Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 890 - Naging Aktibo ang Kanilang Mithiin

Chapter 890 - Naging Aktibo ang Kanilang Mithiin

"Naranasan na ba ninyo ang pakiramdam na naialis ka na sa kawalan ng pag-asa at itinapon pabalik doon? Ang kawalan ng pag-asa sa ilalim ng isang taong kumukontrol sa buong buhay mo, kung saan ay nalasap mo na iyon dati?"

Sa pagkakataong iyon, ang lahat ay natahimik, kahit si George. Isa nga itong karanasan na wala sa kanila ang minalas na maranasan pa. Alam nila kung ano ang ginawa ng He Lan family sa mga ito. Trinato ang mga ito na parang basahan mula sa araw na ipinanganak ang mga ito. Ang kanilang buhay ay mas masahol pa sa alagang hayop ng isang pamilya.

Hindi iyon ang pinakamalala, dahil hindi pa nila nalalasap ang kalayaan. Hindi nila hahanapin ang isang bagay na hindi pa nila nararanasan.

Gayunpaman, ang pagbagsak ng He Lan family ang nagbigay sa kanila ng pag-asa, at ang matamis na pakiramdam ng kalayaan. Pero, ang katotohanan ay nagbalik sa kanilang muli sa kadiliman ng kawalan ng pag-asa. Ang pag-asa na taon bago nila nakuha matapos ang maraming paghihirap ay nawala na namang muli. Mas masakit pa ito kaysa sa kamatayan.

Ang ganitong klase ng kawalan ng pag-asa ay isang kakaibang karanasan para sa aknila. Wala nang makakaintindi ng kanilang sakit na nararamdaman. Kaya naman, hindi na nila maaaring hayaan ang kanilang mga sarili na mapasailalim pa ng kagustuhan ng kung sinuman. Kailangan nila ng bagong layunin sa buhay, isang bagay na mas higit pa kaysa maging puppet ng kung sinuman.

Kung wala nang iba pang pagpipilian, mas nanaisin pa nilang piliin ang kamatayan.

Habang ang mga kaisipang ito ang tumatakbo sa kanilang isip, umangil si Shi Jian sa pagitan ng mga nagtatangis niyang ngipin habang mabalasik niyang tinititigan ang mga ito. "Marami sa amin ang hindi pa nakakaranas ng isang araw ng pagiging malaya. Hindi naman sa hindi kami mabubuhay sa isla, pero ang nais namin ay maging malaya. Wala sa inyo ang makakaintindi ng paghahangad naming maging malaya.

"May mga bata pa na kasama namin na hindi pa nga umaabot ng sampung taon. Binigyan namin sila ng pag-asa na magiging iba na ang kanilang buhay, pero ngayon? Ang pinakamatanda sa amin ay halos singkwenta na ang edad. Inisip namin na sa wakas ay mahahayaan na namin ang mga nakakatanda sa amin na maranasan ang pahingang kinakailangan nila, ang kalayaan na inalis sa kanila, pero ngayon? Marami sa amin ang namatay sa kawalan ng pag-asa mula sa pagsikil sa aming kalayaan. Ang tanging dahilan na nakaligtas kami sa ngayon ay dahil sa pag-asa at ngayon ay kinukuha pa ninyo ang pag-asang iyon mula sa amin. Kaya naman, sinasabi ba ninyo na nararapat lamang sa aming abandonahin ng mundo, na mamuhay ng isang buhay na nararapat lamang sa isang hayop?!"

Ang talumpati ni Shi Jian ay gumising para magrebelde ang madla. Nagsimula na silang magprotesta. Kahit ang SamWolf ay sumali sa kanila sa pagpoprotesta. Ang sitwasyon ay nagiging magulo na at puno na ng init…

Tensiyunado na ang mga sundalo ni George, nag-aalala sila na ang bakbakan ay hindi maiiwasan. Tumingin si George tungo kay Tong Liang para humingi ng utos. "Miss Tong, ito ay…"

"Hilahin na silang lahat!" Walang emosyong utos ni Tong Liang, na tila ang mga taong ito ay hindi hihigit sa mga hayop para sa kanya. "Ang mga ito ay utos ng nakakataas, at wala nang makakapagbago pa dito. Kung gusto nila ng kalayaan, kailangan nilang maghintay sa mga pinakamatataas na opisyal para suriin ang kanilang kahilingan! Ngayon ay kailangan nating matapos ang misyong ito. Hinahayaan kayong gumamit ng dahas sa kung sinumang hindi susunod sa utos! Isa pa, kayong mga tao na naroroon, kapag nangahas kayong hindi sumunod sa utos, ay dadakpin kayo dahil sa obstruction of justice! Major George, huwag ka nang magsayang pa ng oras."

"...Yes, ma'am!" Tumango si George at ipinahayag ang walang pusong utos, "Dakpin sila at dalhin na silang lahat."

"Hindi kami aalis!" Nagsimula nang manlaban si Shi Jian at ang iba pa. Gayunpaman, wala silang panama sa mga bihasang sundalo. Ang ilang sumubok na tumakas ay nasunggaban at napadapa na sa sahig at napilit ng sumuko.