Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 89 - HINDI TALUNIN, KUNG HINDI BUWAGIN

Chapter 89 - HINDI TALUNIN, KUNG HINDI BUWAGIN

"Pwede kayong manatili ng kapatid mo dito hanggang makakita ka ng bahay na nagustuhan mong malipatan," sabi ni Xinghe habang pinapapasok na ang mga ito sa kanilang silid.

Ang silid ay may mga French windows na kapag binuksan ay derecho sa balkonahe, may malambot at mamahaling carpet, at lahat ng pangunahing pangangailangan ay naroroon. Hindi maiwasan ni Xiao Mo na maluha ng kaunti.

Ito ang unang beses na nanatili sila sa silid na tulad nito.

Ngunit may sinasabi ang kanyang kutob na ito ay simula lamang ng mga magandang pagbabago na dadalhin ni Xinghe sa kanyang buhay…

"Miss Xia, hindi mo pa din sinasabi sa akin kung bakit mo ako dinala rito." Magalang na tanong ni Xiao Mo.

Pakiramdam niya ay dapat niyang suklian ang mga ito; tuparin ang dapat niyang gawin sa madaling salita.

"Nakahanap ako ng pansamantalang mag-aalaga sa iyong kapatid. Hanapin mo ako sa basement kapag natapos mo ng ayusin ang lahat ng aayusin mo," masayang sabi ni Xinghe.

At tumalikod na ito para umalis.

Nilunok na lamang ni Xiao Mo ang 'salamat' na nasa dulo na ng kanyang dila.

Makakasira lamang ang mga salitang iyon sa sandaling ito dahil alam niyang ang kailangan ni Xinghe ay hindi ang pasasalamat niya kung hindi ang kanyang pakikipagtulungan.

Matapos magpaalam sa kanyang ate, nagmamadaling tinungo ni Xiao Mo ang basement.

Ang villa ay may malawak na basement na dati ay ginagamit na imbakan ng mga gamit. Matapos mabawi ni Xinghe ang bahay, nilinis niya ang mga kalat dito at ginawa itong workroom.

Nang buksan ni Xiao Mo ang pintuan ng basement, nagulantang siya sa kanyang natanaw.

Isang maliwanag na basement ay punung-puno ng mga computer at mga accessories nito.

Ang ilang computers ay mas mataas pa sa kanila. Lahat ng modelo na makikita sa market ay makikita sa basement na iyon.

Lahat ng computer ay gumagana at ang mga screen nito ay nagpapakita ng mga codes na pamilyar sa kanya at nakakatakot sa kanya…

Si Xinghe at Xia Zhi ay nakaupo sa paligid ng isang kahoy na mesa na nasa gitna ng silid, pinag-uusapan ang isang bungkos ng dokumento na nasa pagitan ng dalawa.

Nang makita siya ni Xinghe, sinabi nito sa kanya, "Halika na dito at sumama ka sa amin, ipapaliwanag namin sa iyo ang mga nangyayari."

Agad na nakolekta ni Xiao Mo ang sarili, agad na lumakad palapit at naupo sa tapat nilang dalawa. Ipinasa ni Xinghe ang isang document binder at ipinaliwanag ang kanyang plano, "Sa ngayon, kami ni Zhi ay nagsusulat ng isang PC manager software na kombinasyon ng functions ng anti-virus, internet security, data defragmentation at iba pa. Ito ngayon an gaming proposal. Tingnan mo ito at kung wala ka nang tanong, ibibigay ko sa iyo ang asignatura mo mamaya at magsisimula ka na sa trabaho mo ngayon."

Napatunganga si Xiao Mo sa binder na nasa kanyang mga kamay. Hindi sa milyong taon niya nahulaan na ang kooperasyong tinutukoy ni Xinghe ay para kuhanin siya na maging software engineer nito.

Pero, ito lamang ang bagay na medyo mahusay siya…

Ngunit…

"Miss Xia, marami pang programmers diyan na mas mahusay sa akin. Bakit gusto mo akong kuhanin para sa trabahong ito? Sa tingin ko ay hindi ako magiging mainam para dito."

Agad naman siyang kinukumbinsi ni Xia Zhi, "Brother Xiao, masyado ka namang mapagkumbaba. Ikaw ang orihinal na maylikha ng King Kong Internet Security. Ang nakakabilib na software na iyon ang nakakapagpatunay na magaling ka sa iyong trabaho. Kaya huwag mong hamakin ang iyong sarili."

Malungkot na napatawa si Xiao Mo ng mabanggit ni Xia Zhi ang King Kong Internet Security.

"Napakaraming taon na ang nakalipas na iyon, matagal na akong nawala sa computer world."

Nakangiting winakasan ni Xinghe ang usapan na ito, "Ang katotohanan na nagpakapagod akong hanapin ka ay nangangahulugang naniniwala ako sa kakayahan mo. Ang tunay na talento ay hindi agad-agad nawawala paglipas ng panahon. Oo, marahil ay may mga mahuhusay na programmer nga diyan pero ang kailangan ko ay ang isang taong gusto na makasagupa si Chui Ming.

Naliwanagan sa oras na iyon si Xiao Mo.

"Nais mong gamitin ang software na ito para talunin ang King Kong Internet Security?"

"Hindi talunin, kung hindi wasakin!" Pagdidiin ni Xinghe.

Tinitigan ni Xiao Mo si Xinghe na tila ba nawawala na ito sa katinuan.