"Hayaan mong sagutin ko iyan para sa iyo, si Xinghe iyon. Siya na ang maraming ginawa, kaya ano ang nagbigay sa iyo, na walang nagawa na kahit na ano, ng karapatan para paghanapan siya?" Patuyang dagdag ni Sam.
"Tama iyon, wala ni isa sa inyo ang may karapatan na bastusin siya, lalong-lalo ka na." Hayagang pinandilatan ni Ali si Tong Liang.
Galit na galit si Tong Liang na nawala na ang opisyal na mukha nitong nakangiti. Ang hitsura nito ay pumangit na sa sobrang galit habang umaangil ito, "So naisip ninyong pumunta ang karangalan ninyo sa inyong mga ulo? Inisip ninyo na mas mataas kayo sa batas dahil lamang sa nakagawa kayo ng isang maliit na kontribusyon?"
"Ikaw ang nakakaisip na mas nangingibabaw ka sa batas. Ginagamit mo ang personal mong agenda gamit ang iyong opisyal na posisyon, ginigipit kami gamit ang opisyal mong titulo," tuya ni Xinghe. "Kung gusto mong makipagtulungan kami sa iyo, sige, pero ipakita mo sa amin ang warrant, kung wala ka noon, umalis ka sa daraanan namin!"
"Ang mga salita ko ay salita ng United Nations, at ang paghahanap na ito ay dapat na isagawa!" Sa wakas ay naubos na ang pasensiya ni Tong Liang, iniutos nito, "Gawin na ninyo, kung may pumalag sa kanila, arestuhin sila!"
"Tingnan ko kung sino ang mangangahas!" Ang matalim na tingin ni Xinghe ang nagpatigil sa madla at sa mga tauhan ni Tong Liang. Sa ibang kadahilanan, nakaramdam sila ng takot sa makapangyarihang awra ni Xinghe.
Gayunpaman, hindi takot sa kanya si Tong Liang, at nawala na dito ang natitira pa nitong pasensiya.
"Xia Xinghe, binabalaan kita sa huling pagkakataon, huwag mong harangan ang hustisya!"
Kapag ipinagpatuloy nila ang pagpupumiglas na ito, papuputukan niya ang mga ito.
Tumingin sa kanya si Xinghe ng may ngisi. "Well, gusto kong makita kung ano ang intensiyon mong gawin. Kung hindi ka natatakot na mabalita sa buong mundo, handa kaming makipaglaro sa iyo."
Biglang humarang si Mubai kay Xinghe at pinandilatan si Tong Liang ng madilim at malamig nitong tingin. "Miss Tong, kung patuloy mo pang gagawin ang pambubully na ito, hindi mag-aatubiling sumali ang aming Xi family. Ako, si Xi Mubai, ay isang lalaki na may isang salita."
Nanginig ang mga mata ni Tong Liang. Hayagang pinagbabantaan siya ni Xi Mubai!
Siyempre, naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Kapag ipinagpatuloy niya ito, ang Xi family ay kakalabanin ang Tong family. Isa nang pwersa ang Xi family, pero ngayon ay nasa likuran na din ni Xinghe ang Shen family at ang Madam Presidente ng Hwa Xia. Kapag sumabog ito, ang Tong family ang partido na mahihirapan.
Malamig na ngumisi si Tong Liang at sinabi, "Fine, siguraduhin ninyo na wala sa inyo ang bagay na iyon kundi ay walang makakapagsalba sa inyo!"
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Xinghe at Mubai sa kanya; sumakay na sila sa kotse at sumibad na paalis.
Sa ilalim ng tabing ng gabi, pinandidilatan ni Tong Liang ang kotse ng mga ito habang papawala na ito sa gabi, ang tingin nito ay kasing dilim ng gabing pumapalibot dito.
β¦
Dahil ang tsuper ay tauhan ni Chui Qian, walang sinabing kahit na ano sina Sam at ang iba pa. Hanggat sa nakasakay na sila sa personal na eroplano ni Mubai ng hindi na nila mapigilan pa ang magtanong, "Xinghe, talaga bang mayroong bagay na nasa iyo?"
Kailangan nilang magtanong, dahil sa kilos ni Tong Liang, tila sigurado siya na may itinatagong bagay sa kanya si Xinghe, kahit na sigurado silang walang inalis na anuman si Xinghe mula sa moon base.
Sa kanilang ikinabigla, agad na umamin si Xinghe, "Oo, ang bagay ay nasa akin."
"Talaga? Kailan mo ito kinuha?" Napasinghap sa pagkagulat si Sam.
Nanghula si Ee Chen, "Patagong iniabot ito sa iyo ni Mr. Shi kahapon?"
"Oo." Tumango si Xinghe. Sa wakas, naintindihan na ni Sam at ng iba pa. Ipinuslit ni Shi Jian ang bagay kay Xinghe bago ito nadakip.
Hindi na nakakapagtaka na lumapit ito para kamayan ang kamay ni Xinghe. Hindi nila napagtanto na naisip agad ni Shi Jian na ibigay ang bagay kay Xinghe noon.
Ngayong inisip nga nila ito, salamat na lamang at hindi nagkaroon ng paghahanap kung hindi ay nabuking na sila.