Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 898 - Magbukas ng Akademya

Chapter 898 - Magbukas ng Akademya

Sa kaparehong oras, inisip nila ang tungkol kay Shi Jian at sa iba pa. Nang una silang bumalik sa Earth, ang pakiramdam na nakauwi na at pagiging kaisa ay siguradong mas matindi ng higit sa isang daang beses. Sila, na desperadong humihiling ng kalayaan, ay siguradong naghihintay kay Xinghe na iligtas sila.

Kaya naman, kailangan nilang kumilos ng mabilis kung hindi ang paghihintay nila ay mas masakit. Sinabi ni Xinghe kay Mubai ang kanyang ideya nang marating nila ang kanilang tahanan. Ipinaliwanag niya kung bakit nais niyang magbukas ng akademiya.

"Nais kong magbukas ng teknikal na paaralan para ipalaganap ang kaalaman at teknik para mas maraming tao ang matututo tungkol dito. Ang pinakamalaking liability na nakaatang sa ulo ni Shi Jian at ng iba pa ay ang kanilang husay at talento. Kapag nagawa na nating itaas ng antas ng mundo tungo sa kanilang level, hindi na makakaramdam ng takot sa kanila, at maiiwasan na sila ay malamangan ng iba."

Tumingin si Mubai sa kanya at sinabi, "Iyon na nga ang hula ko. Ang plano mo ay mahusay, pero kakailanganin nito ng mahabang panahon para maging matagumpay."

Ngumiti si Xinghe. "Inisip ko na din ang tungkol diyan. Ang paaralan ay tatanggap lamang ng mga espesyal na mga mag-aaral; kailangang nasa isang antas sila para matanggap. Isa pa, ang kanilang teknikal at teoryang kaalaman ay kinakailangan na malakas, para naman mapapaunlad sila ng husto ng may kaunting pagsusubaybay."

"Hindi na ito masamang ideya," sang-ayon ni Mubai. "Sumige ka na sa plano mo; iwan mo ang pagbubukas ng paaralan sa akin, maaari mo nang pagtuunan ng pansin ang mga ituturo."

"Paano ko magagawa iyon? Ito ang makasarili kong ideya at ang pagbubukas ng paaralan ay hindi madali…"

Bago natapos ni Xinghe ang sasabihin, napansin niya ang hindi nasisiyahang tingin sa mga mata ni Mubai. Ang tinig niya natigil, at hindi na niya nakayang sabihin dito na hindi niya gustong abalahin ito.

Tumingin sa kanya si Mubai ng may interes at sinabi, "Bakit ka tumigil? Nakikinig ako."

"Hindi, tapos na ako." Halata namang binibitag siya nito.

"Bakit ka tumigil?" Tanong ni Mubai.

Hinablot ni Xinghe ang braso nito ng nakangiti at bumulong, "Dahil alam kong maaari ko itong iwanan sa iyong mga kamay."

Ang mga mata ng lalaki ay tila ibabaw ng lawa na nahipan ng hangin ng tagsibol, inalon ng kagalakan. "Iiwanan mo na lamang ito sa akin, ng ganoon na lang?"

"Oo, may tiwala ako sa iyo." Tumango si Xinghe. 

Ang tingin na nakatutok sa kanya ay naging maalab, at humilig ito para dampian siya ng halik sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay bumulong ito, "Salamat at natuto ka nang ibahagi sa akin ang mga problema mo. Huwag mo nang kakalimutang gawin ito sa susunod."

"Okay…" Alam ni Xinghe kung ano ang tinutukoy nito.

Ngumisi si Mubai at niyakap ang balingkinitan niyang baiwang, at kinintalan pa niya ito ng maraming magigiliw na halik sa labi. Kahit na pinipigilan nito ang sarili na palawigin pa ang mga bagay, hindi ito nag-atubili na kunin ang mga benepisyong para sa kanya lamang. Dahil hindi pa naman malalim ang gabi.

Plano ni Xinghe na magbukas ng walang katulad na internasyonal na paaralan sa City A. Ang planong ito ay natural na mangangailangan ng suporta at tulong mula sa maraming tao.

Kinabukasan, si Xinghe at Mubai ay nagpunta sa Shen family para bisitahin si Elder Shen at ang pamilya nito.

Na-miss sila ng husto ni Elder Shen at Old Madam Shen. Alam nila ang lahat ng nangyari kay Xinghe sa Country R.

Nang nailagay si Xinghe sa public hit list ni He Lan Yuan, natakot sila ng husto. Hindi sila mag-aatubiling isakripisyo ang kanilang mga sarili para iligtas ito. Dahil sa siya na lamang ang nag-iisang eredera na may dugong Shen.

Salamat na lamang at walang nangyari kay Xinghe, at nagawa pa niyang mapigilan ang masamang balakin ni He Lan Yuan.

Nang makita nilang sinira ni Xinghe ang mga satellite na iyon, halos lumundag palabas ng kanilang katawan ang mga puso nila.

Related Books

Popular novel hashtag