Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 90 - ANG LINYA SA PAGITAN NG TIWALA SA SARILI AT SOBRANG TIWALA SA SARILI

Chapter 90 - ANG LINYA SA PAGITAN NG TIWALA SA SARILI AT SOBRANG TIWALA SA SARILI

"Miss Xia, hindi sa hindi ako naniniwala sa iyo pero ang kasalukuyang King Kong Internet Security na nasa merkado ay napaghusay at napaigi na sa mga nakalipas na panahon; hindi na ito ang kaparehong software na nagawa ko. Isa pa, may matibay na posisyon na ang Chui Corps sa merkado, imposible na sa iyo na talunin ito, lalo na kung wasakin ito," sabi ni Xiao Mo.

Hindi naman mali ang analysis ni Xiao Mo. May pagkaimposible nga na ang isang kilalang kumpanya tulad ng Chui Corps na agad-agad matalo.

Pero ano naman sa ngayon?

Nagbato ng tanong si Xinghe kay Xiao Mo, "Alam mo ba kung anong industriya ang pinakamabilis magbago at pinakamadalas sa ating panahon?"

"…Computers at electronics."

"Tam aka. Ang isang bagong innovation ay maaaring makabago ng landscape ng industriya sa isang magdamag, kaya ang kasaysayan ng Chui Corps ay walang halaga sa pabagu-bagong landscape na ito."

"Maaring tama ka pero ang pag-unlad sa industriya ng electronics ay bumagal. Sa tingin ko ay hindi natin mapapatumba ang Chui Corps kahit na sa mga susunod na taon."

Biglang ipinakita ni Xinghe ang kanyang palad at iniunat ang kanyang limang daliri. Habang pilit na iniisip ni Xiao Mo kung ano ang pakahulugan ng pagkumapas niya, sinabi niya na, "Limang araw."

"Ano'ng limang araw?"

Hindi mapigilan ni Xia Zhi ang kasiyahan at ito ay napabulalas, "Ang ibig sabihin ni ate ay gagamitin natin ang limang araw para talunin sila at hindi ilang taon!"

Halos mahulog sa kinauupuan si Xiao Mo sa pagkabigla.

Napasinghap siya at napatingin kay Xinghe na tila ba tumitingin siya sa isang alien.

"Limang araw? Paano ito posible?!" Nababalisang tanong ni Xiao Mo. Bigla siyang nakaramdam na pinaglalaruan siya ng dalawang ito. Nagpatuloy siya, "Miss Xia, seryoso ka ba? Ano ba ang iniisip mo? May kaalaman ka ba sa computers at programming? Paano natin matatalo ang Chui Corps sa loob ng limang araw ng tayong tatlo lang? Ito ay imposible!"

Ibinaba ni Xinghe ang kanyang mga kamay at mahinahon na sumagot, "Walang imposible, at magagawa natin ang realidad na ito na maging posible."

"Miss Xia, ang programming ay hindi simple tulad ng iyong inaakala…"

"Totoo, may kahirapan nga ito para sa ibang tao."

"…" Kung hindi lamang sa kadahilanang nakakausap pa niya ng lohikal si Xinghe, maniniwala si Xiao Mo na nawala na sa katinuan ang babaeng ito.

Mayroong manipis na linya sa pagitan ng tiwala sa sarili at sobrang tiwala sa sarili at sa opinyon ni Xiao Mo, tinapakan itong lahat ni Xinghe.

Si Xiao Mo ay tinaguriang computer whiz noong siya ay bata pa. Noong mga panahong iyon, hindi pa matatag ang industriya at ang pagbabago ay nangyayari kada segundo.

Ngunit, sa ganoon kagulo na kapaligiran, nagawa ni Xiao Mo na magkaroon ng isang kahanga-hangang programming technique at sumulat ng isang security software ng mag-isa.

Wala siyang kapantay ng mga panahong iyon.

Ngunit inabot pa din siya ng kalahating taon para tapusin ang alpha version ng King Kong Internet Security.

Kaya naman, sa kanyang pananaw, kakailanganin nilang tatlo ng isang buong taon para tapusin ang coding ng PC management software na ito.

Pagkatapos noon, kailangan pa nila itong ipakilala sa merkado at sumailalim sa isang closed at open beta testing bago pa sila makalapit at mabantaan ang Chui Corps.

Pero itong si Xinghe ay malakas ang loob na sabihing matatalo nila ang Chui Corps sa loob lamang ng limang araw.

Ang pagsusulat lamang ng codes ay nangangailangan ng mas marami pang oras kaysa sa sinabi niya…

Isa lamang itong wishful thinking!

Hindi sa minamaliit sila ni Xiao Mo pero isa talaga itong imposibleng misyon!

Nalukot ang mukha ni Xiao Mo at sinabi, "Miss Xia, nagpapasalamat ako sa paniniwala mo sa akin pero kung ang mga miyembro ng grupo mo ay tayong tatlo lamang, ang tsansa ng tagumpay ng plano mong ito ay zero percent."

Sa madaling salita, hindi niya matutulungan ang mga ito na maisagawa ito.

Inisip ni Xiao Mo na matitigilan si Xinghe pero dahil halata namang wala siyang alam sa personalidad ni Xinghe dahil hindi siya lubusang handa sa naging sagot nito sa kanya.