Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 895 - Wala Kang Karapatan

Chapter 895 - Wala Kang Karapatan

Ibubukas niya ng husto ang kanyang mga mata para panoorin kung may kakayahan silang gawin iyon o wala!

Hindi pinansin ni Tong Liang ang mapang-uyam nilang mga komento, at ang tingin nito na nakatitig kay Xinghe ay naging malamig. "Miss Xia, pinapayuhan kita mula sa kabutihan ng aking puso. Huwag mong gawin ang pagkakamaling ito."

"Kung ganoon, pinapasalamatan kita sa kabutihan mo. Alas, sinasayang mo ito sa maling tao." Pagkatapos ay lumingon si Xinghe para sabihin sa mga kaibigan niya na, "Tara nang umalis."

Hindi siya interesado na makipagkaibigan sa Tong Liang na ito. Si Sam at ang iba pa ay hindi na din matagalan ang pagmumukha nito, kaya naman kumilos na sila para umalis.

"Tumigil kayo diyan!" Biglang utos ni Tong Liang. "Sinabi ko ba na pinapayagan ko kayong umalis? Walang aalis kung hindi ninyo ibibigay ang bagay na iyon!"

Sa sandaling sinabi niya iyon, ang mga taong dinala niya ay agad na pinalibutan ang grupo ni Xinghe.

Napasimangot si Chui Qian. "Miss Tong, ano ang ibig sabihin nito?"

Sumagot si Tong Lian ng may magalang na ngiti, "Mr. Presidente, sumusunod lamang ako sa mga utos na hilingin sa kanilang isuko ang bagay na iyon. Dapat mo ding maintindihan; bumalik sila mula sa buwan, pero wala silang isinuko na kahit na ano, kaya naniniwala ako na maaaring may itinago sila para sa kanilang mga sarili."

"Tumigil ka sa maling akusasyon mo sa amin, wala kaming kinuha na kahit na ano!" Galit na sagot ni Sam.

Nandilim din ang mukha ni Mubai. "Kahit na mayroon man, wala kang karapatan na harangan ang aming daan, Miss Tong. Ang United Nations ay walang aktwal na hurisdiksyon dito."

Ang United Nations ay isa lamang pangharap para sa maraming bansa para pag-usapan ang mga internasyonal na agenda; ito ay para mabalanse lamang ang mga kapangyarihan ng mayorya. Bilang hiwalay na entity, wala talaga itong kapangyarihan. Si Tong Liang ay isa lamang vice-secretary ng organisasyon, kaya naman mas mababa ang kapangyarihan nito.

Nanlilibak na sinabi ni Tong Liang, "Pero isa itong utos mula sa pinakamataas na opisyal. Kailangan kong bumalik ng kasama ang mga bagay na iyon, at isa itong utos na ipinasa ng mayorya ng mga bansa."

Agad na ibinunyag ni Chui Qian ang mga kasinungalingan nito, "Miss Tong, ang karamihan sa mga bansa ay ipinasa nga ang utos na ito, pero sa kundisyon na nasa kanila nga ang mga bagay na iyon. Sinabi ni Miss Xia na wala silang kinuha na kahit na ano mula sa buwan, kaya paano mo aasahang ibigay nila sa iyo ang isang bagay na wala sa kanila?"

Manipis ang naging ngiti ni Tong Liang. "Mr. Presidente, maaaring pinili ninyong maniwala sa kanila, pero hindi ako. Ang mga taong bumalik mula sa buwan ay pinagkakatiwalaan si Miss Xia ng husto, at dahil hindi nila dala ang bagay sa kanila, siguradong ito ay na kay Xia Xinghe. Ang tanging dahilan na kailangan nilang bumalik ng nagmamadali ay para maiwasan ang pagsusuri ko at para sarilinin nila ito. Responsibilidad ko na pigilan sila na gawin ito, kaya natural lamang na hindi ko sila paaalisin ng ganoon kadali. Hinihiling ko na si Mr. Presidente ay makipatulungan din sa United Nations."

Nasukol si Chui Qian. Pormal niyang tinanong si Xinghe, "Miss Xia, nasa iyo ba ang bagay na iyon?

"Wala kaming dinala pabalik dito na mula sa buwan," mariing sagot ni Xinghe.

Agad na sinabi ni Chui Qian kay Tong Liang, "Sinabi na nila na wala sa kanila…"

"Mr. Presidente, mali itong ginagawa mo. Malalaman namin kung nasa kanila ito o wala matapos ang maingat na paghahanap," bastos na putol sa kanya ni Tong Liang at iniutos nito, "Miss Xia, hinihiling ko ang iyong kooperasyon. Kung wala talagang nakita sa paghahanap, agad namin kayong papakawalan."

"Paghahanap?" Tanong ni Xinghe ng may nakataas na kilay.

"Oo, isang strip search kung kinakailangan!" Utos ni Tong Liang.

Bahagyang ngumiti si Xinghe at sumagot ng may awtoridad, "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na gawin iyan?!"

"Ikaw!" Galit na si Tong Liang; hindi niya inaasahan na hindi makikipagtulungan sa kanya si Xinghe.

"Wala kang karapatan na kapkapan ang kahit na sino sa amin," patuloy ni Xinghe.

Malamig ding dumagdag si Mubai, "Tama siya, wala kang karapatan na magsagawa ng kahit na anong paghahanap sa amin. Walang sinuman ang may karapatan na iyon, o baka nakakalimutan mo kung sino ang nagligtas sa mundo at bakit nakakatayo ka pa ngayon dito?"

Related Books

Popular novel hashtag