xinghe at kumislap ang mga mata niya, pero wala siyang sinabi na kahit na ano. Alam niya kung ano ang iniisip nito; naintindihan niya ang plano at layunin nito. Marahil ang mundong ito ay makakaranas na naman ng malaking pagbabago dahil sa kanya…

Marahil ay tanging siya lamang ang makakaimpluwensiya sa mundo ng ganitong paraan. Tiwala siya na natatangi ito, nag-iisa at walang katulad sa mundo.

Lalo pang nadagdagan ang pagmamahal ni Mubai tungo kay Xinghe. Sa bawat araw, napapagtanto niya na mas minamahal niya ito ng higit pa. Sa bawat oras na inisip niya ang pagtangi niya para dito ay sagad na, masosorpresa pa niya ang sarili. Ang pagmamahal niya dito ay walang katapusan at walang tigil, at pinasisigla nito ang kanyang buhay.

Tumingin si Mubai kay Xinghe at ang mukha nito ay napangiti. Tulad ng kuryente, biglang lumingon si Xinghe para hulihin ang tingin nito, at nahulog ito sa pares ng mga mata nito na tila lawa ng mga black hole.

Ang tingin nito ay tila nagtataglay ng mahika, kinukuha agad ang lahat ng kanyan gatensiyon. Tahimik nilang tinitigan ang isa't isa ng tahimik at buong pokus; ang mundo sa kanilang paligid ay tila nawawala… at sila na lamang ang tanging bagay na natitira sa mundo.

Si Sam at ang iba pa ay nakatingin at sa loob-loob ay napapasigaw, Hello, nandito pa kami!

Dalawang oras na flight mula sa Country R patungo sa Hwa Xia. Nang lumapag na ang magarbong pribadong eroplano sa airport ng City A, ay sumapit na ang gabi.

Sa wakas ay nakabalik na sa lugar na ito ang grupo ni Xinghe na tinatawag nilang tahanan.