Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 889 - Napakaliit na Pag-asa

Chapter 889 - Napakaliit na Pag-asa

"Pero hindi na kayo mapapahintulutan na ipagpatuloy ang nauna ninyong pananaliksik. Sa madaling salita, magiging malayang taga isla kayo na namumuhay ng normal na buhay, hindi ba't ito ang buhay na gusto ninyo?"

"Ang buhay na gusto namin ay isang buhay na may kalayaan!"

Hindi sa kung saan ay nasa ilalim sila ng walang humpay na pagbabantay, at hindi sa kung saan hindi sila pinapayagang humakbang ng kahit isa palayo sa isla.

Kahit na sinabi ni Tong Liang na ang panahon ng obserbasyon ay tatagal lamang ng ilang taon, may pakiramdam silang hindi mapagkakatiwalaan ang salita ng babaeng ito. Kung gusto talaga nilang mahalo na sila sa publiko, bakit naman sila ihihiwalay sa isang maliit na isla?

Wala itong kinaibahan sa sentensiya sa Rikers Island. Ikukulong sila at hindi na mabibigyan pa ng kalayaan na desperado nilang hinahangad. Ang punto ay, sila lamang ang mananatili doon sa isla. Walang sinuman ang mapapayagang pumasok at umalis, at walang normal na lipunan at malayang kapaligiran, kaya ano ang kahulugan pang mabuhay doon?

Ano ang ipinagkaiba nito sa buhay nila sa moon base? Maaari pa silang mamuhay sa buwan dahil mayroon silang spiritual reservoir. Mayroon pa silang tinututukan na pananaliksik, kaya naman nasisiyahan pa sila sa resulta ng kanilang pagsasaliksik, pero aalisin din ito ng isla. Ang totoo, gugugulin nila ang natitira pang panahon ng kanilang buhay na naghihintay kay kamatayan.

"Hindi, hindi kami pupunta." Mariing umiling si Shi Jian. "Patayin na lamang ninyo ako, para hindi na ako muling dumanas ng buhay na walang saysay at walang pag-asa."

"Tama siya, hindi na namin hahayaan pa ang mga sarili naming mamuhay ng tulad niyon, at wala kayong karapatan na tratuhin kami ng ganito. Hindi na kami susuko sa mga hiling ninyo, hindi na!"

"Ang tanging paraan na madadala ninyo kami sa islang iyon ay kung dadalhin ninyo ang mga katawan namin!"

Nagsisimula nang magrebelde si Shi Jian at ang iba pa. Walang makakatulong sa kanila, kaya naman kailangan nilang iligtas ang kanilang mga sarili, ang labanan ang hindi makatarungang pagtrato sa kanila hanggang sa huli.

Naglaho ang ngiti ni Tong Liang, ang lumamig ang tingin nito. "Ikinalulungkot ko, pero ang kamatayan ninyo ay hindi na din ninyo desisyon. Ibinigay na namin ang pinakamainam, kaya ang pagtanggi ninyo ay walang saysay. Major George, nag-aksaya na tayo ng maraming oras, dalhin na silang lahat."

Napinid hanggang sa naging isang linya ang labi ni George at inanunsiyo nito, "Pakiusap ay sumunod na kayo sa amin, ito na lamang ang pagpipilian ninyo."

"Hindi kami susunod." Pinandilatan siya ni Shi Jian at may mariing determinasyon sa bawat salita nito. "Wala kayong karapatan para paglaruan kami ng ganito, at hindi kami sasama hanggang sa patayin ninyo kami."

"Mr. Shi, ito ang desisyong ibinigay ng United Nations; wala nang makakapagbago o makakasuway pa dito." Kahit na kinakaawaan sila ni George, inuuna pa din nito ang kanyang responsibilidad bilang isang sundalo. "Kaya naman, ang lumaban pa ay wala nang saysay. Pakiusap ay sumunod na kayo, maaaring may pag-asa pa sa hinaharap."

Sarkastikong sumagot si Shi Jian, "Sa tingin talaga ninyo ay may pag-asa pa? Ano'ng pag-asa?"

"Hanggang sa nabubuhay kayo, may pag-asa pa," mariing sagot ni George.

Napapatangang umiling si Shi Jian. "Hindi, wala nang pag-asa, hindi na namin maaaring gawin itong muli. Noong pinili kami ng He Lan family, nabubuhay na kami dahil sa pag-asa. Matapos ang maraming taon, sa wakas ay nakita naming nagkatotoo ito. Pero ngayon, winasak na naman ang pag-asa namin."